“Mom, sabi ni ateng nakablue labas na raw.” Bulong niya sa taenga ko. Ateng nakablue? Napatingin-tingin ako sa paligid at nakita ko ang isang flight attendant na naka-uniporme ng blue. Titig na titig siya sa batang nasa gilid ko. Alam ko kung anong titig ‘yan. Ganyan lagi ang mukha ko kapag tinitingnan ko si Munde.“Mommy, she’s scaring me. Parang gusto niya akong kainin, Mom.” Takot na sabi niya habang mahigpit na hinawakan ang dulo ng damit ko. No baby, it’s just that you’re too cute.“No one can resist my baby’s adorableness! Here, let’s go.” Binuhat ko siya at lumabas na ng eroplano. Pero bago pa man kami tuluyang makalabas ay nagsalita ang bubwit na buhat na buhat ko.“Ateng nakablue, ‘di po ako masarap kainin. Babye!” Seryosong sabi niya sa flight attendant na titig na titig kanina.“G-goodbye, little sir.” Sagot niya sa anak ko.
Last Updated : 2021-12-10 Read more