Home / Romance / Marahuyo / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Marahuyo: Chapter 71 - Chapter 80

84 Chapters

KABANATA 68

KABANATA 68   " Lilipat po tayo ng bahay? " gulat na tanong ni Savannah sa ina nang sabihin ang plano nilang paglilipat matapos ia-anunsyo ng ama ang pag alis nito sa Lombardi Clan kanina. " Bakit pa natin kailangan lumipat, Ma? Hindi ba pwedeng sila na lang ang mag hanap ng bagong kampo? " " Anak, hindi lang saatin nakapangalan ang Hacienda na 'to. Sa buong Lombardi, at dahil umalis na ang inyong ama sa organisasyon nila, ibig sabihin ay wala na rin siyang hati dito. Wala na tayong karapatang tumira pa dito kaya kailangan nating lumipat. " " Ang unfair naman noon sa side natin. Hindi po ba't mas maraming ambag si Papa kaysa sa mga kapatid at pinsan niya? Sa katunayan, kalahati nga sa mga nakatayong bahay dito, si Papa ang gumastos at nag pagawa hindi po ba? " katwiran pa ni Savannah. Tanggap niya ang desisyon ng ama patungkol sa pag alis nito sa organisasyon pero hindi ni
last updateLast Updated : 2022-02-12
Read more

KABANATA 69

KABANATA 69         " Wow, ang ganda ng kuha natin, " halos mapunit na ang labi ni Catalina habang pinagmamasdan ang family portrait nila na nakasabit na sa sala ng Hacienda. Nilingon niya si Rostam na hindi rin mapagkakaila sa mukha na masaya sa kinalabasan ng kuha nilang pamilya. Umaasang mapalitan na ng magandang alaala ang family portrait na mayroon siya ngayon.     " Rostam, " tawag ni Catalina saka hinawakan ng kamay niya. " Ayos ka lang? Ang lalim ng iniisip mo. "   " Ayos lang ako, mayroon lang akong naalala, " aniya saka tumingin sa suot na relo. " Mayroon pang fifteen minutes bago ang labasan ng mga bata. Sunduin na natin sila? "   Tumango si Catalina kaya napagpasyahan na nilang lumabas ng Hacienda, magkahawak ang mga kamay at parehong may ngiti sa labi sa di malamang dahilan.    
last updateLast Updated : 2022-02-13
Read more

KABANATA 70

KABANATA 70     Hindi mabasa ni Catalina ang reaksyon ni Rostam habang nakatingin sa kabuuan niya.   " Sabihin mo kung magpapalit ako. May thirty minutes pa tayo, " siya na ang nagboluntaryong magsalita dahil halos isang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin itong komento sa suot niyang kulay pulang midi dress na may slit nang kaunti sa kanang bahagi ng hita niya.   Humarap siya sa salamin para pagmasdan ang sarili at sinuri kung mayroon bang hindi kaaya-aya sa kaniyang hitsura. Ang kaniyang buhok ay hindi na niya masyadong inayos, hinayaan na lamang niya itong bagsak at nakalugay. Ginawa lang din niyang natural ang makeup para iwasan ang pahirapan sa pagtanggal nito mamaya.   Isang birthday party ang dadaluhan nila ngayon at wala siyang ideya kung sinu-sino ang makakasalamuha niya dahil ito ang unang pagkakataon na dadalo siya sa isang okasyon na may kaugnayan sa mga
last updateLast Updated : 2022-02-14
Read more

KABANATA 71

KABANATA 71       Negosyo. Kumpanya. Pera. Sa tatlong ito lamang umiikot ang usapan sa mesa kung saan naroron si Rostam at ang mga kilalang negosyante sa buong mundo. Lahat ay may kaniya-kaniyang pinagmamayabang. Lahat ay mayroong dinadalang pangalan at kapangyarihan na kayang kontrolin ang mga bagay na nakaharang sa kanilang dinadaanan.   Sa mundo nila, pera at koneksyon ang siyang mahalaga dahil ito ang magdadala sa'yo sa tuktok, kung saan titingalain at rerespetuhin ka ng mga nasa ibaba mo.     " Oh, narito na pala ang birthday celebrant! " Napatingin si Rostam sa kaniyang likuran at nakitang naglalakad ang kaniyang tiyo Angelo palapit sa kintatayuan nila. Binati ito ng mga taong kasama niya sa mesa at hindi mawawala sa mga ito ang mabulaklak na mga salita.     " Happy birthday uncle. " Nakangiti niyang bati saka ito kinamayan, n
last updateLast Updated : 2022-02-15
Read more

KABANATA 72

KABANATA 72Mula sa balkonahe ng Mansion, tanaw ni Rostam ang mga bisitang nasa ibaba at patuloy na nagkakasiyahan sa pamamagitan ng pakikipag kwentuhan sa iba't-ibang personalidad. Lahat ay may mga sariling grupo, kwento at pamamaraan kung paano nila maipapakita sa isa't-isa ang karangyaan ng kanilang mga angkan. Kapansin-pansin din ang pagdami ng mga tao kaya lalong umingay ang paligid na kabaliktaran sa kinatatayuan ni Valerie at Rostam. Tahimik at tila naghahanap pa ng tamang tiyempo kung paano sisimulan ang kanilang pag uusap. Kinuha ni Rostam ang cellphone upang silipin kung tumugon na ba si Catalina sa mensaheng pinadala pero wala pa.  " Ang asawa mo, pinahanga niya ako. " Napatingin siya kay Valerie nang sa wakas ay nagsalita na. " Hindi ko akalaing makakahanap ka ng babaeng ganoon katapang at masisikmurang tanggapin ang sistema sa mundo ng mga Mafia. " Ibinulsa ni
last updateLast Updated : 2022-02-16
Read more

KABANATA 73

KABANATA 73  Tila hindi na maalis ni Catalina ang tingin sa engagement ring na nasa daliri niya. Nagtatalo ang isip kung dapat pa ba niya itong hubadin gayong wala namang katotohanan ang pakikipag hiwalay niya kay Rostam. Mabigat ang kalooban niya at gustong-gusto niyang bawiin ang sinabi niya kagabi pero hindi pwede dahil maari itong ikapahamak ng kaniyang pamilya. Ibinaling niya ang tingin sa kabilang gilid ng kamang hinihigan niya. Narito pa rin siya sa kwarto ni Rostam ngunit hindi ito dito natulog kagabi. Umaasa siyang lalapit ito sakaniya para tanungin ang rason kung bakit siya umaatras sa kasal pero wala siyang napala. Naghintay lang s'ya sa wala at hindi niya alam kung magandang balita ba ito dahil malayo ito sa reaksyong inaasahan niya pati na rin ng taong nag utos sa kaniya. Hindi niya rin inaasahang iyon ang makukuha niyang sagot kagabi.  Tumingin siya sa or
last updateLast Updated : 2022-02-17
Read more

KABANATA 74

KABANATA 74       Mabilis at mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ni Rostam sa isang mahabang pasilyo patungo sa isang kwarto. Padilim ito nang padilim dahil ang kanilang silid na pupuntahan ay ilang pinagkakatiwalaang tao lang ang nakakaalam. Walang kahit na anong camera ang nakatutok sa gawing ito dahil sa Hacienda, ito ang pinaka pribadong kwarto. Kwarto kung saan ipararanas sayo kung paano tumira sa impyerno.   Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang isang malakas na pagsabog na dumagungdong sa buong Hacienda. Mabilis niyang nilingon si Esteban na nasa likuran at wala pa man siyang iniuutos, tumango na ito saka inabot sakaniya ang isang itim na bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera.     " Mag report ka agad saakin kung may makita kang malaking problem sa pagsabog na 'yon, " paalala niya bago tuluyang umalis si Esteban sa harap niya para alami
last updateLast Updated : 2022-02-19
Read more

KABANATA 75

KABANATA 75       Maya't-maya ang tingin ni Rostam sa pinto ng opisina niya sa pag-asang iluluwa nito ang taong hinihintay niya mula pa kahapon. Hindi siya mapalagay hangga't hindi lumilitaw si Lorenzo at naririnig ang sagot nito. Paulit-ulit niya ring itinutuktok ang dulo ng ballpen na hawak sa ibabaw ng mesa hanggang sa bumukas na ang pinto pero hindi ito ang taong inaasahan niya.   " Boss, nasa ibaba si uncle Angelo, " ani Esteban dahilan para mabilis magbago ang ekspresyon ng mukha niya. " Hinahanap si Miss Catalina. "   Lalong nalukot ang mukha niya sa pagtataka at kasabay nito ang pagtindi ng hinala niya.   " Sinabi niya ba kung anong dahilan? " tanong niya kay Esteban at iling naman ang isinagot nito sa kaniya. " Wala ang hinahanap niya rito pero patuluyin mo na lang dito sa opisina at tatawagan ko na lang si Catalina. "  
last updateLast Updated : 2022-02-20
Read more

KABANATA 76

KABANATA 76       " Anong sinabi mo? Nawawala si Catalina? " Salubong na kilay na tanong ni Rostam kay Esteban matapos nitong bumalik sa opisina niya para ihayag ang masamang balita.   " Wala siya sa buong Hacienda at kahit ang kaniyang ina, mukhang wala ring ideya kung nasaan si Miss Catalina, " tugon nito at kasabay noon ang ang pag ring ng telepono sa mesa niya na konektado sa front gate.   Sinagot ito ni Rostam.   " Bossing, hindi nawawala si Miss Catalina. Umalis siya kagabi pero wala siyang binaggit kung saan siya pupunta. Ang sabi lang niya emergency daw kaya pinayagan naming makalabas, " wika ng tao niyang nakatalaga sa gate, " Pasensya na boss, akala kasi namin ay alam niyong lalabas siya--"   " Mga anong oras 'yon? " tanong ni Rostam at di na pinansin ang paghingi ng paumanhin ng nasa kabilang linya dahil ang im
last updateLast Updated : 2022-02-21
Read more

KABANATA 77

KABANATA 77       Pinagmasdan ni Catalina ang kabuuan ng silid na siyang magiging kwarto niya sa mansion. Maayos at malinis naman ngunit walang masyadong gamit na hindi naman problema sakaniya dahil wala naman siyang balak magtagal dito sa puder ni Angelo.   Naupo siya sa kama at pabagsak na inihiga ang katawan dito. Napatitig sa kisame habang binabalikan ang kanilang napagkasunduan ni Angelo. Tsaka lang siya nito tutulungan oras na may mapatunayan siya sa mga inihayag niyang plano kanina. Alam niyang hindi ito magiging madali para sakaniya dahil wala namang katotohanan ang mga binitawan niyang pangako. Palabas lang ang lahat para mapagtakpan ang tunay niyang binabalak.   Ang pagpapakasal kay Angelo ay isa rin sa mga palabas na gagawin niya. Kailangan itong mangyari dahil doon lamang siya makakahatak nang maraming bisita na siyang magiging saksi sa pagsisiwalat niya ng katot
last updateLast Updated : 2022-02-22
Read more
PREV
1
...
456789
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status