Home / Romance / Her Unexpected Marriage / Chapter 111 - Chapter 120

All Chapters of Her Unexpected Marriage: Chapter 111 - Chapter 120

132 Chapters

Kabanata 71: The Unexpected Attitude

KINAUMAGAHAN, maaga akong pumasok sa trabaho dahil sa tambak na gawain. Iniisip ko rin kung paano ko gagawin ang trabaho ko kasama si Beverly. Malapit na ang deadline niyon pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko siya i-interview-hin. "Oh? Parang ang aga mo atang pumasok, Miles?" puna ni Chad nang madatnan ko siya roon kasama ang ilang katrabaho namin sa department habang hindi ko naman makita si Melissa at Andrea na malamang mamaya pa ang dating ng dalawang iyon. "I have a lot of works to do, Chad kaya kailangan kong pumasok ng maagap," sagot ko, saka inilapag sa table ko ang dala kong bag at ang ilang mga gamit ko. Binuhay ko ang monitor sa harap ko. Hindi na rin umimik si Chad. Nagsimula akong magtipa para simulan ang articles na matagal nang nasa file ko. Nakakailang words pa lang ako nang marinig ko ang boses ni Ate Shai. "Miles, you have to go to Sir Troy's office," seryosong sambit niya sa akin. Humarap ako kay Ate Shai na nagtatanong. "Kung itatanong mo sa a
last updateLast Updated : 2022-06-10
Read more

Kabanata 72: The Unexpected Birthday (Part 1)

HANGGANG kinaumagahan, hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Beverly. Nararamdaman kong hindi niya basta-basta gi-give up si Zandy kahit harapan nang sinabi ni Zandy dito na ako ang mahal niya. Hindi ko alam pero palagi na lang akong maagang nagigising. Bumangon ako sa higaan ko. Pinilit kong alisin sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Beverly, sisirain lang niyon ang araw ko. Ngunit nang akmang tatayo na ako nang maramdaman kong umikot ang paligid ko. Nasapo ko ang sentido ko at muling umupo sa kama dahil pakiramdam ko'y matutumba ako. Napapikit ako ng mariin dahil bigla na lang akong nahilo. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero ganoon pa rin ang nararamdaman ko, parang umiikot ang paligid. Epekto ba ito nang pagpupuyat ko nitong mga nakaraang araw? Bukod kasi sa maraming trabahong iniuuwi ko sa bahay, may ilang bagay pang gumugulo sa isip ko. Pinili kong ibagsak ang katawan ko sa kama para humiga uli dahil kung tatayo pa ako, pakiramdam ko'y babags
last updateLast Updated : 2022-06-11
Read more

Kabanata 72: The Unexpected Birthday (Part 2)

HABANG masayang nagkwe-kwentuhan ang mga pamilya namin sa sala, abala naman si Zandy sa pagluluto ng pagkain na ihahanda niya para sa birthday ko. Nandoon lang ako sa kusina habang nakapangalumbaba at pinapanood siya sa ginagawa niya. Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko at mas lalo kong nakikita ang isa sa katangian niya na minahal ko. "Hindi ka ba nagsasawang titigan ako, Honey?" natatawang tanong ni Zandy habang abala siya sa paghalo sa pansit na niluluto niya. "Kung natutunaw lang ako sa pagtitig mo, kanina pa akong naglaho rito." "Hindi ako magsasawang titigan ka, Mr. Saavedra dahil habang tinitingnan kita, mas gumagwapo ka sa paningin ko at mas lalo akong nai-in love sa iyo," nakangiti kong sagot. Parang may kung anong kumiliti sa puso ko dahil sa sinabi ko. "Aysus! Are you trying to seduce me, Mrs. Saavedra?" direktang tanong niya nang humarap siya sa akin. Napawi ang ngiting ko at napalitan ng pagkunot ng noo. "Huh?" "Kasi kung hindi mo titigilan ang pagtitig mo sa aki
last updateLast Updated : 2022-06-13
Read more

Kabanata 73: The Unexpected Surprise

PASADO alas-nuebe na ng gabi nang magpasiyang umuwi sila Andrea, Melissa at Chad habang maaga namang nagpaalam ang mga magulang namin ni Zandy. Hanggang ngayon, binabalot pa rin ako ng labis na ligaya na nagbibigay sa akin ng kontentong pakiramdam. Masaya na ako at pakiramdam ko'y wala na akong mahihiling pa. Nandiyan ang pamilya namin, ang mga kaibigan ko at si Zandy na siyang dahilan ng sayang nararamdaman ko. Matapos kong linisin ang nagkalat na mga pinggan, bote ng alak at ilang plastik, ngumiti ako habang pinagmamasdan ang paligid. Nakikita ko pa rin doon ang tawanan at kulitan namin kanina kasama ang pamilya at mga kaibigan ko. Sobrang thankful ako na nandiyan sila para kasama kong mag-celebrate ng birthday ko. "I'm so happy because I know you're happy." Biglang sumeryoso ang mukha ko at humarap kay Zandy. Nakita ko siyang nakahilig sa pader, sa bukana ng kitchen habang nakangiti sa akin. Kapagkuwa'y, ngumiti ako na bakas doon ang saya. Lumapit ako kay Zandy at pinulupot ko an
last updateLast Updated : 2022-06-14
Read more

Kabanata 74: The Unexpected Strange Smell

KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising sa isang magandang umaga. Ganoon pala ang pakiramdam na magising na bubungad sa iyo ang taong mahal mo, ang taong dahilan kung bakit ka masaya. Pakiramdam ko'y nasa paraiso kaming dalawa na walang ibang nararamdaman kung 'di ang ligaya ng pagmahal na sana'y huwag na lang matapos. Tahimik kong tinitigan si Zandy na mahimbing na natutulog. Nakaunan ako sa matigas niyang braso habang nakayakap naman sa akin ang isa niyon. Hindi ko maiwasang ngumiti na may halong kilig habang pinagmamasdan ko ang gwapo niyang mukha na tila kabisado ko na 'yon. "Thank you, Honey," mahina kong usal. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya na naging dahilan para bahagya siyang gumalaw pero nanatiling nakapikit ang mga mata niya. Sa paningin ko'y si Zandy na ang pinakagwapong lalaking nakilala ko. Hindi ako magsasawang pagmasdan ang mukha niya, kahit pa araw-araw akong magising na siya ang bubungad sa akin habang nabubuhay ako. Iyon nga ang gusto ko, na kasama siya sa pagtul
last updateLast Updated : 2022-06-14
Read more

Kabanata 75: The Unexpected Result

NANGINGINIG ang mga kamay ko habang hawak ko ang pregnancy test na binili nila Andrea para malaman ko ang katotohanan sa kabila ng sinasabi nilang weird na nararanasanan ko. Kinabahan akong tinitingnan iyon habang nasa loob ako ng comfort room ng opisina. Ilang minuto na ako rito pero hindi ko pa rin nagagawa ang test. Hindi ko alam ang magiging reaction ko oras na lumabas ang resulta. Kinakabahan ako sa hindi ko alam na dahilan, dahil ba ayaw ko mabuntis o dahil gusto ko iyon? Hindi ko alam dahil hindi naman namin iyon plinano. Hindi ko rin alam kung ano'ng sasabihin ni Zandy if ever man mag-positive ang resulta. Pumikit ako ng mariin saka nagpakawala ng malalim na hininga para magkaroon ako ng lakas ng loob na gawin ang test. Inayos ko ang buhok ko na humarang sa aking mukha. "Kailangan mong gawin ito, Miles para mapanatag ka at malaman mo ang gagawin mo," bulong ko sa sarili ko. Binuksan ko ang pregnancy test na binili nila Andrea. Pumwesto na rin ako para kumuha ng urine sample
last updateLast Updated : 2022-06-15
Read more

Kabanata 76: The Unexpected Attitude

BUMAKAS ANG lungkot sa mukha ko nang madatnan kong wala pa si Zandy sa bahay. Ilang araw na siyang late kung umuwi dahil sa trabaho sa opisina. Magla-launch kasi ng bagong games ang kompanya kaya palagi siyang nag-o-overtime. Naiintindihan ko naman si Zandy kaya lang hindi ko maiwasang hindi malungkot. Nami-miss ko na agad siya kahit umuuwi naman siya ng bahay. Dumeretso ako sa kwarto namin ni Zandy. Inihagis ko sa sofa ang bag ko at pabagsak na humiga sa kama. Naramdaman ko ang pagod ng katawan at utak ko kaya hinahanap na niyon ang pahinga. Pumikit ako. Nakaramdam ako ng bahagyang ginhawa ng maramdaman ko ang malambot na kama. Kinuha ko ang unan at niyakap iyon. Dahil sa pagod, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod. Nagising na lang ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin. Gumalaw ako at pagmulat ng mga mata ko nakita ko si Zandy. "I'm sorry, Honey hindi na kita nasundo and late ako umuwi. I have a lot of works to do in the company at hindi ko kayang tapusi
last updateLast Updated : 2022-06-16
Read more

Kabanata 77: The Unexpected Necklace

BINABA KO ang cellphone ko nang matapos ang tawag ni Ton para sa gagawin naming plano sa nalalapit na opening ng restaurant na matagal ng pangarap ni Zandy. Natawa nga ako sa pangalang naisip ni Zandy para sa restaurant. sMILES Restaurant na talagang ipinangalan pa niya sa akin. Sa dami ng magagandang pangalan na pwedeng maisip, iyon pa talaga ang naisip niya pero aaminin ko na natuwa ako at na-apppreciate ko iyon dahil sa pamamagitan niyon, naramdaman kong mahalaga talaga ako kay Zandy. Bumuntong-hininga ako habang nakaharap sa malawak na kalangitan. Tanghali na rin dahil mataas na ang sikat ng araw. Tumingin ako sa cellphone na hawak ko at nakita kong pasado alas-dose na ng tanghali. Malungkot akong pumihit at umupo sa upuan na naroon sa terrace. Nami-miss ko na agad si Zandy dahil kahit sabado, kailangan niyang pumasok sa kompanya kasama ang game developer ng kompanya para sa prototype g games na ila-launch nila. Gumising nga akong wala siya sa tabi ko at naiwan lang ang sticky no
last updateLast Updated : 2022-06-17
Read more

Kabanata 78: The Unexpected Illness

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko pero agad din akong napapikit nang maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Nasapo ko pa iyon. Mabigat din ang pakiramdam ko. Mahina akong napaungol. "A-anak! Gising ka na!" narinig kong sabi ni Mama na bakas doon ang saya at pagkagulat. Gumalaw ako sa pagkakahiga at nang akmang tatayo ako nang pigilan niya ako. "Don't move too much, anak, kailangan mong magpahinga." Nang imulat ko ang mga mata ko, tumambad sa akin ang maputing paligid at ang kakaibang amoy. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong nasa hospital ako. Pilit kong inalala ang huling nangyari at nang maalala ko iyon, napahawak ako sa kumot na nasa katawan ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa pwedeng nangyari at sa dahilan niyon. Nasapo ko ang tiyan ko habang nagtataka. "A-anong nangyari, 'Ma?" usisa ko habang seryosong nakatingin sa kaniya. Bumuntong-hininga si Mama at Bahagyang yumuko. Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Marahan niya iyong pinisil. "Last nig
last updateLast Updated : 2022-06-21
Read more

Kabanata 79: The Unexpected

HINDI KO inaasahang darating ang mga magulang ni Zandy kinaumagahan. Bakas ang pag-aalala sa mukha nila dahil sa kalagayan ko. Marahil alam na rin nila ang dahilan kung bakit ako nandito at ang nangyari sa amin ni Zandy. Kasalukuyan namang nag-aasikaso si Mama ng mga papel para sa paglabas ko ng hospital at si Papa ay nasa bahay dahil kailangan din nitong magpahinga. Ngumiti ako sa kanila kahit walang saya roon. Bahagya akong nagulat nang yakapin ako ni Tita Mandy bago siya umupo sa bakanteng upuan malapit sa akin. Habang tahimik lang si Tito Andrew na nasa parteng dulo ng hospital bed. "Kumusta ka na, hija? Are you feeling well?" puno ng concern na tanong ni Tita Mandy sa akin. Kinuha pa niya ang kamay ko at bahagya iyong pinisil. "I heard what happened between you and my son," panimula niya. "I'm sorry, hija for what he did to you. He's totally a jerk! Hindi ko kukunsintihin ang ginawa niya sa 'yo. Ang saktan ka niya habang nasa tiyan mo ang batang dinadala mo." Gumuhit ang sakit s
last updateLast Updated : 2022-06-21
Read more
PREV
1
...
91011121314
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status