หน้าหลัก / Romance / Fenced by the Billionaire / บทที่ 51 - บทที่ 60

บททั้งหมดของ Fenced by the Billionaire: บทที่ 51 - บทที่ 60

184

Chapter 51: Nahuhulog

”Let’s go,” aya ni Xeonne sabay suot ng bitbit na coat.Yumuko ako at hinawakan ang magkabilang pisnge ni Xenon. “Bye, baby. Be a good boy to Lolo okay?”Tumango ito. “Nonon good boy.”“Dada’s good boy.” Ginulo ni Xeonne ang buhok nito. Napahagikgik naman ang anak.“Keeth!” Masiglang sinundot ni Xenon ang magkabilang pisnge gamit ang hintuturo.Napangiti kami ni Xeonne at sabay na yumuko’t hinalikan sa magkabilang pisnge ang anak. Pumalakpak at tumawa naman ang huli.“It’s superhero time!”Napahawak ako sa dibdib dahil sa biglang pagsigaw ni Don Luxio. Napapitlag naman si Xenon at napatulala dahil sa gulat.Napamura ako sa isipan dahil sobrang gugulatin si Xenon at mahirap siya patahanin ‘pag nagulat.“Xenon, anak, are you alright? Did lolo surprise you?” paglalambing ko at akmang kukunin ito kay Don Luxio.“Tuper Tenon!” sigaw nito sabay angat ng kanang kamay sa ere na parang si Superman tuwing lilipad.Inangat naman ni Don Luxio si Xenon sa ere at pinahiga ito sabay takbo palayo sa
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 52: Elevator

“Are you okay?” Dinig ko ang malumanay niyang boses. Naguguluhan ako. Sigurado akong boses niya iyon pero heto siya sa harapan ko at nanlilisik pa rin ang mga mata. Nanginig ang mga labi ko nang makitang umangat ang dulo ng mga labi niya’t bumuo ng isang ngisi. “Hey...” Napapitlag ako nang maramdaman ang mainit-init at malambot na palad sa magkabilang pisnge ko. Bumungad sa ‘kin ang maamo niyang mukha at puno ng pag-alala. Inikot ko ang tingin. Puno ng empleyado ang elevator at siksikan pa. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ako makahinga at nandidilim ang paningin ko. Nanghihina ako hanggang sa hindi ko na kinaya pang tumayo. Natumba ako pero agad nahuli ni Xeonne ang bewang ko. “The moment the elevator opens I want everyone out!” Dumagundong ang boses niya sa buong silid. Tanging katahimikan ang naisagot nila. Tahimik man ay ramdam ko ang namumuong tensyon sa paligid. Ramdam ko ang kaba nilang lahat. Umangat ang kamay niya sa likod ng ulo ko at nilagay ito sa balikat niya bago
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 53: Kalinga Orphanage

“Your meeting will start in ten minutes,” paalala ko sa kaniya.Tumayo siya at tinungo ang puwesto ko. Inalis ko ang mga mata sa computer at inangat ito sa kaniya. Nakangiti siya habang may hawak-hawak na isang piraso ng pulang rosas.“Saan na naman nanggaling ‘yan?” Puno ng mangha ang tanong ko.Hindi naman kasi kami huminto o dumaan sa bilihan ng bulaklak kanina. Hindi rin naman siya lumabas at lalong wala ring pumasok dito simula nang dumating kami. Maybe he prepared it before hand like the other days and yes he’s giving me flowers daily.“Magic!” aniya sabay kumpas ng kabilang kamay sa ere nang pakurba.Lalong lumpad ang ngiti ko sa kalokohan niya. Inabot niya sa ‘kin ang oras. Tinanggap ko ito at dinala sa ilalim ng ilong ko.“Salamat,” sabi ko nang hindi inaalis ang bulaklak sa ilalim ng ilong.“I’ll go ahead.” Yumuko siya. Nilayo niya ang oras sa mukha ko at dinampian ng sandaling halik ang labi ko.“Can I come with you? Now?” I asked for the nth time.“Not yet,” he refused.I
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 54: Danse du Feu Rosa

Napabalikwas ako sa nakita at napatitig sa kawalan. Sigurado akong hindi panaghinip iyon dahil nakapikit man ang mga mata ay gising na gising naman ang aking diwa. Siguro ay imahinasyon ko lang. Napailing ako. Kusa lamang iyong lumabas sa isipan ko; hindi ko pinilit buuin na para bang nakita ko na ang pangyayaring iyon. Umiling ako. “Hindi, nangyari na iyon,” sabi ko sa sarili.Tinukod ko ang siko sa mesa at pinatong ang pisnge sa palad. Nagbangayan ang mga kilay akong napatitig sa kawalan. Pinipilit kong ibalik sa isipan ang mukha ng bata pero hindi ko ito maaninag. Ninanakaw ng berdeng mga mata nito ang atensyon ko.“Hindi kaya?” Napasinghap ako. “Ang batang iyon ay kababata ko at ang lalaki sa cruise na ama ni Xenon ay iisa?” Bumagsak ang balikat ko sa ideya. “Paano si Xeonne?”Imposible namang iisa si Xeonne at ang lalaking ‘yon dahil iba ang kulay ng mga mata nila. Ang layo ng tsokolate sa dahon. Maliban na lang kung natuyot ang dahon o ‘di kaya ay may lahing aswang si Xeonne ka
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 55: Sullivan

“Mauna na kayo. Nakalimutan ko sa bahay ang dokumentong ipapasa mamayang hapon,” sabi ni Drizelle sa mga kasama niya pagkalabas namin ng elevator. “Samahan mo ako,” aniya sabay lingkis hatak sa ‘kin at nilingkis ang braso sa braso ko.Tinago ko ang pagtataka sa inasta niya. Kanina lang sa elevator ay iwas na iwas siya sa ‘kin dahil sa ginawa kong pag-aarte bilang kontrabida kuno na naging dahilan ng paglagapk niya sa sahig. Sumimangot naman ang mga kasama niya. Magsasalita na sana ako pero kinaladkad na niya ako palabas.“Gagamitin ka lang ng mga ‘yon para mapalapit kay Xeonne,” sabi niya nang makalayo kami at binitawan na ako.At sa kaniya pa talaga nanggaling. Parepareho lang naman sila, mga manggagamit. Hindi na nakapagtataka’t nagsasama sila, mga magkasing-uri.Naalala ko no’ng college pa lang kami, nilayo niya ako sa mga kaklase kong ginagamit lang ako para tumaas ang mga grado nila, lalo na kay Ella. Kahit na magkaiba kami ng course ay pareho naman kami ng schedule. Tuwing brea
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 56: Kuwarto

“You know him?” Pinuno na naman ng duda ang mga mata ni Drizelle. Pinanlisikan niya ako.Halos sabunutan ko ang sarili dahil huli na para bawiin ang nabanggit. Kailangan kong makaisip ng palusot.“Syempre!” masayahing wika ko at abot-tengang nginitian si Zander na ngayon ay titig na titig sa ‘kin. “Siya ang modelong crush ng pinsan ko. Halos lahat yata ng babae sa bayan eh patay na patay sa kaniya.” Lumapit ako kay Zander at malapitan siyang tinitigan.Humilig ako paharap para matitigan pa ito nang husto. Halos iilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin. Hindi ito nangahas na lumayo imbes ay napalunok pa. Napangisi ako sa isipan. I still have the same effect at him just like three years ago.“What do you think you’re doing?” Mabilis na hinila ni Drizelle palayo si Zander.Tanginang babae ‘to. Nakakarindi. Nawala lang ako ng tatlong taon ay panay English na at may accent pa.“Tiningnan ko lang kung tama ba ang pinsan ko.” Napakamot ako sa batok.“Asal bundok talaga,” bulong ni
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 57: Tahanan Ko

His warm alcoholic breathe awakened the tiny hairs behind my nape. He’s creeping me out.Lumiyad ako palayo. “Ang baho ng hininga mo,” sabi ko sabay paypay ng kamay sa harap ng ilong.Parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha niya nang marinig ang sinabi ko.He clenched his jaws and pulled me even closer. “Whoever you are. You look exactly my late wife without that thick glasses and lousy clothes.” He smelled my hair and stroked it. “I will love you the way I loved her,” he whispered.“Paano naman ang kasalukuyang asawa mo? Pati na si Drizelle? Hindi mo ba sila mahal?” tanong ko.“I love them too and Anastasia but it doesn’t mean that I couldn’t love you,” he said.“Look at me,” sabi ko at sumunod naman siya. Hindi ko alam na kaya naman pala niyang maging masunurin.Inabot ko ang ang pisnge niya at malandi siyang tiningnan. Pagkatapos ay nilagay ko ang kamay sa batok niya habang ang kabila naman ay naglalaro sa dibdib niya.“Sabi na eh. Mukha lang ang inosente sa ‘yo. Sa loob pa r
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 58: Emergency

Kusang kinuha ng kamay ko ang teleponong tumunog at dinala ito sa tenga ko.“Good morning, this is Mont de Corp’s CEO’s executive secretary. How may I help you?” bungad ko.“May I talk to Mr. Monteverde?” tugon ng nasa kabilang linya.“May I know who is speaking?” Inipit ko ang telopono sa pagitan ng tenga at balikat ko saka pinagpatuloy ang pag-iencode.“Wilhelm Enterprise,” maikli nitong sagot.“Do you mind if I hold you for a moment?”“Not at all,” sagot ng lalaki sa kabilang linya.Hinold ko ang tawag at binalik ito sa lagayan. Tiningnan ko si Xeonne na umiwas ng tingin at binaba ang mga mata sa dokumentong hawak. Nagkunwari pang nagbabasa eh nahuli na.“Xeonne, someone from Wilhelm Enterprise wants to talk to you,” sabi ko pero hindi niya ako pinansin. “Xeonne,” tawag ko.Tinapunan niya lang ako ng tingin at mabilis ding binalik ang mga mata sa binabasa.“Seriously?” inis kong sabi. Ang dami ko pang gagawin tapos sinasayang niya pa ang oras.Bumuntong-hininga siya at sinara ang f
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 59: Luha

Binaba ko ang tingin sa sahig. Ni tingin ay ayaw kong salubungin si Xeonne. Tuwing nakikita ko siya ay bumabalik sa isipan ko ang imahe nila ni Reneigh. Nitong mga nakaraan ay determinado akong iwasan si Xeonne pero hindi na pala kailangan dahil maski rito sa bahay o opisina ay lagi siyang wala. Ngayon ay bihis na bihis na naman siya at nagmamadali. Siguro ay magkikita sila. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.“Saan ka pupunta?” Hindi ko napigilang magtanong nang lampasan niya lang ako na para bang wala siyang nakita.“Out,” maikling tugon niya. Ni hindi man lang ako nilingon. His negligence is making me feel frivolous to the point that I feel like I am not worth even a glance.“It’s Sunday,” I blurted.Irritated, he spun around to face me. “And?” He gave me a cold stare.“Family day,” I softly said.“Marami pang mga Linggong dadating,” aniya’t naglakad palayo. Napatitig na lamang ako sa malapad niyang likod.Ako dapat ang nagbibigay ng malamig na pakikitungo. Ako dapat ang hindi nama
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 60: It’s Sunday

“Akala ko may lakad ka?” basag ko sa katahimikan.“It’s Sunday.” Sandali niya akong sinulyapan at agad ding binalik sa daan ang tingin.“And?” tinaasan ko siya ng kilay.“It’s family day,” sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa harap.“Marami pang mga Linggong dadating,” panggagaya ko sa tono niya.Tumawa siya nang mahina. “Did I upset you?”I looked away and muttered, “who wouldn’t? You and my best friend kissed.”“May sinasabi ka?” Sandali niya akong tiningnan.“Wala,” tugon ko sabay iling at pasimpleng nag-make face. Hinilig ko ang ulo sa gilid saka ngumiwi.Nilingon ko si Xenon sa backseat at wiling-wili ito sa paglalaro ng minions stuff toys. Sinuri ko muli ang car seat. Komportable naman ang anak ko. Binalik ko lang sa harap ang tingin nang makontento ako sa seguridad ng munti kong anghel.“Wife,” tawag ng katabi ko at nagpalingin naman ako sa gawi niya.Hindi ko alam kung bakit kusa akong napapalingon at nakangiti pa. Ewan ko ba. Hindi ko mapigilan ang labi na umunat ng is
อ่านเพิ่มเติม
ก่อนหน้า
1
...
45678
...
19
DMCA.com Protection Status