Natatawa s’ya habang binabasa ang mga komento ng netizens sa isang larawan nila ni Marion sa restaurant na kumalat sa social media ilang oras matapos nilang iwan ang lugar na ‘yon. Bagamat medyo madilim ang anggulo kung saan sila kinuhaan ng picture, maaaninag ang kamay ng binata na nasa likuran n’ya at parang inaalalayan siya palabas.
Kailan at paanong hindi niya naramdaman ‘yon?
Sari-sari ang naging reaksyon ng netizens, karamihan sa mga ito ay nagpahayag ng kanilang suporta dahil na rin sa paparating na teleserye na pagbibidahan ng dalawa, may iilan namang nagsabi na damage control umano ito sa eskandalo ni Marion at tila naaawa pa sa dalaga dahil s’ya umano ang maglilinis ng pangalan ng lalaki. Ang iba naman ay nagsasabing may chemistry na ang dalawa at hindi na kailangang i-work out pa.
Napangiti naman s’ya sa komentong ‘yon kahit papa’no. At least, hindi na nila kailangang magpaka-trying hard na paniwalain ang publiko. Lumipas man ang mga taon, alam na alam pa rin niya ang kiliti at pulso ng madla. She can pull this off without even trying.
“Abot-tenga ata ang ngiti mo d’yan? First time kang hindi nakabusangot habang binabasa ang mga comment ng netizens,” puna ni Geo habang nakapamewang pa ito.
Geoffrey, o Geo for short, ang 33-year-old partner-in-crime ni Selene sa mundo ng showbiz. Nagkakilala at unang nagkasama ang dalawa sa isang pelikula na nagsilbing stepping stone upang magbukas ang mas malalaking oportunidad sa kani-kanilang karera. Sa ngayon, pinili ng binata na pasukin ang industriya ng indie film at doon naman s’ya gumagawa ng pangalan. Katunayan, kakabalik lang nito sa Siargao matapos ang halos tatlong linggong shooting.
“Napansin mo ‘yon? Ang linaw naman ng mata mo.” biro ni Selene rito.
“I know you. Ayaw na ayaw mong nagbabasa ng comments online dahil sa mga netizen na matatabil ang dila. So what’s the catch?”
“What’s the catch?” ulit niya sabay lapag ng cellphone sa wooden table. “Anong what’s the catch ka d’yan? Masama bang magbasa ng comments online dahil bored ako?”
Inilapag ni Geo ang dalawang bote ng beer sa mesa. “Hindi ka bored, Selene. Meron kang ‘di sinasabi sa’kin. Ano ba ‘yon, ha?”
Napabuntong-hininga ang dalaga sabay kuha sa bote ng beer. Kilalang-kilala nga s’ya nito, wala s’yang matatago na kahit ano. Sa isa’t kalahating dekada ng pinagsamahan nila, kabisado na rin marahil ni Geo ang bawat galaw ng kaibigan.
“Eh, it’s not important.” matipid na sagot ni Selene sabay tungga ng beer.
Tinaasan s’ya ng kilay ng kausap sabay agaw sa cellphone nito. “Not important my ass, Selene. So anong tinatago mo rito?”
“Geo, give that back! I’m telling you it’s not important!”
Iiling-iling si Geo habang inilalayo ang cellphone sa dalaga. Lugi ito sa agwat ng tangkad nila kahit nakaupo. Geo is a solid 5’10” ft. habang 5’4” ft. naman si Selene kaya mahihirapan s’yang abutin at maagaw pabalik ang cellphone n’ya rito.
“Okay, ‘di ‘ko na pakikialaman ang cellphone mo, basta sabihin mo sa’kin ‘kung ano ang nangyari. Pakiramdam ‘ko talaga e may nangyari—”
“Marion Altamirano happened. That’s what happened, Geo.” bakas sa tinig ni Selene ang inis at pagkaburyo nang mabanggit muli ang pangalan ng binata.
Okay lang naman si Marion in general. Aaminin n’yang nasobrahan ang pagiging judgmental n’ya sa binata. Maliban sa insensitive comment nito tungkol sa dahilan ng pagkawala n’ya sa limelight sa loob ng isa’t kalahating taon at mangilan-ngilang snide remarks, okay naman itong kasama.
Pero ‘wag na sana s’yang tanungin kung pa’no niya ide-define ang salitang “okay” dahil ‘yon lang ang assessment niya sa kanyang future husband.
“Marion Altamirano, you mean the Marion Altamirano? ‘Yung may scandal—”
“Geo!”
“Sorry, sorry! Eh anong magagawa ‘ko, maingay ang pangalan n’ya dahil do’n e. Saka ano ka ba naman Sel, parang ‘di ka naman sanay na pinagpapasa-pasahan ang mga ganyan sa showbiz.” defensive na tugon ng kaibigan sabay lapag ng cellphone ng dalaga sa mesa.
Totoo naman ang sinabi ng kaibigan. Panigurado ay kumalat na rin sa mga kapwa nila artista ang balita bago pa ito pag-usapan sa social media. Ang pinagkaiba nga lang nila sa mga netizen, hindi na ito big deal para sa kanila.
“So anong meron sa kanya? Bakit naman bigla kang bumusangot?”
Huminga nang malalim si Selene bago siya muling tumingin sa kaibigan. Sasabihin na niya ang planong pagkakasal nila ni Marion. Tutal naman, hindi na iba si Geo sa kanya—parang kapatid na ang turing niya rito. At isa pa, kailangan din niya ng taong mapagsasabihan ng life-changing decision na ito.
“May sasabihin ako sa’yo, but promise me na makikinig ka at patatapusin mo ‘kong magsalita—”
“Buntis ka?!”
“What the hell, Geo!” inis na sagot ni Selene. “Kakasabi ‘ko lang na patapusin mo ‘ko, ‘di ba?”
“Okay, sorry naman. Nakakakaba kasi ‘yang mga ‘may sasabihin ako’ narrative.” bumuntong-hininga naman si Geo. “Pero ‘di ka buntis ha? Baka mamaya magulat na lang ako—”
Inirapan siya ng dalaga. “‘Di ako nananakit pero baka gawin ‘ko ngayon.”
“Susmaryosep, Selene. Pwede bang kumalma ka? Binibiro lang kita pero inis na inis ka na d’yan e.” pabirong sagot ng binata sabay tapik sa balikat nito. “I’m always ready to listen. Just drop the bomb, walang arte-arte.”
“If you say so,” muling huminga nang malalim si Selene. “MarionandIaregettingmarried—”
Tinaasan s’ya ng kilay ni Geo. “What? Pwede bang dahan-dahanin mo naman, Sel? Para kang rapper sa bilis ng bibig mo.”
“Marion and I are getting married, Geo. Okay? There! I said it! Okay na ba?”
Hindi umimik si Geo.
“Geo? Naririnig mo ba ‘ko? Sabi ko—”
Isang malakas na tawa ang iginanti ni Geo habang hinahampas-hampas pa nito ang mesa. “Sabi ‘ko naman sa’yo wag mo ‘kong bibigyan ng spoiler sa teleserye n’yo ‘di ba? Killjoy naman, Selene!”
Napasapo na lamang si Selene sa kanyang ulo. Nasabi na nga rin pala niya rito na may pagbibidahan siyang isang teleserye kung saan niya makakatambal si Marion bago ito lumipad pa-Siargao.
“Hate to break it out to you, my friend, pero ‘di spoiler ang tinutukoy ‘ko. Pumirma ako ng kontrata sa office ni Chris kanina.”
“Anong kontrata?”
“Na pumapayag akong magpakasal kay Marion, duh.”
“At bakit ka magpapakasal do’n? Ni hindi mo pa nga siya nakikilala ng lubusan, Selene. Anong nangyari sa’yo? Pinilit ka ba ni Chris?” nag-aalalang tanong ni Geo sa kanya.
Kung tutuusin, Chris kinda convinced her to sign the papers, pero hindi na niya sasabihin ‘yon sa kaibigan. Ginusto rin naman n’yang pumirma dahil sa pansariling kapakanan.
“And maybe to save your dying career—”
At iyon ay para maisalba pa ang career n’ya.
“No, no! Don’t worry, it’s on me. Hindi n’ya ‘ko pinilit o anuman. Naisip ‘ko lang naman na baka ito ‘yung time na…”
“No, stop right there, Selene,” bumuntong-hininga na lang si Geo at hinawakan ang mga kamay n’ya. “Umamin ka nga, bakit ka pumayag sa gano’n? Is it something personal? Pera–?”
“Geo, stop. ‘Di ‘to tungkol sa pera. Pero it is personal. I need to save my career.”
“Career. Kailangan mong i-save ang career mo by what, saving his reputation as well? Sigurado ka bang ‘di ka lugi sa kasunduan n’yo? Selene, mainit ang mata ng mga tao kay Marion ngayon. Gugustuhin mo bang madamay do’n?”
“No. ‘Wag kang mag-alala sa’kin, Geo. ‘Di ako madadamay, okay?” ngumiti siya sa binata. “Isa pa, parehas lang kaming makikinabang sa kung anong meron kami ngayon. Matatabunan na ‘yon kapag nagsimula na kaming pag-usapan sa publiko.”
“Are you trying to convince me, o sarili mo ang kinukumbinsi mo?”
Natigilan naman si Selene sa tanong na iyon at napasandal sa kinauupuan n’ya. Sino nga ba ang higit na kinukumbinsi n’ya sa mga oras na ‘yon?
Hindi naman n’ya gusto ang magpakasal agad-agad na para bang naisipan n’ya lang bumili ng bagong damit sa mall, o mag-sky diving dahil lang trip n’ya. Hindi gano’n ang pagpapakasal, hindi ganon kadali ang matali sa isang tao na makakasama n’ya for the rest of her life. Pero nakapirma na s’ya sa kontrata, sealed and legalized na ‘yon.
At ngayon, kailangan na niyang gawin ang part n’ya.
“Wala akong kinukumbinsi, Geo. Sinasabi ‘ko ito kasi kaibigan kita, at ayokong maglihim sa’yo. I’m getting married with Marion so… yehey,” pabiro n’yang sabi sa kausap habang nakasimangot naman ang kaibigan. “Pwede ba, huwag kang sumimangot ng ganyan! Para kang inutangan ng isang milyon!”
Padabog na kinuha ni Geo ang bote ng beer sabay tungga rito.
“Drink moderately!”
Hindi kumibo si Geo.
“Geo, easy! Alam ‘ko namang concerned ka sa’kin and I promise, okay lang ako. I wanted to do it, anyway.”
“Maiinlove ka ba sa kanya, ha, Selene?”
Kapwa silang natahimik. Maiinlove nga ba siya sa binata?
Maaga pa para magpasya rito, ni hindi pa nga n’ya kilala nang lubos ang lalaking ‘yon! Ang pangit naman siguro ‘kung magsasalita s’ya ng tapos nang hindi pa n’ya nakakasama si Marion. Bagamat naging insensitive ito kanina, sapat na bang dahilan ‘yon para husgahan n’ya ang pagkatao ng binata? She gives him the benefit of the doubt.
“Hindi ‘ko alam, Geo. Saka ‘di ‘ko iniisip ‘yon. Literal na wala pa kami sa getting-to-know stage, ‘no! Nakaka-pressure naman ‘yang tanong mo. Bakit—”
“Selene, bakit kasi ‘di mo ko hinintay?” tila nagsusumamong tanong nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Selene sa narinig.
Nakapalumbabang nakatingin si Selene sa kawalan habang abala naman ang mga tao sa likuran n’ya. Rinig na rinig din sa loob ng coffee shop ang mga sikat na kanta no’ng 80s na parang may pa-throwback segment pa.Araw iyon ng Sabado, alas-nuebe ng umaga. Ngunit pakiramdam n’ya ay palubog na ang araw sa bigat ng iniisip at nararamdaman n’ya. Hindi pa rin kasi maalis sa kanyang isipan ang pagtatapat na iyon ni Geo.Matagal na n’yang kilala ang binata. Sa dami na rin siguro ng mga pelikula, commercial ads at maging TV guestings na pinagsamahan nila, mas lalong lumalim pa ang pagkakaibigan ng dalawa. Ngunit hindi niya naisip na darating sila sa sitwasyong may iisang aamin ng kanyang lihim na pagtingin.Bakit ngayon pa? Sapo-sapo ni Se
“Tell me we’re not in Casa Evangelista right now!”Gulat na gulat pa rin si Selene habang paulit-ulit nitong ginagala ang kanyang mga mata sa paligid at paminsan-minsan pa ay nangingiti ito.Matagal na mula nang una siyang makarating sa lugar na iyon, mga pitong taon na siguro ang nakalilipas. Kaya naman nang makumpirma nga niyang naroon sila sa Casa Evangelista ay abot-tenga ang ngiti ng dalaga.Kilala ang nasabing lugar sa tablea menu nito kung kaya’t kakailanganin mo pang magpareserve ng maaga para lang makapunta at ma-accomodate ng buong staff. Ilang beses na ring naitampok ang lugar sa telebisyon at mga magasin
“Pinagsasasabi mo, Marion? Alam mo, hindi sa’kin tatalab ‘yang acting mo ha.” iritang sabi ni Selene sabay subo sa hipon. “Kumain ka na nga lang!”Napailing naman ang binata bago ito ngumuso habang nakaturo gilid ng pisngi n’ya.“Can you stop with that pout, Marion? I’m not gonna kiss you!” pabulong na tugon ng dalaga habang masama pa rin ang tingin n’ya sa kaharap. “Saka ‘wag mo ‘kong i-distract. Ang sarap ng kain ‘ko rito.”“Sinong may sabing gusto ‘kong magpahalik sa’yo?” ganting tanong naman ni Marion sabay turong muli sa pisngi niya. “May tumalsik na balat ng hipon sa pisngi mo, punasan mo nga at baka isipin nila e ginugutom kita.”
“Are you kidding me? Bakit ba tayo huminto rito?” inis na tanong ni Marion nang ihinito ni Selene ang sasakyan sa tapat ng isang laundry shop.Hinding-hindi n’ya tatanggalin ang pantalon n’ya ‘no, never! Hindi s’ya sanay na magtanggal ng piraso ng damit sa harap ng ibang tao, much worse, sa harap pa ni Selene Garcia. He just can’t do it, hindi s’ya kumportable.“Kasi ho, ipapa-dry clean ‘ko nga ‘yang pantalon mo. ‘Di mo ba ako naririnig o nagbibingi-bingihan ka lang d’yan? Bilisan mo na!” nagmamadali namang tugon ng aktres at nakatingin na ito sa kanya nang masama. “‘Wag kang mag-alala, Mar
“Mukha naman palang nagkakasundo na kayo ni Marion, so, should we discuss the next plan?”Napatunganga si Selene sa sinabing iyon ni Chris, tila hindi rin siya makagalaw sa kinauupuan niya no’ng mga oras na iyon. Anong nagkakasundo? Malayong-malayo iyon sa katotohanan! Napasapo na lamang siya sa kanyang ulo at muling bumalik sa kanyang alaala ang mga kaganapan noong Sabado kung saan kasama nga niya ang aktor sa apartment n’ya buong gabi. Oo, buong gabi.Nagsimula lamang iyon sa paisa-isang bote ng beer hanggang sa naging dalawa, at kalauna’y nasundan pa ng ilang bote ng beer at vodka. Hindi na rin sila nakabalik ni Marion sa laundry shop na ‘yon dahil kapwa na silang
Kung meron man siyang pinagsisisihan noong mga oras na ‘yon, iyon na marahil ang pagpayag na sumama pa rin siya sa date ng dalawang nasa harapan niya. Gusto na lamang niyang umuwi at magpahinga.Naroon pa rin sila sa sandwich place, hinihintay na matapos kumain si Naya. Naparami kasi ang order nito at ngayon ay nahihirapan s’yang ubusin ang dalawang chicken and cheese burger na nasa mesa. Bihira lang daw kasi kumain ng sandwich ang modelo, dahil na rin siguro sa striktong diet plan na sinusunod nito upang mapanatili ang maganda at perpektong hubog ng katawan ng dalaga.“Come on, Marion. Ubusin mo na ‘to for me,” tila nagsusumamong pakiusap ni Naya at nagpout pa ito upang makuha ang atensyon ng aktor. “Hindi ‘ko na kasi kaya. Ple
“Balita ‘ko, nagde-date na sila!”“Ha? Parang kailan lang e kalat na kalat pa ang scandal niyang si Marion kasama si Naya, ‘di ba? Tapos ngayon, kasama naman niya si Selene?”“Malay n’yo naman kaya lang sila magkasama e dahil may teleserye sila?”“Shunga! Kung trabaho pa rin ang dahilan bakit magkasama sila, para saan ‘yang pagho-holding hands nila? Ano ‘yun, kahit tapos na shooting nila, may camera pa rin?”Rinig na rinig ni Selene ang bulungan ng mga nasa kabilang table habang pinipilit ang sariling magfocus na lamang sa pagkaing nasa harapan niya. Hindi na niya kailangang lumingon sa mga ito ngunit alam n’yang abala ang mga ito sa pakikipag-chismisan
“Hindi sa’yo bagay ‘tong dress. Ito isusuot mo?” tanong ni Marion nang muling pasadahan ng tingin ang puting off-shoulder dress na suot-suot ni Selene. “Seryoso ka? Magpapabakuna ka ba at ‘yan ang isusuot mo?”Tumaas naman ang kilay ni Selene sa komentong iyon ng lalaki. Hindi ba pwedeng sabihin na lamang niya na maganda at bagay sa kanya ang damit? Andami pang sinabi! “Dahil naka-off shoulder, magpapabakuna agad? Trying hard ka rin magpatawa ‘no?”“Hindi ako nagpapatawa. Pasasaan pa ang pagsusuot ng off shoulder dresses, aber?” tila naghahamong tanong ng aktor. Nang hindi umimik si Selene ay napaismid ito sabay s
Malaki ang ipinagpapasalamat ni Selene sa presensya ni Geo dahil kung wala ang kaibigan, marahil ay nagmukha na naman s’yang third wheel habang nakatingin kina Naya at Marion.Kakauwi lamang ng aktres mula sa ospital makaraan ang isang araw na pananatili do’n dahil sa lagnat. Nabagot na rin kasi siya doon at mas ginusto na lamang n’yang magpagaling na lang sa bahay—at baka ano pa ang isipin ng mga tao kung magtatagal pa siya sa lugar na ‘yon. The place reminded her of her late mom, masyado nang masakit ang mga ‘yon kung aalalahanin pa niya.At ngayon, narito s’ya sa hapag kainan kaharap ang asawa kasama sina Naya at Geo. Kaharap n’ya ang aktor at pinagmamasdan ang pagngiti nito sa modelo habang abala naman si Naya sa pagnguya ng
Pakiramdam ni Selene ay matutunaw na s’ya sa tingin ni Geo.Kanina pa kasi ito nakatitig sa kanya habang nilalantakan ang burrito na pinabili n’ya sa kaibigan bago ito makarating sa ospital. At mula nang ikuwento n’ya sa lalaki ang naging away nila ni Marion, napako na ang tingin nito sa kanya.“Geoffrey, kung ice cream siguro ako rito, baka kanina pa ‘ko natunaw.” komento n’ya at muling nginuya ang pagkain. Nagawa pa niyang irapan ang lalaki.Natatawa naman habang naiiling si Geo sa sinabi ng kaibigan. Nagawa pa niyang iabot dito ang isang pakete ng sauce na malugod namang tinanggap ng aktres. “Teka, nagpi-pick-up line ka ba o ano? Sige ka, baka kiligin ako masyado.”“
“Marion, nasa’n ka ba? Kanina pa kita tinatawagan. Si Johnny, kanina pa rin text nang text sa ‘yo. Ano bang balak mong gawin?” tanong ni Selene sa aktor mula sa telepono habang nakatingin sa nagpapanic na talent manager nito.Ngayong araw ang nakatakda sanang shoot para sa mini commercial ng dalawa para sa isang sikat na beverage company. Nasa Makati ang studio kung saan sila kukunan ng ilang clips para sa print, digital at TV ad. Alas-onse na iyon ng umaga at tanging si Marion na lamang ang hinihintay ng mga tao. Ito rin ang dahilan kaya hindi na mapakali ang manager niyang si Johnny.“Nandito ako sa Rizal. Ano bang—shit! Teka, may schedule ba tayo ngayong araw?” Rinig na rin sa boses ng lalaki ang pagkataranta. Saglit pa ay ti
Bakas sa mukha ni Marion ang pagkainis. Mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa manibela habang tahimik nilang binabagtas ang kahabaan ng EDSA upang puntahan ang talent agency ng aktor. Maging si Selene ay ramdam ang bigat ng tensyon sa loob ng sasakyan ng mga oras na ‘yon. Natatakot s’ya sa pwedeng mangyari.Hindi pa niya nakita nang gano’n si Marion mula nang magkakilala sila. Marahil nga ay may pagka-suplado at antipatiko ito, ngunit hindi pa nagalit nang gano’n ang lalaki maging sa kanya kahit halos araw-araw silang nagbabangayan.“Marion,” tila nag-aalinlangang tawag ni Selene. Kanina ay baliktad ang sitwasyon nila: Siya ang galit habang sinusuyo siya ng lalaki ngunit ngayon, s’ya na ang umaamo rito. “hey, can you calm down a bit? Baka kung anong masabi mo kapag nakaharap na natin ang manager mo—&r
"In fairness, you're glowing, Selene! Hey, that's Marion's doing, huh? Congrats ulit sa inyo!"Tipid ang ngiti ni Selene sa pagbating iyon ni Dana, host ng morning show sa kaparehong network kung saan nagtatrabaho ang mag-asawa. Ito ang una sa tatlong television interviews na gagawin nila ni Marion kaya't mainit pa rin ang usapin tungkol sa kasal ng dalawa.Alas-nuebe iyon, araw ng Martes at kasalukuyang abala na ang ibang staff sa paghahanda ng mga kakailanganin sa live show: mula sa lighting hanggang sa iba't ibang kamera na nakapalibot sa buong set. Hindi na rin magkamayaw ang mga PA at set designer sa pagmamadali upang ayusin ang mga last minute re-touch ng entablado. Tatlumpung minuto na lamang kasi ay eere na ang palabas.As usual, magkasabay na dumating ang dalawa with matching holding ha
Napakunot ang noo ni Selene habang tinitingnan ang bouquet ng white and yellow roses sa mesa. Katabi nito ang isang puting envelope.Nagdedebate ang isip niya kung sisilipin nito ang laman ng envelope, o kung hahayaan na lamang n’ya ang bulaklak na ‘yon dahil paniguradong si Marion ang bumili no’n—at hindi naman kasi n’ya hilig ang makialam sa gamit at pag-aari ng iba.Bahala na, usal ni Selene sa sarili at tutungo na sana s’ya ng kusina upang kumuha ng tubig nang biglang tumunog ang cellphone n’ya, isang sensyales na may nagpadala sa kanya ng text. Si Marion.Got you something as a peace offering. ‘Di ko naman
“Perfect, Selene! Marion, scoot closer. Hold her waist—’yan ganyan!” sigaw ng photographer sa likod ng kamera. “Wait, stay in that pose for a while tapos freestyle na tayo, okay?”Lihim na napasinghap si Selene nang maramdaman niya ang paghawak ni Marion sa bewang n’ya upang sundin ang utos ng photographer na ‘yon. Bagamat walang salitang namutawi sa mga labi ng aktres, alam n’yang naramdaman ni Marion ang pagkailang niya nang magtama ang mga balat nila—halata iyon sa pilit na ngiting iginawad n’ya.“Selene—Selene! ‘Wag mo akong bigyan ng ngiting pilit, please.” puna ng photographer at muli itong lumingon sa dalawa. “Saka dumiki
Padabog na ibinaba ni Selene sa carpet ang huling box na buhat n’ya. Naglalaman ito ng mga designer bags n’ya na nabili pa n’ya mula sa ibang bansa kapag nag-a-out of the country trip s’ya. Muli n’ya pang sinamaan ng tingin ang sahig bago ito napabuntong-hininga.“Tulungan na kita?” tanong ni Marion at akma na sana nitong kukunin ang box ngunit biglang nagsalita ang naggagalaiting si Selene.“May kamay ako, Marion. I can carry the box.” singhal ng aktres at tinaasan ng kilay ang lalaki. “At pwede ba, ‘wag mong haharangan ang dadaanan ‘ko. ‘Di lang ikaw ang nagmamadali.”That made Marion’s blood boil. “What’s your problem? Ako na nga ‘tong nag-ooffer ng tulong sa
Simula pa lang ito, pilit n’yang inuulit ang mga katagang iyon sa isip n’ya. Simula pa lang ito.Naramdaman n'ya ang paghagod ng tingin sa kanya ni Marion mula nang makarating sila sa isang pribadong villa sa Batangas 'kung sa'n ang honeymoon nila. Kanina pa ito walang kibo.Ayaw na sana niyang sumama rito, ngunit dahil na rin sa pangungulit ni Chris at ilang miyembro ng media na tila mas excited pa sa kahahantungan ng honeymoon na ‘yon, wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag na lamang.“Matutunaw na ‘ko sa katitingin mo.” ani Selene nang matanggal na rin n’ya sa wakas ang 4-inc