"Allyson's Point of View"Wala talaga akong alam sa ginawa niya dahil ang sinabi niya sa 'kin ay kaya niyang pantayan ang kakayahan mo. Kung alam ko lang na may plano siyang gayahin ang mga designs mo ay hindi ko sana siya papapasukin sa kompanya ko." paliwanag niya pero hindi naman iyon ang punto ko."Wala akong pake kung gagayahin niya ang designs ko, ang akin lang naman ay ang mismong ginamit niyo na fabric. Tanging ang pamilya ko lang ang may alam sa bagay na 'to dahil masyado itong pribado sa ibang tao. Nagtataka ako kung saan nakuha ni Yuri ang fabric na ginamit niyo." seryoso kong lahad sa punto ko.Umiwas siya ng tingin sa akin kaya nakumpirma ko na nagsisinungaling si Austin sa akin. Kinakalaban na ako ng taong 'to."Well, wala na akong alam sa bagay na 'yan. Totoo na si Yuri ang bumili ng mga fabric at sa panahong iyon ay wala akong alam sa mga sinasabi mo. Sa paningin ko kasi ay isa lang itong isang bago, simple at murang fabric kaya pumayag ako na iyon ang gamitin niya sa
Read more