“You must be kidding me, Chris!”
Nakataas ang kilay ni Selene nang tuntunin ng kanyang mga mata ang direksyon ng manager niya habang hawak-hawak ang isang piraso ng papel. Kung nakakasugat lamang ang kanyang tingin, malamang siguro ay kanina pa napuruhan ang lalaki sa talim ng pagkakatitig ng dalaga sa kanya. Halatang hindi ito masaya sa nalaman.
“How I wish, Selene,” isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Chris habang umiiling-iling. “Pero nakita at nabasa mo naman ang nilalaman ng dokumento, ‘di ba? It was verified and signed by the legal department.”
Inis na sumandal si Selene sa swivel chair. “And? Ano naman kung verified and signed ng legal department nila? We have our own team, Chris! Ano bang pakialam natin sa kanila?”
“Selene, makinig ka muna, pwede? And please, kumalma ka. We’re just talking here.”
Makinig? Makakaya niyang gawin ‘yon. Kumalma? Pa’no naman niya magagawang kumalma sa sitwasyon niya ngayon?
Muli niyang tinitigan ang mukha ng kanyang manager. Kalmado si Chris, always professional, at palaging on point kung magsalita. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit nagtitiwala siya rito. Isa pa, kasama na niya ang lalaki sa kanyang karera sa showbiz sa loob ng isa’t kalahating dekada. Alam niyang hindi siya ipapahamak nito.
“Thank you. Pwede ko na bang simulan? O ipapaliwanag ko na lang sa mas maiksi at madaling paraan? Alam ko namang busy ka palagi.” nakangiti ito at tila nang-aasar pa sa dulo.
Kidding aside, mahalaga ang bawat minuto sa araw ng mga artistang kagaya ni Selene. Bawat galaw ng orasan ay tila katumbas ng isang sentimo kung kaya’t bawal ang babagal-bagal. Sa panahon pa naman ngayon, maraming bagong pangalan ang umuusbong—kasabay din ng unti-unting pagkawala ng ilang pangalan sa industriya. Sabi nga ng iba, some things come and go. At sa larangan ng showbiz, ito ang masakit na katotohanan.
“Nabasa ko naman na ang dokumento, Chris. Gusto ‘ko lang linawin at baka mali ang pagkakaintindi ‘ko.” ani Selene at isang pilit na ngiti ang ipinakita nito sa kausap. “Ayon sa dokumento, kailangan namin ni Marion na magpakasal at tumira sa iisang bahay sa loob ng anim na buwan habang pinapalabas ‘yung teleserye?”
Kasal. Mabigat ang salitang iyon para kay Selene. Sa edad sa 32, alam na niya ang ibig sabihin nito, maging ang kaakibat na responsibilidad ng isang taong kasal na.
Sa sitwasyon niya bilang artista, hindi niya naiisip ang planong pagpapakasal—lalo na kung hindi naman siya committed at in love sa taong makakapalitan niya ng “I do” sa harap ng dambana. Malas lang niya, tila kay Marion Altamirano pa ata siya babagsak.
“Indeed,” ani Chris sabay tango. “Sa tingin ‘ko, magandang strategy na rin ito para paingayin muli ang pangalan mo, Selene. Medyo matagal ka ring nawala sa karera, alam mo ‘yan.”
Natigilan siya sa narinig.
Minsan na ring nawala ang ningning ng kanyang pangalan sa industriya matapos siyang mawala pansamantala at magpahinga—malayo sa ingay ng press bilang coping mechanism no’ng makipaghiwalay at tapusin ng kanyang long-term boyfriend ang kanilang engagement sa publiko.
Hindi na rin niya inasahang makakabalik pa siyang muli, ngunit blessing kung ituring ni Chris ang pagkakapili sa kanya na gumanap bilang leading lady sa paparating na teleserye sa ilalim ng isang malaking network sa bansa. The same teleserye kung saan bibida rin si Marion na siyang makakapareha n’ya.
“Alam ‘ko naman, Chris,” malalim ang buntong-hininga ni Selene. “Pero bakit kailangan pang gawin ‘to? Matatanggap ‘ko naman kung fake dating ang gagawin namin pero… magpakasal? Really?”
“Think of it as beneficial para sa inyong dalawa. Makikinabang ka, makikinabang s’ya. At the end of the day, it’s a win-win situation.”
Lihim na napairap ang dalaga sa sagot na iyon ng lalaki. Marahil ay beneficial nga ito sa kanya, ngunit hanggang saan siya makikinabang dito?
Kilala si Marion sa industriya. Kaliwa’t kanan ang offers dito bilang leading man,—mapa-telebisyon man o pelikula—commercial model, at maging cover boy ng iba’t ibang magazine sa bansa. Isa ito sa mga tinitingalang bituin sa showbiz at tila nasa kanya na ang lahat.
But Marion is no saint.
Kamakailan ay pinagpiyestahan ang pangalan nito nang lumabas ang isang pribadong video ng binata kasama ang isang sikat na modelo sa isang yate. Bagamat marami ang nagtanggol at sinabing single and available ang magkabilang panig, may ilan pa ring nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa ginawang iyon ni Marion.
At katulad ni Selene, ang pagbibidahang teleserye ang magsasalba sa reputasyon niya bilang artista.
“‘Di naman kaya ang siste e ako lang ang bumuhat sa’ming dalawa, Chris?” tila naghahamon na tanong ng dalaga.
“Hindi mo kailangang isipin ‘yan dahil lahat ng kailangan n’yong gawin ay properly documented at dadaan sa legality.”
“Okay,” kunot-noong sagot ni Selene. Hindi pa rin siya kumbinsido sa sitwasyon ngunit kailangan ding masagot ang mga tanong niya. “What about the wedding? Sa simbahan ba gagawin o kahit sa harap na lang ng judge—”
“Hinayaan ka nilang magdecide sa parteng ito. ‘Yan din siguro ang dahilan kung bakit ‘di nila ini-specify kung anong klaseng kasal ba ang gusto mo.”
Napatango ang dalaga sa narinig. Buti na lang at hinayaan na siyang magdesisyon sa parteng ‘yon. She considered it as a win.
“Since pinag-uusapan na natin ang kasal, may prenup naman siguro, di ‘ba?”
“Don’t worry,” paninigurado ni Chris sa kanya. “Kasama ‘yan sa kontrata. All assets and finances won’t be shared. What’s yours is yours.”
Napabuntong-hininga s’ya ng malalim.
“‘Di ka pa rin kumbinsido, ‘no?” tanong ng lalaki sa kanya. “Para ‘di ka maguilty masyado, isipin mo na lang na kailangan mo s’ya para sa career mo. Kung tutuusin, parehas ninyong kailangan ang isa’t isa. Kung ‘di ka pa handang magpaalam sa showbiz, walang puwang ang konsensya sa sistema mo, Selene.”
Masakit marinig ang katotohanan. At alam n’yang iyon ang final straw na kailangan niyang marinig upang matauhan.
Madilim at masalimuot ang showbiz. Hindi ito kasing-ganda kagaya ng nakikita ng madla. Sa bawat ngiti, tawa, at kaway ng mga artista sa harap ng camera ay nagkukubli ang bawat hirap at sakrispisyo na pinagdaanan nila upang maabot ang estadong kinatatayuan.
Walang nakakaalam ng dugo, luha at pawis na pinuhunan nila upang magkaroon ng pangalan sa industriya. Ito ang nakagisnan ni Selene.
Muli niyang pinagmasdan ang dokumento. Isang piraso ng papel na magpapabago ng buhay n’ya sa isang iglap, isang papel na maglalapit sa kanya sa isang bagong simula.
Hindi pa niya lubos na kilala si Marion, ngunit alam n’yang hindi na maganda ang impresyon niya rito. Ngunit tulad nga ng sinabi ni Chris, ang kasunduang ito na lamang ang magsasalba sa kanyang career. Sa kabilang banda, pakikinabangan din naman ng binata ang sitwasyong ito. Win-win situation, sabi nga nila.
Ang mga salitang ito ang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ni Selene nang kunin niya ang ballpen sa tapat ng dokumento na parang kinukumbinsi ang sarili na lunukin ang pride n’ya para sa career na meron s’ya. Hindi ito magiging madali, pero sa tulad niyang nasanay na sa karangyaan at malakas na palakpakan at hiyawan, handa siyang gawin ang lahat.
“And done.” masayang bati ni Chris nang ilapag na niya ang ballpen sa mesa. Agad namang kinuha ng lalaki ang dokumento at isinilid iyon sa isang folder. “Okay lang ba sa’yo kung ipasusundo na kita kay Marion? Tutal naman e magkikita na kayo palagi, siguro ay dapat makilala n’yo na ang isa’t isa para magkapalagayang loob na kayo.”
Napatango na lamang siya sa narinig.
Kasabay ng malakas na pagkabog ng kanyang dibdib, isang hamon ang kailangan niyang harapin noong mga oras na iyon: Si Marion Altamirano.
Presko. Literally and figuratively. Amoy na amoy ang luxury perfume ni Marion nang magkatabi sila ni Selene sa backseat ng Audi nito. White Lily, Mandarin na may halong Sandalwood ang amoy nito—malakas makahatak ng mga babae ang mga ganitong pabango, pang-romantiko. Hindi na kumibo ang dalaga nang pagbuksan s’ya ng pintuan ng kotse ng lalaki. Kung tutuusin, bare minimum lang naman ang effort na ‘yon at hindi na dapat gawing big deal. Siguro naman e may pagka-gentleman din itong si Marion, ‘di ba? Palihim na nilingon ni Selene ang binata. Tahimik pa rin ito habang inaayos ang seatbelt niya. Mula nang maglakad sila nit
Natatawa s’ya habang binabasa ang mga komento ng netizens sa isang larawan nila ni Marion sa restaurant na kumalat sa social media ilang oras matapos nilang iwan ang lugar na ‘yon. Bagamat medyo madilim ang anggulo kung saan sila kinuhaan ng picture, maaaninag ang kamay ng binata na nasa likuran n’ya at parang inaalalayan siya palabas. Kailan at paanong hindi niya naramdaman ‘yon? Sari-sari ang naging reaksyon ng netizens, karamihan sa mga ito ay nagpahayag ng kanilang suporta dahil na rin sa paparating na teleserye na pagbibidahan ng dalawa, may iilan namang nagsabi na damage control umano ito sa eskandalo ni Marion at tila naaawa pa sa dalaga dahil s’ya umano ang maglilinis ng pangalan ng lalaki. Ang iba naman ay nagsasabing may chemistry na ang dalawa at hind
Nakapalumbabang nakatingin si Selene sa kawalan habang abala naman ang mga tao sa likuran n’ya. Rinig na rinig din sa loob ng coffee shop ang mga sikat na kanta no’ng 80s na parang may pa-throwback segment pa.Araw iyon ng Sabado, alas-nuebe ng umaga. Ngunit pakiramdam n’ya ay palubog na ang araw sa bigat ng iniisip at nararamdaman n’ya. Hindi pa rin kasi maalis sa kanyang isipan ang pagtatapat na iyon ni Geo.Matagal na n’yang kilala ang binata. Sa dami na rin siguro ng mga pelikula, commercial ads at maging TV guestings na pinagsamahan nila, mas lalong lumalim pa ang pagkakaibigan ng dalawa. Ngunit hindi niya naisip na darating sila sa sitwasyong may iisang aamin ng kanyang lihim na pagtingin.Bakit ngayon pa? Sapo-sapo ni Se
“Tell me we’re not in Casa Evangelista right now!”Gulat na gulat pa rin si Selene habang paulit-ulit nitong ginagala ang kanyang mga mata sa paligid at paminsan-minsan pa ay nangingiti ito.Matagal na mula nang una siyang makarating sa lugar na iyon, mga pitong taon na siguro ang nakalilipas. Kaya naman nang makumpirma nga niyang naroon sila sa Casa Evangelista ay abot-tenga ang ngiti ng dalaga.Kilala ang nasabing lugar sa tablea menu nito kung kaya’t kakailanganin mo pang magpareserve ng maaga para lang makapunta at ma-accomodate ng buong staff. Ilang beses na ring naitampok ang lugar sa telebisyon at mga magasin
“Pinagsasasabi mo, Marion? Alam mo, hindi sa’kin tatalab ‘yang acting mo ha.” iritang sabi ni Selene sabay subo sa hipon. “Kumain ka na nga lang!”Napailing naman ang binata bago ito ngumuso habang nakaturo gilid ng pisngi n’ya.“Can you stop with that pout, Marion? I’m not gonna kiss you!” pabulong na tugon ng dalaga habang masama pa rin ang tingin n’ya sa kaharap. “Saka ‘wag mo ‘kong i-distract. Ang sarap ng kain ‘ko rito.”“Sinong may sabing gusto ‘kong magpahalik sa’yo?” ganting tanong naman ni Marion sabay turong muli sa pisngi niya. “May tumalsik na balat ng hipon sa pisngi mo, punasan mo nga at baka isipin nila e ginugutom kita.”
“Are you kidding me? Bakit ba tayo huminto rito?” inis na tanong ni Marion nang ihinito ni Selene ang sasakyan sa tapat ng isang laundry shop.Hinding-hindi n’ya tatanggalin ang pantalon n’ya ‘no, never! Hindi s’ya sanay na magtanggal ng piraso ng damit sa harap ng ibang tao, much worse, sa harap pa ni Selene Garcia. He just can’t do it, hindi s’ya kumportable.“Kasi ho, ipapa-dry clean ‘ko nga ‘yang pantalon mo. ‘Di mo ba ako naririnig o nagbibingi-bingihan ka lang d’yan? Bilisan mo na!” nagmamadali namang tugon ng aktres at nakatingin na ito sa kanya nang masama. “‘Wag kang mag-alala, Mar
“Mukha naman palang nagkakasundo na kayo ni Marion, so, should we discuss the next plan?”Napatunganga si Selene sa sinabing iyon ni Chris, tila hindi rin siya makagalaw sa kinauupuan niya no’ng mga oras na iyon. Anong nagkakasundo? Malayong-malayo iyon sa katotohanan! Napasapo na lamang siya sa kanyang ulo at muling bumalik sa kanyang alaala ang mga kaganapan noong Sabado kung saan kasama nga niya ang aktor sa apartment n’ya buong gabi. Oo, buong gabi.Nagsimula lamang iyon sa paisa-isang bote ng beer hanggang sa naging dalawa, at kalauna’y nasundan pa ng ilang bote ng beer at vodka. Hindi na rin sila nakabalik ni Marion sa laundry shop na ‘yon dahil kapwa na silang
Kung meron man siyang pinagsisisihan noong mga oras na ‘yon, iyon na marahil ang pagpayag na sumama pa rin siya sa date ng dalawang nasa harapan niya. Gusto na lamang niyang umuwi at magpahinga.Naroon pa rin sila sa sandwich place, hinihintay na matapos kumain si Naya. Naparami kasi ang order nito at ngayon ay nahihirapan s’yang ubusin ang dalawang chicken and cheese burger na nasa mesa. Bihira lang daw kasi kumain ng sandwich ang modelo, dahil na rin siguro sa striktong diet plan na sinusunod nito upang mapanatili ang maganda at perpektong hubog ng katawan ng dalaga.“Come on, Marion. Ubusin mo na ‘to for me,” tila nagsusumamong pakiusap ni Naya at nagpout pa ito upang makuha ang atensyon ng aktor. “Hindi ‘ko na kasi kaya. Ple
Malaki ang ipinagpapasalamat ni Selene sa presensya ni Geo dahil kung wala ang kaibigan, marahil ay nagmukha na naman s’yang third wheel habang nakatingin kina Naya at Marion.Kakauwi lamang ng aktres mula sa ospital makaraan ang isang araw na pananatili do’n dahil sa lagnat. Nabagot na rin kasi siya doon at mas ginusto na lamang n’yang magpagaling na lang sa bahay—at baka ano pa ang isipin ng mga tao kung magtatagal pa siya sa lugar na ‘yon. The place reminded her of her late mom, masyado nang masakit ang mga ‘yon kung aalalahanin pa niya.At ngayon, narito s’ya sa hapag kainan kaharap ang asawa kasama sina Naya at Geo. Kaharap n’ya ang aktor at pinagmamasdan ang pagngiti nito sa modelo habang abala naman si Naya sa pagnguya ng
Pakiramdam ni Selene ay matutunaw na s’ya sa tingin ni Geo.Kanina pa kasi ito nakatitig sa kanya habang nilalantakan ang burrito na pinabili n’ya sa kaibigan bago ito makarating sa ospital. At mula nang ikuwento n’ya sa lalaki ang naging away nila ni Marion, napako na ang tingin nito sa kanya.“Geoffrey, kung ice cream siguro ako rito, baka kanina pa ‘ko natunaw.” komento n’ya at muling nginuya ang pagkain. Nagawa pa niyang irapan ang lalaki.Natatawa naman habang naiiling si Geo sa sinabi ng kaibigan. Nagawa pa niyang iabot dito ang isang pakete ng sauce na malugod namang tinanggap ng aktres. “Teka, nagpi-pick-up line ka ba o ano? Sige ka, baka kiligin ako masyado.”“
“Marion, nasa’n ka ba? Kanina pa kita tinatawagan. Si Johnny, kanina pa rin text nang text sa ‘yo. Ano bang balak mong gawin?” tanong ni Selene sa aktor mula sa telepono habang nakatingin sa nagpapanic na talent manager nito.Ngayong araw ang nakatakda sanang shoot para sa mini commercial ng dalawa para sa isang sikat na beverage company. Nasa Makati ang studio kung saan sila kukunan ng ilang clips para sa print, digital at TV ad. Alas-onse na iyon ng umaga at tanging si Marion na lamang ang hinihintay ng mga tao. Ito rin ang dahilan kaya hindi na mapakali ang manager niyang si Johnny.“Nandito ako sa Rizal. Ano bang—shit! Teka, may schedule ba tayo ngayong araw?” Rinig na rin sa boses ng lalaki ang pagkataranta. Saglit pa ay ti
Bakas sa mukha ni Marion ang pagkainis. Mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa manibela habang tahimik nilang binabagtas ang kahabaan ng EDSA upang puntahan ang talent agency ng aktor. Maging si Selene ay ramdam ang bigat ng tensyon sa loob ng sasakyan ng mga oras na ‘yon. Natatakot s’ya sa pwedeng mangyari.Hindi pa niya nakita nang gano’n si Marion mula nang magkakilala sila. Marahil nga ay may pagka-suplado at antipatiko ito, ngunit hindi pa nagalit nang gano’n ang lalaki maging sa kanya kahit halos araw-araw silang nagbabangayan.“Marion,” tila nag-aalinlangang tawag ni Selene. Kanina ay baliktad ang sitwasyon nila: Siya ang galit habang sinusuyo siya ng lalaki ngunit ngayon, s’ya na ang umaamo rito. “hey, can you calm down a bit? Baka kung anong masabi mo kapag nakaharap na natin ang manager mo—&r
"In fairness, you're glowing, Selene! Hey, that's Marion's doing, huh? Congrats ulit sa inyo!"Tipid ang ngiti ni Selene sa pagbating iyon ni Dana, host ng morning show sa kaparehong network kung saan nagtatrabaho ang mag-asawa. Ito ang una sa tatlong television interviews na gagawin nila ni Marion kaya't mainit pa rin ang usapin tungkol sa kasal ng dalawa.Alas-nuebe iyon, araw ng Martes at kasalukuyang abala na ang ibang staff sa paghahanda ng mga kakailanganin sa live show: mula sa lighting hanggang sa iba't ibang kamera na nakapalibot sa buong set. Hindi na rin magkamayaw ang mga PA at set designer sa pagmamadali upang ayusin ang mga last minute re-touch ng entablado. Tatlumpung minuto na lamang kasi ay eere na ang palabas.As usual, magkasabay na dumating ang dalawa with matching holding ha
Napakunot ang noo ni Selene habang tinitingnan ang bouquet ng white and yellow roses sa mesa. Katabi nito ang isang puting envelope.Nagdedebate ang isip niya kung sisilipin nito ang laman ng envelope, o kung hahayaan na lamang n’ya ang bulaklak na ‘yon dahil paniguradong si Marion ang bumili no’n—at hindi naman kasi n’ya hilig ang makialam sa gamit at pag-aari ng iba.Bahala na, usal ni Selene sa sarili at tutungo na sana s’ya ng kusina upang kumuha ng tubig nang biglang tumunog ang cellphone n’ya, isang sensyales na may nagpadala sa kanya ng text. Si Marion.Got you something as a peace offering. ‘Di ko naman
“Perfect, Selene! Marion, scoot closer. Hold her waist—’yan ganyan!” sigaw ng photographer sa likod ng kamera. “Wait, stay in that pose for a while tapos freestyle na tayo, okay?”Lihim na napasinghap si Selene nang maramdaman niya ang paghawak ni Marion sa bewang n’ya upang sundin ang utos ng photographer na ‘yon. Bagamat walang salitang namutawi sa mga labi ng aktres, alam n’yang naramdaman ni Marion ang pagkailang niya nang magtama ang mga balat nila—halata iyon sa pilit na ngiting iginawad n’ya.“Selene—Selene! ‘Wag mo akong bigyan ng ngiting pilit, please.” puna ng photographer at muli itong lumingon sa dalawa. “Saka dumiki
Padabog na ibinaba ni Selene sa carpet ang huling box na buhat n’ya. Naglalaman ito ng mga designer bags n’ya na nabili pa n’ya mula sa ibang bansa kapag nag-a-out of the country trip s’ya. Muli n’ya pang sinamaan ng tingin ang sahig bago ito napabuntong-hininga.“Tulungan na kita?” tanong ni Marion at akma na sana nitong kukunin ang box ngunit biglang nagsalita ang naggagalaiting si Selene.“May kamay ako, Marion. I can carry the box.” singhal ng aktres at tinaasan ng kilay ang lalaki. “At pwede ba, ‘wag mong haharangan ang dadaanan ‘ko. ‘Di lang ikaw ang nagmamadali.”That made Marion’s blood boil. “What’s your problem? Ako na nga ‘tong nag-ooffer ng tulong sa
Simula pa lang ito, pilit n’yang inuulit ang mga katagang iyon sa isip n’ya. Simula pa lang ito.Naramdaman n'ya ang paghagod ng tingin sa kanya ni Marion mula nang makarating sila sa isang pribadong villa sa Batangas 'kung sa'n ang honeymoon nila. Kanina pa ito walang kibo.Ayaw na sana niyang sumama rito, ngunit dahil na rin sa pangungulit ni Chris at ilang miyembro ng media na tila mas excited pa sa kahahantungan ng honeymoon na ‘yon, wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag na lamang.“Matutunaw na ‘ko sa katitingin mo.” ani Selene nang matanggal na rin n’ya sa wakas ang 4-inc