Share

Kabanata 3

Author: lainnexx
last update Last Updated: 2021-12-01 18:00:58

Mabilis akong nag-empake sa isang maliit na bag lang. Hindi pa rin humuhupa ang kaba ng puso ko simula pa kahapon kaya naman hindi ako gaanong nakatulog at ngayong may bagong balita tungkol sa anak ko kung nasaan ito. Hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataong ito.

“Felize, kailangan muna magplano.” sabi ni Kobe.

“Kobe, doon ko na iisipin kung paano ko makukuha ang anak ko.” naging emosyonal na naman ako at tinignan si Thalia na mahimbing ang pagkakatulog. “Gusto ko lang masulyapan kahit sandali ang anak ko.”

“Naiintindihan ko pero pagkatapos anong gagawin mo kapag nakita mo na ang anak mo? Kukunin mo na lang siya bigla? Mas malaki ang magiging problema mo kapag ginawa mo ‘yon. Ipapahamak mo ang sarili mo pati na rin ang anak mo.”

Natigilan ako at tila nabasa niya ang nasa isip ko. 

Kinalma ko ang sarili ko at nasapo ang noo. Nagpabalik-balik ako sa paglalakad at nag-isip ng gagawin. Alam ko na kung nasaan ang anak ko pero hindi ko alam anong gagawin. Ganito ba dapat maging kahirap ang buhay ko? Masamang tao ba ako nung past life ko kaya ganito na lang ako parusahan ng langit? Kahit ang anak ko hindi ko kayang makasama.

I sobbed, crying. “Anong gagawin ko Kobe?” 

Lumapit sa akin si Kobe at niyakap ako. “It’s okay, makikita rin natin ang anak mo. Tutulungan kita pangako ‘yan.” tumango ako. Natunog siya bumuntong-hininga. “Wait lang natin ‘yong informant ko at tsaka tayo magdecide ng gagawin.”

Hinawakan niya ang mukha ko at hinabol ang aking tingin. “You have to think first. Mas kilala mo ang mga taong babanggain natin kaya dapat handa tayo.”

Tumango ako at hinawakan ang kamay niya. “Okay… susubukan ko.”

Ilang oras pa ako naghihintay tulad ng sinabi ni Kobe. Nakahiga ako sa higaan at niyakap ang anak ko, si Thalia. Maingat ang paggalaw ko para hindi ito magising. Hinaplos-haplos ko ang buhok nito. Kung aalis ako ay maiiwan ko naman si Thalia. Pagkarating ko doon sa lugar kung nasaan ang isa kong anak kailangan makaisip kaagad ako ng gagawin para makuha ito. 

May mahinang katok akong narinig kaya napalingon ako. Si Kobe at sumenyas na pumunta ako sa kanya. Dinampian ko ng h***k sa noo si Thalia bago tumayo at sumunod kay Kobe.

“Good news or bad news,”

Napalunok ako at kinabahan. “Bad news,”

“Ang bad news ay naghahanap ng katulong si Valerio para sa anak niyo at baka makahanap na siya.” 

Tumango ako dahil hindi ko masyadong maisip kung paano ito naging bad news.

“Ano ang good news?”

He sighed. “Pwede kang mag-apply bilang katulong para mapalapit sa anak mo tsaka tayo magpaplano kung paano mo makukuha ang kambal ni Thalia kapag nandoon ka na mismo.” napakamot siya sa ulo. “Ayoko ng ideyang sinabi na ‘yon ni Mamang pero kailangan kong sabihin sa’yo.”

“Kaya naging bad news ‘yon?”

Mabagal siyang tumango. 

“Mag-aapply ako.” mabilis kong sabi.

Umiling siya. “Hindi na kailangan dahil ginawa na ni Mamang bago ko pa malaman dahil natakot siya na hindi ka makahabol sa application.”

Labis akong napangiti sa sinabi ni Kobe. “Buti na lang,”

“Pero pwede pa tayong mag-isip ng iba pang paraan-”

Umiling ako bilang pagkontra. “Hindi na Kobe. Sang-ayon ako sa plano na sinabi mo pati kay Mamang Albert. Kung iyon lang ang paraan para makuha ko ang anak ko gagawin ko.”

*****

Nagpaalam muna ako saglit sa anak ko, kay Thalia. Ang dinahilan ko ay tungkol sa trabaho at sinabing si Kobe muna ang bahala sa kanya. Gustuhin man ni Kobe na sumama ay pigilan ko siya. Mas may tiwala ako kung siya ang kasama ng anak ko kaysa sa ibang tao. Wala na din naman akong iba pang mapagkakatiwalaan bukod sa kanilang dalawa ni Mamang Albert. Wala namang reklamo si Kobe na naging dalawa na ang trabaho niya pero gusto niya pa rin sanang sumama. Pero kailangan ko siyang pigilan dahil gusto ko rin munang harapin ito ng mag-isa. Tulad nga ng sabi ni Kobe kapag nandoon na ako at natanggap tsaka kami makakapag-isip ng paraan para makuha ang anak ko.

“Mag-iingat ka,” 

I weakly smile at him, “Kobe, ikaw muna ang bahala kay Thalia.”

“Mama, ingat po kayo ah! I want to see my twin na rin po.” bakas ang pagiging sabik ng anak ko.

Tumango ako. “I will bring her here soon.”

Baon-baon ang pangakong binitawan ko sa anak ko ay umalis na ako at hindi na nag-aksaya pa ng oras. Sa biyahe ko sa eroplano ay halos lumundag ang puso ko nang mabasa ang isang mensahe galing kay Valerio. Isang imbitasyon iyon para sa interview para maging taga-bantay ng anak namin. Hindi niya alam na bago pa siya magsabi ay talagang pupunta ako. Bilang taga-bantay man o hindi. May takas na luha ang lumandas na kaagad ko ring pinaalis. 

Masaya ako at malungkot din. 

Masaya dahil magkikita kaming muli ng anak ko pero malungkot dahil magpapakilala ako bilang isang taga-bantay niya. Hindi ko maipapangako na mapipigilan ko ang sarili ko sa pananabik pero hangga’t maaari gusto kong maging maayos ang lahat. I just want to see her. 

“Miss nakarating na po ba kayo rito?” tanong ng driver. Siya ang maghahatid sa akin sa tinutuluyan ng anak ko.

“Felize na lang ho ang itawag niyo sa akin.”

Tumango siya.

Umiling ako at ngumiti sa driver. “Hindi pa po ako nakarating dito.”

Sinilip niya ako sa rear view mirror. “Madami pong magandang tanawin rito. May malapit pong talon dito at maganda po ang dagat dito. White sand.” masaya niyang sabi. 

Muli akong tumango. Binalik kong muli ang tingin sa labas bago humugot ng malalim na hininga. 

Puro puno na rito at kanina may natanaw akong dagat sa hindi kalayuan. Malamang iyon ang tinutukoy ni manong kanina. 

“Nandito na tayo.” ngumiti si manong at kaagad na bumababa. 

Ngayong nalibang ako sa isipan ko ay siyang pagbilis ng oras at hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Pinagbuksan ako ng pinto ni manong at kaagad din akong bumaba. 

Kaagad akong namangha sa buong paligid. Inspired ang mansyon sa spanish colonial style, may malaking pinto na sasalubong sa iyo at halatang gawa ito sa magandang uri ng kahoy. 

Napalingon din ako sa likod ko nang marinig ko ang hampas ng alon. 

“Talaga po palang malapit tayo sa dagat.” masaya kong sabi. 

“Oo Felize. Malapit lang talaga. May babaan diyan at makakarating ka na sa dagat.” sagot naman ni manong. 

Hindi naman ganda ng dagat ang pinunta ko rito lalo pa’t tuwing iisip kong nasa isla ako ay muling bumabalik ang trauma na inabot ko nung nakulong ako sa isla. 

“Nandito po sa loob si Señora Amanda, hinihintay na po kayo.”

Senyora? Hindi ang Senyora ang gusto kong makita kundi ang anak ko! Naisigaw ko na iyon sa isip ko kung pwede lang talaga...

Pumasok na ako sa loob kasama ang mga kasambahay para ihatid ako sa loob. 

“Sino iyan?” salubong sa akin ng isang matandang babae. Halata na sa edad nito ang katandaan pero masasabi mo na sa kapanahuna niya ay malamang isa siya sa mga pinipilahan ng mga kalalakihan. 

I tried to smile, hiding the upcoming pressure and nervousness. 

“Ikaw ba si Felize Allejar? Ang bagong taga-bantay ng apo ko?”

I swallowed hard before I nodded. “Opo. Ako nga po.”

Hindi siya makapaniwalang tumitig sa mukha ko. Nagtagal talaga ang tingin niya sa mukha ko na tila kinikilala ako. Muli akong ngumiti kahit na kinakabahan. 

“Maganda ka. Hindi halatang magiging taga-bantay,”

“Salamat po.”

Sumisigaw ng karangyaan ang bawat materyales ng mansyon pati na rin ang mga palamuti nila. 

“Naning, nakita mo ba ang apo ko?” tanong ni Senyora sa isang kasambahay na naka-uniporme. 

Bigla akong kinabahan. Malamang anak ko ang tinutukoy niya.

“Senyora sa pagkakaalam po namin ay may pinuntahan po ang mag-ama kasama po ang kabayo ni Sir Valerio.” 

Halo-halong emosyon ang namumutawi sa akin: galit, saya, pagkamuhi, pananabik, at kalungkutan.

Ano pa kaya ang mararamdaman ko kapag nakita ko na ang anak ko?

Maarte niyang hinampas sa ere ang abanikong pamaypay at pinaypayan ang sarili. “Ganoon ba.” nilingon niya ako. “Naku, Felize, pasensya na kung wala pa rito ang apo, wala pa ang iyong aalagaan at nagsasaya pa kasama ang ama. Maaari ka munang pumunta sa kwarto mo at ipapatawag na lamang kita kapag dumating na siya.”

Lumunok ako at tumango. “M-makulit po ba ang anak- apo niyo po?”

Tumango siya. “Naku! Hindi. Tahimik lang iyon at madaling alagaan.”

Napangiti ako sa kakarampot na impormasyong nalaman ko. “Magkaiba pala sila ng anak ko.”

“May anak ka?” taka niyang tanong.

“O-opo.”

“Sige… maiwan muna kita at lalabas lang ako saglit.”

Naiwan akong mag-isa sa sala. Hindi ako tumayo at pinasadahan ko lang ng tingin ang buong paligid. Gawa sa mamahaling muwebles ang sahig at kahit nasa 1700s-1800s ang disenyo ng bahay talaga namang napakaganda. Dagdagan pa ng mga ilang portaits na nakasabit sa isang malawak na pader. Malamang ito ang larawan ng mga ninuno ni Senyora. Talagang napakaganda ng lahi nila base sa mga larawang makikita ko. 

“Naning, pwedeng magtanong?”

Tumango siya. “Ano iyon?”

“Kumusta ang trato nila sa batang babantayan ko.” tila may espadang sumaksak sa puso ko dahil hindi ko man lang mabanggit na anak ko ito. 

“Okay naman pero ‘wag lang uuwi si Madam Noelle. Minsan kapag nakatalikod si Sir Valerio pinagtatarayan niya ang anak niya pero kapag sobrang naglilikot lang ito. Hindi rin naman lagi.” bulong nya sa akin.

I gritted my teeth as I nodded my head. Kahit sa bata napaka ng ugali niya.

Bago pa siya makabalik sisiguraduhin kong mababawi ko na ang anak ko. 

"Pero good luck sa pag-aalaga mo sa anak nila Sir?"

"Bakit?"

"Kapag ayaw kasi nung bata sa nag-aalaga sa kanya, talagang pinagmamalditahan niya. Kaya ayon, suko kaagad kahit bago pa lang."

This might be the reason why they urgently need a nanny.

Ngumiti ako. "Huwag kang mag-alala may anak din ako at hindi ako mabilis sumuko." lalo pa't anak ko ang batang tinutukoy mo.

“Felize, nandito na si sir kasama ang anak niya,”

Naalerto ako at kusang napatayo kasabay nito ang labis na kaba na hindi ko maipaliwanag. May iba pang sinasabi ang kasambahay pero hindi ito pumapasok sa utak ko dahil nakaabang ako sa may pinto kung sino ang papasok. Sa loob ng apat na taon, muli kong makikita ang anak ko. Kahit paano nakagawa ako ng paraan para makita siya. 

Papasok pa lang ang isang lalaki ay kitang-kita na kung gaano nakakunot ang noo nito at salubong ang kilay habang nakatingin sa akin. 

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa sama ng tingin niya. May mga naging kaibigan naman akong lalaki sa State at si Kobe pero hindi naman ganito tumingin sa kanyang bisita. Pero binaliwala ko ang tingin niya at dumapo ang tingin ko sa batang hawak niya sa kamay na nakangiti.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang sarili na umiyak. Natindi ang pagkakakuyom ko sa kamay ko para hindi ako tumakbo at hadkan ng mahigpit ang anak ko. I miss her so much.

She’s wearing a pastel purple dress and cute slippers. Hati sa gitna ang buhok niya na nakatali. She really looks like Thalia. Identical twins si Thalia at Zandra kaya naman hindi mahirap na kilalanin ang anak ko. 

Napatingin siya sa gawi at sobra ang kaba ko. Tumagal ang tingin niya na tila kinikilala ako. Ang sakit lang kasi hindi ako kilala ng anak ko. Mas masakit pa pala ito kaysa sa noong hindi pa siya nakikita. Abot kamay ko na siya pero hindi ko man lang masabi na ako ang mama niya. Na may kakambal siyang naghihintay. Na gusto kong humingi ng tawad dahil hindi ko siya nagawang ipaglaban noon.

“Are you Felize?” napatingin ako kay Valerio.

Even his voice is rude. Malayo sa boses na narinig ko noong may mangyari sa amin.

Good thing na hindi niya ako kilala o maalala.

“A-ako nga,” sagot ko at hindi maitago ang matinding kaba.

Hindi ko rin maialis ang tingin sa anak ko kaya lang kailangan kong humarap kay Valerio. 

He’s wearing a black shirt na sakto lang sa pagkakayakap sa katawan niya. Kapares nito ang jeans at boots. Matangkad ito at masculine, hindi sobrang laki ng pangangatawan ngunit sakto lamang. Napansin ko kaagad dahil ganoon ang hinahangaan kong katawan sa mga lalaki. Pero iba ang ito sa natatandaan ko apat na taon ang nakaraan. He becomes a man that is unreachable. 

Felize hindi naman siya ang pinunta mo rito kundi ang anak mo!!!

But his presence is heavy and uneasy. Lalo pa’t masama talaga ang tingin niya which is hindi ko gusto. Iba ang kutob ko rito. He looks so rude and arrogant. I know the saying that don’t judge the book by its cover pero madalas akong tama sa kutob ko. Let’s see…

Mas lalo itong masculine na tignan dahil sa galaw nito. You can feel his presence even if he's far from you. Now that he’s coming towards me, I immediately notice his chiseled jawline – L-shape talaga ito. He has strong features too. 

Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa sabay tumango. 

Pinigilan kong mapairap sa ginawa niya. Hindi ko siya lubos na kilala noon kaya hindi ko alam kung ano talaga ang ugali nito. 

Dahil naka-focus ang paningin ko kanina sa anak ko hindi ko napansin na pawisan ito. Malapit na siya sa akin at hindi naman siya amoy pawis. Kabaliktaran pa nga at mabango siya. 

“Ay, apo nandito ka na pala!” sabay-sabay kaming napalingon ng marinig ang boses ni Senyora. 

Simple akong napasulyap kay Valerio at naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Kaya pala ramdam ko na parang may nakatitig sa akin. He looked at me like I was his prey. Pero hindi ko siya pinansin dahil dumapo ang tingin ko sa Senyora nang hadkan niya ito at halikan sa noo. Mukhang mahal ng Senyora ang anak ko. Sana nagagawa ko rin iyon. Sana kaya kong maiparamdam sa anak ko kung gaano ko siya kamahal.

Mukhang si Noelle at Tita Barbara lang ang nakikita kong hindi maganda ang trato sa anak ko base na rin sa sinabi ni Naning. Bahagya akong napalagay dahil nandito ang anak ko. Sinulyapan ko si Valerio na masayang nakikinig sa kwento ng anak namin. 

Buti may pake siya sa anak niya.

Naabutan niya akong nakatingin sa kanya kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

“Lola, sino po siya?” tanong nung anak ko.

Ako ang mama mo.

Nilunok ko ang mga salitang iyon para hindi masabi sa kanya.

“She’s your new nanny.”

Valerio smiles at me. But I cannot smile back. Sa anak ko ako ngumiti.

Hindi mo ako nanny, Zandra. Ako ang mama mo. 

Ilang beses iyon na tila sirang plaka na nagpauli-ulit sa tenga ko. 

He extends his arm at me. Kaagad ko naman iyong inabot. His hand kind of rough and big too. Halos sakop niya ang kamay ko. 

“I’m Valerio, ito pala si Zandra, ang anak ko.” pagpapakilala niya at kaagad kong binawi ang kamay ko sa kanya. I remember the night how he was so careless about me.

Binalingan ko na lang ang anak ko. “H-hi, Zandra. I’m Felize.” bigo akong itago ang pagkakautal ko.

Umaliwas ang mukha ni Zandra. Sa loob ng apat na taon nabanggit ko rin ang pangalan niya at nakita siya ng personal. Konting tiis lang Felize, tutulungan ka nila Kobe na makuha ang anak mo. 

“Hi! I’m Zandra.” pansin kong hindi siya hyper katulad ni Thalia. 

Halata ang pagka-tahimik at seryoso kung hindi ngingiti. Pansin ko na kaagad ang pagkakaiba ng dalawa kong anak. Halata rin na mana siya kay Valerio na may pagka-snob. Pero impression pa lang naman ‘yon.

“I hope na magkasundo tayo.” 

She just gives me a smile.

“Pwede ko ba siyang mayakap?” 

Nagulat si Senyora at Valerio. Umayos ako ng tayo. “M-may anak kasi ako na kasing-edad niya lang at nami-miss ko na ‘to,”

Tumango si Valerio. “Okay lang ba ‘yon Zandra? She wants to hug you.”

Nagulat ako sa mabilis na pagtango ni Zandra. “I want to hug you too. You look like po na iiyak na.”

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi bago hindi makapaniwala na napangiti. Magkaugali rin sila ni Thalia kapag nakikita akong malungkot. 

Niyakap ko siya at nagkurap-kurap ako para paalisin ang luhang nagbabayad.

After four years… finally nagawa ko ring mayakap ang isa kong anak. Ang yakap na ito gamit ang maliit niya braso sa akin ang magiging motibasyon ko para manatili rito. 

Valerio clears throat. Nakuha niya ang atensyon ko. 

“Bukas ka ng magsimula sa pagbabantay kay Zandra. Just rest for today. Mukhang pagod ka dahil siguro sa byahe. Tsaka may balak pa kaming puntahan ng anak ko. Pero gusto muna kitang makausap.” napatango ako sa sinabi ni Valerio kahit gusto kong kumontra sa sinabi niya.

Nawala ang pagod ko nang makita ko ang anak ko.

"May I excuse Felize?" tumango ang Senyora. Binalingan ako ni Valerio. "Follow me."

Ngumiti muna ako sa anak ko bago sumunod kay Valerio. 

"Felize, gusto kong maging maayos ang pag-aalaga mo sa anak ko."

Hindi mo na naman kailangan pang sabihin 'yan. Aalagaan ko ang anak ko kahit hindi mo sabihin.

"Yes, Sir." seryoso kong tugon.

Matagal siyang napatitig sa akin na tila sinusubukang basahin ang nasa isip ko. Wala namang mali sa pananuri niyang tingin pero hindi ko alam kung ganito rin ba siya tumingin sa mga naging katulong ng anak niya.

"Pwede akong magtanong... Sir?" tanong ko ng hindi pinuputol ang tinginan.

"Hmm..." he nodded.

"Pang-ilan na akong katulong ng an-" oopss... muntikan na. "ni Zandra?"

"Hindi ko na mabilang." 

Tumango ako.

"Sa totoo lang, hindi nagtatagal ang mga nagiging nanny niya." he sighed. "Hindi sila nagkakasundo. Nagrereklamo sila sa attitude ng anak ko pero she's a good girl."

"Alam ko," wala sa sarili kong sagot.

Tinaasan niya ako ng kilay. "I mean Sir, halata namang mabait ang bata."

Ngumiti siya na ngayon ko lang nakita. "Zandra is really a good girl. Hindi lang nila binibigyan ng pagkakataong makilala. I hope na hindi ka sumuko sa kanya."

Mabilis akong umiling at tumingin sa anak ko na kinakausap ang Senyora. Hindi ko pinigilan ang pag-ngiti. "Hind ako susuko." tugon ko bago binalik ang tingin kay Valerio.

"That's good to hear." inilahad niya ang kamay niya.

Walang pag-aalinlangan ko iyong inabot at nakipagkamay kay Valerio. Hindi pa rin naaalis ang matindi naming tiningan. Tila naghihintay na may maunang sumuko sa akin.

So, this is the start of my redemption.

Related chapters

  • The Redemption Game    Kabanata 4

    Napailing na lang ako sa sarili at nag-isip kung ano pang dapat kung gawin habang nandito ngayon sa kwarto. Nagbigay ako ng update kay Kobe at sinabing tatawagan ako mamaya dahil pinaliguan niya pa si Thalia.Ayokong makita si Valerio pero imposible dahil nandito at kasama ang anak ko.I stayed on my room. This room for me is big and so spacious. Ang ganda rin ng kama na bumagay sa disenyo ng kwarto. Parang nakasinauna talaga ako. Spanish era. Kung ganito na kaganda ang para sa bisita nila paano pa kaya ‘yong mga kwarto na nakalaan para sa kanya. Sobrang sosyal at ganda siguro. I can picture in my mind what might be the Senyora room.It must be so exquisite.Pero ito marahil ang dahilan ng pagiging makasarili ni Noelle at Tita Barbara. Takot silang mawalan ng pera

    Last Updated : 2021-12-02
  • The Redemption Game    Kabanata 5.1

    Felize's POV Huli na para bawiin pa ang mga salitang sinabi ko. Hindi ko rin naman pinagsisihan na sinabi ko ang totoo. Dapat na lang din na malaman niya tutal babawiin ko ang anak ko sa kanya. Hinarap niya ako. "Binatawan niyo siya!" Kaagad na inalis ng mga tauhan niya ang hawak sa akin. Masama pa rin ang tingin ni Noelle sa akin pero hindi ako nag paapekto. Hindi ko maintindihan kung ano nga bang emosyon ang namumutawi sa kanya pero ramdam ko ang kaba niya.

    Last Updated : 2021-12-03
  • The Redemption Game    Kabanata 5.2

    Felize's POV Hindi naging maayos ang paghinga ko sa sobrang galit habang pinapakinggan ang pagbabanta niya. Tinapik niya ang balikat ko. "Tandaan mo nasa pamamahay kita ngayon. Marami akong mata at tenga sa loob ng bahay." Tinalikuran niya ako at umalis. Sakto namang dumaan si Valerio papasok na sana sa bahay nila pero nilingon niya ang gawi namin ni Noelle. Hindi ko alam noong una kung kanino siya nakatingin pero noong malapit na sa kanya si Noelle ay nasa akin pa rin ang tingin niya. Tumalikod ako at humugot ng malalim na hininga.

    Last Updated : 2021-12-04
  • The Redemption Game    Kabanata 5.3

    Felize's POV Luminga-linga muna ako sa paligid bago tumawag kay Kobe. Nasa kwarto ko na ako ngayon pero tanda ko naman ang mga salitang iniwan ni Noelle. Hindi ako pwedeng magpakapante habang nandito ako. "Kobe, nandito na si Noelle at Tita Barbara. Bumalik siya ng maaga kaysa sa inaasahan natin." bigo kong sabi. Pinanatili kong mahina ang boses ko. ["Ano? Paanong nangyari 'yon?"] bumuntong hininga siya. ["Mukha nagkamali ang informant ko."] "Okay lang. Puno talaga ng surprises ang mag-ina na 'y

    Last Updated : 2021-12-05
  • The Redemption Game    Kabanata 6.1

    Felize's POV "Aalis lang ako saglit. Hindi ako pwedeng hindi dumalo sa meeting ng ngayon." Tumango ako kahit hindi alam kung bakit sinasabi niya ang mga ito. "Okay Sir." Hinarap niya si Zandra at hinalikan sa noo. "Babalik kaagad si Daddy." "I'll wait." sagot ni Zandra. Umalis na si Valerio at sinundan namin siya ng tingin ni Zandra hanggang sa makalayo na. "Balik na tayo sa loob." paanyaya ko kay Zandra. Pagkapasok namin sa loob ay sumalubong sa ami

    Last Updated : 2021-12-06
  • The Redemption Game    Kabanata 6.2

    Felize's POV "S-she..." natatakot na sinulyapan ako ni Zandra na may labis na takot sa mata. Napapikit ako saglit dahil para lumandas ang luha ko. Napasinghap ako dahil alam ko na ang susunod na sasabihin ni Zandra. "h-hurt me." nanginginig na sabi ni Zandra. Kita ko ang pagkamangha ni Noelle at sumilay ang ngiti sa labi. Tumayo si Valerio at hinarap ako. "You're fired!" sigaw niya sa akin na kinabigla ko saglit at nakabawi rin kaagad. "Hindi mo lang ba ako susubukan na pakinggan?" halos magmakaawa ako. Umiling siya at lalong sumama ang tingin. "No. I thought you're different pero bi

    Last Updated : 2021-12-07
  • The Redemption Game    Kabanata 7.1

    Valerio's POV AFTER ng gulong nangyari ay nanatili muna ako sa bahay at ang secretary ko muna na si Gilbert ang pinapadalo ko sa mga meetings. I was so devastated to witnessed Zandra crying and in terrible state that day. Para akong sasabog sa galit at sobrang nalito sa kung anong nangyari kay Noelle at Felize. I know Noelle hated Felize but I did not see it coming. Now, I might know the reason why Noelle hated her. Sobrang disappointed talaga ko dahil akala ko maganda ang pakikitungo niya kay Zandra. Hindi ko alam kung palabas lang ba ni Felize na nagpanggap na mabait. I don't know I was confused but now I tried not to think about it. Zandra's mental health is my priority right now. Galing kami sa isang psychologist pero walang sinasabi si Zandra. We don't forced her to speak. Pero lagi ko siyang kinak

    Last Updated : 2021-12-08
  • The Redemption Game    Kabanata 7.2

    Noelle's POV NAKAKAINIS lang na wala na ngang nangyari sa amin ni Valerio ngayong gabi tapos panira pa ang laging gumugulo sa panaginip niya. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang panaginip niyang iyon pero nasabi naman sa akin ni Valerio ang ilang detalye tungkol doon noong maikasal na kami. Isang babae daw ang nagpapakita sa panaginip niya at iba raw ang boses nito kaysa sa akin. Pero kapag tinatanong ko na siya ay tipid na lang ang mga nagiging sagot niya. Sobrang tagal na noon pero lagi pa rin niyang nakikita. Buti na lang at hindi naaalala ni Valerio. Effective ang drug na binigay sa akin. Nasapo ko ang noo sabay hagod sa buhok papunta sa likod. "Pati ba n

    Last Updated : 2021-12-09

Latest chapter

  • The Redemption Game    Wakas

    Valerio's POV LALONG nagkagulo sa venue nang lumaban na rin si Matthew para tulungan ako. Iyon ang naging cue ko para pilitin ang sarili na lumaban kahit na may tama ako sa braso. I don't care if I got shot on my right arm. I don't care about myself anymore. I care about Felize and our baby. We're pregnant and I can't lose them. I won't let them. Fvck, Harold! Kaya noong una pa lang hindi ko na siya gusto. Pero dahil naging maayos naman ang trato niya kay Felize at sa company nito ay pumayag na ako. Hinayaan ko siyang mapalapit sa asawa ko dahil maayos naman siyang makitungo. Hinarang ko ang isang tao na tumadyak kanina sa akin para hindi ako mabaril. Nakita ko na gustong lumaban ni Kobe pero hindi siya makatayo dahil sa kanyang tama sa dalawang binti. May

  • The Redemption Game    Kabanata 90: THE LAST GAME

    The Last Game Felize's POV "BILISAN MO!" singhal ni Noelle sa akin sabay tulak muli sa akin. Ginagawa ko naman na lumakad ng mabilis kaya lang nanginginig ang mga paa ko. Napansin siguro ni Harold ang galaw ko kaya naman hinuli niya ang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya at kinaladkad papalabas. Sa likod kami dumaan at nakakagulat na wala man lang mga bantay doon ni Valerio o kahit ng mga pulis. Hindi ba nandito na sila? Mamaya-maya pa, papalapit na kami sa isang itim na sasakyan ay nakarinig kami ng sunod-sunod na putukan. Binuksan ni Noelle ang pintuan ng sasakyan at pumasok sa front seat. Si Harold naman binuksan ang likod pero nilagyan niya ng posas ang kamay ko bago ako pinapasok sa loob. "Let's get out of here!" ani Harold. Napayuko ako at pilit na tinatakpan ang tenga ko sa abot ng aking makakaya dahi

  • The Redemption Game    Kabanata 89.2: GRAND WEDDING

    Grand WeddingFelize's POVLahat kami natigilan at nagulat. Hindi mula sa likod ang nagsalita kundi sa harap. Nasa unahan ang isang babae na nakaitim at may itim din na belo sa mukha. Strapless dress at may mahabang gloves pa siya sa kamay. Dahil itim ang damit niya, lutang ang maputi nitong balat.Itigil ang kasal? Tapos na ang kasal namin.Malakas itong tumawa. Natamaan ng ilaw ang mukha niya kaya doon ko lang napansin kung sino ito. Nanlamig ako at napakapit kay Valerio. Naramdaman ko rin ang pagkabigla niya."Noelle?..." nalilito kong sambit.Malakas siyang tumawa at pumalakpak."I'M BACK!" umalingawngaw ang boses niya kahit na maingay na sa palig

  • The Redemption Game    Kabanata 89.1: GRAND WEDDING

    Grand WeddingFelize's POVNASOBRAHAN ata ako sa pagkain ng japanese cake kaya biglang sumama ang tiyan ko. Hindi ko na naman pinansin iyon dahil wala na naman akong naramdaman pa na kakaiba pagkatapos. Noong gabing iyon, hindi tuloy namin natapos ang show at umuwi na lang kami ni Valerio."Felize, may dati kasi akong wedding dress. Galing pa 'yon kay Mama at hindi na ginagamit. If you like, you can wear that dress. We love to see you wear it on your wedding day." kinikilig na sambit ni Mama Vanessa.Lumawak ang ngiti ko at mabilis na tumango."Sure po. It's my pleasure to wear it." masaya kong tugon.Sinabihan ako ng Mama ni Valerio na tawagin siyang Mama para maging opisyal na daw

  • The Redemption Game    Kabanata 88: SHE'S BACK

    She's BackNoelle's POVSUMAGI sa isip ko na baka sinadya ang lahat. Baka planado ang pagkabangga ng sasakyan namin. Baka naisip ni Valerio na ipapatay ako dahil sa galit niya. Pero kilala ko rin naman si Valerio - sa kabila ng aking mga pagdududa na pwedeng sadya ang nangyari, imposible. Alam kong hindi niya 'yon kayang gawin kahit na labis na kasamaan ang ginawa ko. He just put me in jail and let me rotten there.Maybe Harold is right. This is my bad karma for all the decisions I'd made that cause a lot of pain. Kaya naman kinuha na rin sa akin si Mama. Sobrang sakit, sobrang pighati at sobrang galit ang nabuo sa akin. Tila napatungan ng isa pang galit ang galit ko para kay Valerio at Felize.

  • The Redemption Game    Kabanata 87: REVENGE

    Revenge Harold's POV WALA sa isip ko na bumalik. Wala sa isip ko na magpakita pang muli dahil wala na namang dahilan. Wala nga ba? Gusto kong matawa sa sarili ko. Alam kong niloloko ko lang ang aking sarili kapag sinabi kong wala akong babae na hinihintay na mapasaakin. Hinahangad na makasama at masabing akin. I want to get her from him but whenever I tried she always pushed me away. Hindi niya ako gusto.

  • The Redemption Game    Kabanata 86.2: ARE YOU MAD?

    Are You Mad?Felize's POVInabot niya sa kasambahay ang hawak nitong palanggana na may tuwalya. Iniwan namin ang isang nurse sa kwarto bago kami umalis. Sumunod ako kay Valerio hanggang makarating kami sa kwarto.Huli akong pumasok at ako rin ang nagsarado ng pinto.Tumingala siya saglit bago nagpakawala ng malalim na hininga sabay humarap sa akin.Napansin ko kaagad ang matinding pagod sa kanyang mga mata.

  • The Redemption Game    Kabanata 86.1: ARE YOU MAD?

    Are You Mad?Felize's POVNASA hospital si Thalia?!Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Mabilis na tumulo ang luha ko kasabay nito ang matinding guilt na namutawi sa aking katawan.Saglit akong nilingon ni Valerio, problemado. Hindi ko na alam kung dahil ba 'yong sa dapat hindi niya muna sinabi o dahil umiiyak ako."B-bakit n-nasa h-hospital si Thalia?"Ngunit wala akong sagot na nakuha kay Valerio. Gumalaw ang kanyang panga at pinanatili ang tingin sa labas. Nasapo ko ang noo ko at sinandal ko ang kamay ko sa gilid habang kagat-kagat ang hintuturo.Nang matanaw ko na ang hospital mas lalo akong kinabahan.Nang magpark na si Valerio, hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako. Dali-dali akong lumabas at tumungo sa loob ng hospital. Lumapit kaagad ako sa isang nurse.&nbs

  • The Redemption Game    Kabanata 85.2: STRONG AND INDEPENDENT

    Strong And IndependentFelize's POVMaganda ang paligid at napapalibutan ito ng mga classic na kagamitan. Ngayon lang ako nakarating dito at mukhang may bago na akong pwedeng puntahan."What do you like?" tanong ni Harold sa akin habang tumitingin sa menu.Hindi pa naman ako gutom pero nakakahiya talagang tanggihan si Harold. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong kainin."Nakarating ka na ba dati dito?" tumango siya sa tanong ko."Bakit?""Ano sa tingin mo ang masarap na pagkain nila dito pero hindi naman masyadong heavy? Medyo busog pa kasi ako…" nakangiti kong sambit.Tumango siya

DMCA.com Protection Status