Hilam ang luha na bumagsak si Grazie sa kama. Sa taxi pa lang hindi na tumitigil ang luha niya. Ang hirap kontrolin. Pakiramdam niya may pumipiga ng puso niya. Ikaw na kasi dakilang tanga. Sana, 'di na lang siya pumunta sa bahay ng boss. Sana, hindi na lang ito bumalik kaagad ng Maynila. Sana, hinintay nitong makaalis siya. Ang daming sana. Inaamin niyang nagkaroon siya ng hope sa isip niya kanina, na posibleng maging sila ni Thunder after ng nangyari. Umaasa siyang pipiliin siya nito. Pero hindi. Hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon, si Ira pa rin ang gusto nito. Tanging pangalan lang ni Ira ang isinisigaw nito. Naging kan'ya lang si Thunder, panandalian. Masaya siya, pero may mali. Kasi, naging panandaliang-aliw lang siya nito.
Last Updated : 2022-01-12 Read more