Home / All / Cry for Love / Chapter 5

Share

Chapter 5

Author: Affeyly
last update Last Updated: 2021-12-15 22:17:43

"Jeck, ah alam mo ba na birthday ni Ninong bukas?" Nagdadalawang isip na tanong ko sa asawa ng nakauwi siya. Sandali niya akong tinapunan ng tingin na parang nag-iisip at makalipas ang ilang segundo tamad siyang tumango. Napangiti rin ako saka unti-unting tumango.

"Yeah, we'll go there," malamig na sabi niya bago tuloy-tuloy na umakyat sa itaas.

Napakagat ako sa ibabang labi ko saka mabilis ring sumunod para makapunta sa sariling kwarto. I still have a lot of unused casual dresses in my closet so I do not need to buy. Mabilis ako na naghanap ng simple pero elegante na dress at kaagad rin naman akong nakakita ng pasok sa panlasa ko.

I am so excited to see Ninong Greg. He was our godfather when we got married and he is my favourite uncle. I can still remember how he spoiled me a lot when I was younger because he often visited our house back then. He's my father's second cousin but he really loves me as his own.

Bumaba na lang ako para mag hapunan. Nauna si Jeck doon kaya pormal ako na umupo sa silya na nasa harap. We often use this small breakfast table when it's just the two of us are eating. Pero may malaking dining table kami at mas lalo lang akong nalulungkot dahil sobrang laki niyon kaya mas prefer ko na dito na lang kasi kaharap ko siya.

Sa halos ilang minuto naming pagkain ni isang tingin hindi niya ako binigyan kaya ang nagawa ko na lamang ay titigan ang likod niya habang papaalis.

Kinaumagahan maagang umalis si Jeck at hindi ulit siya kumain ng breakfast kaya mag-isa lang ako. The party will start at seven o'clock in the evening so it's fine if he'll work. Ang problema lang ay hindi ako sigurado kung talagang pupunta siya. Sinabi niya man kahapon pero alam kong hindi pa nakakasigurado na tuloy nga. And I can't even contact him because I don't have his number.

Kahit nagdadalawang isip, nag-ayos pa rin ako ng sarili ng sumapit ang dilim para sa party. I was wearing a yellow dress 'till my toe. It's fitted on the waist part and the back was crossed style. The dress is designed as a tube so my cleavage is kinda showing but it's still decent and very simple. I also put on light make-up that could enhance my soft features and I also wore some jewellery. 

Nagpasya akong bumaba na nang matapos pero ingat na ingat ako sa bawat hakbang kasi medyo mataas ang heels na suot. Manang Selya complimented me so I smiled widely before sitting comfortably on the couch.

Pasulyap-sulyap ako sa pinto dahil baka sakaling dumating si Jeck pero isang oras pa ang lumipas wala akong tunog ng kotse na narinig. Pasulyap-sulyap ako sa phone ko dahil sa oras at text na ng text si Daddy na naroon na raw sila. Bahagya akong pumikit saka tumayo dahil isang oras na kaming late at wala pa si Jeck. Baka hindi siya uuwi ngayong gabi.

Pero isang hakbang palang ang nagawa ko may tunog ng kotse akong narinig kasabay ng isang busina. Kumakabog ang dibdib ko sa tuwa dahil alam kong si Jeck na iyon pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Tanging nagawa ko lang ay lumingon sa pinto para makita ang pagpasok niya.

Isang minuto lang bigla ngang bumukas ang pinto at pumasok si Jeck na walang reaksyon. Kaagad na nag salubong ang mga mata namin kaya kita ko ang pagkunot niya ng noo saka pasimple akong hinagod ng tingin. Bahagyang nanuyo ang lalamunan ko dahil doon kaya napabasa ako sa mga labi ko ng hindi sinasadya kasabay ng paglunok.

"I'll just change," malamig na sabi niya saka mabilis na umakyat sa taas.

"I prepared your suit in your closet," pabulong na sabi ko dahil kaagad siyang nawala dahil sa bilis ng takbo niya.

Napalunok ulit ako ng bahagya saka marahang nilagay sa likod ng tainga ang buhok. I curled my hair for today to match my outfit and I think I really look so good today. Pero nang makita ang reaksyon ni Jeck kanina napaisip ako na parang kulang ang pag-aayos ko. Does he like thick ang fierce makeup?

Sa gitna ng pag-iisip ko biglang bumaba si Jeck na suot ang bagong suit na kulay gray. Napangiti ako ng tipid dahil kahit anong suot niya bagay na bagay at magaling siyang magdala ng mga damit. 

If he's not a businessman he can be a model. Magiging successful rin siya sa craft na iyon.

"Let's go," malamig na sabi niya saka mabilis akong nilagpasan. Napakurap ako saka mabagal at maingat na sumunod. When we reached his car he immediately opened the door of the driver's seat like I will not come with him. Kusa ko na lang na binuksan ang pinto ng passenger's saka maingat na pumasok dala-dala ang maliit na pouch na tanging credit cards at cellphone lang ang laman.

When he started driving I could not help but to look at his hands on the steering wheel. The way he move it is just so hot and attractive. Those hands made me dreamed to touch them even for just a second. Hindi ko pa nahahawakan ang kamay niya dahil noong kinasal kami ay sa braso niya ako humawak. Saka sa balikat niya lang ang kamay ko noong nagsayaw kami sa reception.

Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Time will come. Maybe not now or tomorrow but I am sure that my dreams will come true when the right time comes.

Hinding-hindi ako mapapagod na hintayin iyon. 

Nang makapagpark si Jeck sa venue kung saan gaganapin ang party ni Ninong kaagad akong natuwa nang makita ang mga tao na nasa loob. This is a resort owned by my ninong.

Kaagad bumaba si Jeck kaya naghintay ako sandali sa loob sa pag-aakala na pag bubuksan niya ako ng pinto pero hindi. Nauna siyang maglakad na parang walang kasama kaya dali-dali akong lumabas saka tumakbo para maabutan siya. Our arms touched slightly when I walked beside him but I noticed that he immediately step away from me. 

Agad akong nakaramdam ng kaunting kirot sa puso ko dahil doon pero hindi ko na tinuon pa ang pansin sa bagay na iyon. When we finally entered, a lot of guests welcomed us so I smiled politely at them. Kaagad kong nilibot ang mga mata para hanapin si Daddy at Mommy pati na rin si Ninong at noong mahanap ko sila ay kaagad akong napangiti ng malapad.

"Jeck, there!" masayang sabi ko saka mabilis na lumapit kina Mommy.

"Eya!" masayang sabi ni Ninong nang matanaw ako at kaagad binuka ang mga kamay na parang humihingi ng yakap na agad ko rin namang binigay.

"Ninong, I have no gift. Utang na lang muna ngayon," malambing na sabi ko habang nakayakap sa tiyan niyang medyo malaki kaya humalakhak siya ng malakas.

"Malaki akong maningil, Hija," biro niya pa kaya bahagya akong sumimangot saka tumawa na rin sa huli.

After talking to Ninong I kissed my parents on their cheeks and I also kissed Jeck's parents which are also here.

"You are stunning," nakangiting papuri ni Mommy Cecil sa akin.

"Thank you po, Mommy," nahihiyang sabi ko kaya mahigpit niya akong niyakap ulit.

Hinanap ng mga mata ko si Jeck at nakita ko na seryoso siyang kinakausap ni Daddy Jack. Sandali akong tumitig kay Jeck na ngayon ay may hawak ng wine saka bahagyang ngumiti ng maliit. 

"Bakit kayo na late?" tanong bigla ni Mommy kaya nalipat sa kanya ang mga mata ko.

"Natagalan po ako sa pag-aayos, Mom," I lied because I don't want her to dislike Jeck even more.

"Natagalan? You are not putting a lot of makeup and I know that you are fast," sabi niya ulit kaya ngumiti na lang ako na ikinailing niya.

I talked with some of my batch mates and some people whom I know. Kumuha rin ako ng isang baso ng wine habang nakikipag-usap sa mga batch mates ko na matagal ko ng hindi nakita.

"Your husband allows you drink?" tanong ni Honey kaya bahagya akong natigilan saka bahagya na nilingon si Jeck na busy sa mga kausap at parang nakalimutan na niya na kasama niya ako dito.

"Oh come on, it's just a wine," sagot ni Mae kaya pilit ako na ngumiti sa kanila bago nag paalam dahil alam kong magiging uncomfortable na ng topic para sa akin.

Sa pag-alis ko muli na namang hinanap ng mga mata ko si Jeck pero hindi ko siya nakita. Napakunot ang noo ko saka nilingon ang pwesto nina Mommy pero wala rin siya doon. 

Kabado akong nag lakad-lakad para hanapin siya sa dagat ng mga tao dahil baka nainis siya at iniwan na ako. Napadpad ako sa likuran na bahagi kung saan kaunti lang ang tao. May ilang bumati kaya napa pahinto rin ako saglit para makipag-kamustahan kahit papaano.

"I will just look for my husband, Sir," magalang na sabi ko sa dating professor ko kaya nakangiti niya rin naman akong pinakawalan.

Ilang hakbang pa ang ginagawa ko ay tuluyan na akong may naaninag sa medyong tagong gilid. Naglakas loob akong lumapit pero nang tuluyan ko silang namukhaan parang gusto kong tumakbo pero hindi ko magawang gumalaw. I felt hurt, sad and betrayed.

Jeck is slight turning his back on me but I could still see his face. Ang siyang kitang-kita ko ay ang pamilyar na mukha ng isang babae na may malaking ngiti sa mga labi. She's wearing a body hugged leather dress and her hair is curled too. Medyo dark ang makeup kaya mas lalo siyang attractive tingnan.

Namasa ang mga mata ko nang makita na halos nakasandal na kay Jeck ang babae at parang nagbubulungan sila. Nanginginig akong napaatras pero napako lang ang mga mata ko sa kanila.

Parang gusto kong sumugod para kunin si Jeck pero alam kong hindi ko dapat gawin iyon. I have the right because we are married. Pero alam ko na siya ang mahal ni Jeck kaya sa huli ako rin ang mapapahiya at magiging talunan.

How can he be so happy with her? Bakit pagdating sa akin kahit ngiti hindi man lang maibigay? How unfair.

Nang tumulo ang mga luha sa mga mata ko doon lang ako naglakas loob na tumalikod saka dali-daling naglakad papalayo doon. Dinala ako ng mga paa ko malapit sa pool at nang makita na walang tao doon mabilis akong umupo sa isang swing saka marahas na pinahid ang mga luha sa pisngi.

I sobbed silently while staring at the bermuda grass trying so hard to ease the pain. Nasa gitna ako ng pag-iyak nang may maramdaman ako na biglang umupo sa kabilang swing kaya kaagad kong kinalma ang sarili bago iyon tiningnan.

"So it's really you, Eya," masaya at may halong lambing na sambit ng isang lalaki na kilalang-kilala ko.

I chuckled and shook my head. Mabilis akong nag-iwas ng tingin para hindi niya makita ang pamumula ng mga mata ko.

"Yes it's me, Yno. Missed me?" pilit na asar ko kaya narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Yes, a lot," sagot niya kaya bahagya akong natigilan bago siya nilingon at naabutan ko na seryoso lang siya habang nakatitig sa akin.

"Funny," sabi ko bago ulit umiwas ng tingin kaya natawa ulit siya.

"Hanggang ngayon ba naman, Eya. You are still so—"

"What?"

Nakangisi siyang umiling saka."Mula noon hanggang ngayon." 

Napakunot ang noo ko saka bahagyang umiling na lang kasi wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

"Yno, can I asked you something?" tanong ko makalipas ang ilang segundo kaya binigay niya rin naman sa akin ang lahat ng atensyon niya.

"Huh?"

"Pain is part of love right?" wala sa sariling tanong ko kaya mas lalo siyang tumitig sa mga mata ko na parang may hinahanap.

"It is, but it won't last long. As long as the love is still strong," sinabi niya ang mga katagang iyon habang nakatitig sa mga mata ko kaya alam kong kita niya ang pagbasa ng mga iyon kaya kumurap ako.

As long as the love is strong? Paano kapag walang love? Sakit na pang habang buhay?

I forcely smiled and stand so he also did. "Nice seeing you here. I need to go," paalam ko at hindi ko na hinintay pa ang sagot niya kasi kaagad rin akong naglakad papalayo.

Yno is a good friend since we are still in highschool. I am happy to see him after so many months.

Nakatanggap ako ng text kay Mommy at kay Mommy Cecil na uuwi na sila kaya mabilis rin akong nagreply habang naglalakad papunta sa powder room. Nang makapasok ako doon kaagad kong tiningnan ang mukha ko sa salamin. I sighed when I saw that my makeup is kinda ruined because of crying earlier.

"Uhh," agad tumaas ang mga balahibo ko sa buong katawan nang marinig ang kakaibang boses na iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. And out of curiosity I silently walked towards the cubicle where it came from. Napalunok ako saka unti-unting sumilip sa nakaawang sa pinto.

At dahil sa nakita kusang nag laglagan ang mga luha ko na parang nasa karera. Napaatras ako pero hindi ko maalis ang tingin sa kanila. 

My husband is currently making out with the girl he loves. Kitang-kita ko! Klarong-klaro! My heart shattered into a million pieces while watching how they eat each other's mouth like they were both turned on and they are wanting for more. Jeck's  first two buttons are now opened and the girl's arms are snaked on his nape. They were exchanging loud kisses that made me broken even more.

Hindi ko matigil ang mga luha ko sa pag tulo at parang gusto kong mag lupasay sa sahig saka umiyak ng umiyak. Gusto kong isigaw na nandito ako tinatanaw sila habang nasasaktan pero hindi ko magawa. Takot at na duduwag ako kasi ako lang rin ang masasaktan. Ako lang kasi ang nagmamahal sa aming dalawa. Ang magagawa ko lang ay umiyak ng umiyak na parang bata. Dahil kahit asawa ko siya hindi siya kailanman naging akin.

Dahil sa bahagyang paghakbang ko paatras nabangga ko ang basurahan na naging dahilan para tumigil sila.

When they both turned to me I am able to see their red lips because of too much kissing. Kahit sobrang nasasaktan na ako nagawa ko paring salubungin ang mga mata ni Jeck na bakas rin ang pagkagulat.

Despite my crying heart and eyes I still manage to give him a small and forceful smile.

"Mauuna na lang akong umuwi," sabi ko sa nanginginig na boses. Marahan akong tumango sa kanya saka bumaling sa babae na gulat na gulat rin. Binigyan ko rin siya ng isang maliit na ngiti bago tuluyang tumalikod at umalis dala-dala ang pusong basag na basag dahil sa nasaksihan.

Mabilis ang naging takbo ko para lang makalabas sa resort dahil hindi ko gustong may makakita sa akin na ganito ang itsura. Nang tuluyan akong makalabas kaagad akong umupo sa gilid ng entrance ng resort sabay subsob ng mukha sa tuhod at doon umiyak ng umiyak.

Ang sakit pala na makita siya na may kahalikang iba. I thought I was already used to this kind of pain. Nakakapatay pala ang sakit na 'to.

"Stop the pain, stop, stop, stop," iyak na iyak na sabi ko habang malakas na pinupugpog ang dibdib dahil baka sa paraang iyon ay tumigil ang sakit na maaari kong ikamatay.

What did I do? I obeyed my parents and I became a good daughter, friend, and wife. Pero bakit parang sinalo ko lahat ng kamalasan? May chance pa ba? Tulong naman po.

Comments (14)
goodnovel comment avatar
Garcia Jelo
may toyo yong author at bida...wala nmn gnyn katanga juice me
goodnovel comment avatar
Sivellejo Jocelyn
next chapter please
goodnovel comment avatar
Neneng Bolivar
......... maganda basahin cguro sa end sila parin matutuhan din mahalin ng groom ang asawa nya hihi............
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Cry for Love    Chapter 6

    Iyak ako ng iyak hanggang sa nakasakay ako ng taxi kaya kahit ang driver medyo nababahala na rin. Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa paghahalo ng sipon at luha. "Ma'am, maaari niyo pong sabihin sa akin ang problema ninyo para kahit papaano magiging magaan sa pakiramdam," bigla kong tiningnan ang driver sa rear view mirror. He smiled a bit so I sighed. Pinilit kong ihinto ang malakas na pag hagulgol saka pilit na ngumiti sa driver. "Kuya, may asawa po kayo?" marahan na tanong ko habang pinupunasan ang mga luhang traydor na ayaw huminto sa pagtulo. "Opo, Ma'am," nakangiting sagot niya habang pasulyap-sulyap sa akin sa salamin. Marahan akong tumango sa naging sagot niya saka bahagyang napaisip. The way he smile and the twinkle of his eyes are telling me that he really love his wife. Nakita ko na rin ang ngiti na tulad ng ganoon kay Jeck. Pero hindi para sa akin. "Masaya po ako para sa inyo, Kuya," sabi ko gamit ang maliit na boses. "Kayo po?" tanong niya na ikinatango k

    Last Updated : 2021-12-20
  • Cry for Love    Chapter 7

    Nang umuwi ako galing sa condo ni Joy ay medyo naging maayos na ang pakiramdam ko at masakit man pero nagagawa ko ng hindi umiyak ng umiyak. Kaagad akong dumiretso sa painting room ko hindi para magpinta kundi para titigan ang hindi pa natatapos na portrait ni Jeck. Gusto kong tapusin ang painting na 'yan pero hindi tulad ng iba kong painting natatapos ko agad ay iba ang mukha ni Jeck. Hindi ko alam kung anong problema o kung ano pang hinahanap ko. I just can paint his face easily if I want to but I couldn't. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa galing ko sa pagpinta kapag mukha na niya ang gagawin ko. Nang matitigan ko na iyong mabuti ay tinakpan ko na ng puting tela bago tuluyang nilisan ang kwarto. Dumiretso ako sa kwarto ko saka agarang nag palit ng two piece. Tinakpan ko iyon ng see through na robe bago patakbong bumaba. "Manang, pakidalhan po ako ng juice sa pool please," nakangiting pakikiusap ko kaya mabilis niya akong tinanguan. Tumakbo ako papunta sa likuran at nang mak

    Last Updated : 2021-12-20
  • Cry for Love    Chapter 8

    Dahil sa pagtitig ko sa kanya ay hindi nakalampas sa mga mata ko ang panginginig niya. Kunot noo ko siyang nilapitan para mas makita iyon at tama nga ako dahil nanginginig siya. Napa kunot ang noo ko ng bahagya."Jeck?" mahinang tawag ko pero wala akong akong narinig na tugon.Kahit nagdadalawang isip ay nagawa ko pa rin na hawakan ang noo at leeg niya para malaman kung tama ba ang hinala ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman na sobrang init niya. He has a high fever! Bahagya siyang tumihaya ng pagkakahiga kaya bahagya akong napaatras. Napalunok ako saka muling pinakiramdaman ang noo at leeg niya na sobrang init."Hmmm," ungol niya habang nanginginig kaya mabilis kong binalot sa katawan niya ang makapal na comforter.Mabilis akong nataranta kaya halos madapa na ako nang tumakbo ako pabalik sa kwarto ko para kunin ang phone. Nanginginig ang kamay ko habang nag-sesearch sa g****e kung ano ang ginagawa sa taong may lagnat.Hindi ko alam ang gagawin! Hindi pa ako nakapag-alaga ng ma

    Last Updated : 2021-12-20
  • Cry for Love    Chapter 9

    Sa ilang minuto kong pananatili sa labas ng pintuan niya nakaramdam na rin ako ng bahagyang inip kaya nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto ko. Akmang bubuksan ko pa lang ang pinto ng kwarto ko bumukas rin ang kay Jeck kaya mabilis ko 'yong nilingon.Nakita ko siyang mabilis na lumabas na nakabihis na ng formal attire pero namumula pa rin ng bahagya ang mukha at mga mata at palatandaan 'yon na hindi pa siya gaanong maayos."Jeck," mahinang tawag ko kaya natigilan siya at malamig na tumingin sa akin.Wala sa sarili akong humakbang papalapit sa kanya saka hindi nagdalawang isip na pinakiramdaman ang leeg niya. Mabilis siyang humakbang paatras kaya nabitin sa ere ang kamay ko kaya ngumiti na lang ako ng pilit saka unti-unting binaba 'yon."I'm going," matigas na sabi niya kaya napalunok ako bago umiling."You are still sick. Mamaya ka na umalis kapag naging maayos ka na ng tuluyan," sabi ko kaya nag salubong ang kilay niya na parang naiinis kaya napabasa ako sa mga labi ko dahil s

    Last Updated : 2021-12-20
  • Cry for Love    Chapter 10

    Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakaupo sa kama habang mariin ang titig sa isang baso ng tubig na hawak. Biglang nawala ang pagkauhaw ko at parang gusto ko na lang na titigan ang hawak. My heart is shaking as well as my whole body.Nanginginig kong nilapag ang baso sa bedside table saka marahang huminga ng malalim. Hindi ko maabot ang saya na nakapaloob sa puso ko. My heart is screaming out of joy. Jeck, my husband, offered to get me a glass of water. For the first time he gave his full attention to me. And that is my own kind of heaven.Hindi ko matanggal ang matamis na ngiti sa labi nang magpasya akong pumunta sa banyo para maligo. Pilit kong ininda ang sakit ng bukong-bukong na hindi ko mailapat kaya gumamit ako ng bathtub para hindi ako gaanong mahirapan. Pero nang matapos ako sa paliligo nakita ko na mas lalong namaga ang ankle ko kaya bahagya akong kinabahan."Manang, please puntahan niyo po muna ako," sabi ko sa pamamagitan ng intercom habang pilit dinidiinan ng malinis na bimp

    Last Updated : 2021-12-21
  • Cry for Love    Chapter 11

    Nanatili lang ako sa kwarto kasi umakyat si Manang para pagsabihan ako na huwag daw pwersahin sa paglakad dahil mas lalong lalala ang pamamaga. At dahil ayaw ko ng mahirapan sa paglalakad sinunod ko siya. I stayed inside my room while listening to my favorite playlist.Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ni Jeck. Alam kong nandito lang siya sa bahay at kampante na ako doon. At kahit naman na magpasya siyang umalis ay ayos lang rin. Masaya na ako dahil sa mga atensyon na ibinigay niya.Busy ako sa pag-check ng emails ko sa laptop ng biglang bumukas ang pinto at inuluwa no'n ay si Manang. Kunot noo ko siyang tiningnan pero kalmado lang siya na naglalakad papunta sa akin."Po?" inosenteng tanong ko kaya huminga siya ng malalim bago pasimpleng may tinuro sa baba kaya napaawang ang mga labi ko.Nagtatanong ang mga mata ko na nakatingin sa kanya kaya bahagya siyang sumulyap sa namamaga kong bukong-bukong."May naghahanap sa iyo sa labas. Nagpakilalang si Mr. Dy," sabi niya kaya nanlaki a

    Last Updated : 2021-12-22
  • Cry for Love    Chapter 12

    My swelling ankle started to get better and I could already walk without feeling too much pain. Masakit pa rin pero makakaya ko na at nabawasan na ang pamamaga niya. Hindi na nga halata kaya nagagawa ko nang pumunta sa baba ng walang umaalalay. Dalawang araw na rin kasi ang lumipas."Jeck, magtatrabaho ka ngayon?" tanong ko habang nasa hapag-kainan kami pero tiningnan niya lang ako gamit ang malalamig na mga mata at wala ni isang katagang sinabi kaya pinili ko na lang na manahimik.My ankle started to get better but my husband went back to being cold again. He was just guilty that time and that is the sad truth.Nangangalahati pa lang ako sa kinakain ko bigla na siyang tumayo kaya nanlaki ang mga mata ko. Napatayo rin ako ng mabilis kaya tinapunan niya ulit ako

    Last Updated : 2021-12-24
  • Cry for Love    Chapter 13

    "We're going tomorrow, wake up early," iyon lang ang sinabi ni Jeck pagkarating niya pero grabeng saya na ang hatid sa akin.Napasigaw ako ng malakas sa loob ng utak ko bago patakbo na umakyat sa taas diretso sa kwarto ko. I've already packed some of my things earlier but I am not yet done. Hindi pa kasi ako sigurado kanina kung tuloy ba kami bukas pero ngayon na sigurado na aayusin ko na ulit ang lahat.Isang malaking maleta ang dadalhin ko kahit dalawang araw lang naman kami doon. Two days and one night to be exact but that's fine. Too short but I will make sure that I'll enjoy. Lalo na at kasama ko si Jeck. Thanks to his parents. Hindi niya yata gustong suwayin sila kaya sapilitan siyang pumayag.Nilagay ko ang sunblock, shades, perfume, slippers, nigh

    Last Updated : 2021-12-25

Latest chapter

  • Cry for Love    Epilogue

    "Take care of yourself please. Huwag kang papa gutom at huwag ka ring uminom ng marami lalo na kapag gabi at magda-drive ka. Sleep early so you won't be late for work. Don't skip your meals no matter how busy you are. At lagi ka ring uminom ng vitamins para hindi ka magkasakit. Huwag ka ring papaulan at huwag mong sagarin ang sarili mo sa trabaho." My tears keeps on falling when she went out. Tinapon ko lahat ng gamit na makikita ko. Dahil baka kaya nitong pawiin lahat ng sakit na nararamdaman ko. Why am I crying? Bakit ako umiiyak kung ako ang puno't dulo ng lahat? Wala akong karapatan na umiyak. I hurt her. Seeing her begged make me broke. Pero gag* ako. Denise. I need to keep my promise. She's hurting herself. I need to stay with her. I need to let Eya go. I don't want to cage her even if I lover her. I can't bear seeing her cry everyday because of me. Ganoon na lang ang takot na naramdaman ko nang makita siyang may hawak ng maleta kinaumagahan. She'll leave me? Ayaw na niy

  • Cry for Love    Chapter 62

    This is going to be Jeck's Pov same as the epilogue. *** "Jeck, we can't be late. Nakakahiya sa kanila." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Dad pero tumango na lang ako na parang walang pakialam. We are meeting someone today that I did not know. Dad said that we need to do this for our business. Para mas malawak pa ang maging koneksyon at para mas lumaki pa ang negosyo. And because I am handling all our companies, I need to go with them. Habang papasok ako sa kotse ko biglang nag-vibrate ang phone ko kaya kaagad ko iyong nilabas mula sa bulsa ng slacks na suot ko. Denise: Jeck, where are you? I missed you. Wala sa sarili akong

  • Cry for Love    Chapter 61

    "Mommy!" "Eya!" "Darling!" "Wife!" Everybody is crying. But I can't see them. Puro itim ang nakikita ko. A loud cry was everywhere. Who are they? Where am I? Why are they crying? "Mommy!" "Please, I love you. I love you." Nakakasilaw na liwanag ang nakita ko hanggang sa unti-unti kong maaninag ang isang kwarto na puro puti. My eyes widened in shock when I realized where am I. Akma akong uupo pero napahiyaw ako dahil sa sakit ng magkabilang paa ko pati na rin ng mga braso. "Ahhhhhhhhhhhh!" "Sh*t, you're okay now. I'm here, I'm here. It's fine." Patuloy ako sa paghiyaw dahil sa sakit hanggang sa narinig ko ang pintong pabagsak na bumukas. A lot familiar faces stepped inside but my mind was too focused on my aching body. Ang sakit-sakit. Nakakamatay ang sakit. "Call the doctor now!" "Ano ba! Nurses!" "Sh*t! Layo!" "What's happening!" "Oh My God!" A strong arms suddenly hugged me so tight. Kaagad akong napapikit ng mariin saka dinama ang init na pamilyar na ginagawa akong k

  • Cry for Love    Chapter 60

    "Ahhhh!" malakas kong sigaw nang makaramdam ng grabeng lamig sa buong katawan ko.Nagising ako sa isang madilim na lugar. Nakaupo sa isang metal na silya habang nakagapos. Naaninagan ko ang dalawang lalaki na malaki ang katawan, kapwa nakasuot ng itim na damit habang nakangisi ng malademonyo sa akin."Gising na si ganda," they said and my body shook in fear and in the cold."Who are you?! Pakawalan niyo ako?" halos mapaos ako sa kakasigaw pero tawa lang ang sinagot nila.Tawa sila ng tawa kaya wala akong ibang ginawa kundi mag sisigaw hanggang sa mawalan ako ng boses. I am scared, angry and nervous. Paano ako napunta dito? Sino sila? The last thing I remember was that someone hit me something on

  • Cry for Love    Chapter 59

    Naalimpungatan ako dahil sa narinig kong malakas ng ring ng cellphone. Mahina kong tinapik si Jeck na mahimbing ang tulog sa tabi ko."Jeck, your phone," inaantok na sabi ko pero mas lalo lang siyang yumakap sa akin.I sighed and look at the alarm clock on my bedside table. Napapikit ako sandali dahil sa inis nang makita na alas-dos pa lang ng madaling araw. Marahan kong sinikop ang kumot na nakatabon sa katawan ko saka dahan-dahan na inabot ang cellphone ni Jeck ang nag-iingay.Walang pangalan ang tumatawag kaya kahit nagtataka sinagot ko iyon para matigil na. Mas lalo kong inayos ang kumot saka marahan na tinapat sa tainga ang phone."Hello, Jeck? This is Denise. Please come back to me now. Hindi ko

  • Cry for Love    Chapter 58

    Our breakfast turned out so well. Tahimik lang si Daddy na kumakain. Mom never let Jeck feel that he is unwanted because she always asks him about some stuff. And I am happy because we are slowly getting there.Nang magsabi ako na sasama kami kay Jeck tiningnan lang kami ni Daddy. Magalang si Jeck sa kanila pero kita kong bahagyang naiinis pa rin si Daddy pero hindi na niya sinasabi. Mom and Dad let us go with Jeck. And Ella is happy because of that."That was so difficult," mahinang bulong ni Jeck sa akin nang makapasok kami ng kotse niya. Mahina ko naman siyang tinawanan."Why?""Actually, I am preparing for your Dad's punches. But it didn't come. Is this a good sign?"

  • Cry for Love    Chapter 57

    Nagising ako dahil sa kiliti na nararamdaman ko sa leeg. I softly moaned and slowly opened my eyes. Kaagad kong naaninag ang nakangiting mukha ni Jeck. Biglang bumalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi kaya kaagad uminit ang magkabilang pisngi ko."Morning," paos at malambing na sabi niya. Napalunok ako saka nahihiyang tumalikod. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Wala ba akong muta? Alam kong hindi ako humihilik at hindi naman mabaho ang hininga ko pag bagong gising pero nahihiya pa rin talaga ako. This is not my first time waking up next with him. Pero nakakaramdam pa rin ako ng ilang.Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya mas lalo akong pinag-iinitan ng pisngi.Unti-unti niya akong niyakap mula sa likod. My heart went wild. Naramdaman kong wala na siyang lagnat dahil sa pagdampi ng balat niya sa balat ko. Wala sa sarili akong napapikit ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa bandang balikat ko malapit sa leeg."Jeck, I'm sleepy," I lied. Nawala na ang antok ko nang makita ko s

  • Cry for Love    Chapter 56

    We can just sleep here—"I could not finished what I supposed to say because he suddenly groaned and pulled me towards his body. Napasubsob ako sa dibdib niya pero wala akong sakit na naramdaman. Mahina na lang akong natawa dahil sa inakto niyang iyon."As much as I want that I just can't let you sleep here," tila nahihirapang wabi niya kaya nagsalubong ang mga kilay ko."Why? Ella and I—""Your Dad will get angry even more. And I don't want that," pabulong na sabi niya kaya napasinghap ako ng mahina."Hayaan mo na—""How could I win you both if that's the case

  • Cry for Love    Chapter 55

    We decided to go out for lunch because Ella wants it. Sa ilang oras na pananatili namin sa opisina ni Jeck ay wala siyang nagawang trabaho. His daughter keeps on playing with him so he cancelled everything."She's so spoiled," I murmured while looking at my daughter who keeps on giggling while holding Jeck's hand.Nasa unahan sila at ako medyo huli sa paglalakad. Sumasayaw ang maikling buhok ni Ella habang naglalakad siya kasabay ng pagsayaw ng dress na suot niya. She looks so adorable while holding Jeck's hand. Ang cute nilang tingnan na dalawa. Jeck is a serious person so seeing him with a child is really unexpected."Let's go," biglang lingon sa akin ni Jeck nang mapansin na nahuhuli ako."Daddy, do

DMCA.com Protection Status