"Lila-" "Don't call me by my first name, we're not close!" mataray kong sabi sa lalaking Hindi ko naman kilala. Araw-araw na lang sa ginawa ni Lord, kung sino-sinong lalaki ang lumalapit sa'kin para magtapat ng pagsintang pururot nila! "Come on Lyka, just one date! After that, you decide whether you want me to be your boyfriend or not." Nasapo ko na lang ang sarili kong noo ng dahil sa kakulitan ng lalaking ito! Sino nga ba siya ulit? Hindi ba uso sa kaniya ang rejection?! I stand up and was about to leave, but I forgot that I'm in the middle of our class today. "Yes, Miss Dela Vega? Do you have any concerns?" seryosong tanong ng propesor namin na si Sir Hari. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko, ni wala nga akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya.
Last Updated : 2022-01-21 Read more