Binaba ko ang tingin sa sahig. Ni tingin ay ayaw kong salubungin si Xeonne. Tuwing nakikita ko siya ay bumabalik sa isipan ko ang imahe nila ni Reneigh. Nitong mga nakaraan ay determinado akong iwasan si Xeonne pero hindi na pala kailangan dahil maski rito sa bahay o opisina ay lagi siyang wala. Ngayon ay bihis na bihis na naman siya at nagmamadali. Siguro ay magkikita sila. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.“Saan ka pupunta?” Hindi ko napigilang magtanong nang lampasan niya lang ako na para bang wala siyang nakita.“Out,” maikling tugon niya. Ni hindi man lang ako nilingon. His negligence is making me feel frivolous to the point that I feel like I am not worth even a glance.“It’s Sunday,” I blurted.Irritated, he spun around to face me. “And?” He gave me a cold stare.“Family day,” I softly said.“Marami pang mga Linggong dadating,” aniya’t naglakad palayo. Napatitig na lamang ako sa malapad niyang likod.Ako dapat ang nagbibigay ng malamig na pakikitungo. Ako dapat ang hindi nama
“Akala ko may lakad ka?” basag ko sa katahimikan.“It’s Sunday.” Sandali niya akong sinulyapan at agad ding binalik sa daan ang tingin.“And?” tinaasan ko siya ng kilay.“It’s family day,” sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa harap.“Marami pang mga Linggong dadating,” panggagaya ko sa tono niya.Tumawa siya nang mahina. “Did I upset you?”I looked away and muttered, “who wouldn’t? You and my best friend kissed.”“May sinasabi ka?” Sandali niya akong tiningnan.“Wala,” tugon ko sabay iling at pasimpleng nag-make face. Hinilig ko ang ulo sa gilid saka ngumiwi.Nilingon ko si Xenon sa backseat at wiling-wili ito sa paglalaro ng minions stuff toys. Sinuri ko muli ang car seat. Komportable naman ang anak ko. Binalik ko lang sa harap ang tingin nang makontento ako sa seguridad ng munti kong anghel.“Wife,” tawag ng katabi ko at nagpalingin naman ako sa gawi niya.Hindi ko alam kung bakit kusa akong napapalingon at nakangiti pa. Ewan ko ba. Hindi ko mapigilan ang labi na umunat ng is
“Bad!” sigaw ng batang babae kay Xenon.Tumakbo ako sa gawi ng anak ko. Ramdam ko ang pagsunod sa ‘kin ni Xeonne. Umiiyak bamang tumakbo sa mama nito ang batang babae.“Honey, are you alright?” Dali-dali kong pinatayo si Xenon at pinagpagan ang shorts na binalot ng buhangin.Hindi siya sumagot. Inusisa ko kung nasaktan ba siya. Wala naman akong nakitang gasgas ngunit nakatulala ang anak ko. Sinundan ko ang tingin ni Xenon at natagpuan ko ang batang babaeng hanggang ngayon ay umiiyak pa rin.“Danda,” bulong ng anak ko.Nagkanda plato sa laki ang mga mata ko sa narinig. Mabilis ko siyang binuhat. “Naku ang bata mo pa pero may nalalaman ko na.”“That’s my boy.” Marahang kinurot ni Xeonne ang pisnge ng anak.Sinamaan ko siya ng tingin. Kunsintihin ba naman. Lalapit sana kami sa gawi ng batang babae pero nagtago ito sa bisig ng ina nang makita si Xenon.“Maglaro muna kayo ro’n.” Binigay ko si Xenon sa kaniya bago lapitan ang batang babae at mama niya.“Pasensya na kung ano man ang ginawa n
##### Chapter 62 SIMaaga akong umalis ng mansyon dala ang sasakyan ko. Nagmaneho lang ako hanggang sa mapadpad sa isang restaurant. Tiningnan ko ang relo at mag-aalas syete pa lang pero halos mapuno na ito. Hindi ako bumaba ng kotse at pinanuod lang ito mula sa malayo.“Tasya’s Corner,” basa ko sa pangalan ng restaurant na nakakabit sa entrada ng establismento.Lumabas ang isang malaking lalaki na nakamaong na pantalon at puting T-shirt. Kahit malayo ako ay kilalangkilala ko kung sino ako. Siya lang naman ang nagsilbing tatay ko.“Tatay Kanor!” tawag ng isang binata sa kaniya.“Papasok na ang koloheyo namin?” nakangiting tanong ni Mang Kanor.“Opo!” Tumatakbo siyang lumapit at saka nagmano.Lalong tumangkad ang future engineer ni Mang Puldo. Napangiti ako habang pinanuod silang masayang nag-uusap. Hindi ko na marinig ang usapan nila dahil humina ang kanilang boses. Batid kong nabanggit nila ang pangalan ko sa pagbasa ng kanilang mga labi.“Matapos lang lahat nang ‘to makakasama’t mak
"Sino ka?" bungad ng kaharap ko.Parang may tumambol sa dibdib ko. Napamura ako sa likod ng isipan. Hindi pwedeng mabuking ako. Yumuko ako para bahagyang itago ang mukha. Naestatwa ako sa kinatatayuan.Umiikot ang paningin ko. Bago tuluyang bumagsak ang talukip ng mga mata ko ay naaninag ko ang isang pares ng sapatos na binalot ng brilyante ang naglalakad palayo. Stuart Weitzman Diamond Dream stilettos.“Sabi ko sino ka at ano’ng ginagawa mo rito?!” Hinila ako ng boses pabalik sa kasalukuyan. Inangat ko ang mga mata. Nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi ko inaasahan ang mukhang nakita.Drizelle?"Hoy, miss. Binngi ka ba-"Binangga ko siya para makalabas ng silid. Nawalan siya ng balanse at natumba. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makatakas. Binilisan ko ang paghakbang. Tinawag niya ako pero ipinagwalang bahala ko iyon. Hinabol pa niya ako ng malulutong na mura pero wala akong panahong patolan siya.Sa elevator na ako dumiretso. Hindi ko pa pala kayang harapin si Dad at maliban do
Mahal na mahal kita, Anastasia.Mahal na mahal kita, Anastasia.Mahal na mahal kita, Anastasia.Kinuha ko ang unan at tinakip ito sa mukha. Gumulong-gulong ako sa kama kaliwat kanan habang sumisigaw na parang teenager na kinikilig at sumipasipa pa.Huminga ako nang malalim at kinuha sa mukha ang unan. Napatitig ako sa kisame at napangiti nang umalingawngaw na naman sa isipan ang mga katagang binitawan ni Xeonne kaninang hapon. Parang sirang plaka itong paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan. Ito ang sirang plakang hinding hindi ko pagsasawaan.Ang tagal na rin bago ko ulit maramdaman ang ganito. I feel important. I feel loved.Nakarinig ako ng katok sa pinto. "Anastasia?"Hearing his voice alone sent butterflies in my stomach. Napaupo ako at mabilis na inayos ang kama. Tinungo ko ang pinto at bubuksan na sana ito. Agad kong binawi ang kamay at dumiretso sa banyo. Tiningnan ko ang sarili. Napangiwi ako sa itsura.Magulo ang buhok ko at mugto ang mga mata. Sinong umiyak buong hapon an
Napalunok ako. Mag-aaway na namn ba kami? Kakabati lang namin kanina ehh. "Business." I did my best to give him a real smile but the more I want to make it seem real the more it turned out forced. "Business?"Binigyan niya ako ng mapanghusgang tingin. "Kailangan bang nakahawak ka sa braso niya while doing business?" dagdag niya. At diniinan pa talaga niya ang salitang business. "What's wrong with it?" Ako naman ngayon ang nagdala ng mga braso sa dibdib. Napaismid siya sa sagot ko. "What's wrong with it? Seriously?" "Teka nga. Nagseselos ka ba?" Lumapit ako at tinaas-babaan siya ng kilay. "May dapat ba akong ikaselos?" pagbabalik niya ng tanong. "Syempre wala," direktang sagot ko kasi wala naman talaga. Bumuntong hininga siya at binaba ang mga kmay. "I don't want any other man around you, Anastasia." Kinabig niya ang bewang ko at marahang hinila ako palapit sa kaniya. Napahawak naman akos a dibdib niya. "Akin ka lag. Pagmamay-ari kita kaya babakuran kita," pg-aangkin niya. Pinu
“Meet me at Wallows,” basa ko sa mensaheng pinadala sa ‘kin ni A.Tumingin ako sa harap at nakita si Xeonne na busy sa pagkakalikot ng laptop niya. “Wife, I want you by my side in tomorrows meeting with the board,” aniya nang hindi inaalis ang tingin sa laptop.Napangiti ako. Dati ayaw niya akong kasama sa mga pagtitipon nila pero ngayon dinadala na niya ako kung saan man siya pumunta. Kulang na lang pati sa banyo ay dalhin niya ako eh.Tiningnan ko ang schedule niya ngayong araw at puro office works lang naman. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.“Xeonne,” tawag ko pero ni tingin ay hindi ko natanggap. “Mr. Moteverde,” tawag ko ulit pero nanatili sa monitor ang mga mata niya. “Hubby-”“Yes, wife?” mabilis pa kay Flash niyang sagot.“Lalabas lang ako sandali,” paalam ko sa kaniya.“I‘ll come with you.” Tumayo siya sabay kuha ng susi.Umiling ako. “Pwede bang ako lang?”Tiningnan niya ako na parang nag-iisip. “In one condition.”Napasimangot ako sa narinig. I really hate those words. I‘v
Natigilan si Drizelle sa narinig.“Ate Cee?” mahinang bulong niya.Binaba niya ang kamay na may hawak na kutsilyo. Ngumiti siya at nilingon ang nagsalita. Tumayo siya para salubungin ang ate niya.“Ate Cee!” Masaya niyang inunat ang dalawang kamay sa direksyon nito.Nilampasan ni Ella si Drizelle at dumiretso sa ‘kin.“Ella, ano ang ginagawa mo rito?” nangangambang tanong ko.“Sinundan ko si Mom at Dad sa bahay ng mga Monteverde. Nagkakagulo na ro’n. Tapos may natanggap akong mensahe kung nasaan ka.” Tinulungan ako nitong tumayo.“Kailangan nating tumakas. Dala mo ba ang kotse mo?” mahinang tanong ko.“Hindi, nag-taxi lang ako kasi hindi ko kabisado ang daan. Ayaw ding pumasok ng taxi kaya naglakad pa ako ng ilang metro,” paliwanag nito.“Paano na ‘to?”“Huwag kang mag-aalala kakausapin ko siya.” Akmang lalapitan na nito si Drizelle na nakatayo at nakatalikod sa ‘min.Hinawakan ko ang braso nito at pinigilan. Umiling ako. Marahan nitong tinanggal ang pagkakahawak ko at ngumiti.“Dee,
Umiling ako. “H-Hindi ko piniling palitan ka, Drizelle. Bata lang ako noon. Wala akong kamuwang-muwang. It didn’t even cross my mind to replace anyone, especially not you.”“Shut up! Shut up!” Tinakpan niya magkabilang tenga. “Huwag kang bait-baitan! Hindi mo ako maloloko!” “Lahat ng sinabi ko sa ‘yo totoo. Lahat nang pinakita ko, pinaramdam ko.” Uminit ang mga mata ko. Bumalik sa isip ko ang mga pinagsamahan namin noong kolehiyo. Siya lagi ang kasama ko pag-break time, sa lunch at sa uwian kahit na magkaklase kami ni Ella. Ella was surrounded by girls our age while I felt like an outcast but everything changed when I met Drizelle. She made feel like I belong, like I’m not alone. She even defended me from Ella.“I-Ikaw lang ang tinuring kong kaibigan, Drizelle. Ikaw lang ang naging kakampi ko. Parang kapatid na nga kita-”“It’s because of my hardwork. I only befriended you to know you, to know your weaknesses. Dahil do’n I was able to make everyone envy you, hate you. Especially Ell
Nakahinga ako nang maluwag nang ginawi niya ang ulo sa direksyon ng silid na nakasara ang pinto.“I’m coming, Anastasia…” Pinihit niya ang doorknob.Napatakip ako ng bibig nang bigla niyang hampasin ang pinto nang mapagtantong naka-lock ito. Marahas at paulit-ulit niyang pinihit doorknob. Napaungol siya sa inis at sapilitang binuksan ang pinto gamit ang mga sipa.“Lalo akong nasasabik sa pgapapahirap mo, Anastasia,” aniya pagkatapos matagumpay na nabuksan ang pinto. “I’m coming, Anastasia...”Sumilip ulit ako at nakitang hinalughog niya ang kuwarto. Hindi niya pinalampas loon ng aparador at ilalim ng kama hanggang sa isang lugar na lang ang natura. Ang banyo.“Nandito na ako, Anastasia.”Napatayo ako nang tuwid nang bigla niyang pagsaksakin ang pinto ng banyo habang tumatawa na parang banyo.“Nanginginig kana ba sa takot? Ha? Anastasia?” Patuloy siya sa pagsaksak ng pinto.Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto habang naaaliw pa sa kahibingan niya si Chase. Sinenyasan ko si Drizelle na
Hininto ko ang sasakyan sa harap ng malaking gate na gawa sa metal at binalot ng baging. Hinayaan kong bukas ang ilaw ng kotse na nakatutok sa mansyon bago lumabas. Tinulak ko ito pabukas. Nangangalit ang mga ngipin ko dahil sa langitngit na tunog nito.Binalik ako sa sasakyan at nagmaneho patungo sa malaking abandonadong mansyon. Wala akong makita sa paligid maliban sa nagtataasang ligaw na mga halaman patunay sa matagal na panahon na napabayaan.I stopped the car at the towering mansion infront of me. It is twice bigger than the Monteverde’s. I went out with the duffle bag in my hand. I pushed the giant dusty door open and was welcomed by an empty huge living room. Napapikit ako nang biglang bumukas ang ilaw. Napamulat ako dahil sa walang tigil na ungos. Sa gitna ng silid ay si Drizelle na nakaupo at nakagapos sa silyang gawa sa sa makapal na tabla. Wala siyang panyapak at may busal ang bibig . Namumula ang pisnge at magulo ang buhok. Nagpupumiglas siya at may nais sabihin sa ‘kin.
ANASTASIA’S POVNaghihintay ako sa perang pinahanda ko nang nakaraang linggo. Napatingin ako sa cellphone nang may matanggap na mensahe mula sa cellphone ni Drizelle. Video iyon ni Drizelle na nakagapos at pinagsasampal ng lalaking naka maskara at may tattoong ahas na nakapulupot sa rosas sa braso. Nag-ring naman agad ang cellphone na hawak ko at bumungad sa screean ang pangalan ni Drizelle. Sinagot ko ang tawag.“Forward the video I just sent to Tremaine Sullivan,” utos niya.Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. Ano ang gusto niyang mangyari? Ano ang gusto niyang palabasin?“Now!”Napamura ako sa likod ng isipan sa biglaan niyang pagsigaw kasabay niyon ang pag-iwas ko ng cellphone sa tenga. Agad kong pinasa ang video kay Tremaine nang walang pag-alinlangan. Wala na akong pakealam kung ano ang isipin nito dahil una pa lang ay maspinili na nitong
“Is this a new trick? You can’t use her mother to get her so you’re making up stories?” I sneered.“I’m telling the truth. Why don’t you ask your parents? They knew my son and daughter-in-law very well.” He diverted his eyes to mom and dad who were standing behind me.“What is he talking about?” My brows furrowed at them.“H-Hindi ko alam,” pagtatanggi ni Dad. Hindi ito makatingin nang diretso sa mga mata ko.Alam kong nagsisinungaling ito. Napayukom ako ng palad. Sasayangin lang ba niya ang pangalawang pagkakataong ibinigay ko sa kaniya?Tumawa si Don Hildegarde. Umigting ang panga ko. Pinaglalaruan niya ba ako?“Alam kong itatanggi mo kaya naman nagbaon na ako ng ebidensiya.” Binaling niya ang tingin kay Lucero.Lumapit sa ‘kin si Lucero at b
The phone Lucero gave me rang. The words bank manager appeared in the screen. My brows furrowed. We just talked awhile ago. I answered the call.“Xeonne…”I froze hearing her voice. My heart pounded fast against my chest. “Where are you, Wife?”Hindi niya sinagot ang tanong ko at nagsalita. “Tumawag ako para sabihing huwag kang maalala-”“Paanong hindi ako mag-aalala when you’re walking towards a trap? The kidnapping is a bait, Anastasia.” Tumaas ang boses ko.“I know-”“You know? What do you mean you know?” Napahilot ako sa sintido.“I just want some answers, Xeonne,” mahinang sagot niya.“I have almost all the answers to your questions, Anastasia. I’m telling you everything just come back here please.” I begged.“Alam kong patuloy ang pag-iimbestiga mo, Xeonne, pero gusto kong malamaan kung bakit niya ‘to ginagawa. Gusto kong malaman kung bakit gano’n na lamang ang galit niya sa ‘kin. Gusto kong manggagaling mismo sa bibig niya ang lahat-lahat,” kontra niya.Bumuntong-hininga ako. “
Bumusina ako para kunin ang atensyon ni Anastasia pero nagmamadali siyang pumasok sa taxi habang may kausap sa cellphone. Tinapakan ko ang gas at binilisan ang pagmamaneho para hindi mawala sa paningin ang taxi. Kinabisa ko ang plate number nito.Napasulyap ako sa monitor ng sasakyan nang makitang tumatawag si Lucero. Nagsalubong ang mga kilay ko. Does he know Victoria?Mabilis kong sinagot ang tawag at binalik ang tingin sa harap.“I located Faker,” bungad niya.“And?” tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa taxi.“Pagmamay-ari ni Ella ang sapatos na nasa crime scene,” sagot niya.“Tell me there’s more to it, Lucero. Hindi pwedeng may kinalaman si Ella sa nangyari four years ago.” Humigpit ang hawak ko sa manibela. “Ikadudurog ito ni Anastasia.”Sandaling natahimik si Lucero. Dinala ng katahimikan niya sa isipan ko ang mukha ni Anastasia’ng umiiyak at nasasaktan. Fuck. I hate seeing her cry. Thinking of her hurt is hurting me.“Yes, there’s more to it,” biglang salita ni Lucero.“
XEONNE’S POV “Anastasia!” I called but she ignored me.I ran after her but Luciano ordered his men to stop me. Two men grabbed me and the other two blocked me with their bodies.“Anastasia!” I called again but she kept going she didn’t even look back.I tried to escape but I was outnumbered. They pin me down. I heard bewildered murmurs from guests. I feel their disgusted stares of judgements. Whatever they say, whatever they think of me doesn’t matter. What I worry most was Anastasia’s thought of me. “Mama!” my son cried out.His cry was painful. I felt a pang on my already hurting chest. I clenched my fist. “Let me go!” I screamed forcing myself on my feet and pushed off one of the men.“Let him go,” my grandfather commanded.“No,” Luciano opposed.The other three loosened their grasps. Wala pa sa kalingkingan ng matanda ang awtoridad ni Luciano. He couldn’t even over power me and he really think he could surpass the old man? His audacity is making him stupid. I pulled my arms off