“Tell me we’re not in Casa Evangelista right now!”
Gulat na gulat pa rin si Selene habang paulit-ulit nitong ginagala ang kanyang mga mata sa paligid at paminsan-minsan pa ay nangingiti ito.
Matagal na mula nang una siyang makarating sa lugar na iyon, mga pitong taon na siguro ang nakalilipas. Kaya naman nang makumpirma nga niyang naroon sila sa Casa Evangelista ay abot-tenga ang ngiti ng dalaga.
Kilala ang nasabing lugar sa tablea menu nito kung kaya’t kakailanganin mo pang magpareserve ng maaga para lang makapunta at ma-accomodate ng buong staff. Ilang beses na ring naitampok ang lugar sa telebisyon at mga magasin dahil na rin sa ganda ng interior design nito. Minimalist with a Pinoy touch. May flower garden din sa east wing nito na siyang dinadayo ng mga guest at turista.
Ito siguro ang dahilan kung bakit nasabi ni Marion na homey vibe rin ang lugar na pupuntahan nila. Speaking of the devil, nakatingin lang sa kanya ang binata habang nakasunod ito sa likuran niya.
“It’s been years! Nandito pa rin ‘yung iconic Filipiña painting!” bulalas ni Selene nang mapansin ang isang malaking painting sa bukana ng naturang lugar. Agad n’yang kinuhaan ng larawan ang artwork. “Look, Marion, the three ladies represent the country, and see the banners na iwinawagayway nila? That’s—”
“Different issues in the society,” sagot ni Marion at tinuro ang painting. “Tungkol sa women empowerment ang painting. Luz, Visayas and Minda stands for motherhood, sensuality and nature. ‘Yang mga banners sa hawak-hawak nila, it symbolizes their eagerness na ipaglaban ang kanilang karapatan.”
Tila natameme naman si Selene sa narinig na paliwanag ng binata. Ito ata ang unang beses na may naka-appreciate at nakaintindi ng mensahe ng painting from the opposite sex at hindi n’ya namalayang nakangiti na pala ito the whole time.
“Halika na sa loob, baka gutom ka na.” pag-aaya naman ni Marion sabay kuha muli sa kamay niya at pumasok na ang dalawa sa loob.
Hindi lang classic restaurant ang Casa Evangelista. Parang nagbalik ka rin sa nakaraan sa unang libot mo sa lugar. Aakalain mong binisita mo ang sikat na tahanan ni Dr. Jose Rizal sa Laguna, o kaya naman pinasok mo ang Intramuros dahil sa disenyo nito. Bagay na bagay din ang jazz music na maririnig mo sa loob.
“Pa’no mo nalaman ‘tong lugar?” tanong ni Selene nang makaupo na sila ni Marion.
Maganda ang pwesto nila kung kaya’t sigurado s’yang ‘di lang tiyan niya ang mabubusog kundi pati ang mga mata n’ya.
“Matagal nang nirekomenda sa’kin ng kaibigan ‘ko ang lugar na ‘to. Alam mo naman, laging busy at puno ang schedule ng mga artista. Bihira lang makapag-me time. Naisip ‘ko, bakit ‘di ko subukang puntahan ngayon. Tutal naman e libre ang sched ‘ko.”
Tumango-tango ang dalaga. “How about the painting?”
“Nabanggit ‘yung painting sa isa sa mga art courses ‘ko nung college,” sagot ni Marion at sumandal ito sa upuan. “Ernesto Alcaraz made a series of painting about women. Ang alam ‘ko, ‘yung Filipiña is dedicated to the owner of Casa Evangelista. Kaya naman bago mamatay si Alcaraz, nakalagay sa last will and testament na i-donate rito ‘yung painting.”
Seryosong-seryoso si Marion habang nagpapaliwanag, akala mo ay iniinterview s’ya ng media. Alam na alam n’ya ang sasabihin na para bang ito ang buhay n’ya. Ang kaibahan nga lang, hindi tungkol sa next project o TV guesting ang pinag-uusapan nila.
Heto sila ngayon, magkaharap habang hinihintay ang inorder nilang pagkain at pinag-uusapan ang buhay ng sikat na pintor. Para sa mga artistang kagaya nila, iilan na nga lang ba ang nakaka-appreciate ng ganitong set-up?
Para kay Selene, it’s the little things in life that matter.
“Alam na alam mo ‘yung story behind the painting, ha? Quite impressive.” puri ni Selene sa binata na siyang dahilan upang tumawa ito. “And I mean it. Baka isipin mo naman, half-assed lang ‘yung sinabi ‘ko.”
“Wala naman akong sinabi, but okay.” pabirong tugon ni Marion. “Eh ikaw? Paano mo natuklasan ang lugar na ‘to?”
Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ni Selene sa tanong na iyon.
Minsan nang naging espesyal sa kanya ang Casa Evangelista dahil ito na lamang ang lugar na nagpapaalala sa pinagsamahan nila ng kanyang dating nobyo. Ngunit ito rin ang lugar na nagpapaalala sa masakit na katotohanan na matagal na silang tapos nito.
Huminga nang malalim si Selene bago ito sumagot. “Dito kami nagkakilala ni Jared.”
“I’ll assume na siya ‘yung ex-boyfriend mo?”
Tumango ang dalaga.
“Sorry. ‘Di ‘ko naman alam—”
“It’s okay. Nagtanong ka lang naman and I just answered it.”
Hindi kumibo si Marion. Bakas din ang biglang pagbabago ng ekspresyon nito.
“Marion?”
“Yes, Selene?” sagot ng binata habang nakatingin sa mga mata niya. “May kailangan ka pa ba?”
“Bakit mo ‘ko dinala rito?”
“Tinatanong pa ba ‘yan? I thought I made myself clear. Sinabi ‘ko sa’yo kanina na naisip ‘ko lang na i-try ‘to dahil na rin sa suggestion ng kaibigan ‘ko. Isa pa, gusto rin kitang i-spoil kahit papa’no.”
“Okay. So what’s the deal at bigla atang nag-iba ‘yang timpla ng mukha mo?” nakataas ang kilay ni Selene at tila pilit n’yang pinapaamin ang kausap. “Don’t even deny it, kumukunot ang noo mo.”
“It’s not!”
“Ang defensive mo.”
“Pwede bang manahimik ‘ka na lang, Selene. Shit, bakit ang kulit mo?” napasapo na lang si Marion sa ulo niya habang nakatingin sa dalaga habang pinagtatawanan s’ya nito. “Hey, what’s funny? Sa tingin mo nakakatawa ‘ka?”
Tumatawa pa rin si Selene habang umiiling-iling ito. Wala naman talagang nakakatawa sa sitwasyon nila, ngunit para makaganti lang rito, sinusubukan n’yang ubusin ang pasensya ni Marion. At mukhang tumatalab na nga ito.
“Wala naman akong sinabing nakakatawa ako. Gusto ‘ko lang namang malaman kung bakit nakabusangot ka d’yan na para kang inagawan ng candy.” pang-aasar pa nito.
Inirapan s’ya ni Marion. “Pwede ba, manahimik ka na lang. I just want peace!”
“Peace mo mukha mo. We’ll be living under the same roof kaya ngayon pa lang, you have to deal with me, Altamirano. That’s the least thing you can do.”
Sinamaan s’ya ng tingin ng lalaki.
“What’s on your mind?” nakangiting tanong ni Selene na paminsan-minsan ay nagpa-pout pa. “Or should I say, anong tumatakbo d’yan sa utak mo? Baka gusto mo namang i-share?”
“Wala akong dapat i-share dahil pinahahalagahan ‘ko ang privacy ‘ko. Kumain ka na nga lang!” tila nagta-tantrums na sagot ni Marion na siya namang dahilan upang ngumiti ang nagsisilbi ng inorder nila.
Nasa mid-50s na siguro ang serbidora. May iilang puting buhok na ang makikita sa naka-bun niyang buhok. Suot-suot nito ang uniporme ng nasabing kainan. Felicia ang nakalagay sa name tag nito.
“Naku, sorry po at nakakaistorbo kami sa ibang customers,” nahihiyang humingi ng paumanhin si Seline sa matanda. “Medyo napalakas lang po ang usapan namin ng boyfriend ‘ko.”
Boyfriend. Kapwang nanlaki ang mga mata nila Selene at Marion nang mapagtanto ang sinabi ng dalaga. Agad namang tinunton ng kanyang mga mata ang direksyon ng lalaki, lihim itong natatawa at nagawa pang kumindat sa kanya. The nerve of this guy!
Natawa na lang ang matanda at muling ngumiti sa dalawa bago ito tumalikod at umalis.
“Ang saya mo ‘no?” sarkastikong tanong ni Selene nang mapansing humahagikhik ang binata.
“Sabi ng mommy ‘ko, mas nakakahaba raw ng buhay kapag may asawa kang may sense of humor. Siguro naman aabot ako ng 90-anyos kapag ikaw ang kasama ‘ko.” hirit naman ni Marion na naiiyak na sa katatawa.
“Gano’n? Sabi naman ng papa ‘ko, hindi na raw ako aabot ng 60-anyos kung may asawa akong sakit sa ulo. Pero sa nakikita ‘ko sa’yo, ‘di ka lang sakit ng ulo, sakit ka pa sa mata.”
Katahimikan.
“‘Di bale nang sakit ng ulo at mga mata mo, pero hindi ng puso mo.”
Tila nabilaukan naman si Selene sa narinig.
“Pinagsasasabi mo, Marion? Alam mo, hindi sa’kin tatalab ‘yang acting mo ha.” iritang sabi ni Selene sabay subo sa hipon. “Kumain ka na nga lang!”Napailing naman ang binata bago ito ngumuso habang nakaturo gilid ng pisngi n’ya.“Can you stop with that pout, Marion? I’m not gonna kiss you!” pabulong na tugon ng dalaga habang masama pa rin ang tingin n’ya sa kaharap. “Saka ‘wag mo ‘kong i-distract. Ang sarap ng kain ‘ko rito.”“Sinong may sabing gusto ‘kong magpahalik sa’yo?” ganting tanong naman ni Marion sabay turong muli sa pisngi niya. “May tumalsik na balat ng hipon sa pisngi mo, punasan mo nga at baka isipin nila e ginugutom kita.”
“Are you kidding me? Bakit ba tayo huminto rito?” inis na tanong ni Marion nang ihinito ni Selene ang sasakyan sa tapat ng isang laundry shop.Hinding-hindi n’ya tatanggalin ang pantalon n’ya ‘no, never! Hindi s’ya sanay na magtanggal ng piraso ng damit sa harap ng ibang tao, much worse, sa harap pa ni Selene Garcia. He just can’t do it, hindi s’ya kumportable.“Kasi ho, ipapa-dry clean ‘ko nga ‘yang pantalon mo. ‘Di mo ba ako naririnig o nagbibingi-bingihan ka lang d’yan? Bilisan mo na!” nagmamadali namang tugon ng aktres at nakatingin na ito sa kanya nang masama. “‘Wag kang mag-alala, Mar
“Mukha naman palang nagkakasundo na kayo ni Marion, so, should we discuss the next plan?”Napatunganga si Selene sa sinabing iyon ni Chris, tila hindi rin siya makagalaw sa kinauupuan niya no’ng mga oras na iyon. Anong nagkakasundo? Malayong-malayo iyon sa katotohanan! Napasapo na lamang siya sa kanyang ulo at muling bumalik sa kanyang alaala ang mga kaganapan noong Sabado kung saan kasama nga niya ang aktor sa apartment n’ya buong gabi. Oo, buong gabi.Nagsimula lamang iyon sa paisa-isang bote ng beer hanggang sa naging dalawa, at kalauna’y nasundan pa ng ilang bote ng beer at vodka. Hindi na rin sila nakabalik ni Marion sa laundry shop na ‘yon dahil kapwa na silang
Kung meron man siyang pinagsisisihan noong mga oras na ‘yon, iyon na marahil ang pagpayag na sumama pa rin siya sa date ng dalawang nasa harapan niya. Gusto na lamang niyang umuwi at magpahinga.Naroon pa rin sila sa sandwich place, hinihintay na matapos kumain si Naya. Naparami kasi ang order nito at ngayon ay nahihirapan s’yang ubusin ang dalawang chicken and cheese burger na nasa mesa. Bihira lang daw kasi kumain ng sandwich ang modelo, dahil na rin siguro sa striktong diet plan na sinusunod nito upang mapanatili ang maganda at perpektong hubog ng katawan ng dalaga.“Come on, Marion. Ubusin mo na ‘to for me,” tila nagsusumamong pakiusap ni Naya at nagpout pa ito upang makuha ang atensyon ng aktor. “Hindi ‘ko na kasi kaya. Ple
“Balita ‘ko, nagde-date na sila!”“Ha? Parang kailan lang e kalat na kalat pa ang scandal niyang si Marion kasama si Naya, ‘di ba? Tapos ngayon, kasama naman niya si Selene?”“Malay n’yo naman kaya lang sila magkasama e dahil may teleserye sila?”“Shunga! Kung trabaho pa rin ang dahilan bakit magkasama sila, para saan ‘yang pagho-holding hands nila? Ano ‘yun, kahit tapos na shooting nila, may camera pa rin?”Rinig na rinig ni Selene ang bulungan ng mga nasa kabilang table habang pinipilit ang sariling magfocus na lamang sa pagkaing nasa harapan niya. Hindi na niya kailangang lumingon sa mga ito ngunit alam n’yang abala ang mga ito sa pakikipag-chismisan
“Hindi sa’yo bagay ‘tong dress. Ito isusuot mo?” tanong ni Marion nang muling pasadahan ng tingin ang puting off-shoulder dress na suot-suot ni Selene. “Seryoso ka? Magpapabakuna ka ba at ‘yan ang isusuot mo?”Tumaas naman ang kilay ni Selene sa komentong iyon ng lalaki. Hindi ba pwedeng sabihin na lamang niya na maganda at bagay sa kanya ang damit? Andami pang sinabi! “Dahil naka-off shoulder, magpapabakuna agad? Trying hard ka rin magpatawa ‘no?”“Hindi ako nagpapatawa. Pasasaan pa ang pagsusuot ng off shoulder dresses, aber?” tila naghahamong tanong ng aktor. Nang hindi umimik si Selene ay napaismid ito sabay s
“Anong elopement? Anong pumasok sa mga utak n’yo para maisipang papayag kami sa elopement?” pigil ang inis na tanong ni Johnny sa dalawang artista nang makaharap n’ya ang mga ito—dalawang araw matapos ang pahinga ng mga ito matapos ang huling araw ng shooting.Naro’n sila sa opisina ni Chris no’ng mga oras na iyon at wala itong magawa kundi ang pagmasdan lamang ang dalawa. Hindi ito umiimik, ngunit napako ang tingin nito kay Selene.“Dapat nga ang gawin n’yo e todo arte kayo sa publiko para may maniwala!” pinagbalingan nito si Marion na blanko rin ang ekspresyon. “Ikaw naman, Marion, wala ‘to sa usapan. ‘Di ba ang sabi e magpo-propose ka sa pampublikong lugar? So saan galing ‘tong elopement na ‘to—siguro may nangyari sa inyo ‘no?!”
“Dyusko, Selene, ngumiti ka nga riyan. Constipated ka ba?”Hindi na napigilan ni Selene ang mapairap nang marinig ang komentong ‘yon sa ika-anim na pagkakataon. Magmula kasi nang simulan s’yang ayusan para sa kasal niya ay hindi na nito magawa pang ngumit o tumawa man lang.Nakailang puna na rin si Chris habang binibiro pa nito ang aktres na maging masaya na lamang dahil star-studded at puno ng media ang simbahan—maging ang reception area. Dinaig pa umano ng kasal na ito ang mga politiko kapag nagpapatawag ng press conference.Kasal. Ikakasal na s’ya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na dumating na ang araw na kinatat
Malaki ang ipinagpapasalamat ni Selene sa presensya ni Geo dahil kung wala ang kaibigan, marahil ay nagmukha na naman s’yang third wheel habang nakatingin kina Naya at Marion.Kakauwi lamang ng aktres mula sa ospital makaraan ang isang araw na pananatili do’n dahil sa lagnat. Nabagot na rin kasi siya doon at mas ginusto na lamang n’yang magpagaling na lang sa bahay—at baka ano pa ang isipin ng mga tao kung magtatagal pa siya sa lugar na ‘yon. The place reminded her of her late mom, masyado nang masakit ang mga ‘yon kung aalalahanin pa niya.At ngayon, narito s’ya sa hapag kainan kaharap ang asawa kasama sina Naya at Geo. Kaharap n’ya ang aktor at pinagmamasdan ang pagngiti nito sa modelo habang abala naman si Naya sa pagnguya ng
Pakiramdam ni Selene ay matutunaw na s’ya sa tingin ni Geo.Kanina pa kasi ito nakatitig sa kanya habang nilalantakan ang burrito na pinabili n’ya sa kaibigan bago ito makarating sa ospital. At mula nang ikuwento n’ya sa lalaki ang naging away nila ni Marion, napako na ang tingin nito sa kanya.“Geoffrey, kung ice cream siguro ako rito, baka kanina pa ‘ko natunaw.” komento n’ya at muling nginuya ang pagkain. Nagawa pa niyang irapan ang lalaki.Natatawa naman habang naiiling si Geo sa sinabi ng kaibigan. Nagawa pa niyang iabot dito ang isang pakete ng sauce na malugod namang tinanggap ng aktres. “Teka, nagpi-pick-up line ka ba o ano? Sige ka, baka kiligin ako masyado.”“
“Marion, nasa’n ka ba? Kanina pa kita tinatawagan. Si Johnny, kanina pa rin text nang text sa ‘yo. Ano bang balak mong gawin?” tanong ni Selene sa aktor mula sa telepono habang nakatingin sa nagpapanic na talent manager nito.Ngayong araw ang nakatakda sanang shoot para sa mini commercial ng dalawa para sa isang sikat na beverage company. Nasa Makati ang studio kung saan sila kukunan ng ilang clips para sa print, digital at TV ad. Alas-onse na iyon ng umaga at tanging si Marion na lamang ang hinihintay ng mga tao. Ito rin ang dahilan kaya hindi na mapakali ang manager niyang si Johnny.“Nandito ako sa Rizal. Ano bang—shit! Teka, may schedule ba tayo ngayong araw?” Rinig na rin sa boses ng lalaki ang pagkataranta. Saglit pa ay ti
Bakas sa mukha ni Marion ang pagkainis. Mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa manibela habang tahimik nilang binabagtas ang kahabaan ng EDSA upang puntahan ang talent agency ng aktor. Maging si Selene ay ramdam ang bigat ng tensyon sa loob ng sasakyan ng mga oras na ‘yon. Natatakot s’ya sa pwedeng mangyari.Hindi pa niya nakita nang gano’n si Marion mula nang magkakilala sila. Marahil nga ay may pagka-suplado at antipatiko ito, ngunit hindi pa nagalit nang gano’n ang lalaki maging sa kanya kahit halos araw-araw silang nagbabangayan.“Marion,” tila nag-aalinlangang tawag ni Selene. Kanina ay baliktad ang sitwasyon nila: Siya ang galit habang sinusuyo siya ng lalaki ngunit ngayon, s’ya na ang umaamo rito. “hey, can you calm down a bit? Baka kung anong masabi mo kapag nakaharap na natin ang manager mo—&r
"In fairness, you're glowing, Selene! Hey, that's Marion's doing, huh? Congrats ulit sa inyo!"Tipid ang ngiti ni Selene sa pagbating iyon ni Dana, host ng morning show sa kaparehong network kung saan nagtatrabaho ang mag-asawa. Ito ang una sa tatlong television interviews na gagawin nila ni Marion kaya't mainit pa rin ang usapin tungkol sa kasal ng dalawa.Alas-nuebe iyon, araw ng Martes at kasalukuyang abala na ang ibang staff sa paghahanda ng mga kakailanganin sa live show: mula sa lighting hanggang sa iba't ibang kamera na nakapalibot sa buong set. Hindi na rin magkamayaw ang mga PA at set designer sa pagmamadali upang ayusin ang mga last minute re-touch ng entablado. Tatlumpung minuto na lamang kasi ay eere na ang palabas.As usual, magkasabay na dumating ang dalawa with matching holding ha
Napakunot ang noo ni Selene habang tinitingnan ang bouquet ng white and yellow roses sa mesa. Katabi nito ang isang puting envelope.Nagdedebate ang isip niya kung sisilipin nito ang laman ng envelope, o kung hahayaan na lamang n’ya ang bulaklak na ‘yon dahil paniguradong si Marion ang bumili no’n—at hindi naman kasi n’ya hilig ang makialam sa gamit at pag-aari ng iba.Bahala na, usal ni Selene sa sarili at tutungo na sana s’ya ng kusina upang kumuha ng tubig nang biglang tumunog ang cellphone n’ya, isang sensyales na may nagpadala sa kanya ng text. Si Marion.Got you something as a peace offering. ‘Di ko naman
“Perfect, Selene! Marion, scoot closer. Hold her waist—’yan ganyan!” sigaw ng photographer sa likod ng kamera. “Wait, stay in that pose for a while tapos freestyle na tayo, okay?”Lihim na napasinghap si Selene nang maramdaman niya ang paghawak ni Marion sa bewang n’ya upang sundin ang utos ng photographer na ‘yon. Bagamat walang salitang namutawi sa mga labi ng aktres, alam n’yang naramdaman ni Marion ang pagkailang niya nang magtama ang mga balat nila—halata iyon sa pilit na ngiting iginawad n’ya.“Selene—Selene! ‘Wag mo akong bigyan ng ngiting pilit, please.” puna ng photographer at muli itong lumingon sa dalawa. “Saka dumiki
Padabog na ibinaba ni Selene sa carpet ang huling box na buhat n’ya. Naglalaman ito ng mga designer bags n’ya na nabili pa n’ya mula sa ibang bansa kapag nag-a-out of the country trip s’ya. Muli n’ya pang sinamaan ng tingin ang sahig bago ito napabuntong-hininga.“Tulungan na kita?” tanong ni Marion at akma na sana nitong kukunin ang box ngunit biglang nagsalita ang naggagalaiting si Selene.“May kamay ako, Marion. I can carry the box.” singhal ng aktres at tinaasan ng kilay ang lalaki. “At pwede ba, ‘wag mong haharangan ang dadaanan ‘ko. ‘Di lang ikaw ang nagmamadali.”That made Marion’s blood boil. “What’s your problem? Ako na nga ‘tong nag-ooffer ng tulong sa
Simula pa lang ito, pilit n’yang inuulit ang mga katagang iyon sa isip n’ya. Simula pa lang ito.Naramdaman n'ya ang paghagod ng tingin sa kanya ni Marion mula nang makarating sila sa isang pribadong villa sa Batangas 'kung sa'n ang honeymoon nila. Kanina pa ito walang kibo.Ayaw na sana niyang sumama rito, ngunit dahil na rin sa pangungulit ni Chris at ilang miyembro ng media na tila mas excited pa sa kahahantungan ng honeymoon na ‘yon, wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag na lamang.“Matutunaw na ‘ko sa katitingin mo.” ani Selene nang matanggal na rin n’ya sa wakas ang 4-inc