Humugot ng malalim na hangin si Alma saka mahinang kumatok at itinulak ang nakasara na pinto. Bumungad sa kan'ya ang maaliwalas na silid, maihahalintulad na ito sa isang condominium unit. Kumpleto ang appliances, may malaking flat na television sa wall, refrigerator sa sulok, 'sinlaki na halos ito ng buong unit na tinitirhan nilang bahay sa Palawan. Ngumiti ang Mommy ni Irish nang makita s'ya. Pinili nitong lumabas upang magkasarilinan sila ng anak nito. Nakadama ng habag ang dalaga nang makita itong nakaupo malapit sa bintana si Irish at nakatanaw sa labas ng bintana. Tila malalim ang iniisip nito. Parang piniga ang damdamin ni Alma nang makitang pumayat ito at nanlalalim ang gilid ng mga mata. Naluluhang ginagap ni Alma ang palad nito na awtomatikong ngumiti. Noon pa man, hindi na ito nagkakait ng ngiti sa kahit kanino."Kumusta ka na, Ma'am Irish?" "Lumalaban." Pilit itong ngumiti. "Salamat Alma, pumayag kang magtrabaho ulit sa Gabrish." Ito ang kumumbinse sa k
"Annulment?!" Umalingawngaw ang boses ni Gab sa kabuuan ng silid. Mabilis na rumehistro ang sakit sa kalooban. "Hindi ko pipirmahan 'yan! Sino ka ba sa akala mo?" Inihagis ni Gab ang dokumento sa harapan ng abogadong minsan nang pinagselosan."Mr. Villaflor... Kagustuhan ito ng asawa mo, wala akong personal na motibo ginagawa ko lang ang trabaho ko." Malumanay na paliwanag ni Attorney Rob. " Mag-uusap kami ni Irish, makakaalis ka na." Tumalikod na ito at lumabas ng opisina. Napasandal sa sandalan ng swivel chair si Gab at ipinikit ang mga mata. Hindi n'ya maintindihan ang gustong mangyari ni Irish. Bakit kailangan s'ya nitong hiwalayan? Para saan? Nasasaktan ang damdaming hinilot n'ya ang sentido.Bumukas ang pinto na ikinadilat n'ya. Atubili ang kapapasok lang na si Alma."May kailangan ka?" "Ahm Sir...May sasabihin sana ako.""Huwag ngayon." naiinis na pagtataboy niya sa dalaga. Napapahiyang tumalikod na ito. "Sige...Ano 'yun?" Pahabol na tanong
Mabilis na lumapit si Attorney Rob kay Irish, nadatnan n'yang nagpapahid ito ng luha habang tila nanghihinang inilapag ang hawak na celphone. Ni hindi nito namalayan ang pagdating n'ya."May problema ba?" Umiling-iling lang ito at tumingin sa kawalan."Look, Irish...Kailangan mong i-kwento 'yan para gumaan ang pakiramdam mo." Napabuntong-hininga ang binata. Akala n'ya pa naman, masayang Irish ang madadatnan n'ya dahil makalipas ang ilang taon ay tuluyan na itong gumaling mula sa pakikipaglaban nito sa sakit na Leukemia. "Hindi na kailangan, Rob. Okey lang ako. Tears of joy lang ito." Nginitian s'ya ni Irish."Alam mo, Irish..." Hindi na nito natapos ang nais pang sabihin dahil sa pagbukas ng pinto ng silid. Bumungad ang Mommy Amanda ni Irish, kasama ang ilang empleyado ng Gabrish, at ang ilang Nars at Doktor na nag-alaga sa kan'yang kliyente, nasa gawing likuran si Gab na nawala ang ngiti nang makita si Rob. Ngunit pilit na ngumiti at pinagtakpan ang pagkainis.
"Kailangan mo ba talagang gawin ito?" Nilingon ni Gab ang asawa."Hindi naman pwedeng makulong na lang ako sa bahay, dahil lang cancer survivor ako." tumingin sa labas ng bintana ng kotse si Irish. "Ang akin lang..." pinutol ni Irish ang sasabihin nito."Ayokong makulong sa bahay!" May diin ang boses ni Irish, natilihan si Gab na tumahimik na lang at itinutok na ang atensyon sa pagmamaneho. Kailangan n'yang habaan ang pasensya sa nakikitang pagbabago ng pag-uugali ni Irish. Naging aburido ito at madaling magalit. Marahil dahil sa kondisyon nito. Nag-aadjust pa pagkatapos ng ilang taong pakikipagbaka sa sakit. Alam n'yang hindi naging madali rito ang pinagdaanan. Kaya ipinangako n'ya sa sariling higit n'ya itong iingatan. Wala siyang hindi kayang gawin para sa asawa. Kumuha na 'din s'ya ng dalawang maid para hindi ito napapagod.Nauna na itong bumaba ng kotse at nagpatiunang naglakad. Ni hindi s'ya sinabayan ng asawa. Sinundan n'ya na lamang ito nang isa-isang bisita
"Ohhhhh....bilisan mo pa!" tila idinuduyan sa sarap si Jeanny, hubo't h***d na mahigpit na nakahawak sa gilid ng kama habang patalikod na binabayo ni Leonard. Lalo nitong binilisan ang pagbayo na nagpawala na ng katinuan ng dalaga. Nilingon nito ang kaniig, pawisan at naghahabol ng hininga. "Fuck! I'm cominggg!" Ibinigay nito ang makakaya, mas mabilis. Dama ni Leonard na kapwa malapit ng humulagpos ang maligamgam nilang likido. Mabilis nitong hinugot at hinayaang pumulandit at kumalat sa sahig. H***d na naglakad si Jeanny, kumuha ng stick ng sigarilyo at nagsindi. Padekwatrong umupo sa two seater na sofa. Hinayaan ang katawang manatiling h***d.Kasalukuyan silang nasa hotel ni Leonard. Madalas nilang gawin ito sa tuwing magkikita. Magsi-sex, ibibigay ang hilig ng laman. Magkasundong-magkasundo sila ni Leonard, wild at mahilig mag-explore. "Mukhang hindi ka nagtagumpay na makuha si Gab. Sabagay, hindi nga pala mahilig sa malandi si Gabriel." Nakangisi si Leonard.
"Umalis na naman ba ang Ma'am Irish mo?" Tanong ni Gab sa katulong na si Nikay , pamangkin ito ni Aling Magda."Opo Sir, nagmamadali nga po eh." Sagot nito sa gitna ng pagdidilig. Tila nawalan na 'din kasi ng ganang mag-alaga ng mga halaman ang asawa at hinayaan na lamang na ang mga maid ang mag-asikaso. Napakalayo na nito sa dating Irish na pinakasalan at minahal. Mabilis n'yang tinapos ang pagkain at dinampot ang celphone at tinawagan ang asawa. Ngunit naka-off ang celphone nito. Napabuntong-hininga si Gab. Tinawagan ang sekretaryo at ipina-cancel ang meeting. Aalamin n'ya ang dahilan ng pag-alis ni Irish ng bahay. Kahit hindi n'ya alam kung papaano? Ni hindi n'ya alam kung saan ito nagpupunta?Binabagtas na ng kotse ni Gab ang kahabaan ng Highway, awtomatikong napatingin s'ya sa isang fastfood chain. Naisip n'yang bumili ng ng yumburger na paborito ng asawa. Kumabog ang dibdib ni Gab nang dumako ang paningin sa isang sulok ng mesa at makita ang magkapares na masayang nagtatawanan.
Inihinto ni Gab ang sasakyan sa tapat ng two-storey na apartment. Mabilis na nakababa at pinindot ng paulit-ulit ang doorbell ng gate. Lumabas mula sa pinto si Jeanny, ang luwang ng pagkakangiti nang makitang si Gab ang hindi inaasahang bisita. "Ang aga mo namang bumisita, Gab?" "Papasukin mo ako at mag-usap tayo!" Natigilan ito nang makita ang galit n'ya."Alright..." Ipinagbukas ito ni Jeanny. Mabilis itong hinablot ni Gab sa braso."Ano ba, Gab! Nasasaktan ako!" Sigaw nito habang pilit na hinihila ang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Gab."Bakit kailangan mong sirain ang pagsasama namin ni Irish? Bakit?!" Galit na binitiwan ito ni Gab.Pabalewalang ngumisi ito at tinalikuran s'ya. Sinundan ito ni Gab papasok ng bahay."Jeanny!" "Gusto kitang makuha, Gab! Dahil umpisa pa lang gusto kita! At alam mo 'yan!"Matalim na tinitigan ito ni Gab."Pero alam mo 'ding hindi kita gusto!" "Wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto! Mapasaakin
"Hanggang kailan mo 'yan aalagaan dito?" May bahid ng galit ang boses ni Leonard."Hanggang sa gumaling." Inirapan ito ni Jeanny."Ano?! Eh, kung matunton 'yan ng mga pulis? Baka sumabit tayo 'nyan?" "Hindi mangyayari 'yun. Napakalayo na ng lugar na ito sa pinangyarihan ng aksidente." Halos liblib na kasi ang bahay-bakasyunan kung saan nila dinala si Gabriel. Wala itong malay at nagtamo ng ilang pinsala sa katawan. Hirap itong gumalaw at ayon sa doktor na tumingin rito ay pansamantalang wala itong maalala dahil sa pagkakahampas ng ulo nito sa matigas na bagay."Ilang buwan mo pang pakakainin 'yan! Talaga bang ganyan ka ka-desperada?" Sarkastikong tanong ni Gab. Galit na sinulyapan ito ni Jeanny at iniwan. Nilapitan si Gab na nakaupo sa upuang yari sa rattan, nakasandal ang likod at ulo nito sa sandalan at nakatitig sa kawalan. "Hi, honey!" Malambing nitong hinalikan sa pisnge si Gab. Kumunot ang noo nito. Hindi nakabawas sa ka-gwapuhan ang ilang peklat sa mu
"Ano? Pambihira! Irish naman! Saan naman ako maghahanap ng santol sa ganitong oras?" Napakamot sa ulo si Gab. Napasulyap sa wallclock, mag alas-dos pa lang ng madaling-araw."Hindi bale na nga lang!" Tumalikod ito at inis na nagtalukbong ng kumot.Napabuntong-hininga si Gab, kahapon manggang hilaw na ang sawsawan ay bagoong-alamang ang gusto nitong kainin pero ang gusto nito ay nanggaling pa ng Ilocos Norte. Mabuti na lamang at may nakita s'ya sa supermarket. Ngunit ng mabasa ni Irish ang label ng garapon ng bagoong, at malamang galing pala ito sa Camarines Sur. Mabilis nitong ipinatapon ang garapon ng bagoong at maghapong hindi siya kinausap."Oo na, ito na maghahanap na!" pigil ang inis na tumayo si Gab. Mapipilitan pa s'yang magdrive ng alanganing oras upang halughugin ang palengke ng Quezon City. "Gusto ko 'din ng buko juice." nakangiti na itong bumalikwas.Mangani-nganing singhalan ito ni Gab. Sino ba naman ang hindi maiinis nasa gitna ka ng mahimbing ng pag
"Aalis ka, Sir?" Bahagyang namilog ang mga mata ni Ice."Yes." sagot ni Gab."Pero Sir, may appointment pa po kayo.""Paki-cancel." mariing utos nito.Napakunot-noo si Irish, napahinto sa paghakbang. Pilit pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. Napatingin s'ya sa suot na relo. Saan naman pupunta ng ganung oras si Gab? Mag-alas nuebe pa lang ng umaga at ang alam n'ya wala itong appointment sa labas.Umikot s'ya mula sa likod ng pinto at tiningnan ang asawang tumingin lang sa kan'ya, humalik sa pisnge n'ya saka lumabas. Hinabol ito ng tingin ni Irish. Nagmamaktol ang damdamin n'ya dahil hindi man lang ito nagpaalam kung saan pupunta?Binalingan n'ya si Ice na nakatingin 'din sa papalayong boss."Saan pupunta ang Sir Gab mo?""Naku, Ma'am Irish. Hindi ko po alam, pina-cancel ang appointment kay Mr. Cervantes. Ay! Hindi n'yo rin alam?" Napatakip pa ito sa bibig.Umiling lang si Irish saka tinungo ang sariling lamesa, n
"Breakfast in bed..." Masayang bungad ni Irish sa asawang nakahiga pa sa kama. Nakita n'ya ang blangkong ekspresyon nito. Pilit binalewala ni Irish ang bahagyang kirot sa damdamin dahil sa pam-babalewala sa kan'ya ni Gab."Hindi mo kailangang gawin ito." Bumangon ito, nilampasan s'ya at tinungo ang terasa.Humugot ng malalim na hangin si Irish at masiglang sinundan ito bitbit ang tray ng pagkain.Nakatanaw si Gab sa kawalan. Tila malalim ang iniisip.Inilapag ni Irish ang tray sa mesa at malambing na niyakap mula sa likuran ang asawa. Tila naiilang itong lumayo."Gab..." "Pwede bang iwan mo muna ako?" Inis na pakiusap nito.Walang nagawa si Irish kundi iwan ito. Ilang buwan na mula nang masagip ito mula sa kamay nila Jeanny. Nananatili itong walang maalala, ngunit nabuhayan sila ng pag-asa dahil ayon sa doktor ay pansamantala lang naman ang kondisyon nito. Kailangan ni Gab na mahabang pasens'ya at pang-unawa. Malungkot na iniwan ito ni Irish. Kailangan
Matamang tinatanaw ni Irish ang paligid nang warehouse na pag-aari ni Leonard, pasimpleng nagmanman habang nasa loob ng kotseng sinasakyan."Mang Janno, huwag kayong masyadong lalapit." "Ma'am, mukhang may papaalis." Ani Mang Janno. Parehong nakatutok ang paningin nila sa papalapit na kulay puting Van. Dadaan ito sa tapat nila kaya sabay silang yumuko sa ilalim ng upuan. Hinintay nilang makalayo ito at saka sinundan."Ma'am hindi ho yata tamang sundan natin nang hindi ipinapaalam sa awtoridad, masyado hong delikado. Dumidilim na po Ma'am Irish." Nag-aalalang turan nito.Tama si Mang Janno, aniya sa sarili. Mabilis na idinayal ang numero ng pulis na kasalukuyang nag-iimbestiga sa kaso ni Gab."Mang Janno, sundan nyo lang ho..." Tumango lang ito at itinuon ang atensyon sa minamaneho. Papalayo na ng papalayo ang sasakyang sinusundan at tinatahak nito ang daan papalabas ng siyudad. "Mang Janno, ano hong lugar ito?" "Ma'am, Tarlac, Pampanga." "Nawa