“Iza! Iza!” Sigaw ng babaeng nakaputi habang kumakaway-kaway pa sa hangin. Nakatingin siya sa direksiyon ko habang nakangiti ng malapad. Kumaway din ako sa sa kanya at napangiti.
“Bulaklak!” Sigaw ko sa kanya kaya agad siyang napasimangot ng wala sa oras. Napatawa ako ng mahina dahil hanggang ngayon ay naiirita parin siya na tinatawag ng bulaklak, kesyo ang baduy raw pakinggan. Hahaha! Topakin talaga ‘tong babaeng to kahit kailan. Dapat raw Andrey tawag ko sa kanya, eh pang-lalaking pangalan ‘yon. Ano siya tomboy?
Nang tuluyan na akong nakalapit sa kaniya ay kitang-kita ko na ng klaro ang pagbusangot niya.
“Andrey, Iza. ANDREY. Hanggang ngayon ba naman ay tinatawag mo parin ako sa baduy na pangalan na ‘yon? Nakakapikon ka na ah? Ang ganda pa naman ng araw ko kaya lang sinira mo. Buwesit ka talaga.” Bulyaw niya sa akin habang kinuha niya ang maleta sa pagkakahawak ko.
“Ayos naman ang bulaklak ah?
“Are you sure about this? Pwede ka namang tumira sa bahay ko bakit magcocondo ka pa?”Binuksan niya ang pintuan ng kotse at lumabas ako habang bitbit pa rin ang batang hanggang ngayon ay tulog pa. Tiningnan ko siyang kinuha ang bagahe ko sa likuran ng kotse niya at kinaladkad iyon palapit sa’kinTiningnan ko naman ang condo na nerentahan niya para sa amin ni Munde. Hindi iyon sosyal at garbo. Simple lang ito at di gaanong kalaki.“Salamat na lang, pero ayos na ‘to.” Tango ko sa kanya.“Then, let’s go.” Sabi niya at akma na sanang pumasok sa loob pero pinigilan ko siya.“Oh?”“I’ll take it from here. Thank you for everything.” Sabi ko sabay kuha ng maleta ko sa pagkakahawak niya.“What? Teka naman, di mo man lang ako papasokin sa condo mo?” Pagmamaktol niya.“Alam kong busy ka ngayon kaya umalis ka na at asikasohin ang mga kaila
“Miss Villanueva? It’s your turn.” Sabi ng isang staff at agad naman akong tumayo. I’m wearing my glasses and my fake face. It’s made of an artificial material specially made for disguise, it’s very soft and light also it’s waterproof just in case. With this disguise, no one can recognize me, even for someone who’s particularly familiar with me. Ahh nga pala, si bulaklak ang gumawa nito.Pumasok ako sa room at nakita ko ang apat na taong naka-upo sa harap. Isa doon ang babaeng ilang taon kong gustong pigain. Yung piga na kahit ni mallit na katas ay walang natira. I can’t believe we’re finally seeing each other again, just seeing her face boils my blood at a certain point.Umupo ako sa harap nilang apat habang kalma kong tiningnan sila isa-isa. Buti na lang talaga at siya lang ang nandito kaya paniguradong di ako mamamatay sa high blood pressure pagnalaman kong silang lahat agad maaninag ko sa interview na &lsq
“Of course, you wouldn’t know, it’s very understandable.” What I’m saying is you’re ignorant. “How kind of you.” Sagot niya. Kita mo na? Ang bobo ngang talaga. Hindi ko alam kung bakit at paano ako nauto ng taong ‘to noon. “Anyway, that’s all for the interview, nice meeting you Miss Villanueva. We’ll call you soon.” Sabi nila. Tumango lang ako at tumayo bago umalis sa room. Should I consider this a success? I definitely hooked them. Emposible na hahayaan lang nila makawala ang isdang nabingwit nila, isa pa, isa iyong isdang gustong-gusto nilang makuha. Hehe. Huminto ako sa tapat nang isang malaking building. I am proud to say that this is the company my mother founded with hard work. I have a lot of memories of this building together with my Mom. She’s a woman I am looking up to. She’s my role model. There was once a time I dreamed of becoming like her. She’s a perfect woman, but the only thing that flawed her existence is that she married a man like
“Kumain ka na?” Tanong ko sa kanya at kinarga siya papuntang kusina.“Sinabi ni ate flower na kumain na raw ako kanina pero ayaw ko. I’m waiting for you.” Sagot niya habang ipinaupo ko siya sa upuan na mataas para abot niya ang lamesa.“Uhh, ate flower?” Tanong ko na may halong pagkalito.“Si ate flower, tinatawag mo siyang bulaklak ‘di ba? So she’s ate flower.” He righteously replied. Napatango-tango pa siya habang ang kanyang kamay ay nakalagay sa kanyang chin na parang nag-iisip ng malalim. Bwahahahahahaha!“T-teka baby, hahahaha! Tinawag mo siyang ganoon?” Tanong ko habang pinipigilan ang tawa ko. Napahawak pa ako sa tiyan ko dahil kung hindi baka tumawa talaga ako ng malakas.“Oo, why are you laughing Mommy?”“Bahahahahaha! Ahahaha! B-baby, you’re so… so… hahahaha!” Di ko na mapigilan ang sarili ko at napatawa na tal
“Are you ready baby? It’s your first day sa school, kinakabahan ka ba?” Tanong ko sa batang nasa gilid ko habang nasa loob parin kami ng kotse ni bulaklak. Palagi siyang nakatingin sa labas ng kotse at tinatanaw ang isang kindergarten school kung saan siya papasok.“Yes! Gusto ko nang magamit si dolphin!” Sabi niya habang iwinagayway ang kanyang lapis na may dolphin sa taas.“Buti at hindi ka kinakabahan little Z, ang ibang classmates mo oh umiiyak na.” Turo ni bulaklak sa isang batang kinakaladkad ng kanyang ina patungo sa school. Lumilingo-lingo pa ito na parang ayaw yatang pumasok.“Oh! Oh! Umiiyak nga siya ate flower!” Sigaw ni Munde sabay turo doon sa bata.“Pfft!” Napatawa ako ng mahina nang makita ang reaksiyon ni bulaklak sa tawag sa kanya ni Munde. Hindi ko maipinta ang mukha niya na nakatingin kay Munde.“Anyway, hatid na kita sa loob baby?” Sabi ko at binuksan
“Dad! Daddy!” Sigaw ko at tumakbo sa kabilang kanto ng daan. Napalingon siya sa direksiyon ko at lumaki ang mata. Ilang segundo lang ay narinig ko ang busina ng papalapit na truck galing sa kanan ko, ngunit bago pa man ako makalingon para sana tingnan ang truck na iyon ay nasa bisig na ako ng isang malaking kuya.“F*ck!”“D-daddy?!” Sigaw ko nang mapagtantong si Dad ang yumakap sa’kin.“You kid! What on earth is wrong with you?! Anong akala mo may siyam ka na buhay, ha?” Sigaw niya sa’kin. Nagulat ako sa sigaw niya kaya di ako makapagsalita saglit.“S-sorry…” Mahinang sambit ko at napayuko. Hindi ko naman namalayan na umiiyak na pala ako.“You-! What the hell.” Bulong niya at napasampal sa noo. Di ko siya naiintindihan kaya tinitingnan ko na lang ang mukha niya.“You didn’t call me.” Sabi ko at napa-iyak. Ilang araw kong hinintay ang
Adeloiza’s POV:Seryoso akong nakatutok sa screen ng computer habang nags-scroll. I am currently busy stalking Kristina. Dahil sa kakastalk ko sa kanya napagtanto kong ang sikat na sikat na pala niya ngayon. Parang kahapon lang ay nilalampasan lang siya ng mga tao, hindi pa kasi siya sikat noon. Pero ngayon, kahit saan siya nagpupunta ay paniguradong dudurogin siya ng mga taong umaaligid sa kanya makakuha lang ng autograph. Sobrang rami na pati ako ay nabigla sa kasikatan niya. Kahit sa mga fanpages ay ang rami niyang hard-dying fans na animo’y ikamamatay nila kung hindi nila nakikita si Kristina sa isang araw. Nabisita ko na lahat ng fanpages niya, ang rami na parang aabutin yata ako ng isang araw bago ako matapos.“Ang taas na ng lipad mo ah?” Bulong ko at napacross-arms. Paano ba namang hindi tataas ang lipad eh ang laki ng pakpak niya. Malaki nga hindi naman sa kanya, tsk!Hmmm? Binasa ko ang isang post sa page na pinaso
Tiningnan ko ang paligid ng isang villa kung saan ako dinala. This is the first time I have been here. So this is where that old man lives eh? Nilibot ko ang mata ko sa mga nagkikislapang ornaments sa gilid ng daan. Sa paligid kasi ay may maraming nakapalibut na rosas kaya nilagyan ng harang sa gilid ng daan. Harang na animo’y mas mahal pa sa apartment na nererentahan ko.“Right here.”Napatingin ako sa lalaking nagga-guide sa akin patungo sa loob ng napakalaking villa. Pumasok kami sa loob at bumungad sa akin ang naglilinyahang mga nakaunipormeng maids. Ang laki ng villa na ito kaya siguro marami rin silang maids.“Nasa loob siya.” Huminto siya sa isang nakasaradong pintuan at binuksan iyon. Tiningnan ko lang siya habang wala sa mood na pumasok sa loob. Nakita ko ang matanda na nakawheel-chair na ngayon habang nagmamasid sa malawak na hardin. The walls in front are made of glass so the scenery outside can be seen clearly. Hindi ako
"F*ck." Napahilamos si Fredrick ng mukha niya. I only silently sighed along with helplessness. This guy, I have already told him several times to stop whatever it is he's feeling about me. But, he's just so persistent. I don't want to hurt him nor don't want to give him false hopes. That's why I am avoiding him hoping he'll stop eventually."Fredrick, I don't want to hurt you. Sinabi ko na sayo dati na itigil mo na. Walang patutunguhan ang kung ano mang nararamdaman mo sakin. You're my friend, I don't want to lose our relationship because of something like that." Mahinahong litanya ko sa katahimikan."How? Tell me how can I stop? I've already drowned, Dele. Ang hirap umahon, ang hirap pigilan. Ayaw ko ring masira ang pinagsamahan nating dalawa pero, f*ck, I can't accept being just a friend, Dele. I like you, no, I love you. Kahit sa panahon na iyon minahal kita bilang ikaw. Tanggap ko lahat ng nangyari sayo, I am even willing to accept about Munde. I can assure you I w
"Dad, bakit ka nandito? Are you here to see me?" Bumaba si Munde sa pagkakakarga ko at lumapit kay Devan at nagsalita nang may masiglang boses."Wait, Dad?" Nagtatakang saad sa akin ni Fredrick na parang nagtatanong kung anong nangyayari. I bit my lower lip and deeply sighed with exhaustion. Damn it, one was already frustrating enough and then another one came. I'm so exhausted!"Hey, 'son'. How's your day going?" Tanong ni Devan kay Munde at kinarga siya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay parang binigatan niya yata ang tono niya nang ibanggit ang salitang 'son'."It was great! I got a lot of stars today! Ito oh! Ito pa!" Pakita niya sa mga reward stars ng teacher niya. Nakatatak iyon sa mga braso niya habang ipinapakita kay Devan na seryoso naman nakinig."Smart kid. And... Who's this?" Tanong niya at biglang lumamig ang paningin nang tiningnan niya si Fredrick."Siya si Tito! Friend ni Mommy!" Sagot ni Munde."Oh, 'Tito' you say." Ngiti niya.Bakit pakiramdam ko ay may kuryente sa
"Oh? Akala ko di mo pa ko nakilala at ipagpatuloy ko pa sana ang kwento ko." Sabi ko na may nakakalokong ngiti."Sorry okay? Buti at wala dito ang manager ko. Kung narinig niya ang pinagsasabi mo baka makutusan na naman ako 'nun! Haven't I already told you not to utter about that incident, huh? I'm trying to move on okay?!" He helplessly pleaded.This guy, is no other than Fredrick. Back abroad, I met a few friends. This guy was one of them. Nagkakilala kami sa Yureachin Corporation. He was one of the model there and I was a designer. Na-assign na rin ako sa kaniya kaya nagkalapitan kami sa isa't-isa. By the way, he's half filipino and Mexican. Nasabi ko na rin sa kaniya noon ang mga gulo ko sa buhay once nalasing ako. Nalaman ko na lang na alam na niya pala lahat pati sa anak ko. Ever since that day, naging masyado na siyang close sa akin. It's not like I was the one initiating, pero siya ang lapit ng lapit.May nalaman din ako sa kaniya na hindi ko na sana nalaman pa. Kaya parang gu
1 hour ago..."Anong meron? Bakit busy yata ang mga tao?" Tanong ko sa sarili nang makita ang mga taong nagsilakaran kaliwa't-kanan na parang nagmamadali."Lead! Buti at nandito ka na!" Nagmamadaling sigaw ni Hannah pagkapasok ko lang sa room namin."What's the rush? At bakit di mapakali yata ang mga tao sa hall? Anong meron?" Nagtatakang tanong ko."Ngayon ko lang din nalaman! May sikat na international model na magiging guest ng kompanya. Makakasama niya yata si Kristina sa isang shoot." Paliwanag niya.I raised my eyebrows. Kristina? With a famous international model? Hindi pa yata siya ganoon ka sikat para makapartner ang isang international model. There must be something else going on. I don't believe these ridiculous rumors."Kanina ka pa tinatawag ng assistant ni Miss Kristina. Pinapapunta ka, maybe it's about that model guest." Sabi niya pa. Tinanguan ko lang siya at pumunta na ng kwarto ni Kristina."Ahh! Kate! Thank goodness you're here!" Pagkapasok ko pa lang ay binungad ag
"May nisuntok ako kanina! Salbahi kaya nisuntok ko!" Masayang saad niya pa. Hindi agad nag sink in sa utak ko ang sinabi niya kaya hindi ako agad nakakibo.Teka ano raw? Tama ba 'tong narinig kong sinabi niya?"May... sinuntok... ka?" Wala sa sariling tanong ko."That's right! That's right! He was a bad kid! Sabi niya kamukha ko raw ang uncle niya tapos tinawag akong bastardo. Sabi niya pa, si Mommy ko raw ay kabit-"Pinutol ko ang susunod niya pang sasabihin. Baka kung ano nang ibuga ng bibig niya. Hindi yata tamang sabihin ng isang limang taong gulang na bata ang mga salitang 'yun."Baby, huwag magsalita ng bad words. Bad 'yun. Sino bang nagsabi sayo 'nun ha at nang mapalo ko?" Tanong ko sa kaniya."Klasmet ko, Mommy." He replied while fiddling his fingers."Masama ring manuntok. Bakit mo naman kasi sinuntok? Saan mo ba nalamang sumuntok ha? Ang bata-bata mo pa, nagiging basagulero ka na." Pagsesermon ko sa kaniya."S-sorry....wa.. wahhhhhhhh! Sorry Mommy nisuntok ko siya! Wahhhhh!"
Inabot yata sila sa pagpili ng samples ng tatlong oras. As her designer, nagbigay ako ng advice para sa pipiliin niyang gown. After all, my tastes are so much better compared to her. Of course pinili ko ang tatlong sa tingin ko ay pinakamalamang sa lahat ng samples. Sumang ayon siya sa sinabi ko. It seems like she trusts me in this matter that's why she probably agreed. Lumabas na ako ng room at dumeretso papuntang room ng team ko nang nakita nila akong nakabalik na ay pumunta sila sa meeting area namin at umupo. Nilatag ko sa lamesa ang tatlong sample sketches na napili at nag anunsyo. "This is the sample sketches na pinili ni Miss Kristina." Sabi ko. Tiningnan nila iyon at tumango. "We will be doing this respectively. Ito ang una, ito ang pangalawa at ang huli niyong gagawin ay ito." Sabi ko sabay turo sa mga samples. "Kailan tayo magsisimula?" Tanong ni Hannah. "It would be better if we can start tomorrow. We have a tight schedule since malapit na. Sa ngayon, Hannah, make the
"Ito na, lead. Natapos ko na ang sketches, I added another five samples since may mga designs akong gustong ipresent sayo. I revised all of them multiple times already pero may mga parts na hindi ako sigurado. Tingnan mo." Sabi sa akin ni Gwen habang inilahad ang mga sample sketches niya. Tiningnan ko iyon isa-isa ng maigi. Bawat sample sketch ay may kanya-kanyang designs, it's not bad but it's not that good either. Pininpoint ko ang mga areas na gusto kong iparevise sa kaniya. Iniba ko rin ang designs na hindi ko nagustuhan. May mga areas naman na unique ang pagkakagawa at nagustuhan ko iyon ng husto. As expected, Gwen really has creative ideas. She only needs proper training and experience, I believe she'll shine as a designer. "Ito at ito, ibahin mo iyan. Mas maganda kung ang ilagay mo diyan na design ay itong nilagay mo dito." Turo ko. Seryoso siyang nakinig sa mga sinabi ko habang nagsusulat ng notes ng mabilisan. "Okay. I will send you the revised samples later in the afternoo
Akala ko mahihirapan akong tabuyin ang g*go pero hindi ko inaasahan na madali siyang maka-usap ngayon. Ilang salita ko lang ay tumango siya agad at walang alinlangang umalis na. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa inasta niya nang papaalis pa lamang siya. Pakiramdam ko kasi ay parang may mali. Lalo na sa mukha niyang nakatingin sa akin kanina nang sinabi niya ang mga huling katagang iyon. Pakiramdam ko ay may nadiskubre siya na hindi ko alam kung ano, pero may kutob akong masama iyon. I have never doubted my guts, that’s why I am so confident with myself. But now, I can’t even pinpoint what this bad hunch is telling me. It’s making me helpless. Wala akong magawa kundi magmasid na lang sa mga susunod na mangyayari. Ilang sandali kong tiningnan ang kalayuan kung saan nawala ang imahi ng sasakyan ni Devan habang may malalim na iniisip. Napagtanto ko lamang na sobrang tagal ko na pa lang nakatayo doon nang naramdaman ko na ang lamig ng gabi. I shivered a little before deciding to retur
Binigyan ko ng matalim na tingin si bulaklak nang makita kong napatingin si Devan sa kanya. Nalilito ang mukha niyang nakatingin kay bulaklak na namumula ang mukha dahil sa kaka ubo.“That bastard was no longer around.” I solemnly replied to his question. Hindi ko na pinansin si bulaklak na nakayuko lamang na umiinom ng tubig.“I see. Is he still alive?” Tanong niya ulit.“Unfortunately, yes.” I snorted.“To think that such a guy actually exists, how shameful. How could he leave the two of you alone? You’re right, he’s a bastard.” He casually uttered with a blank face.“Cough!” Napatingin ako ulit kay bulaklak na umubo. Nang mapansin niya ang masama kong tingin sa kanya ay ibinaling niya ang atensyon niya kay Munde na hanggang ngayon ay masaya paring kumakain.“Little Z, kain ka pa. Marami pa nuggets, oh.” Pag-iiwas niya habang inaabutan si Munde ng ilang nuggets.“Yeah, he’s a full bloom bastard.” I grinned at him. Gusto ko sanang tumawa ng malakas dahil sa pag iinsulto niya sa saril