Home / Romance / Never Not Love You / Kabanata 161 - Kabanata 170

Lahat ng Kabanata ng Never Not Love You: Kabanata 161 - Kabanata 170

244 Kabanata

150

Austin's Point of ViewSeryoso ang mukha ko habang naglalaro ng dart. Kailangan kong ituon ang atensiyon ko sa ibang bagay dahil baka mawalan ako ng kontrol at bigla na lang akong magalit ng wala sa oras.Patuloy lang ako sa paglalaro nang biglang may kumatok kaya napatigil ako sa paglalaro at nakatingin lamang doon."Pasok!" pagbibigay ko ng pahintulot sa taong na sa labas. Kaagad namang pumasok ang aking sekretarya na kung titingnang mabuti ay ang kanang kamay ko sa aking mga plano."Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita pinapatawag dito." puna ko sa kaniya. Kanina ko pa kasi ito hinahanap upang magkaroon naman ako ng balita sa kung ano ang dapat na susunod naming plano pero ngayon ko lang siya nahagilap."Pasensya na po kayo kung medyo natagalan. Huwag po kayong mag-alala dahil maayos naman po lahat ng plano niyo." saad nito at tumango ako. Ibinaba ko ang hawak kong laruan at naupo sa sofa. Kaagad naman niyang kinuha ang baso at nilagyan ng alak at ibinigay sa akin."Sa tingin mo ba a
Magbasa pa

Chapter 151 I

Allyson's Point of ViewAkala ko ay diretso na ang pagpasok namin sa loob ng restaurant. Nagulat na lang ako ng biglang takpan ni Travis ang mga mata ko gamit ang makapal na panyo. Muntik tuloy akong madulas dahil hindi ko makita ang aking dinadaanan."Tanggalin mo na lang kaya? Pipikit na lang ako para hindi ko makita ang lugar." pangungumbinsi ko sa kaniya matapos muntikan akong madulas ulit. Mabuti na lang at nakahawak siya sa aking siko kaya nakabalanse kaagad ako."Kumalma ka lang at makakapasok na rin tayo sa exciting part. Malapit na rin naman tayo at nakahawak naman ako sa 'yo kaya walang mangyayaring masama sa 'yo." bulong niya sa 'kin kaya medyo naibsan ang kaba ko.Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng pinto kaya hindi ko mapigilan ang hindi matuwa."Nandito na ba tayo?" muli kong tanong sa kaniyang nang maramdaman ko ang pagtigil niya sa paglalakad."Nandito na tayo sa may entrance pero hindi pa ito ang gusto kong makita mo." saad niya sa
Magbasa pa

Chapter 152

Allyson's Point of ViewNakatingin lang si Travis sa akin habang umiinom ako ng wine. Nanunuot sa lalamunan ko ang lasa ng strawberry wine."Hows's the wine?" nakangiting tanong ni Travis sa 'kin"Maayos na man. Wala naman akong masasabing masama." seryosong sagot ko sa kaniya. Gusto ko lang magbiro na hindi ko gusto upang makita ang reaksiyon niya.Awtomatikong kumunot ang kaniyang noo sa aking sinabi. Alam kasi niya na paborito ko ang wine na 'to kaya nagulat siya."Bakit? Gusto mo bang humingi ako ng bago?" sunod-sunod na tanong niya at akmang itataas na ang kamay upanh humingi ng bagong wine nang pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay."Huwag na. Wala naman akong problema sa wine." pigil ko sa kaniya pero hindi pa rin nawawala ang kunot sa kaniyang noo."This is supposed to be your rest day kaya dapat lang na maibigay ko ang wine na gusto mo. Tell me kung anong brand ang gusto mo." seryoso niyang saad sa akin at hindi naman maiwasan ang hindi mapangiti. Kahit kailan
Magbasa pa

CHAPTER 152 II

Allyson's Point of ViewTulad nga ng inaasahan ko ay nagulat si Travis sa aking sinabi. Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay kaagad na napalitan ng nalilitong ekspresyon. Hindi ko alam kung nababahala ba siya o nag-aalala siya na baka hindi ko matapos ang kontrata sa lalong madaling panahon."Bakit? Hindi ko inaasahan ang sinabi mo. Alam ko kung paano mo kagusto ang pagtatahi ng damit kaya medyo nagulat lang ako sa sinabi mo." kaagad na tanong niya at ngumiti naman ako ng malapad upang ipakita sa kaniya na buo na ang desisyon ko. Hindi ko naman gustong isipin niya na napipilitan lang ako sa gagawin ko ngayong gabi."I do love making clothes, pero napagtanto ko na hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko. Hindi para sa 'kin ang pagtatahi kaya hindi ko rin pwedeng ipilit ang sarili ko sa bagay na hindi talaga para sa 'kin." sagot ko sa kaniya at nanatiling kunot ang kaniyang noo. Hindi pa rin makapaniwala sa aking sinabi."Akala ko ba masaya ka sa ginagawa mo? Bakit mo naman ako ginulat
Magbasa pa

Chapter 152 III

Allyson's Point of ViewNapaiwas ako ng tingin sa sinabi ni Travis. Hindi ako sigurado kung nakikita ba niya na hindi pa ako gaano ka sigurado sa desisyon ko na nagbabakasakali siya na maiiba niya ang isip ko o hindi."Tumingin ka sa 'kin at sabihin mo ulit ang desisyon mo." seryosong utos niya at mararamdaman mo talaga ang awtoridad na ipinapakita niya.Sa nakikita ko ay hindi asawa ko ang kausap ko ngayon kung hindi ang CEO ng Soul Empire."Hindi ko basta-bastang mababago ang desisyon mo Ally kung talagang buo na ang loob mo sa plano mo. Now, look at me at sabihin mo sa 'kin ang sinabi mo kanina." muli niyang utos at napapikit ako sa inis sa aking sarili.Masyado lang namang madali ang utos niya, pero bakit hindi ko kayang gawin ito. Napakadali lang namang sabihin sa kaniya na pagod na ako at hindi ko na kayang gumawa pa ng bagong mga damit, pero bakit parang pakiramdam ko ay pagsisisihan ko ang gagawin ko kapag humarap ako kay Travis."I'n fully aware na asawa kita at mahal kita, p
Magbasa pa

Chapter 152 IV

Allyson's Point of ViewPagkatapos kong magsinungaling sa harapan ni Travis ay mas pinili kong tingnan siya ng seryoso upang hindi na siya mag-isip ng kung ano-ano."Talaga ba na hindi ka na masaya sa ginagawa mo?" paniniguradong tanong niya at tipid naman akong tumango sa kaniya habang seryoso pa rin ang mukha."Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi mo sadyang nagsisinungaling ka lang sa akin, pero hindi pa kita nakitang masaya habang ginagawa ang ibang bagay maliban sa pagtatahi. Iba ang ngiting nagagawa ng pagtatahi sa 'yo Ally kaya hindi mo 'ko maloloko sa bagay na 'yan." saad niya sa 'kin at mabilis aking umiling sa kaniya."Kung dati ay nakikita mong masaya ako habang nagtatahi, pwes hindi na ngayon. Nawala na ang saya ko habang gumagawa ng damit. Iba ang noon at ngayon, Trav." puna ko sa kaniya pero alam ko naman na hindi niya talaga sasakyan ang sasabihin ko. Kahit ano pang gawin at sabihin ko ay pipilitin niyang manalo siya ngayon at hindi ko alam kung magpapasalamat ba ak
Magbasa pa

Chapter 153

Allyson's Point of ViewMas pinili ko na hindi sumagot sa sinabi ni Travis. Hindi sa wala akong maisagot sa kaniya, kung hindi dahil ay tama nga siya ng sinabi. Ngayon ko lang naisip na baka ay masyado ko lang pinapagod ang sarili ko kaya kahit anong gawin ko ay wala talaga akong maisip na ideya. Ngayon ko lang din naalala na halos isang buong linggo na rin akong nakaharap sa mga papel habang pinipilit ang sariling gumawa ng mga panibagong damit. Minsan nga ay napagsasabihan na ako ni Zia na baka raw mabaliw ako kapag hindi ako nagpahinga kahit sandali."Sa nakikita ko ngayon ay masyadong puno ang utak mo sa pag-aalala sa mga bagay na wala ka namang dapat ipag-alala." kalmadong saad ni Travis kaya napatingin ako sa kaniya."Masyado kang nag-aalala sa expectations ng ibang tao sa 'yo na minsan ay nakakalimutan mong magpahinga at sundin ang kung ano talaga ang gusto mo. Minsan kasi ay dapat mong isantabi ang ideya ng ibang tao lalo na't mas kilala mo ang sarili mo. Hindi naman mawawala
Magbasa pa

Chapter 154

Zia's Point of ViewPauwi na sana ako sa bahay ko galing s opisina nang hinarangan ni Travis ang daan ko kaya kunot noo ko siyang tiningnan. Hindi na office hours at hindi rin ako nag-file ng overtime kaya malaya ko ng magagawa ang gusto ko. Kahit siya ang lalaking pinakasalan ni Allyson ay kailangan ko pa ring maging maingat lalo na't kaibigan siya ni Chad at minsan niya na rin namang nasaktan si Allyson."Anong kailangan mo?" pigil inis kong tanong sa kaniya pero alam ko pa rin sa sarili ko na nahalata niya ang inis ko sa kaniya.Imbes na sumagot siya ay ibinalandara niya sa mukha ko ang supot ng pagkain. Base sa tatak na nakikita ko ay galing ito sa mamahaling restaurant. Sa pagkaka-alam ko ay magkasama sila ni Allyson pumunta doon, kaya baka hindi kay Allyson ang pagkain na 'to. Medyo nawala ang balanse ko nang may maisip akong hindi kanais-nais. Mukhang masasabunotan ako ni Allyson kapag nalaman niya ang ginagawa ng asawa niya. Siguro rin naman ako na wala akong nararamdaman para
Magbasa pa

Chapter 155 I

Allyson's Point of ViewParehong nawala sa isipan namin ni Zia ang matulog kagabi. Buong gabi kaming uminom ng kape kaya hanggang sa hindi na kami nakaramdam ng antok. Kada oras din naman ay may punapasok na guard sa opisina ko upang magbigay ng kape. Sa tingin ko ay inutusan din ni Travis ang mga guwardiya kaya palagi itong nakabantay sa amin."Sana lang talaga ay wala ng problemang dadating ngayong araw. Hindi na yata kakayanin ng katawan ko ang panibagong trabaho." saad ni Zia habang yakap-yakap ang isang maliit na unan. Alas singko na kasi kami natapos sa pagtatahi at sa pagpapaganda ng mga damit kaya ngayong alas sais lang kami nakapagpahinga ng maayos. Mamayang alas otso rin dadating ang mga empleyado at may mga kailangan pa kaming imonitor pagdating nila."Huwag na lang tayong mag-isip ng nga negatibong bagay dahil kahit utak ko ay pagod na rin sa pagt-trabaho." dagdag ko sa kaniyang sinabi at pagod siyang tiningnan.Sabay kaming napapikit ni Zia pero ramdam ko na hindi rin siy
Magbasa pa

Chapter 155 II

Allyson's Point of ViewPagkatapos naming kumain ay inihatid namin ni Zia ang aming mga pinagkainan sa canteen at dumiretso na kami sa opisina.Pagdating namin doon ay naabutan namin silang nakatayo lahat habang nakapalibot at nakatingin sa damit na natapos namin ni Zia kagabi. Awtomatiko kaming nagkatinginan ni Zia at hindi namin mapigilan ang hindi mapangiti sa kanilang mga reaksiyon."Sa tingin ko ay worth it lahat ng pagod at puyat natin kagabi." mahinang bulong ni Zia bago kami tuluyang pumasok sa loob."Good morning sa lahat!" masiglang bati ko sa kanila kahit na wala na talaga akong lakas. Gusto ko lang makuha ang atensiyon nila dahil masyado silang namangha sa damit."Good morning Miss Ally! Hindi niyo naman po sinabi sa amin na nag-overnight pa kayo para matapos ang damit na 'to. Edi sana po ay nakatulong kami sa inyo." saad ng isang empleyado na kaagad namang sinundan ng isa pa."Nakakahiya naman po na parang hindi namin deserve ang malaking sahod tapos pinapabayaan lang nam
Magbasa pa
PREV
1
...
1516171819
...
25
DMCA.com Protection Status