SA harap ng isang bungalow house huminto ang sasakyan ni Jhonel. Sa unahan ay may ilang naka-park din na sasakyan at motorsiklo. “This is Tayler’s house. The majority voted to have lunch in his place, kaya tayo narito,” paliwanag niya kay Laceyleigh nang mapansin ang pagtataka nito pagbaba nila. “Nice place,” komento niya naman na saglit nilibot ang tingin sa paligid. “Swerte ng lalaki na ‘yun. Besides, masarap din magluto si Nanay Elisa kumpara kung sa fancy restaurants pa tayo kumain. Here, we can smell the natural scent of nature, plus makakaiwas pa tayo sa mata ng maraming tao.” May pagmamalaki sa tinig nito. “At sa camera,” natatawang dugtong niya. “You’re right.” Ngumiti na rin siya. His voice is melodious. His smile is engaging. His stare was striking that forced her to look away. Totoo’y nakapanghihina ng kalooban na katabi si Jhonel. Nagpatiuna si Jhonel sa pagpasok sa loob ng bahay. Sumunod naman siya rito. Hindi alam ni Leigh kung tama pa ba itong ginagawa niya, pero
Magbasa pa