Home / Romance / Cry for Love / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Cry for Love : Chapter 1 - Chapter 10

63 Chapters

Chapter 1

 Sinigurado kong maayos ang mukha ko bago ako tuluyang lumabas sa sarili kong kwarto dito sa malaking bahay namin ng asawa ko. Napangiti ako nang makita ang ilang maids namin na sobrang abala sa mga kanya-kanyang gawain.  Maingat ngunit mabilis akong pumunta sa kusina at naabutan ko doon si Manang Selya na siyang tumatayong mayordoma sa bahay namin. Kaagad siyang ngumiti ng matamis nang makita ako saka marahang lumayo sa niluluto para hayaan akong ipagpatuloy 'yon. Bahagya akong natawa saka tuluyan nang nilapitan ang iniwan niyang karne para ako na nag magtuloy sa pagluluto. "Sorry, Manang, tinanghali ako ng gising," nakangiting sabi ko pero bahagya lang umiling si Manang Selya sabay hagod ng bahagya sa likuran ko.
Read more

Chapter 2

 "Manang, wala pa po ba si Jeck?" Kabadong tanong ko kay Manang Selya nang makababa ako kasi hating gabi na hindi pa rin siya nakakauwi. Maraming beses na siyang umuwi ng late at mayroong pagkakataon na hindi siya umuwi pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. He is driving his own car and I don't trust other drivers out there. Kalmado akong umupo sa sofa dito sa living room habang lingon ng lingon sa pintuan. "Uuwi rin iyon, Anak. Mas mabuting matulog ka na. Gigisingin na lamang kita kapag dumating na ang asawa mo," mahinang sabi ni manang kaya marahan akong umiling. "Hihintayin ko nalang po siyang umuwi. Matulog na po kayo," magalang na sambit ko saka marahang hinimas ang braso ko dahil sa lamig ng a
Read more

Chapter 3

 Pagkarating ko sa bahay walang gana kong nilapag lahat ng pinamili sa ibabaw ng couch saka kinulong ang mukha gamit ang sariling palad. "Are you okay?" Marahang tanong ni Joy kaya mabilis akong tumango saka kinuha ang dalawang kamay sa palad para bigyan siya ng pilit na ngiti. "Y-yes," She sighed. "Sana hindi na ako nag-aya pang mag shop," matamlay na sabi niya kaya marahan akong huminga ng malalim. "It's fine, Joy. I'm really okay," pangungumbinsi ko pero tinitigan niya lang ako ng matagal gamit ang naawang mga mata. Kaagad akong umiwas ng tingin dahil hindi ko gusto na kinakaawaan ako. "Eya—" 
Read more

Chapter 4

The next morning I was extra grateful and excited because my Mom called last night that they will visit us here. Ilang buwan ko na ring hindi nakikita si Mommy at Daddy kaya sabik na sabik ako. "Manang, tulungan mo na lang po sila sa labas kasi kaya ko na dito," nakangiting sabi ko kay manang pero nagdalawang isip pa siyang sundin ako. "Sigurado ka?" tanong niya kaya excited akong tumango habang hinahalo ang paborito ni Mommy na caldereta. Nang maluto iyon kaagad kong dinala sa dining table dahil maya-maya ay darating na sina Mommy. Tumulong na rin ako sa pag-aayos ng mga kagamitan sa lamesa dahil ayaw kong may hindi maganda akong makita sa araw na ito. My mom and dad is coming, they are the first people who I adore. I will always be excited and happy to see them. "Manang, gigisingin ko lang po si Jeck baka napasarap ang tulog," sabi ko kalaunan sabay punas ng medyo basang kamay. "Sige, anak." Napapangiti ako bago nagmamadaling lumabas ng dining hall. Pero hindi na ako natuloy
Read more

Chapter 5

"Jeck, ah alam mo ba na birthday ni Ninong bukas?" Nagdadalawang isip na tanong ko sa asawa ng nakauwi siya. Sandali niya akong tinapunan ng tingin na parang nag-iisip at makalipas ang ilang segundo tamad siyang tumango. Napangiti rin ako saka unti-unting tumango. "Yeah, we'll go there," malamig na sabi niya bago tuloy-tuloy na umakyat sa itaas. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka mabilis ring sumunod para makapunta sa sariling kwarto. I still have a lot of unused casual dresses in my closet so I do not need to buy. Mabilis ako na naghanap ng simple pero elegante na dress at kaagad rin naman akong nakakita ng pasok sa panlasa ko. I am so excited to see Ninong Greg. He was our godfather when we got married and he is my favourite uncle. I can still remember how he spoiled me a lot when I was younger because he often visited our house back then. He's my father's second cousin but he really loves me as his own. Bumaba na lang ako para mag hapunan. Nauna si Jeck doon kaya pormal ako n
Read more

Chapter 6

Iyak ako ng iyak hanggang sa nakasakay ako ng taxi kaya kahit ang driver medyo nababahala na rin. Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa paghahalo ng sipon at luha. "Ma'am, maaari niyo pong sabihin sa akin ang problema ninyo para kahit papaano magiging magaan sa pakiramdam," bigla kong tiningnan ang driver sa rear view mirror. He smiled a bit so I sighed. Pinilit kong ihinto ang malakas na pag hagulgol saka pilit na ngumiti sa driver. "Kuya, may asawa po kayo?" marahan na tanong ko habang pinupunasan ang mga luhang traydor na ayaw huminto sa pagtulo. "Opo, Ma'am," nakangiting sagot niya habang pasulyap-sulyap sa akin sa salamin. Marahan akong tumango sa naging sagot niya saka bahagyang napaisip. The way he smile and the twinkle of his eyes are telling me that he really love his wife. Nakita ko na rin ang ngiti na tulad ng ganoon kay Jeck. Pero hindi para sa akin. "Masaya po ako para sa inyo, Kuya," sabi ko gamit ang maliit na boses. "Kayo po?" tanong niya na ikinatango k
Read more

Chapter 7

Nang umuwi ako galing sa condo ni Joy ay medyo naging maayos na ang pakiramdam ko at masakit man pero nagagawa ko ng hindi umiyak ng umiyak. Kaagad akong dumiretso sa painting room ko hindi para magpinta kundi para titigan ang hindi pa natatapos na portrait ni Jeck. Gusto kong tapusin ang painting na 'yan pero hindi tulad ng iba kong painting natatapos ko agad ay iba ang mukha ni Jeck. Hindi ko alam kung anong problema o kung ano pang hinahanap ko. I just can paint his face easily if I want to but I couldn't. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa galing ko sa pagpinta kapag mukha na niya ang gagawin ko. Nang matitigan ko na iyong mabuti ay tinakpan ko na ng puting tela bago tuluyang nilisan ang kwarto. Dumiretso ako sa kwarto ko saka agarang nag palit ng two piece. Tinakpan ko iyon ng see through na robe bago patakbong bumaba. "Manang, pakidalhan po ako ng juice sa pool please," nakangiting pakikiusap ko kaya mabilis niya akong tinanguan. Tumakbo ako papunta sa likuran at nang mak
Read more

Chapter 8

Dahil sa pagtitig ko sa kanya ay hindi nakalampas sa mga mata ko ang panginginig niya. Kunot noo ko siyang nilapitan para mas makita iyon at tama nga ako dahil nanginginig siya. Napa kunot ang noo ko ng bahagya."Jeck?" mahinang tawag ko pero wala akong akong narinig na tugon.Kahit nagdadalawang isip ay nagawa ko pa rin na hawakan ang noo at leeg niya para malaman kung tama ba ang hinala ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman na sobrang init niya. He has a high fever! Bahagya siyang tumihaya ng pagkakahiga kaya bahagya akong napaatras. Napalunok ako saka muling pinakiramdaman ang noo at leeg niya na sobrang init."Hmmm," ungol niya habang nanginginig kaya mabilis kong binalot sa katawan niya ang makapal na comforter.Mabilis akong nataranta kaya halos madapa na ako nang tumakbo ako pabalik sa kwarto ko para kunin ang phone. Nanginginig ang kamay ko habang nag-sesearch sa g****e kung ano ang ginagawa sa taong may lagnat.Hindi ko alam ang gagawin! Hindi pa ako nakapag-alaga ng ma
Read more

Chapter 9

Sa ilang minuto kong pananatili sa labas ng pintuan niya nakaramdam na rin ako ng bahagyang inip kaya nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto ko. Akmang bubuksan ko pa lang ang pinto ng kwarto ko bumukas rin ang kay Jeck kaya mabilis ko 'yong nilingon.Nakita ko siyang mabilis na lumabas na nakabihis na ng formal attire pero namumula pa rin ng bahagya ang mukha at mga mata at palatandaan 'yon na hindi pa siya gaanong maayos."Jeck," mahinang tawag ko kaya natigilan siya at malamig na tumingin sa akin.Wala sa sarili akong humakbang papalapit sa kanya saka hindi nagdalawang isip na pinakiramdaman ang leeg niya. Mabilis siyang humakbang paatras kaya nabitin sa ere ang kamay ko kaya ngumiti na lang ako ng pilit saka unti-unting binaba 'yon."I'm going," matigas na sabi niya kaya napalunok ako bago umiling."You are still sick. Mamaya ka na umalis kapag naging maayos ka na ng tuluyan," sabi ko kaya nag salubong ang kilay niya na parang naiinis kaya napabasa ako sa mga labi ko dahil s
Read more

Chapter 10

Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakaupo sa kama habang mariin ang titig sa isang baso ng tubig na hawak. Biglang nawala ang pagkauhaw ko at parang gusto ko na lang na titigan ang hawak. My heart is shaking as well as my whole body.Nanginginig kong nilapag ang baso sa bedside table saka marahang huminga ng malalim. Hindi ko maabot ang saya na nakapaloob sa puso ko. My heart is screaming out of joy. Jeck, my husband, offered to get me a glass of water. For the first time he gave his full attention to me. And that is my own kind of heaven.Hindi ko matanggal ang matamis na ngiti sa labi nang magpasya akong pumunta sa banyo para maligo. Pilit kong ininda ang sakit ng bukong-bukong na hindi ko mailapat kaya gumamit ako ng bathtub para hindi ako gaanong mahirapan. Pero nang matapos ako sa paliligo nakita ko na mas lalong namaga ang ankle ko kaya bahagya akong kinabahan."Manang, please puntahan niyo po muna ako," sabi ko sa pamamagitan ng intercom habang pilit dinidiinan ng malinis na bimp
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status