Chapter 2PATULOY pa din sa pagpupumilit makaalis sa hawak ng pinsan si Zhai. Nakalabas na kasi sila ng Bar, pero hindi pa rin siya binibitawan ni Joy. Nagmumukha siyang engot dahil sa paghatak ng pinsan niya!“Joy, stop pulling me for pete's sake!” di napigil na sambit nya, “I can walk properly on my own!” dagdag niya.Joy notices the annoyed voice on her words, so she let go. “Baka kasi balikan mo pa 'yung lalaki sa loob.” anito bago siya tinignan ng diretso sa mata. “Naninigurado lang.” dagdag pa nito, kaya naman agad humunto si Zhai, at napahawak sa bewang, bago tinaasan ng kilay ang pinsan.“Teka nga, bago tayo mapunta sakin. Unahin ko lang 'yung kagagahang ginawa mo sa loob. You kissed that freaking ugly man, Joy! Anong balak mo? Makipag-chukchakan ngayong gabi? Remember, big day ng buhay mo bukas!” paalala niya sa pinsan, incase na nakalimutan nito ang malaking ganap sa pamilya nila bukas.
Last Updated : 2021-12-13 Read more