Home / Romance / IRISH "My Little Bride" / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of IRISH "My Little Bride" : Chapter 21 - Chapter 30

43 Chapters

Chapter 21

"Kailangan mo ng tutukan ang health condition mo, Irish." Seryosong nakatingin ang doktor sa kaharap. "Kailangan ng malaman ng pamilya mo.""Hindi pwede, Dok. Ayoko." Napailing si Irish, isipin n'ya pa lang na masasaktan ang pamilya n'ya nasasaktan na s'ya. "Irish, kung gusto mong gumaling hindi mo kailangang itago ang totoo sa pamilya mo. Mas kailangan mo ng karamay ngayon." Malungkot na umiling si Irish. "Ayokong makasakit." "Hindi ka makakasakit ng damdamin, dahil binibigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong gumaling pa." "Ano pong gagawin ko?" Matamlay na sagot ni Irish."Kailangan mong sumailalim sa cellular immunotherapy. Tatawagan ko ang mommy mo." Napabuntong-hininga si Doktor Balmonte at hinanap sa phone ang numero ni Mrs. Amanda No, ang ina ni Irish."Please Doc, hayaan mong ako ang magpaliwanag sa mommy ko."Naiiling na tiningnan s'ya ng Doktor."Wala pa akong naging pasyente na kasin-tigas ng ulo mo. Bumalik ka next week dahil kapag hindi ka
last updateLast Updated : 2022-01-26
Read more

Chapter 22

Napapalatak si Gab nang makita ang nakahaing pagkain sa lamesa. Saucy beef with broccoli, supreme chicken adobo, bahagya pang umuusok ang kanin, lemon meringue juice at dalawang basong watermelon juice. Natuwa s'ya sa isipang health conscious na ang asawa. Napapansin n'yang may sinusunod ng healthy diet recipe ito. Pumuwesto agad ng upo si Gab at hinanap ng paningin ang asawa."Hi!" Bungad nito mula sa pinto ng laundry room. Nakasuot ito ng kupasing t-shirt na pinaresan ng pajama ang pang-ibaba. Itinaas ng hairclip ang katamtamang haba ng buhok. Hindi maikukubli ng kasimplehan nitong mag-ayos ang natatangi nitong ganda. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ni Gab ang pamumutla nito."Anong meron? May nakalimutan ba ako?" Tanong ni Gab habang nakatingin sa mga nakahain."Wala naman gusto lang kitang ipagluto." Nakangiting sagot ni Irish at ipinaglagay ng kanin sa plato ang asawa."Maswerte talaga ako sa pagkakaroon ng misis na bukod sa maganda na masarap pang magluto."
last updateLast Updated : 2022-01-27
Read more

Chapter 23

Nanlumo si Gab ng hindi madatnan ang asawa sa bahay, mabilis n'yang tiningnan ang closet na kinalalagyan ng mga damit nito. Maayos pa ding nakatupi at naka-hanger ang mga gamit nito. Nasapo ni'ya ang noo. Saan naman pupunta si Irish ng ganung oras? Wala itong kaibigan na mapupuntahan o kamag-anak man lang na malapit rito.Nagbakasakali s'yang tawagan ang lahat ng kakilala at kamag-anak nila pero wala doon ang asawa. Napilitan s'yang tawagan ang Mommy n'ya kahit alam n'yang mapapagalitan s'ya.At tama nga s'ya, napagalitan lang s'ya nito dahil wala doon ang asawa. Maging ang Daddy n'ya ay halos murahin na s'ya."I-report na natin sa pulis Gab!" ang mommy niya."Mom, alam n'yo namang twenty-four hours ang kinakailangan diba?" naguguluhang ini-off n'ya na ang cellphone at umupo sa sofa.Puno ng pag-aalalang naghintay sa pagbukas ng pintuan, nagba-bakasakaling uuwi 'din ito.M
last updateLast Updated : 2022-01-27
Read more

Chapter 24

Tiniyak ni Irish na nabili n'ya na ang mga personal n'yang pangangailangan. Maliban sa wallet na naglalaman ng atm card, cash at ilang identification card ay wala s'yang dala na kahit ano. Kaya bumili na lamang s'ya ng mga gamit. Muli n'yang binasa ang mensahe ni Alma, ibinigay nito ang eksaktong address kung saan ito nakatira. Wala s'yang ibang maisip na maaaring puntahan kundi ang dating sekretarya na kasalukuyan ng naninirahan kapiling ang pamilya sa probinsya nito sa Palawan. Matapos bumaba sa eroplanong sinakyan ay sumakay s'ya ng tricycle at nagpahatid sa bus terminal. Maswerte s'ya dahil mabait ang driver ng nasakyang tricycle. Maya't mayang tumatawag si Alma para mai-guide s'ya kung paano matutunton ang pupuntahan."Ma'am, three hundred-eighty po ang pamasahe." Untag ng driver. Humugot si Irish ng pera si Irish mula sa wallet at iniabot sa driver. Inayos n'ya ang pagkakasandal ng likod at ipinikit ang mga mata. Iidlip muna s'ya dahil ayon kay Alma ay bibilang pa ng li
last updateLast Updated : 2022-01-28
Read more

Chapter 25

"Sir, may appointment po kayo ng 3 pm." Nag-angat ng tingin si Gab. Humpak ang pisnge, at malalim ang eyebags, may hawak ang kanang-kamay na kopita ng wine. Mula ng umalis at iwan s'ya ni Irish hindi na s'ya pumalya ng pag-inom ng alak."Paki-cancel." Matamlay nitong sagot."Pero Sir, 'antagal n'yo pong hinintay ito." Nag-aalala si Ice, ilang buwan ng hindi ito humaharap sa mga kliyente ng Garments. "Ice...hindi ko pa kaya." "At kailan mo kakayanin?" Sarkastikong tanong ng tinig na ikinalingon nilang pareho ni Ice.Si Leonard. "Gab, hindi mo kailangang magpakamatay para sa babae." Galit na tiningnan ni Gab ang kaibigan. "Hindi s'ya basta babae, asawa ko ang tinutukoy mo!" "Okey, sorry!" Nagtaas ito ng kamay. "Ang akin lang naman, hindi mo kailangang pabayaan ang kompanya na maraming umaasa." Malumanay nitong paliwanag.Tahimik na nakamasid lang si Ice. Dama n'ya ang matinding pagsisisi at lungkot ng amo."Hindi ko kayang mawala si Irish..." "Pwes! Kayanin mo!" Umiling-iling na
last updateLast Updated : 2022-01-28
Read more

Chapter 26

Panay ang iyak ng Mommy ni Gab. Kasalukuyan silang  nasa International Airport. Babalik na ng America si Irish,  matapos makapagpaalam sa mga empleyado ng Gabrish Garments ay buo na ang pasya n'yang umuwi na sa Mommy n'ya.  Higit kanino man ang ina ang unang kailangan niyang maging karamay. Kailangang-kailangan n'ya ito ngayon kahit pa alam niyang ibayong sakit na naman ang idudulot nito sa inang minsan ng nawalan ng mahal sa buhay.  Tahimik at seryoso si Gab. Hindi na s'ya nito napilit pang manatili sa piling nito. Hindi s'ya tinitingnan ng asawa ng hilain niya na ang de-gulong na bag matapos yakapin ang  biyenan.  "G-gab..." Hindi ito lumapit at tumingin man lang.Alam n'yang hindi nito tanggap ang desisyon niyang makipaghiwalay na rito. Hihintayin niyang magpasya itong magfile ng annulment. Palihim niyang kinausap ang abogado ng pamilya, gusto niyang malipat kay Gab
last updateLast Updated : 2022-01-31
Read more

Chapter 27

Stem Cell Transplantation.Immunotherapy.Chemotherapy.Ilan sa paraan para madugtungan ang buhay ni Irish. Hindi madali ang magiging proseso pero seventy percent ang tsansang madugtungan ang buhay ng asawa. At dahil hindi naman rare ang sakit na Leukemia, sa 'Pinas na nila ni Mommy Amanda napagdesisyunang gawin ang gamutan sa isang kilalang pribadong hospital. Bukod kasi sa makakasama niya ang asawa ay magiging madali para sa kaniya ang pumasok twice a week sa opisina. Humugot  ng malalim na hangin si Gab at pinagmasdan ang asawang nakaupo at nakatanaw sa dalampasigan. Pinagmamasdan ang kulay pulang liwanag ng sikat ng araw. Napagpasyahan nilang manatili na lamang sa private resort sa Lemery, Batangas. Mas makabubuti kasi kay Irish kung makakalanghap ito ng sariwang hangin. Naghire si Gab ng dalawang private nurse na mag-aalaga sa asawa. Isang oras lang ang biyahe ng resort patungo sa ospital kung saan ito regular na nagki-chemotherapy para hindi i
last updateLast Updated : 2022-02-01
Read more

Chapter 28

"Damn!" Mura ni Gab, pabagsak na inilapag ang hawak na celphone, natigilan ang kapapasok lang ng silid ng opisina na si Ice. Dahan-dahang humakbang palapit sa Boss na tiyak na mainit ang ulo. Ilang kliyente kasi ang nagcancel ng ilang appointment at may iilan ng lumipat ng supplier. Naging mabagal ang pagpasok ng pera sa kompanya, unti-unting humihina ang kinikita ng Garments mula ng mapabayaan ito ni Gab dahil sobra itong naapektuhan ng kasalukuyang pinagdadaanan nila ni Irish."S-sir, Gab." Umupo si Ice sa upuang nasa harap ng mesa nito, kipkip ang ilang dokumento."I-ice..." Humugot muna ito hangin. "B-babagsak na ang kompanya. Anong gagawin ko?" Nangangailangan sila ng malaking pondo at alam ni Gab na hindi n'ya pwedeng galawin ang pera ng asawa sa bangko. Nakalaan 'yun para sa pagpapagamot ng asawa. Patuloy ang chemotherapy ni Irish."Sir, kaya nga po pala ako nandito gusto po sana kayong makausap nila Mang Anilo." Napabuntong-hininga si Gab. Inaasahan n'ya na ito. "Hindi po nat
last updateLast Updated : 2022-02-02
Read more

Chapter 29

"Kailangan mong lunukin ang pride mo, Gab!" Malumanay ngunit may diin ang tono ng pananalita ni Leonard. Gusto nitong bilhin ang kalahati ng shares ng kompanya. Tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana si Gab. Hindi madaling tanggapin ng ego n'ya ang inaalok nito. Kahit pa alam n'yang tama ito at malaki ang maitutulong nito sa kasalukuyang krisis na pinagdadaanan ng kompanya."Pag-iisipan ko." "Ano?! Pag-iisipan? Gumagapang na ang kompanya mo, Gab. Kailangan mong maging praktikal." Nagsalin ito ng wine sa baso at iniabot sa kaibigan. "Hindi madali ang hinihingi mo. Para ko na ring ibinenta ang natitirang dignidad ko." "Magkaibigan tayo, Gab. Kung hindi kinakaya ng lintek mong pride mas makabubuti nga sigurong si Irish na lang ang kausapin ko." Masamang tingin ang ipinukol ni Gab sa kaibigan. "Huwag mong idadamay sa Irish, Leonard. Hindi n'ya na kailangang mamuroblema at mag isip pa para sa kompanya!" "I know, pero alam mo 'din na kung alam ng asawa mo
last updateLast Updated : 2022-02-05
Read more

Chapter 30

"Malapit na tayo sa tugatog ng tagumpay, Leonard. Nagawa mong makuha ang loob ng mga kliyente ni Gabriel ng wala siyang kaalam-alam. Mukhang hindi na rin naman gagaling ang asawa n'ya." Nagpakawala ng malutong na halakhak si Jeanny.Ngumisi si Leonard at itinaas ang baso ng kopita. "Para sa tagumpay! Tila umaayon sa atin ang pagkakataon. Hindi habang-buhay ay malalamangan ako ng isang Gabriel Villaflor, Jeanny." Mabilis itong nakapagpalit ng anyo. Bakas ang matinding galit at pagkamuhi." Ilang taon 'din akong nagtrabaho sa mga Villaflor ngunit sa isang iglap dahil lang anak s'ya ay napunta sa kan'ya ang posisyong dapat ay sa akin." Tumayo mula sa kinauupuan si Jeanny at malambing na kumandong sa binata. "Akong bahala kay Gabriel. At walang magagawa ang inutil n'yang asawa." Siniil nito ng halik ang binata. Higit na mapusok ang iginanti nito. Mabilis na hinatak ni Leonard nang pahubad ang suot nitong off-shoulder dress at sinibasib ito ng halik. Marahas at walang ingat.
last updateLast Updated : 2022-02-06
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status