"Malapit na tayo sa tugatog ng tagumpay, Leonard. Nagawa mong makuha ang loob ng mga kliyente ni Gabriel ng wala siyang kaalam-alam. Mukhang hindi na rin naman gagaling ang asawa n'ya." Nagpakawala ng malutong na halakhak si Jeanny.Ngumisi si Leonard at itinaas ang baso ng kopita. "Para sa tagumpay! Tila umaayon sa atin ang pagkakataon. Hindi habang-buhay ay malalamangan ako ng isang Gabriel Villaflor, Jeanny." Mabilis itong nakapagpalit ng anyo. Bakas ang matinding galit at pagkamuhi." Ilang taon 'din akong nagtrabaho sa mga Villaflor ngunit sa isang iglap dahil lang anak s'ya ay napunta sa kan'ya ang posisyong dapat ay sa akin." Tumayo mula sa kinauupuan si Jeanny at malambing na kumandong sa binata. "Akong bahala kay Gabriel. At walang magagawa ang inutil n'yang asawa." Siniil nito ng halik ang binata. Higit na mapusok ang iginanti nito. Mabilis na hinatak ni Leonard nang pahubad ang suot nitong off-shoulder dress at sinibasib ito ng halik. Marahas at walang ingat.
Bumungad ang masayang mukha ni Gab sa pinto ng silid ni Irish. Nakita n'yang tila may binabasa ito. Umaaliwalas ang humpak nitong pisnge nang makita si Gab."Hi!" "Mukhang masaya ka?" Ani Irish, inilapag ang hawak na celphone sa sidetable. "Yap, you know what? Sobrang daming kliyente ko today. Pati ang BCM clothing fashion sa atin na rin kukuha ng supply." Tukoy nito sa isang kilalang clothing brand collection. Nilingon ni Gab ang Mommy Amanda ni Irish. "Congratulations, Gab." "Yes, Mommy Amanda. Bumalik na 'din ang iba pa nating kliyente." Masigla nitong pagku-kwento. Ngunit bigla itong natigilan nang maalalang hindi nga pala alam ng asawa ang pinagdaanan ng Gabrish Garments. Ngunit mabilis 'ding nakabawi. "Pwede siguro nating i-celebrate 'yan Gab." Ang luwang ng pagkakangiti ni Irish."Not today, dumaan lang ako para bisitahin ang misis ko. May appointment pa akong kailangang puntahan." H*****k si Gab sa noo ng asawa saka umalis.Napabuntong-hining
Humugot ng malalim na hangin si Alma saka mahinang kumatok at itinulak ang nakasara na pinto. Bumungad sa kan'ya ang maaliwalas na silid, maihahalintulad na ito sa isang condominium unit. Kumpleto ang appliances, may malaking flat na television sa wall, refrigerator sa sulok, 'sinlaki na halos ito ng buong unit na tinitirhan nilang bahay sa Palawan. Ngumiti ang Mommy ni Irish nang makita s'ya. Pinili nitong lumabas upang magkasarilinan sila ng anak nito. Nakadama ng habag ang dalaga nang makita itong nakaupo malapit sa bintana si Irish at nakatanaw sa labas ng bintana. Tila malalim ang iniisip nito. Parang piniga ang damdamin ni Alma nang makitang pumayat ito at nanlalalim ang gilid ng mga mata. Naluluhang ginagap ni Alma ang palad nito na awtomatikong ngumiti. Noon pa man, hindi na ito nagkakait ng ngiti sa kahit kanino."Kumusta ka na, Ma'am Irish?" "Lumalaban." Pilit itong ngumiti. "Salamat Alma, pumayag kang magtrabaho ulit sa Gabrish." Ito ang kumumbinse sa k
"Annulment?!" Umalingawngaw ang boses ni Gab sa kabuuan ng silid. Mabilis na rumehistro ang sakit sa kalooban. "Hindi ko pipirmahan 'yan! Sino ka ba sa akala mo?" Inihagis ni Gab ang dokumento sa harapan ng abogadong minsan nang pinagselosan."Mr. Villaflor... Kagustuhan ito ng asawa mo, wala akong personal na motibo ginagawa ko lang ang trabaho ko." Malumanay na paliwanag ni Attorney Rob. " Mag-uusap kami ni Irish, makakaalis ka na." Tumalikod na ito at lumabas ng opisina. Napasandal sa sandalan ng swivel chair si Gab at ipinikit ang mga mata. Hindi n'ya maintindihan ang gustong mangyari ni Irish. Bakit kailangan s'ya nitong hiwalayan? Para saan? Nasasaktan ang damdaming hinilot n'ya ang sentido.Bumukas ang pinto na ikinadilat n'ya. Atubili ang kapapasok lang na si Alma."May kailangan ka?" "Ahm Sir...May sasabihin sana ako.""Huwag ngayon." naiinis na pagtataboy niya sa dalaga. Napapahiyang tumalikod na ito. "Sige...Ano 'yun?" Pahabol na tanong
Mabilis na lumapit si Attorney Rob kay Irish, nadatnan n'yang nagpapahid ito ng luha habang tila nanghihinang inilapag ang hawak na celphone. Ni hindi nito namalayan ang pagdating n'ya."May problema ba?" Umiling-iling lang ito at tumingin sa kawalan."Look, Irish...Kailangan mong i-kwento 'yan para gumaan ang pakiramdam mo." Napabuntong-hininga ang binata. Akala n'ya pa naman, masayang Irish ang madadatnan n'ya dahil makalipas ang ilang taon ay tuluyan na itong gumaling mula sa pakikipaglaban nito sa sakit na Leukemia. "Hindi na kailangan, Rob. Okey lang ako. Tears of joy lang ito." Nginitian s'ya ni Irish."Alam mo, Irish..." Hindi na nito natapos ang nais pang sabihin dahil sa pagbukas ng pinto ng silid. Bumungad ang Mommy Amanda ni Irish, kasama ang ilang empleyado ng Gabrish, at ang ilang Nars at Doktor na nag-alaga sa kan'yang kliyente, nasa gawing likuran si Gab na nawala ang ngiti nang makita si Rob. Ngunit pilit na ngumiti at pinagtakpan ang pagkainis.
"Kailangan mo ba talagang gawin ito?" Nilingon ni Gab ang asawa."Hindi naman pwedeng makulong na lang ako sa bahay, dahil lang cancer survivor ako." tumingin sa labas ng bintana ng kotse si Irish. "Ang akin lang..." pinutol ni Irish ang sasabihin nito."Ayokong makulong sa bahay!" May diin ang boses ni Irish, natilihan si Gab na tumahimik na lang at itinutok na ang atensyon sa pagmamaneho. Kailangan n'yang habaan ang pasensya sa nakikitang pagbabago ng pag-uugali ni Irish. Naging aburido ito at madaling magalit. Marahil dahil sa kondisyon nito. Nag-aadjust pa pagkatapos ng ilang taong pakikipagbaka sa sakit. Alam n'yang hindi naging madali rito ang pinagdaanan. Kaya ipinangako n'ya sa sariling higit n'ya itong iingatan. Wala siyang hindi kayang gawin para sa asawa. Kumuha na 'din s'ya ng dalawang maid para hindi ito napapagod.Nauna na itong bumaba ng kotse at nagpatiunang naglakad. Ni hindi s'ya sinabayan ng asawa. Sinundan n'ya na lamang ito nang isa-isang bisita
"Ohhhhh....bilisan mo pa!" tila idinuduyan sa sarap si Jeanny, hubo't h***d na mahigpit na nakahawak sa gilid ng kama habang patalikod na binabayo ni Leonard. Lalo nitong binilisan ang pagbayo na nagpawala na ng katinuan ng dalaga. Nilingon nito ang kaniig, pawisan at naghahabol ng hininga. "Fuck! I'm cominggg!" Ibinigay nito ang makakaya, mas mabilis. Dama ni Leonard na kapwa malapit ng humulagpos ang maligamgam nilang likido. Mabilis nitong hinugot at hinayaang pumulandit at kumalat sa sahig. H***d na naglakad si Jeanny, kumuha ng stick ng sigarilyo at nagsindi. Padekwatrong umupo sa two seater na sofa. Hinayaan ang katawang manatiling h***d.Kasalukuyan silang nasa hotel ni Leonard. Madalas nilang gawin ito sa tuwing magkikita. Magsi-sex, ibibigay ang hilig ng laman. Magkasundong-magkasundo sila ni Leonard, wild at mahilig mag-explore. "Mukhang hindi ka nagtagumpay na makuha si Gab. Sabagay, hindi nga pala mahilig sa malandi si Gabriel." Nakangisi si Leonard.
"Umalis na naman ba ang Ma'am Irish mo?" Tanong ni Gab sa katulong na si Nikay , pamangkin ito ni Aling Magda."Opo Sir, nagmamadali nga po eh." Sagot nito sa gitna ng pagdidilig. Tila nawalan na 'din kasi ng ganang mag-alaga ng mga halaman ang asawa at hinayaan na lamang na ang mga maid ang mag-asikaso. Napakalayo na nito sa dating Irish na pinakasalan at minahal. Mabilis n'yang tinapos ang pagkain at dinampot ang celphone at tinawagan ang asawa. Ngunit naka-off ang celphone nito. Napabuntong-hininga si Gab. Tinawagan ang sekretaryo at ipina-cancel ang meeting. Aalamin n'ya ang dahilan ng pag-alis ni Irish ng bahay. Kahit hindi n'ya alam kung papaano? Ni hindi n'ya alam kung saan ito nagpupunta?Binabagtas na ng kotse ni Gab ang kahabaan ng Highway, awtomatikong napatingin s'ya sa isang fastfood chain. Naisip n'yang bumili ng ng yumburger na paborito ng asawa. Kumabog ang dibdib ni Gab nang dumako ang paningin sa isang sulok ng mesa at makita ang magkapares na masayang nagtatawanan.