Home / Romance / Her Unexpected Marriage / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Her Unexpected Marriage: Chapter 81 - Chapter 90

132 Chapters

Kabanata 55: The Unexpected Place (Part 1)

"GUSTO kong palagi tayong ganito, Miles." Pinilig ko ang ulo ko para alisin iyon sa isip ko. Para na akong mababaliw dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Zandy at ang halik niya nang nagdaang gabi. Hindi ko tuloy magawang tumingin sa kaniya dahil sa hiyang nararamdaman ko. Parang pinapaso ang pisngi ko dahil agad iyong namumula. Hindi ko rin alam kung bakit hinayaan ko si Zandy na halikan ako at aminin ko man o hindi, may kiliting lumitaw sa puso ko at kakaibang pakiramdam na nagbigay ng ligaya sa akin. Tama bang maramdaman ko iyon? Tama rin ba ang mga narinig ko mula kay Zandy at dapat ko bang paniwalaan lahat iyon? "Hey! Napapansin ko, lately palagi kang tulala at malalima ang iniisip," pukaw sa akin ni Andrea habang nasa isang restaurant kami para kumain ng lunch. Hindi ko namalayang napatulala na naman pala ako dahil sa kakaisip ko kay Zandy at sa kakaibang ipinapakita't ipinararamdam niya
last updateLast Updated : 2022-04-25
Read more

Kabanata 55: The Unexpected Place (Part 2)

Tumango si Zandy at ngumiti. "Yeah," pakli niya. Humarap siya sa mga kasama ko. "Nice to see you again, guys! Hiramin ko muna si Miles sa inyo," paalam pa niya, saka hinawakan ang braso ko na ikinagulat ko. Parang may enerhiyang gumapang sa katawan ko dahil doon. May init akong naramdaman na lalong nagpapula sa pisngi ko. Mabuti na lang at gabi ngayon. Lalong lumapad ang mga ngiti nila habang kinikilig na nakatingin sa amin. "Ok lang Zandy, 'no ka ba! She's your wife and you own her," ani Andrea. "Sige, ingat kayo. Ninang ako, huh?" pagbibiro naman ni Melissa. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Melissa. "B-baliw!" sabi ko na lang na nahihiya. Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Zandy na ang sarap sa pangdinig. "Sure, Melissa. I'll announce if we make it," pagbibiro naman ni Zandy. Sa gulat ko, nakurot ko siya sa tagiliran kaya agad siyang napaigtad habang r
last updateLast Updated : 2022-04-25
Read more

[Special Chapter 6]

Zandy's POV HINDI ko alam kung bakit nandito ako sa labas ng gusali kung saan nagtatrabaho si Miles at naghihintay sa paglabas niya. Namalayan ko na lang ang sarili ko na huminto rito para abangan ang paglabas niya. Alam ko ang magiging reaction niya kapag inalok ko siya ng sakay at sigurado akong tatanggi siya at aawayin ako. Hindi na iyon bago sa akin. Simula nang makasal kaming dalawa hindi nawala ang away at bulyawan sa pagitan namin ni Miles. Ilang araw na kaming kasal at hindi kami magkasama sa iisang bahay. Hinayaan naman kami ng pamilya namin sa ganoong set up at katulad ng inaasahan ko, alam kong may plano sila na pagsamahin kami ni Miles sa iisang bubong. Hindi na ako nagulat nang bigyan ni Mama ng susi si Miles para sa magiging bahay naming dalawa. Wala na rin kaming nagawa kung 'di pumayag sa gusto nila dahil unang-una pumayag naman kaming makasal sa isa't isa. Alam kong hindi magiging ma
last updateLast Updated : 2022-04-26
Read more

Kabanata 56: The Unexpected Vacation (Part 1)

KINAUMAGAHAN, madilim pa lang nang magising na ako sa hindi ko alam na dahilan o baka dahil sa excitement na nararamdaman ko dahil ngayong araw kami aalis ni Zandy patungo ng Quezon Province para magbakasyon doon ng dalawang araw na inihanda sa amin ng pamilya niya. Ayon sa mga ito, ito raw ang honeymoon namin dahil hindi namin iyon nagawa nang ikasal kami ni Zandy. Ang bilis ng oras at hindi ko namalayang ilang buwan na pala kaming kasal ni Zandy at hindi ko inaasahang dadating kami sa ganitong punto ng pagsasama namin. Malayo ito sa inaasahan kong mangyayari. Nakangiti akong uminat dahil sa kakaibang sayang nararamdaman ko. Madilim pa sa labas pero gising na gising na ang sistema ko. Saglit akong umupo sa kama habang nakatingin lang sa bintana. Biglang bumalik sa akin ang nangyari no'ng isang araw sa restaurant ni Zandy. Matapos ang pangyayaring iyon, halos hindi na ako makatingin sa kaniya. Naiilang ako kapag kasama ko siya. Tinatanong ko
last updateLast Updated : 2022-04-27
Read more

Kabanata 56: The Unexpected Vacation (Part 2)

NAPUNO ng katahimikan ang loob ng sasakayan habang nagbabyahe kami ni Zandy patungo ng Quezon. Naalala ko pa rin ang mukha ni Roven nang iwan ko siya sa tapat ng bahay. Kita ko ang sakit at kirot doon at inaamin kong naaawa ako sa kaniya. May bahagi sa aking gusto ko siyang balikan para kausapin pero alam kong hindi ko na iyon dapat gawin. Pagbalik ko mula sa bakasyon, saka ko aayusin ang lahat sa amin ni Roven at lilinawin iyon."Mahal mo pa rin ba siya, Miles?" basag ni Zandy sa katahimikan.Mula sa labas ng sasakyan, lumipad ang paningin ko sa kaniya. Seryoso lang ang mukha ko at pagdaka'y umiwas din ng tingin. "I don't know, Zandy. Hindi ko alam ang nararamdaman ko para kay Roven. Kung pagmamahal pa ba ito o awa na lang," sagot ko. "Ang alam ko lang, he's still part of my heart.""Did your heart beats everytime he's near with you? Do you feel the same happiness and feelings the way you felt it before?" tanong ni Zandy.Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Bumibilis pa ba ang
last updateLast Updated : 2022-04-29
Read more

Kabanata 56: The Unexpected Vacation (Part 3)

NARAMDAMAN ko ang paghinto ng sasakyan nang imulat ko ang aking mga mata. Pupungos-pungos pa akong luminga sa paligid at bahagya akong napapikit dahil sa matinding sikat ng araw sa paligid. Naramdaman ko rin ang sariwang simoy ng hangin at nakita ko 'di kalayuan ang alon na humahampas sa dalampasigan. Nandito na ba kami?Mayamaya pa'y bumukas ang pinto ng sasakyan at nakita ko si Zandy sa labas. "We're here, Miles, come on let's go," aniya habang bahagyang nakakunot ang noo na marahil dahil sa sikat ng araw."Ok," sabi ko at bumaba ng sasakyan. Tiningnan ko pa ang wristwatch na suot ko at napagtantong pasado ala-una na pala ng hapon. Ilang oras din pala ang byahe namin papunta rito at hindi ko iyon namalayan dahil sa nakatulog ako sa byahe.Tumambad agad sa akin ang maaliwas na paligid. Lumilipad pa ang mahaba kong buhok dahil sa malakas na hangin na umiihip doon. Napakaganda ng berdeng kalangitan at ang mga ulap doon na may iba't ibang hugis. Nakaka-relax sa pakiramdam. Nakita ko rin
last updateLast Updated : 2022-04-30
Read more

Kabanata 56: The Unexpected Vacation (Part 4)

MATAPOS kong ayusin ang lahat ng mga gamit na dala ko, nagpahinga ako sa kwarto ng villa at hindi ko namalayang nakatulog ako dahil marahil sa pagod mula sa mahabang byahe at sa nakaka-relax na pakiramdam ng silid na iyon.Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero nang imulat ko ang aking mga mata, natanaw ko ang madilim na paligid at tanging mga ilaw sa poste at mga puno ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.Uminat ako at kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko dahil sa pakiramdam ko'y ang gaan ng lahat. Relax ang isip at pakiramdam ko. "Finally, you're awake."Napapitlag ako at agad kong ibinaba ang mga kamay ko ng marinig ko ang baritonong boses ni Zandy. Nakasandal siya sa pintuan habang seryosong nakatingin sa akin."Why are you here? Pinapanood mo ba akong natutulog?" gulat kong tanong sa kaniya. Nakasando lang pati ako at naka-short na labas ang maputi at makinis kong hita.Ngumiti si Zandy at bahagyang kumiling. "Kapag sinabi ko bang oo, magagalit ka? Kasalanan ba i
last updateLast Updated : 2022-05-01
Read more

Kabanata 56: The Unexpected Vacation (Part 5)

HINDI KO alam ang ire-react ko sa bawat kakaibang pagtrato sa akin ni Zandy. Mas naging sweet siya sa akin habang ako'y pilit nag-a-adjust sa pagbabagong nagaganap sa pakikitungo niya sa akin. Hindi ako sanay pero aminin ko man o hindi, masaya ako at gusto ko ang ginagawa niya sa akin."Have a sit, Miles," ani Zandy matapos niyang hawakan ang upuan para ihanda iyon sa pag-upo ko.Ngumiti ako sa kaniya at tahimik na umupo sa upuan. Pasado alas-syete na ng gabi at lumabas kami ni Zandy sa villa para kumain ng gabihan sa isa sa mga kainan sa loob ng resort.Nakasuot lang ako ng white t-shirt at short kaya naman ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa katawan ko na nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam at relaxation. Iba talaga ang ambiance sa probinsya kaysa sa Manila na nakasanayan ko.Nakahain na sa hapag ang mga pagkaing inihanda ng resort para sa amin at base sa presentation ng mga iyon, mukhang masasarap. Nakaramdam tuloy ako ng gutom dahil naamoy ko rin ang mg
last updateLast Updated : 2022-05-01
Read more

Kabanata 57: The Unexpected Trip (Part 1)

DAHIL sa mga sinabi ni Zandy sa akin sa dalampasigan, halos hindi ako nakatulog sa kakaisip tungkol doon. Ginugulo niyon ang isip ko, kung dapat ko ba siyang paniwalaan o ang takot ko na baka ako ang masaktan sa huli. Hindi madaling ibigay 'yong pagmamahal sa taong hindi sigurado kung mahal ka ba o hindi. Ayaw ko na uling maiwan at masaktan.Humikab ako at uminat sa hinihigaan ko. Nararamdaman ko pa ang antok sa katawan ko dahil nga sa kulang ang tulog ko ng nagdaang gabi dahil sa kakaisip ko kay Zandy at sa lahat ng kakaibang ginagawa at sinasabi niya sa akin.Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko ang maaliwalas na paligid at ang kulay asul na dagat. Napangiti ako dahil nagbigay iyon sa akin ng kakaibang vibes, ng relaxation at kapayapaan ng isip. Muli akong pumikit pero agad din akong napamulat nang maamoy ko ang mabangong pagkain na niluluto.Lumabas ako ng silid kung saan ako natulog habang sa sala naman si Zandy. Napakunot ang noo ko ng makita ko siya na nakaharap sa stove ha
last updateLast Updated : 2022-05-02
Read more

Kabanata 57: The Unexpected Trip (Part 2)

NAPAKAPIT ako nang mahigpit sa damit ni Zandy dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya. Hindi ko magawang yakapin siya dahil naiilang ako. Napapikit na rin ako dahil sa malakas na hangin at sa kaba ko."C-can you please slower?" nauutal kong sigaw na halos hindi ko na marinig ang boses ko dahil sa malakas na hangin at hindi ko rin alam kung naririnig ba iyon ni Zandy.Mayamaya'y naramdaman ko ang palad niyang humawak sa braso ko at inilagay iyon sa baywang niya, ganoon din sa kabilang kamay ko. Dahil sa takot at kaba ko napahigpit ang pagkakahawak ko sa kaniya.Wala rin akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Kanina pang tumatakbo ang motorcycle pero hanggang ngayon hindi pa rin iyon humihinto. Hindi sa akin pamilyar ang lugar kaya hindi ko alam kung nasaan na ba kami.Kapagkuwa'y, bumagal ang takbo ng sasakyan. Utay-utay nabawasan ang kaba ko. Nakahinga ako ng maluwang nang sa wakas huminto ang motorcycle sa isang malaking restaurant.Hindi katulad sa Manila, walang matataas na building
last updateLast Updated : 2022-05-02
Read more
PREV
1
...
7891011
...
14
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status