NAGISING SIYA KINABUKASAN na mababa na ang lagnat. Naroon pa rin si Alwyn. Hawak nito ang kamay niya. Doon siya nagising e, sa mabining halik nito sa kamay niya.
“Hey,” anito nang makitang nagmulat siya ng mata. Hinalikan siya nito sa noo. "How are you feeling?” masuyong tanong nito.
“I feel better now. Thank you,” mahinang sambit niya.
“My pleasure, love!” anitong nakangiti.
Mayamaya ay nagpaalam itong kukuha ng almusal niya. Ipinagluto pala siya nito. Pero hindi niya maiwasang magtaka. Nakabihis na kasi ito. Baka papasok ito ng trabaho.
Hindi nga siya nagkamali, dahil pagkatapos niyang kumain nagpaalam ito. Kabili
NAPASAPO SI GRAZIE sa ulo nang magising. Bigla niyang inilinga ang mga mata nang mapagtantong nasa ospital siya.“Oh God! Buti gising ka na, Bebe! Walang-hiya ka, pinag-alala mo ako ng anim na oras! Ang tagal mong magising!” nag-aalalang sambit ni Amber nang makitang nagmulat siya ng mata.Hindi niya maiwasang mapa-awang ng labi dahil sa sinabi nito.Anim na oras siyang natulog?Ngumiti siya rito. Naupo siya kapagkuwan. “Ano bang pinaggagawa mo nitong nakaraan? Kumakain ka ba ng maayos, huh? Hindi ka naman buntis sabi ng doktor. ‘Wag mo ngang pinapabayaan ang sarili mo. Buti kung wala kang anak,” sermon nito sa kan’ya.
MAAGANG NAGISING SI Grazie kinabukasan para puntahan ang kambal. Medyo okay naman na ang pakiramdam niya kaya naligo na siya. Galing siya ng ospital kahapon, hindi puwedeng yakapin niya ang mga ito na walang ligo.Gising na ang mga ito nang puntahan, kaya napangiti siya. Hindi niya mapigilang mapaluha nang sabay itong yakapin. Naramdaman niya ang pagtugon ng mga ito. Matagal bago niya pinakawalan ang kambal. Tsinek niya rin ang noo, at leeg ni Benrick. Hindi naman mainit.Inilinga niya ang paningin sa buong paligid, ang daming laruan ng mga ito. Talagang sinulit ni Thunder ang pagiging ama sa mga ito. Wala naman siyang masabi pagdating sa pakikitungo nito sa mga anak niya.Pinagmasdan niya ang mga ito habang naglalaro. Pakiramdam niya, tumaba ang mga ito. O
“MARAMI NAMANG SILID dito, Thunder. Kaya, bakit hindi ako puwede sa iba, huh? Mag-asawa ba tayo para magsama sa iisang kuwarto?” ani ni Grazie nang balingan si Thunder. Nakaupo na ito sa malawak na kama.Hindi niya maiwasang mapalunok nang mapansing titig na titig ito sa kan’ya. “Go. Sa tingin mo ba hindi kita kayang buhatin pabalik?” sarkastiko pa itong ngumiti matapos iyong sabihin.Hindi man lang tumugon sa sinabi niyang mag-asawa. As in, bedwarmer ang dating niya nito. At kapag nakahanap ito ng babaeng makakasama habang buhay, idi-dispatsa na siguro siya.God! Kailan ba aayos ang buhay. Habang buhay na lang siyang second choice ni Thunder.“Thunder,”
DALAWANG ARAW LANG nagpahinga si Thunder bago pumasok ng opisina. Nagmamadali na itong pumasok dahil wala si Ellen, naiwan ito sa California dahil sa ilang nilalakad, na hindi niya alam. Tanging si Thunder at Ellen lang ang nakaka-alam..“Bukas ka na pumasok, sweetheart. Nandoon naman si Cheska,” ani Thunder habang nagsusuot ng pantalon nito. Dapat, sabay silang dalawa ngayon dahil siya muna ang pansamantalang papalit kay Ellen. Mga dalawang linggo pa kasi ito doon.“Assistant ni Ellen?”“Yep,”“Okay.”Lumapit siya dito para isuot ang tie nito. “Pero kung kailangan ako, tawag ka na lang. Nandito naman si
Dalawang araw na simula nang umalis si Thunder patungong Bacolod para sa business trip nito. Umalis din ito kaagad noong araw na iyon. Regular namang tumatawag ito sa kan’ya para kausapin ang mga anak nito.Siya muna ang pumapasok sa opisina nito. Gamay naman niya ang mga trabaho maliban lang sa iilang gawa na kailangan pa niya ng tulong ni Cheska. Aloof ito sa kan'ya pero wala itong magawa. Ramdam niyang ayaw siya nito sa loob ng opisina ni Thunder.Naiinis ito kapag naiba ang posisyon ng mga gamit ni Thunder. Kagaya noon, umuupo siya sa swivel chair ni Thunder. Alam niyang ayaw na ayaw ni Cheska. Minsan nakikita niyang pinapagpagan nito pagkaalis niya. Naririnig din niyang nagsasalita ito mag-isa pero hindi niya pinapansin. Parang bubuyog nga minsan. Naiilang tuloy siya na utusan ito kahit sa pag-xerox ng mga papeles na kaila
NAPAPITLAG SI GRAZIE nang tumunog ang alarm clock sa gilid ni Thunder. Alas cinco y media na. Oras na para maghanda pumasok ng opisina.Akmang kukunin niya iyon nang unahan siya ng kamay ni Thunder. Napapitlag siya nang itapon nito sa sahig. Lumukot ang mukha niya doon.Napaupo siya. “Bakit mo naman tinapon? Kakabili ko lang no’n, alam mo ba?”Napamulat ito ng mata at ngumiti sa kan’ya. “Good morning,” anito imbes na sagutin siya sabay pisil ng dunggot niya.“Thunder!” Sinamaan niya ito ng tingin. Kasalanan naman niya kasi. Hindi man lang niya binalot ang sarili bago naupo.“Grazie!” panggaga
NAG-IWAS SI GRAZIE ng tingin nang makitang papalapit si Thunder sa kanila. Nakangiti ito. Mukhang naging maganda ang pag-uusap nito at ng kausap sa kabilang linya. Nasa swing sila ng mga sandaling iyon ni Benrick. Hindi niya mapigilang mainis. Kung kailan hulog na hulog na ulit siya kay Thunder, saka naman sila nagkakaproblema. Mukhang ang daming lihim ni Thunder na hindi niya alam. Kung ano man 'yon, gusto niyang alamin. Nakakalungkot lang dahil wala itong tiwala sa kan’ya. Hindi man lang nito sinasabi ang lahat. Handa naman siyang makinig, a. Sabagay, sino ba siya sa buhay nito? Ina lang siya ng mga anak nito. Hanggang gusto lang din siya nito. Gustong ibahay at ikama, hanggang doon lang. Napabuntong-hiningang hinalikan niya sa Benrick na naglalaro ng telepono
NANG MAKITA NI Grazie na pumasok si Cheska ng elevator, kaagad na iginiya niya ang sarili papunta sa opisina ng mga ito. “Ma’am,” nakangiting bati ni Ellen sa kan’ya nang makita siyang papasok. Tiningnan niya si Ellen ng seryoso, nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang mapansing hindi siya ngumiti. “Puwede ba kitang mausap, Ellen? “P-po? Puwede naman po.” Tumango siya rito. Tumingin muna siya sa glass door. Transparent naman, kaya makikita niya kung papasok si Cheska. Tumayo ito at inilapit ang upuan nito sa kan’ya. “Maupo po kayo, Ma’am,” alok nito kapagkuwa. &nb
“DADDY, WALA PA po ba si Kuya King?” Napalingon siya kay Ayeisha na nasa sala ng mga sandaling ‘yon. “Hintayin mo na lang, anak.” “Hmp! Kasama na naman niya siguro ang girlfriend niya!” “Natural na ‘yon, baby dahil binata na si Kuya. May tampo ka pa ba sa kan’ya?” masuyo niyang tanong sa anak. Tumaas ang kilay ni Ayeisha. “Opo. Kasi hindi niya sinabing may bagong girlfriend na naman siya! Ayoko nga sabi nagge-girlfriend siya, e! Ang kulit!” Napaawang siya ng labi nang tumaas ang boses ng anak. ‘Yong totoo, kapatid pa ba ang turing nito kay King? “Anak, binata na si Kuya, kaya dapat lang
“THAT’S ENOUGH THUNDER!” Napapitlag si Thunder nang sumigaw siya. Kanina pa niya sinasaway ito kaka-kuwento. Mahigit isang oras na simula nang magkuwento ang asawa sa kambal tungkol sa buhay nila, bago sila naging ganap na mag-asawa. Iniiwasan niyang magkuwento ito ng mga sensitibo gaya ng halik. Masyadong matabil pa naman ang asawa niya pagdating sa usapang romansa. ‘Pag sila lang puwede. Tatlong taon na rin simula nang ikasal sila ni Thunder, kakapanganak pa lang niya noon. Ayaw na sayangin ng asawa ang mga araw na nawala sa kanila. Mabilis na pinirmahan ni Ira ang annulment papers dahil sa banta ni Thunder na kakasuhan ang mga ito, lalo na ang kapatid nito na si Cheska dahil nalaman nitong kasabwat ito ng isang staff nito na taga-finance department. Wala ring natanggap si Ira ni isang kusing sa asawa niya dahil sa laki ng perang nawala dito, na hindi nito alam.  
“LUTO NA, THART?” aniya kay Thunder nang makitang nakaupo ito sa silya na nasa harap ng mesa. Bigla naman itong napatayo nang makita siya na sapo ang tiyan. Malaki na kasi. “Malapit na, sweetheart.” Pinaghila siya nito ng upuan saka hinalikan sa buhok. “Dami mo na bang gutom?” “Marami na,” “Sabi ko kasi sa’yo, order na lang tayo, e!” “Eh, sa gusto ko nga ang luto mo. Hmmp!” Bigla naman itong ngumit sa kan’ya ng alanganin. “Sabi ko nga, sweetheart. Luto ko ang gusto mo.” Kinabig nito ang ulo niya at hinalikan ulit iyon. Napahawak na naman siya sa tiyan niyak. Recently pana
"OH, THUNDER!" ungol niya nang maramdaman ang dila nito sa sensitibong bahagi niya. Napaka-init ng dila nito. Hindi niya mapigilan ang sariling hindi mapanganga ng mga sandaling iyon. Lalo na nang laruin nito ang maliit na kuntil na iyon. 'Yon yata ang pinaka-main switch para tuluyang mag-init ang katawan ng isang tao– oras na iyo'y hawakan o magalaw. Napahigpit ang hawak niya sa ulo nitong sabihin nang sabayan ng daliri nito ang dila sa pagpaligaya sa kan'ya. "Shít ka Thunder!" naisatinig niya nang ipasok nito ang dalawang daliri sa loob niya habang patuloy ang dila nito sa pagpapaligaya sa kan'ya. Literal na sinasamba siya ni Thunder ng mga sandaling iyon. Nakaluhod ito sa kan'ya. Lumipat sila sa kama nang maramdaman niya ang pangangalay. Masuyo siya nito
"P-PAANO SI IRA, Thunder? Mahal mo-" "I love you. Hindi pa ba sapat na nandito ako? Ikaw ang pinipilit ko. Nakaraan na ang sa amin ni Ira. Hindi ko na maramdaman ngayon ang pagmamahal ko sa kan'ya na kagaya noon. Pangalan mo na ang sinisigaw nito, Grazie." Tinampal pa nito ang dibdib kapagkuwan. "Hindi ako ganito kabaliw kay Ira noon. Kaya, maniwala ka, sweetheart..." “T-Thunder,” aniyang hindi alam ang sasabihin. Walang kasiguruhan! Kasal pa rin ito kay Ira. Ang laki pa rin ng posibilidad na masasaktan pa rin siya. Umiling siya dito. “Kasal ka pa rin, Thunder. Bumalik ka na lang kapag naayos na ang lahat sa pagitan ninyo. Walang kasiguruhan na sasaya ulit kami sa piling mo, wala Thunder. Hangga’t may nag-uugnay pa rin sainyong papel, ayoko pa rin.”
NAPANGITI SI THUNDER nang ibaba ang telepono. Kumakain na naman si Grazie. Crunchy ang kinakain nito. Baka chicharon.Nawala rin agad ang ngiti niya nang maalala ang asawa. Ilang buwan na niyang tinitimbang ang pagmamahal niya para sa dalawa, pero si Grazie talaga ang mas lamang. Wala siyang iniisip bago matulog at magising kung hindi si Grazie lang. Sanay na siya sa amoy nito. Mabilis rin siyang nakakatulog kapag ito ang katabi. Pero ngayon? Kailangan niya pang uminom ng alak, makatulog lang. Pakiramdam niya kasi iba na si Ira.Mahal niya ang asawa, noon. Hindi na ngayon, lumipas na ang panahon nila. Pakiramdam niya bagong buhay ito ngayon ng asawa at hindi siya ang nakataktakda para dito. Ang daming nagbago na kasi sa kan’ya. Lalo na sa pagdating ni Grazie sa buhay niya, at ng
"ANG KAPAL DIN naman talaga ng pagmumukha mo, Graziana! Akala ko mo kung sinong babasaging crystal noon, 'yon pala, ubod ka ng landi! Mang-aagaw ka!"Hindi nakaiwas si Grazie nang biglang hilahin ni Ira ang buhok niya. Maging si Thunder ay hindi iyon inasahan. Nahila nito ang mahabang buhok ni Grazie sabay bitaw nang makalayo sila kay Thunder. Pero bago siya bumagsak sa sahig ay nasalo siya kaagad ni Thunder."Grazie!" halos magkasabay na sigaw ni Thunder at Drake. Papasok din si Drake noon ng silid nila ni Thunder."Oh God! I'm sorry, sweetheart! Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Thunder sa kaniya sabay halik sa noo niya. Tinapunan nito ng masamang tingin ang asawa nito pero ibinalik din sa kan'ya.Naramd
NAPADAING SI GRAZIE nang maramdaman ang paninigas ng tiyan. Pilit na iminulat niya ang mga mata. Napaawang siya ng labi nang mapansing wala siya sa sariling silid. Hindi siya pamilyar sa kinahihigaan niya kaya iginala niya ang mga mata.Nasaan siya?Dahan-dahan siyang naupo dahil ramdam pa rin niya ang pananakit ng balakang.Napahawak siya sa tiyan niya nang maalala ang dahil kung anong nangyari sa kan’ya.Napahilamos siya nang mukha ang huling sandali na nakausap si Thunder. Para na namang may pumipiga sa puso niya nang mga sandaling iyon.Wala na si Thunder sa buhay niya. Bumalik na ito sa totoong pamilya nito. Pinahiram lang
"M-MA'AM IRA..." hindi niya napigilang banggitin. Inulit-ulit niya hagod ang katawan nito. Si Ira nga ito! Ito nga ang asawa ni Thunder. Ang totoong asawa ng kaniyang fiancé!Napahawak siya sa dibdîb. Pakiramdam niya may bumabayo doon ng mga sandaling iyon.Bakit?"Sweetheart..." Tumingin siya sa gawi ni Thunder nang tawagin siya nito. Maging si Cheska rin ay gulat na napatingin sa kan'ya. Paano, abala ang mga ito sa pakikipagdiskusyon sa isa’t isa.Gusto niyang sugurin si Thunder pero hindi kayang humakbang ng mga paa niya. Parang may isip ang mga paa niya ng mga sandaling iyon, na hindi siya puwedeng sumugod dahil kabit lang siya! Kabit na nagpabuntis ng dalawang beses! Bigla niyang binaba