"Zandy?!" Napako ang tingin ko sa kaniya. Hindi ako nakagalaw. Kahit gusto kong umiwas ng tingin sa kaniya, hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili kong nananabik na akong makita siya. Mayroon sa loob ko na gustong tumakbo para lapitan siya at yakapin. "H-honey," masuyo at narahang saad ni Zandy habang direktang nakatingin sa akin. Ni hindi kumukurap ang mga mata niya. Hindi ko alam pero nababanaag ko sa mukha niya ang pananabik. "C-can we talk?" aniya. Humakbang siya ng ilang beses palapit sa akin. Nang makabawi ako sa gulat at kabang nararamdaman ko, pinilit kong umiwas ng tingin sa kaniya dahil kung titingin pa ako sa kaniya, baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko. "Why are you here? Ilang araw na ako sa hospital, Zandy pero hindi mo man lang ako nagawang puntahan. Ay! Oo nga pala, you're busy with the company kaya wala kang time para sa akin," makahulugan at sarkastiko kong sambit. Sa bawat katagang binibitawan ko, pakiramdam ko'y pinipiga ang puso ko. Mas nare-realize ko l
Last Updated : 2022-06-22 Read more