Felize's POV NAGULAT ako nang biglang ihagis sa akin ni Tita Barbara ang ilang papel sa mukha ko. Pinatawag ako dahil may importante daw na sasabihin pero heto, mukhang masamang balita ang mangyayari. Hindi ko alam kung bakit pero nang bumaba ang tingin ko sa mga papeles na hinagis niya mukhang nakuha ko na ang sagot bago niya pa ibuka ang bibig niya. “Ang laki na ng tuition mo at gastusin sa iyo! Masyado ka ng pabigat sa buhay.” galit niyang sabi na halos sumigaw na siya sa harap ko. Pabigat? Ako? Napapikit na lang ako saglit sa masasakit na salita mula sa bibig ni Tita Barbara. Bukod sa sanay na ako ay totoo naman din lahat ng sinabi niya. “Hindi ka na mag-aaral!” Natigilan ako sa sinabi niya. “Teka, Tita. Hindi po pwede malapit na po akong matapos. Dalawang taon-” “May pera kang pang bayad ng tuition?!” she interrupted and raised her voice at me. Napalunok ako at mabilis na umiling. Wala akong pera at umaasa lang sa kanila. “Pwede naman po ang promissory notes-” “Bobo ka ba
Last Updated : 2021-11-22 Read more