Napamulat siya ng mata nang maramdaman ang masuyong paghaplos ni Thunder sa pisngi niya. Nagtama ang paningin nila.
Ang lapit na pala ng mukha nito sa kan’ya. Hinawakan nito ang baba niya pagkuwa’y pinisil.
Sunod-sunod ang paghinga nila ni Thunder. Halata sa dibdíb at balikat nito dahil sa pagtaas baba niyon.
“Thunder,” anas niya nang maramdaman ang kamay nito sa hita niya. Kasabay niyon ang pagpisil nito.
“Oh my God!” Napasinghap siya nang bigla siya nitong pangkuin at iniupo sa counter top ng sink. Napasubosob pa ito sa kan’ya dahil muntikan ng mawalan ng balanse.
“Bakit mo naman kasi ginawa &ls
TULOG NA TULOG si Thunder nang umalis siya ng bahay nito. Pero, tiningnan niya ang ticket nito bago iyon. Sa susunod na araw pa naman pala ang flight nito. May panahon pa siya mag-isip.Kung wala lang talaga si Alwyn, baka nasabi na niyang sasama sila rito pabalik ng Pilipinas. Ang hirap kasi pumili. Baka magkamali na naman siya. Alam mo ‘yong umaasa ka sa wala? Ganoon.Mahal niya pa si Thunder, walang duda sa mga ikinilos niya kanina. Pero hindi na dapat puso ang pairalin niya ngayon. Baka sa bandang huli, siya na naman ang talo.Paano kung pinili niya si Thunder tapos ganoon ulit ang gawin nito? Maibabalik pa ba niya ang dating buhay niya dito sa California? Hindi na. Ang dami na niyang hirap dito tapos sasayangin lang niya dahil kay Thunder
MAGA ANG MATA niya nang magising kinabukasan. Nagising siya ng madaling araw dahil sa masamang panaginip. Hindi na raw bumalik sa kan’ya ang mga anak, at sobrang sakit niyon sa kan’ya. Kaya, gayon na lang ang iyak niya ng magising. Mas lalo siyang naiyak nang makitang wala siyang katabi sa pagtulog nang mga oras na iyon.Hindi niya alam kung anong oras siya natulog. Basta nagising siya, alas-diyes na ng umaga. Hindi tuloy siya na siya nakapasok ng trabaho.Tumawag siya kaagad sa boss na may urgent siyang nilakad. Hindi naman niya puwedeng sabihing late na siya nakatulog dahil sa problema niya.Tinawagan niya si Amber, at ikinuwento ang lahat. Wala kasi siyang makausap ng mga sandaling ‘yon. Gusto lang niyang may malabasan ng sama ng loob.
NAGISING SIYA KINABUKASAN na mababa na ang lagnat. Naroon pa rin si Alwyn. Hawak nito ang kamay niya. Doon siya nagising e, sa mabining halik nito sa kamay niya.“Hey,” anito nang makitang nagmulat siya ng mata. Hinalikan siya nito sa noo. "How are you feeling?” masuyong tanong nito.“I feel better now. Thank you,” mahinang sambit niya.“My pleasure, love!” anitong nakangiti.Mayamaya ay nagpaalam itong kukuha ng almusal niya. Ipinagluto pala siya nito. Pero hindi niya maiwasang magtaka. Nakabihis na kasi ito. Baka papasok ito ng trabaho.Hindi nga siya nagkamali, dahil pagkatapos niyang kumain nagpaalam ito. Kabili
NAPASAPO SI GRAZIE sa ulo nang magising. Bigla niyang inilinga ang mga mata nang mapagtantong nasa ospital siya.“Oh God! Buti gising ka na, Bebe! Walang-hiya ka, pinag-alala mo ako ng anim na oras! Ang tagal mong magising!” nag-aalalang sambit ni Amber nang makitang nagmulat siya ng mata.Hindi niya maiwasang mapa-awang ng labi dahil sa sinabi nito.Anim na oras siyang natulog?Ngumiti siya rito. Naupo siya kapagkuwan. “Ano bang pinaggagawa mo nitong nakaraan? Kumakain ka ba ng maayos, huh? Hindi ka naman buntis sabi ng doktor. ‘Wag mo ngang pinapabayaan ang sarili mo. Buti kung wala kang anak,” sermon nito sa kan’ya.
MAAGANG NAGISING SI Grazie kinabukasan para puntahan ang kambal. Medyo okay naman na ang pakiramdam niya kaya naligo na siya. Galing siya ng ospital kahapon, hindi puwedeng yakapin niya ang mga ito na walang ligo.Gising na ang mga ito nang puntahan, kaya napangiti siya. Hindi niya mapigilang mapaluha nang sabay itong yakapin. Naramdaman niya ang pagtugon ng mga ito. Matagal bago niya pinakawalan ang kambal. Tsinek niya rin ang noo, at leeg ni Benrick. Hindi naman mainit.Inilinga niya ang paningin sa buong paligid, ang daming laruan ng mga ito. Talagang sinulit ni Thunder ang pagiging ama sa mga ito. Wala naman siyang masabi pagdating sa pakikitungo nito sa mga anak niya.Pinagmasdan niya ang mga ito habang naglalaro. Pakiramdam niya, tumaba ang mga ito. O
“MARAMI NAMANG SILID dito, Thunder. Kaya, bakit hindi ako puwede sa iba, huh? Mag-asawa ba tayo para magsama sa iisang kuwarto?” ani ni Grazie nang balingan si Thunder. Nakaupo na ito sa malawak na kama.Hindi niya maiwasang mapalunok nang mapansing titig na titig ito sa kan’ya. “Go. Sa tingin mo ba hindi kita kayang buhatin pabalik?” sarkastiko pa itong ngumiti matapos iyong sabihin.Hindi man lang tumugon sa sinabi niyang mag-asawa. As in, bedwarmer ang dating niya nito. At kapag nakahanap ito ng babaeng makakasama habang buhay, idi-dispatsa na siguro siya.God! Kailan ba aayos ang buhay. Habang buhay na lang siyang second choice ni Thunder.“Thunder,”
DALAWANG ARAW LANG nagpahinga si Thunder bago pumasok ng opisina. Nagmamadali na itong pumasok dahil wala si Ellen, naiwan ito sa California dahil sa ilang nilalakad, na hindi niya alam. Tanging si Thunder at Ellen lang ang nakaka-alam..“Bukas ka na pumasok, sweetheart. Nandoon naman si Cheska,” ani Thunder habang nagsusuot ng pantalon nito. Dapat, sabay silang dalawa ngayon dahil siya muna ang pansamantalang papalit kay Ellen. Mga dalawang linggo pa kasi ito doon.“Assistant ni Ellen?”“Yep,”“Okay.”Lumapit siya dito para isuot ang tie nito. “Pero kung kailangan ako, tawag ka na lang. Nandito naman si
Dalawang araw na simula nang umalis si Thunder patungong Bacolod para sa business trip nito. Umalis din ito kaagad noong araw na iyon. Regular namang tumatawag ito sa kan’ya para kausapin ang mga anak nito.Siya muna ang pumapasok sa opisina nito. Gamay naman niya ang mga trabaho maliban lang sa iilang gawa na kailangan pa niya ng tulong ni Cheska. Aloof ito sa kan'ya pero wala itong magawa. Ramdam niyang ayaw siya nito sa loob ng opisina ni Thunder.Naiinis ito kapag naiba ang posisyon ng mga gamit ni Thunder. Kagaya noon, umuupo siya sa swivel chair ni Thunder. Alam niyang ayaw na ayaw ni Cheska. Minsan nakikita niyang pinapagpagan nito pagkaalis niya. Naririnig din niyang nagsasalita ito mag-isa pero hindi niya pinapansin. Parang bubuyog nga minsan. Naiilang tuloy siya na utusan ito kahit sa pag-xerox ng mga papeles na kaila