Pagkatapos ng hapunan ay dinala siya ni Dion sa isang silid kung nasaan ang lola nito. "You were both young when I first met you in a political gathering,Hija. Now look at you, you are so fine, and beautiful!" masayang wika ni Lola Cecilia matapos siyang ipakilala at magmano rito. "T-Thank you po, Lola." nangingiting wika niya sa matandang nasa otsyenta na ang edad. Naalala niya ito maraming taon na nakaraan noon. Magiliw at mabait ito. Hindi nga lang ito nakasama sa kasal nila dahil hindi na nito kaya ang bumyahe ng matagal. Ngayon ay nasa bahay lang ito at may naka stay-in na physical therapist. "Sana naman ay maka-buo kayo kaagad para makita ko pa ang aking apo sa tuhod bago pa man ako mawala sa mundo." sa huli'y wika nito. Tumikhim ang kanyang asawa at yumuko sa lebel ni Lola Cecilia na naka-upo sa wheelchair. Sunod nitong ginagap ang kamay ng matanda at nag-wika, "Kapag may magandang balita Lola, ikaw ang pinaka-unang makaka-alam. S
Magbasa pa