Kabanata IV. Nauna akong maglakad kay Pietro at hindi siya pinansin. Kanina pa niya ako kinukulit kung ano ang sinasabi sa ‘kin ni Pierce kanina habang magkasama kami. At kahit anong banggit ko na wala, hindi siya naniniwala. “Alam mo, kung hindi ka rin maniniwala sa ‘kin, might as well you stop asking. At t’yaka bakit ba ang init ng ulo mo? Lumabas lang naman ako saglit,” pagsisinungaling ko. Sinundan ko ang mga yapak niya dahil hindi ko pa naman kabisado ang mga daan dito. “Hindi ka lumabas lang, Claudia. Tumakas ka, magkaiba ‘yon. Hindi ka talaga magtitino!” “Wow, ha. Big word. Bakit matino ka ba? Kung matino kang tao, ay hindi ka pala tao. Kung matino kang alpha, you won’t agree in this marriage na alam mo namang hindi magiging successful,” singhal ko. Akala ba niya siya lang ang marunong? Well, hindi pa niya ako kilala.&nb
Last Updated : 2022-03-01 Read more