NAGISING SIYA KINABUKASAN na mababa na ang lagnat. Naroon pa rin si Alwyn. Hawak nito ang kamay niya. Doon siya nagising e, sa mabining halik nito sa kamay niya. “Hey,” anito nang makitang nagmulat siya ng mata. Hinalikan siya nito sa noo. "How are you feeling?” masuyong tanong nito. “I feel better now. Thank you,” mahinang sambit niya. “My pleasure, love!” anitong nakangiti. Mayamaya ay nagpaalam itong kukuha ng almusal niya. Ipinagluto pala siya nito. Pero hindi niya maiwasang magtaka. Nakabihis na kasi ito. Baka papasok ito ng trabaho. Hindi nga siya nagkamali, dahil pagkatapos niyang kumain nagpaalam ito. Kabili
Last Updated : 2022-02-06 Read more