Felize's POV
NAGULAT ako nang biglang ihagis sa akin ni Tita Barbara ang ilang papel sa mukha ko. Pinatawag ako dahil may importante daw na sasabihin pero heto, mukhang masamang balita ang mangyayari. Hindi ko alam kung bakit pero nang bumaba ang tingin ko sa mga papeles na hinagis niya mukhang nakuha ko na ang sagot bago niya pa ibuka ang bibig niya.
“Ang laki na ng tuition mo at gastusin sa iyo! Masyado ka ng pabigat sa buhay.” galit niyang sabi na halos sumigaw na siya sa harap ko.
Pabigat? Ako?
Napapikit na lang ako saglit sa masasakit na salita mula sa bibig ni Tita Barbara. Bukod sa sanay na ako ay totoo naman din lahat ng sinabi niya.
“Hindi ka na mag-aaral!”
Natigilan ako sa sinabi niya. “Teka, Tita. Hindi po pwede malapit na po akong matapos. Dalawang taon-”
“May pera kang pang bayad ng tuition?!” she interrupted and raised her voice at me.
Napalunok ako at mabilis na umiling. Wala akong pera at umaasa lang sa kanila. “Pwede naman po ang promissory notes-”
“Bobo ka ba?! Hindi mo nakikita iyang hinagis ko sa iyo. Sa tingin mo tatanggapin pa nga school mo ang mga promissory notes?!” inis niyang sagot habang nakaduro sa akin.
Matagal ng tumigil sa pagbabayad ng tuition fees ko. Puro promissory notes lang ako lagi pero last notice na ng school ‘ang binigay sa akin last week. Lagi lang ako mapagbibigyan dahil nasa dean’s list ako. Half lang kasi ang discount at malaki pa rin ang babayaran. Wala ding libreng university dito sa amin. Kung merong murang course, hindi ko naman iyon gusto.
“Pero bakit si Noelle Tita?” matapang kong tanong.
Labis ang pagkunot niya ng noo at humakbang papalapit sa akin. Kaagad kong pinagsisihan ang pagtatanong kong iyon nang biglang lumapat sa kaliwang pisngi ko ang palad niya. Napahawak na lang ako sa mukha ko at pinilit ang sarili na hindi umiyak.
“Felize!” halos mapatalon ako sa lakas ng pagkakasigaw niya sa akin. “Anak ko ‘yon at ikaw palamunin ka lang, kaya umayos ka sa mga sinasabi mo. Wala kang karapatan na kwestunin ang desisyon ko!”
Wala akong kaparatan kaya naging pabigat ako.
"Sabit ka lang naman sa bahay na 'to kaya wala kang karapatan na magdemand. Ipasok mo 'yan sa kokote mo."
Napatitig ako sa mga papel na hinagis ni Tita at pinulot iyon. Hindi lang pala promissory notes ang nasa papel kundi pati na rin ang utang ng parents ko. Napapikit ako at mariing sinabunutan ang sarili ko habang nag-iisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin sa problema ko. Hindi ko gustong huminto pero kailangan na ako naman ang sumuporta sa sarili ko at wala naman akong pera. Dalawang taon na lang at graduate na ako kaya ngayon pa ba ako hihinto?
I mentally shook my head. No. Hindi ako papayag na sumuko na lang dahil sa sinabi ni Tita Barbara na hindi na ako mag-aaral. Pwede naman akong magtrabaho. Maghahanap ako ng part-time job para suportahan ang sarili ko. Papatunayan ko sa kanya na kaya kong tumayo mag-isa. Bubuhayin ko ang sarili ko para hindi maging pabigat sa kanya.
“Nabalitaan kong hindi ka na daw mag-aaral?”
Napamulat ako at tinignan si Noelle na nakatingin sa kanyang bagong gawa niyang kuko. Tumayo ako habang bitbit ang mga papel.
“Mag-aaral pa din ako,”
Inismiran niya ako at mataray na tinignan. “Eh, paano kung wala na tayong pera?”
Gusto kong matawa sa sinabi niya pero hindi ko magawa. Walang pera pero kakarating lang kahapong ng in-order niyang limited edition bag mula sa isang sikat na brand. Iyon ba ang walang pera?!
Kahit pansin ko nga na medyo namomoblema si Tita Barbara sa gastusin nitong mga nakaraang araw hindi ko pa rin gustong maniwala sa kanila dahil kaya naman sanang magtipid pero maluho silang mag-ina.
"Hindi ko isusuko ang dalawang taong natitira na lang para makapagtapos ako. Walang makakapigil sa aking mag-aral Noelle."
Nameywang si Noelle at tinaasan ako ng isang kilay. "So anong gagawin mo para makapag-aral?"
Wala talaga siyang alam sa buhay kundi pasarap lang.
“Magtatrabaho ako-”
“Sa akin ka na lang magtrabaho,”
Inirapan ko siya. "Bakit naman ako maniniwala sa iyo?"
"Alam mong may pera ako. Kaya kitang bayaran kaya sa akin ka na lang magtrabaho."
I frowned, narrowing my eyes at her. Hindi ko siya pinagkakatiwalaan pero curious ako sa sasabihin niya. “Ano ‘yon?”
*****
Nakakapagtaka kung bakit pati si Tita Barbara ay kasama sa paghatid sa akin dito sa isang resort. Never pa ako nakapunta dito at nagdadalawang-isip ako kung anong gagawin ko bukod sa sinabi ni Noelle. Malalim na ang gabi at hindi ko akalain na agad-agad din pala na gagawin ang utos sa akin ni Noelle.
“Ayusin mo. Magpapanggap ka lang na ikaw ay ako at ang fiancé ni Valerio.” bilin muli ni Noelle sa akin.
Valerio Jones Herbosa, 25 years old. Mayaman, CEO sa sikat na kompanya dito sa Pilipinas at higit sa lahat fiancé ni Noelle. Swerte ang pinsan ko dahil tinanggap siya bilang fiancé. Balita ko maraming naghahabol doon. Pinangako silang ipakasal sa isa’t-isa dahil sa pangako ng mga parents nila na ang mga anak nila ang magpapakasal. Both families are wealthy and famous. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi ni Tita Barbara na wala kaming pera. At isa pa, hindi ko lubos maisip na nandito kami ngayon para gawin ang isang napakalaking kalokohan.
Nilingon ko si Tita Barbara pero hindi siya nakatingin sa gawi namin. Alam niya ang balak ng anak niya pero wala rin siyang balak na pigilan man lang ito. Sabagay bakit nga ba niya pipigilan eh ako nga ang palamunin at anak niya itong si Noelle. Ano bang laban ko sa tunay na anak?
“Pero paano kung mabisto tayo? Kilala ka na nun at paano kung mamukaan niya ako? Tsaka hindi ko alam kung bakit gagawin natin ‘to.” sunod-sunod kong tanong dahil kabado ako kung ano talaga ang gagawin namin dito.
Bakit ko kailangan na magpanggap bilang siya, eh kilala naman siya nito?
“Huwag ka ng maraming tanong,” pataray niyang sabi. “Isang gabi ka lang naman na magpapanggap na ako at babayaran kita ng dalawang milyon.”
Dalawang milyon? Kaagad akong nabuhayan sa alok niya.
Nilingon kong muli si Tita Barbara pero nakadungaw pa rin ito sa bintana ng sasakyan at naiinip na. Binalingan ko si Noelle na may pinipindot sa phone niya at pagkatapos ay iniharap ito sa akin.
“Ayan na! Para matigil ka na sa kakatanong mo. I already transferred the two million pesos sa bank account mo.”
Napalunok ako ng makita ang seven digits na nakalipat nga sa bank account ko. Sigurado akong makakapag-aral na nga ako at matatapos ko pa ang dalawang taong pag-aaral.
“Okay payag na ako pero anong gagawin ko?”
Kailangan ko ng pera. Gagawin ko ‘to para rin naman sa sarili ko. Dalawang taon na lang at hindi ko kayang huminto. Isa pa, running for laude ang goal ko at maganda ang record ko sa university.
Ngumisi siya sa akin bago tumingin kay Tita Barbara na tumango kay Noelle. “Inomin mo ‘to.” inabot niya sa akin ang isang can ng root beer.
“Para saan naman ‘yan?”
She shrugged. “Pampalakas ng loob?”
Inabot ko iyon pero hindi kaagad binuksan. Nang makitang mayroon din si Noelle ay nagpasya akong inumin ito. Sealed din ang can kaya walang halong masama ang pag-aalok niya. At mukhang kailangan ko nga ng pampalakas ng loob pero konti lang ang inimon ko.
“Wala kang gagawin sa loob kundi samahan lang si Valerio ngayong gabi.” napatango ako sa sinabi ni Noelle.
*****
Abot langit ang kaba ko ngayong pumunta ako sa isang kwarto na sinabi ni Noelle. Iba talaga ang pakiramdam ko dito sa balak niya pero hindi na ako pwedeng umatras dahil nasa bank account ko na ang pera at hindi ko hahayaang maudlot pa pati ang pag-aaral ko. Tsaka isa pa, wala naman daw akong gagawin na iba tulad ng bilin ni Noelle. Wala din naman kahina-hinala sa dating ko ngayon dahil isang normal na dress lang naman ang pinasuot niya.
Iyon nga lang, kung wala akong ibang gagawin bakit kailangan ko pang magpanggap at hindi na lang siya? Fiancé niya na naman ang pupuntahan namin. Iyon talaga ang tanong na hindi ko masagot.
Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok na tila may bara sa lalamunan ko. Sobrang kinakabahan ako at hindi mapakali.
Pagpasok ko sa isang madilim na kwarto ay tumambad sa akin ang isang lalaki na nakahiga sa kama. Hindi maayos ang suot nitong puting long sleeve shirt dahil sa apat na butones nito ang nakabukas. He looks so wasted. Pero kahit madilim hindi pa rin maipagkakaila kung gaano ito ka-gwapo at matikas na lalaki. Napaka-unfair na kahit madilim ay ang gwapo niya pa rin. Hindi maitatago kung bakit mabilis pa sa kidlat ang pagpayag ni Noelle kahit na may boyfriend siya.
Pagkasara ko ng pinto ay nagulat ako nang bigla siyang tumayo at pagewang-gewang na lumapit sa akin.
Iniharang ni Valerio ang kamay niya sa may pinto. Tila nag-ugat ang paa ko sa sobrang kaba at takot ngayong malapit siya. Ramdam ko rin ang mabilis niyang paghinga at ang amoy ng alak sa katawan niya.
“Noelle…”
Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon sa labi niya habang nakatingin sa akin. Sa sobrang kalasingan ay iniisip niya na ako si Noelle? Sobrang layo ng itsura namin ni Noelle lalo pa’t may pagkasingkit si Noelle, ako, almond shape ang mata. Kaya sa mata pa lang malayo na ang itsura namin.
Naglalagablab ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang mukha ko pababa sa katawan ko.
“I feel so hot inside…” halos paos ang boses niya. “I thought hindi ka na babalik.”
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang bigla niya ng hawakan ang hita ko. Mabilis kong pinigilan ang kamay niya pero kahit lasing ay malakas pa rin siya.
“T-teka Valerio…” hindi mapagkaila sa boses ko ang labis na takot. “Hindi ako si-”
Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko nang siilin niya ang labi ko ng halik. Pero hindi rin siya nagtagal sa paghalik sa akin ng yumuko siya at hinalikan naman ang leeg ko hanggang paangat sa panga ko. Ilang beses ko siyang tinulak pero wala pa ring silbi dahil sa malakas siya. Naiiyak na ako dahil sa wala ito sa napag-usapan namin ni Noelle. Sabi niya wala akong gagawin pero ano ito ngayon na nangyayari sa akin? Pinilit kong buksan ang pinto pero may pumipigil na pwersa mula sa labas.
“T-teka! Hindi ako si Noelle! Tatawagin-“ hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang naging dalawa ang paningin ko at nakaramdam ng matinding pagkahilo.
May mali sa paningin ko... may mali sa katawan ko.
“Lagi mo akong inaakit pero hindi mo ako pinagbibigyan. Sabi mo babalik at ngayon nandito ka, hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Lalo pa at ang init ng katawan ko.”
Napatili ako ng hawakan niya ang dibdib ko kasabay noon ang pagpwersa niyang halik sa akin. Ramdam ko ang biglang panghihina at pag-init ng katawan ko kasabay ng matinding pagkahilo. Kusang tumulo ang luha ko nang ihiga ako ni Valerio sa kama at mabilis na kinababawan. Muling naglikot ang kamay niya sa buong katawan ko at mapupusok na ipaulanan ako ng halik sa labi. Dahil sa init ng katawan ko ay hindi ko na rin mapigilang hindi sumagot sa bawat halik niya. Alam kong hindi tama ang ginagawa ko pero tila hindi ko na makontrol ang katawan kong ito.
Something makes me want to keep going even though I don’t like this.
“Ohmm!” ilang beses akong impit na napaungol nang makuha niya ang katawan ko pero kasunod din noon ang mainit na luha na tumulo sa mata ko.
This is my first time and he’s being careless and relentless.
“I always wanted you…” Valerio said between the kisses. Hindi ko halos makilala ang boses niya.
ME? Hindi ko gusto ito pero ang katawan ko talaga, hindi ko makontrol.
Wala na akong maisip na gawin para lumaban pa. Inisip ko na lang na mabilis itong matatapos kapag hinayaan ko na lang na gawin kung anong gusto ni Valerio. Ito ang naging kapalit sa ginawa kong pagtitiwala kay Noelle at Tita Barbara. Matalino naman dapat ako pero bobo ako sa pagtitiwala sa kanila.
*****
Nagising ako na sobrang sakit ng katawan ko. Pero nang maalala ko ang nangyari kagabi ay napabalikwas ako ng bango. Kaagad kong sinuri kung nasaan ako pero malayo na ito sa natatandaan ko kagabi kahit na may kadiliman ang paligid. Mas malaki ang kwarto na may malaking salamin sa labas na pwede mong puntahan papuntang terrace. Rinig ko rin ang malakas na hampas ng alon.
Tumayo ako at biglang naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko.
Lahat sa akin masakit - puso pati katawan ko.
Hindi ko na mapigilan pa ang sunod-sunod na mga landas ng luha ko. Naaalala ko kung anong nangyari simula nung pumunta ako sa isang resort kasama sila Noelle at Tita Barbara at pagpasok ko sa isang kwarto at natagpuan si Valerio na tila wala sa sarili. Pero ang mga sumunod na nangyari pagkatapos ay bahagyang malabo na sa aking alaala. Nalilito ako kung paanong naging ganoon ang sitwasyon samantalang ang sinabi lang sa akin ay wala akong ibang gagawin.
Walang ibang gagawin kasi hahayaan ko si Valerio na kunin ang katawan ko?
Dapat nabasa ko na ang utak ng mag-ina na iyon.
Kaagad kong pinunasan ang luha ko at tumayo ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Iniluwa noon si Tita Barbara kasama si Noelle na hindi bakas sa mukha ang ginawang kasalanan.
“Tita! Ang sabi ninyo wala akong gagawin pero anong ginawa niyo sa akin?!” galit kong sabi sa kanilang dalawa. Biglang sumagi sa isipan ko ‘yong pinainom ni Noelle sa akin. “You drugged me.” hindi ko makapaniwalang bintang sa kanya.
Natatawang tinarayan ako ni Tita Barbara. “Wala akong ginawa sayo Felize. Tinanggap mo ang pera kaya dapat lang na suklian mo ang bayad namin sa’yo.”
Hindi ako lubos na makapaniwala sa sinabi niya. “Tita…”
“At ‘wag mo na rin akong matawag-tawag na Tita mula sa ngayon. Barstado ka lang naman ni Felipe.”
Muling tumulo ang luha ko. “Paano niyo po nasasabi lahat ng ‘yan pagkatapos ninyo akong gawing laruan? Alam mo ang lahat ng ito?” pagbabaliwala ko sa sinabi niya dahil totoo naman. anak lang ako sa labas. “N-nasaan ako?” takang tanong ko habang muling nilibot ang tingin sa paligid.
Wala akong alam kung nasaan ako.
“Nasa paraiso ka,” nakangiting sagot ni Noelle.
Pagsalubong lang ng kilay ang naisagot ko. Paraiso? O nasa impyerno ako dahil kasama ko sila. Walang paraisong lugar kapag sila ang kasama.
“Noelle, ano ‘to?! Paano mo nagawa sa akin ‘to?” my voice cracked as my breathing became unsteady.
"'Anong paano nagawa sa iyo?' Bayad naman kita ah!"
Mabilis akong umiling. "Sa tingin mo okay lang 'yong ginawa mo sa akin? Sa tingin mo ba tatangapin ko lang ng ganoon kadali 'yon?!" tumaas ang tono ng boses ko.
Hindi man malinaw ang nangyari pero ramdam ng katawan ko ang bawat haplos ni Valerio.
“Napaka-OA mo. Pa-virgin ka?”
Hindi ako nakasagot at hindi siya makapaniwalang tumawa. “Virgin ka nga!”
"A-ano ngayon kung virgin ako? Mali-"
Biglang naglaho ang ngiti niya at hindi ako pinatapos sa sasabihin. "Kaya pala ang sentimental mo. Huwag kang mag-alala makakalimutan mo rin 'yon." tamad niyang tugon.
Makakalimutan?!!!
Pinaalis ko ang luha ko at malalim na huminga. Tila ilang segundo kong nakalimutan kung paanong huminga ng maayos dahil sa kanila.
Umirap siya at humakbang palapit sa akin. “Fiancé ko si Valerio at kailangan niya ng magiging anak sa akin. Matagal pa niya ako papakasalan pero sabi ni Senyora kapag buntis ako baka mapaaga. Pero ayoko namang mabuntis dahil bata pa ako at may boyfriend ako ‘di ba?” kinuyom ko ang kamay ko para pigilan ang labis na galit.
“Kailangan kong magbuntis para siguradong mapupunta sa akin ang kayamanan ng mga Herbosa, kaya ginamit kita para magpanggap bilang ako sa isang gabi para mabuntis.” marahan niyang sabi upang ipaintindi sa akin ang dahilan niya.
Bata? Siya? Di hamak na mas bata ako sa kanya. Nineteen palang ako at siya twenty-one na.
“Bakit ako?!”
Bahagya niyang tinagilid ang ulo niya at binigyan ako ng nakakalokang ngiti. “Kasi kailangan mo ng pera,”
Pinagkaisahan nila ako. Planado nila ang lahat ng ito.
Napasinghap ako at nag tiim bagang. “Ang kapal ninyong dalawa.”
She raised her one eyebrow. Tinuro niya ng ulo ko at bahagya iyong tinulak-tulak. “Ang arte mo. Buti pa nga maging masaya ka kasi ikaw ang unang nakatikim sa fiancé ko imbes na ako. Swerte ka pa nga at hindi kita pinabuntis sa ibang lalaki o kung sino-sino lang tapos kinuha ang anak mo!”
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Gusto kong masuka dahil naisalarawan ko ito sa utak ko. Mas malala pa pala ang gagawin nila sa akin.
“So, dapat maging masaya ako ganun ba Noelle?!”
Kalokohan na itong lumalabas sa bibig ng pinsan ko. Hindi ko alam kung paano nila nasisikmura ang lahat ng ito. Parang gusto pa nilang maging masaya ako. They let me sleep with Valerio!
“Hinayaan niyo akong ma-rape!” sigaw ko sa kanila.
“Hindi ka na-rape, binayaran kitang gawin ‘yon. At pumayag ka.” giit ni Noelle.
“Hindi mo nilinaw! Sabi mo-”
“Sabi ko wala kang gagawin kasi hahayaan mo lang si Valerio na gawin ang gusto niya.” Noelle interrupted.
“Ginamitan niyo rin siguro ng drugs si Valerio no?!”
Tinulak niya ako pero hindi naman ako gaanong napaatras. “Wala ka na doon. Ang mabuntis lang ang kailangan mong gawin. Walang labis, walang kulang.”
Makapagsabi siya na tila sobrang dali lang ng pagbubuntis.
Hinila ni Tita Barbara ang braso ko at mahigpit itong hinawakan. Kaagad akong napadaing sa sakit lalo pa’t bumaon ang kuko niya. “Hindi pa nga natin alam kung buntis ka nga kaya ‘wag kang mag-inarte d’yan!” pagalit niyang sigaw sa akin sabay hagis ng braso ko.
“P-paano kung mabuntis ako dahil sa nangyari?” natatakot kong sabi.
Please! Hindi pwede! Ayokong mabuntis!
“Edi madanda!” maarte pang pumalakpak si Noelle. “Masusunod lahat ng plano ko kapag nagkataon.”
“Alagaan mo ang sarili mo. Kung hindi malilintikan ka sa akin. Anak ko na ngayon ang dala mo kaya hindi ako papayag na magkasakit ka.” galit na sabi ni Noelle at nilapag ang isang basket ng prutas sa bedside table. Umigting ang panga ko at nag-iwas ng tingin. Binalingan ko ang dagat na payapa ang bawat hampas ng mga alon. Kailan din kaya magiging mapayapa ang buhay ko? Napahawak ako sa tiyan ko bago malalim na huminga. Ang laki na ng tiyan ko kahit na tatlong buwan pa lang akong buntis. “Hindi ba tayo pupunta sa hospital?” Umirap siya at umiling. “Hindi. Dito ka lang. Tsaka na ako magpapatawag ng doctor kapag malapit ka nang mang
Nakarating kami sa isang penthouse na pagmamay-ari ni Mamang Albert. Exclusive penthouse ito na hindi na niya nagagamit dahil sa resident citizen na siya sa State at malimit na lamang bumalik rito. Moderno ang disenyo ng penthouse at talagang kay ganda.[“Dapat hindi mo na sinama si Thalia d’yan sa Pilipinas.”]“Okay lang Mamang. Tsaka alam mong hindi rin papayag itong si Thalia na malayo sa akin.” sagot ko habang pinagmamasdan si Thalia na naglalaro ng kanyang laruan.[“Felize, kahit na. Alam mong hindi lang trabaho ang gagawin mo.”]“Alam ko Mamang pero handa na akong ipaglaban ang dalawa kong anak. Babalik ako d’yan na kasama silang dalawa.”
Mabilis akong nag-empake sa isang maliit na bag lang. Hindi pa rin humuhupa ang kaba ng puso ko simula pa kahapon kaya naman hindi ako gaanong nakatulog at ngayong may bagong balita tungkol sa anak ko kung nasaan ito. Hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataong ito.“Felize, kailangan muna magplano.” sabi ni Kobe.“Kobe, doon ko na iisipin kung paano ko makukuha ang anak ko.” naging emosyonal na naman ako at tinignan si Thalia na mahimbing ang pagkakatulog. “Gusto ko lang masulyapan kahit sandali ang anak ko.”“Naiintindihan ko pero pagkatapos anong gagawin mo kapag nakita mo na ang anak mo? Kukunin mo na lang siya bigla? Mas malaki ang magiging problema mo kapag ginawa mo ‘yon. Ipapahamak mo ang sarili mo pati na rin ang anak mo.”Natigilan ako at tila nabasa niya ang nasa isip ko.Kinalma ko ang sarili ko at nasapo ang noo. Nagpabalik-balik ako sa paglalakad at nag-isip ng gagawin. Ala
Napailing na lang ako sa sarili at nag-isip kung ano pang dapat kung gawin habang nandito ngayon sa kwarto. Nagbigay ako ng update kay Kobe at sinabing tatawagan ako mamaya dahil pinaliguan niya pa si Thalia.Ayokong makita si Valerio pero imposible dahil nandito at kasama ang anak ko.I stayed on my room. This room for me is big and so spacious. Ang ganda rin ng kama na bumagay sa disenyo ng kwarto. Parang nakasinauna talaga ako. Spanish era. Kung ganito na kaganda ang para sa bisita nila paano pa kaya ‘yong mga kwarto na nakalaan para sa kanya. Sobrang sosyal at ganda siguro. I can picture in my mind what might be the Senyora room.It must be so exquisite.Pero ito marahil ang dahilan ng pagiging makasarili ni Noelle at Tita Barbara. Takot silang mawalan ng pera
Felize's POV Huli na para bawiin pa ang mga salitang sinabi ko. Hindi ko rin naman pinagsisihan na sinabi ko ang totoo. Dapat na lang din na malaman niya tutal babawiin ko ang anak ko sa kanya. Hinarap niya ako. "Binatawan niyo siya!" Kaagad na inalis ng mga tauhan niya ang hawak sa akin. Masama pa rin ang tingin ni Noelle sa akin pero hindi ako nag paapekto. Hindi ko maintindihan kung ano nga bang emosyon ang namumutawi sa kanya pero ramdam ko ang kaba niya.
Felize's POV Hindi naging maayos ang paghinga ko sa sobrang galit habang pinapakinggan ang pagbabanta niya. Tinapik niya ang balikat ko. "Tandaan mo nasa pamamahay kita ngayon. Marami akong mata at tenga sa loob ng bahay." Tinalikuran niya ako at umalis. Sakto namang dumaan si Valerio papasok na sana sa bahay nila pero nilingon niya ang gawi namin ni Noelle. Hindi ko alam noong una kung kanino siya nakatingin pero noong malapit na sa kanya si Noelle ay nasa akin pa rin ang tingin niya. Tumalikod ako at humugot ng malalim na hininga.
Felize's POV Luminga-linga muna ako sa paligid bago tumawag kay Kobe. Nasa kwarto ko na ako ngayon pero tanda ko naman ang mga salitang iniwan ni Noelle. Hindi ako pwedeng magpakapante habang nandito ako. "Kobe, nandito na si Noelle at Tita Barbara. Bumalik siya ng maaga kaysa sa inaasahan natin." bigo kong sabi. Pinanatili kong mahina ang boses ko. ["Ano? Paanong nangyari 'yon?"] bumuntong hininga siya. ["Mukha nagkamali ang informant ko."] "Okay lang. Puno talaga ng surprises ang mag-ina na 'y
Felize's POV "Aalis lang ako saglit. Hindi ako pwedeng hindi dumalo sa meeting ng ngayon." Tumango ako kahit hindi alam kung bakit sinasabi niya ang mga ito. "Okay Sir." Hinarap niya si Zandra at hinalikan sa noo. "Babalik kaagad si Daddy." "I'll wait." sagot ni Zandra. Umalis na si Valerio at sinundan namin siya ng tingin ni Zandra hanggang sa makalayo na. "Balik na tayo sa loob." paanyaya ko kay Zandra. Pagkapasok namin sa loob ay sumalubong sa ami
Valerio's POV LALONG nagkagulo sa venue nang lumaban na rin si Matthew para tulungan ako. Iyon ang naging cue ko para pilitin ang sarili na lumaban kahit na may tama ako sa braso. I don't care if I got shot on my right arm. I don't care about myself anymore. I care about Felize and our baby. We're pregnant and I can't lose them. I won't let them. Fvck, Harold! Kaya noong una pa lang hindi ko na siya gusto. Pero dahil naging maayos naman ang trato niya kay Felize at sa company nito ay pumayag na ako. Hinayaan ko siyang mapalapit sa asawa ko dahil maayos naman siyang makitungo. Hinarang ko ang isang tao na tumadyak kanina sa akin para hindi ako mabaril. Nakita ko na gustong lumaban ni Kobe pero hindi siya makatayo dahil sa kanyang tama sa dalawang binti. May
The Last Game Felize's POV "BILISAN MO!" singhal ni Noelle sa akin sabay tulak muli sa akin. Ginagawa ko naman na lumakad ng mabilis kaya lang nanginginig ang mga paa ko. Napansin siguro ni Harold ang galaw ko kaya naman hinuli niya ang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya at kinaladkad papalabas. Sa likod kami dumaan at nakakagulat na wala man lang mga bantay doon ni Valerio o kahit ng mga pulis. Hindi ba nandito na sila? Mamaya-maya pa, papalapit na kami sa isang itim na sasakyan ay nakarinig kami ng sunod-sunod na putukan. Binuksan ni Noelle ang pintuan ng sasakyan at pumasok sa front seat. Si Harold naman binuksan ang likod pero nilagyan niya ng posas ang kamay ko bago ako pinapasok sa loob. "Let's get out of here!" ani Harold. Napayuko ako at pilit na tinatakpan ang tenga ko sa abot ng aking makakaya dahi
Grand WeddingFelize's POVLahat kami natigilan at nagulat. Hindi mula sa likod ang nagsalita kundi sa harap. Nasa unahan ang isang babae na nakaitim at may itim din na belo sa mukha. Strapless dress at may mahabang gloves pa siya sa kamay. Dahil itim ang damit niya, lutang ang maputi nitong balat.Itigil ang kasal? Tapos na ang kasal namin.Malakas itong tumawa. Natamaan ng ilaw ang mukha niya kaya doon ko lang napansin kung sino ito. Nanlamig ako at napakapit kay Valerio. Naramdaman ko rin ang pagkabigla niya."Noelle?..." nalilito kong sambit.Malakas siyang tumawa at pumalakpak."I'M BACK!" umalingawngaw ang boses niya kahit na maingay na sa palig
Grand WeddingFelize's POVNASOBRAHAN ata ako sa pagkain ng japanese cake kaya biglang sumama ang tiyan ko. Hindi ko na naman pinansin iyon dahil wala na naman akong naramdaman pa na kakaiba pagkatapos. Noong gabing iyon, hindi tuloy namin natapos ang show at umuwi na lang kami ni Valerio."Felize, may dati kasi akong wedding dress. Galing pa 'yon kay Mama at hindi na ginagamit. If you like, you can wear that dress. We love to see you wear it on your wedding day." kinikilig na sambit ni Mama Vanessa.Lumawak ang ngiti ko at mabilis na tumango."Sure po. It's my pleasure to wear it." masaya kong tugon.Sinabihan ako ng Mama ni Valerio na tawagin siyang Mama para maging opisyal na daw
She's BackNoelle's POVSUMAGI sa isip ko na baka sinadya ang lahat. Baka planado ang pagkabangga ng sasakyan namin. Baka naisip ni Valerio na ipapatay ako dahil sa galit niya. Pero kilala ko rin naman si Valerio - sa kabila ng aking mga pagdududa na pwedeng sadya ang nangyari, imposible. Alam kong hindi niya 'yon kayang gawin kahit na labis na kasamaan ang ginawa ko. He just put me in jail and let me rotten there.Maybe Harold is right. This is my bad karma for all the decisions I'd made that cause a lot of pain. Kaya naman kinuha na rin sa akin si Mama. Sobrang sakit, sobrang pighati at sobrang galit ang nabuo sa akin. Tila napatungan ng isa pang galit ang galit ko para kay Valerio at Felize.
Revenge Harold's POV WALA sa isip ko na bumalik. Wala sa isip ko na magpakita pang muli dahil wala na namang dahilan. Wala nga ba? Gusto kong matawa sa sarili ko. Alam kong niloloko ko lang ang aking sarili kapag sinabi kong wala akong babae na hinihintay na mapasaakin. Hinahangad na makasama at masabing akin. I want to get her from him but whenever I tried she always pushed me away. Hindi niya ako gusto.
Are You Mad?Felize's POVInabot niya sa kasambahay ang hawak nitong palanggana na may tuwalya. Iniwan namin ang isang nurse sa kwarto bago kami umalis. Sumunod ako kay Valerio hanggang makarating kami sa kwarto.Huli akong pumasok at ako rin ang nagsarado ng pinto.Tumingala siya saglit bago nagpakawala ng malalim na hininga sabay humarap sa akin.Napansin ko kaagad ang matinding pagod sa kanyang mga mata.
Are You Mad?Felize's POVNASA hospital si Thalia?!Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Mabilis na tumulo ang luha ko kasabay nito ang matinding guilt na namutawi sa aking katawan.Saglit akong nilingon ni Valerio, problemado. Hindi ko na alam kung dahil ba 'yong sa dapat hindi niya muna sinabi o dahil umiiyak ako."B-bakit n-nasa h-hospital si Thalia?"Ngunit wala akong sagot na nakuha kay Valerio. Gumalaw ang kanyang panga at pinanatili ang tingin sa labas. Nasapo ko ang noo ko at sinandal ko ang kamay ko sa gilid habang kagat-kagat ang hintuturo.Nang matanaw ko na ang hospital mas lalo akong kinabahan.Nang magpark na si Valerio, hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako. Dali-dali akong lumabas at tumungo sa loob ng hospital. Lumapit kaagad ako sa isang nurse.&nbs
Strong And IndependentFelize's POVMaganda ang paligid at napapalibutan ito ng mga classic na kagamitan. Ngayon lang ako nakarating dito at mukhang may bago na akong pwedeng puntahan."What do you like?" tanong ni Harold sa akin habang tumitingin sa menu.Hindi pa naman ako gutom pero nakakahiya talagang tanggihan si Harold. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong kainin."Nakarating ka na ba dati dito?" tumango siya sa tanong ko."Bakit?""Ano sa tingin mo ang masarap na pagkain nila dito pero hindi naman masyadong heavy? Medyo busog pa kasi ako…" nakangiti kong sambit.Tumango siya