“Alagaan mo ang sarili mo. Kung hindi malilintikan ka sa akin. Anak ko na ngayon ang dala mo kaya hindi ako papayag na magkasakit ka.” galit na sabi ni Noelle at nilapag ang isang basket ng prutas sa bedside table.
Umigting ang panga ko at nag-iwas ng tingin. Binalingan ko ang dagat na payapa ang bawat hampas ng mga alon.
Kailan din kaya magiging mapayapa ang buhay ko?
Napahawak ako sa tiyan ko bago malalim na huminga. Ang laki na ng tiyan ko kahit na tatlong buwan pa lang akong buntis.
“Hindi ba tayo pupunta sa hospital?”
Umirap siya at umiling. “Hindi. Dito ka lang. Tsaka na ako magpapatawag ng doctor kapag malapit ka nang manganak o may masakit-”
“Hibang ka ba!” hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya. “Gusto mo maging maayos ang lagay ng anak ko pero hindi mo man lang ako ipapa-check up.”
“Anak ko.” She corrected me.
Natigilan ako at muling nag-iwas ng tingin. Hindi ako papayag na makuha niya ang anak ko.
“Sabi naman ng doctor healthy and maayos ang pagbubuntis mo at walang nakikitang problema.”
“That was two months ago.”
“Still, hindi ka pa rin makakaalis dito. At kung subukan mo lang sigurado akong mamamatay ka.” seryoso niyang sabi habang masama ang tingin sa akin.
“Hanggang kailan mo ako balak ikulong rito?” I hopelessly said.
“Hanggang sa manganak ka.”
Muli akong napairap at tikom ang bibig kahit marami akong nais itanong.
“Dagdag lang sa gastos kung madalas nating tatawagin ang doctor.”
Hindi ako makapaniwala na napatingin sa kanya. Nakatingin siya sa engagement ring niya. “Tignan mo kahit fiancé ko na si Valerio balak niya pang sa next three years pa ako pakasalan pero nang malaman niyang buntis ako.” she snaps her fingers. “After kong manganak ay magpapakasal na kami.”
“Kaya lahat ng luho mo masusunod na dahil sa mapera si Valerio.”
She tilted her head a bit, looking so amused. “Oo! Iyon naman talaga ang point ng pagpapakasal sa kanya at nang anak ko na nasa tiyan mo. Gagamitin ko kayo para makuha ang gusto ko! Kaya ayusin mong magbuntis.” pagalit niyang sabi bago tumayo at kinuha ang belly silicone na gamit niya sa pangloloko at padabog na sinara ang pinto.
Breathe in. Breathe out.
Ilang beses ko iyong ginawa para pakalmahin ang sarili. Hindi ako pwedeng sobrang ma-stress para maiwasan ang komplikasyon lalo pa’t kulang ang suporta na nakukuha ko kay Noelle.
Kaya pati ang pagtawag ng doctor ay hindi nila magawa. Wala silang pake kung ilan ang nasa tiyan ko basta makapanganak lang ako ay okay na sa kanya.
Sa kabila ng mga mangyari ay pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral hanggang nandito ako sa isla. Iyon lang ang tangi kong hiling sa kanilang dalawa lalo pa’t iyon din naman ang rason kung bakit ako pumayag sa gusto nilang mangyari. Hindi ko alam kung anong ginawang dahilan ni Tita Barbara para pumayag ang school na bigyan ako ng special treatment. Naging paraan ko din iyon para abalahin ang sarili habang nagbubuntis.
After 6 months…
Hindi ko alam kong ilang balde na ang naluha ko sa loob ng siyam na buwan pagkatapos nung nangyari sa akin. Nakuha nila ang gusto nilang mangyari, ang mabuntis ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan pero ngayon na hawak ko ang isang baby sa bisig ko ay labis akong nakaramdam ng saya at pagkalungkot at matinding pagka-awa sa sarili. Tuloy-tuloy ang luha ko na umaapaw ang iba’t-ibang emosyon.
“Nasaan na ang bata?”
Niyakap kong maigi ang bata sa bisig ko. Nanlalamig ang buong katawan ko nang makita si Noelle at Tita Barbara ngayon sa kwarto. Alam ko na ang balak nilang gawin. Saktong kakatapos ko pa lang manganak at heto na siya kaagad naiinip na. Dapat kanina pa sila pero masama ang panahon kaya na-late ang pagdaong nila. Iyon ang sabi niya habang kausap ko siya sa phone kanina bago ako manganak.
“Teka, miss… lilinisan ko lang ang dugo-”
“Umalis ka d’yan!” inis na sigaw ni Noelle sa nagpaanak sa akin.
Hindi rin nakarating ang doctor na siyang dapat magpapaanak sa akin dahil hindi na ito makakaabot pa dahil nasa malayong isla kami at dahil din sa masamang panahon. Napilitan akong kumuha ng komadrona na nasa kalapit isla lang. Buti at may nakita akong mangingisda at dali-dali nila akong tinulungan.
“Please Noelle, Tita Barbara, ‘wag niyong kunin ang anak ko. Pangako lalayo ako at hindi ninyo kailan pa makikita. Hindi rin malalaman ni Valerio na may anak kami.” naluluha kong sabi habang nagmamakaawa sa harap nila.
Hindi ako masyadong makagalaw dahil kakapanganak ko lang. Tapos umiiyak na ngayon ang hawak kong sanggol. Inalo ko ito at pinatahan pero patuloy pa rin ang baby sa pag-iyak. Naalala ko ang binasa kong libro tungkol sa pagbubuntis pero natataranta pa rin ako.
Talagang hindi madaling maging ina.
“Kunin mo ang bata,” walang emosyon na sabi ni Tita Barbara habang nakatingin sa akin.
“H-hindi…” kinuha sa akin ng komadrona ang anak ko. “S-sandali…”
Napatakip ako sa bibig at labis na umiyak. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ng anak ko. Patuloy namang inaalo ng komadrona ang baby ko.
“Ngayon, umayos ka at humanda ng umalis sa susunod na linggo. Nagpapakalayo ka talaga at hindi na magpapakita sa amin dahil kung hindi itong anak mo ang magbabayad,” she paused. “Hindi mo naman gustong mamatay itong anak mo ‘di ba?”
Mabilis akong umiling sa takot, hindi para sa sarili kundi para sa anak ko.
“Sabihin mong aalis ka at hindi na babalik!”
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi bago humugot ng lakas ng loob para sabihin ang gusto niya. “A-aalis ako at h-hindi na babalik.”
Pikit-mata ang ginawa ko nang makita silang papaalis kasama ang anak ko. Nang tuluyan na silang nawala ay nilabas ng komadrona isa pang baby na itinago namin sa ilalim ng kama ko. Bukod sa natatakot akong mawala ang isa kong anak ay natatakot din akong baka bigla na lang umiyak itong isa ko pang anak at mabisto kami. Pero buti at tahimik lang ito kahit gising na siya at tila nakikinig sa nangyayari. Hindi ko alam na kambal pala ang anak ko dahil sa hindi naman nag papunta ng doctor dito si Noelle. Napangiti akong umiiyak nang makitang tumatawa ang anak ko. Pumayag ang komadrona na hindi sabihing kambal ang anak ko dahil sa labis na awa sa akin. Niyakap ko ang naiwan na baby sa akin at pinangakong babawiin ko ang kapatid niya kahit anong mangyari.
After 4 years…
“Ikaw ang kailangan na bumalik sa Pilipinas. Trabaho mo ‘yon bilang CEO.” pag didiinan ni Mamang Albert.
“Mamang…” nilingon ko siya at inalis ang tingin ko sa papel na hawak ko. “Ayoko pang bumalik sa Pilipinas.”
Ayoko pang bumalik.
Wala pa akong lakas ng loob para bumalik muli.
Lahat iyon sinasabi ko sa sarili ko para manatili dito pero ang totoo gustong-gusto ko nang mahadkang muli ang isa ko pang anak. Tila kahapon lang lahat ng nangyari simula noong manganak ako at kunin sa akin ang isa sa kambal kong anak. Masyado silang maimpluwensya at natatakot ako na baka mapahamak lang muli ng anak ko na nasa Pilipinas nang dahil sa akin.
Napapikit ako saglit ng naalala ko ang ginawa ko limang taon na ang nakaraan. Sinubukan kong kausapin si Valerio at sabihin sa kanya ang totoo pero bago ko pa iyon magawa ay pinagbantaan akong muli ni Noelle na papatayin niya ang anak ko.
Kahit na maayos na ang buhay ko dito sa States, malayo sa dating buhay ay alam kong hindi pa rin sapat ang kakayahan kong lumaban. I’m helpless kapag nagkataon na sumabak ako sa gera laban sa kanila.
“Akala ko ba gusto mong makuha muli ang anak mo?”
Tumango ako. “Oo naman.” I sighed. “Pero natatakot akong gawing panangga ni Noelle ang anak ko kung sakali. Hindi ko kakayanin na tuluyang mawala ang anak ko.”
Tinapik ni Mamang Albert ang balikat ko. “Edi bumalik ka na ng Pilipinas at ipaglaban ang anak mo. Hangga’t hawak niya ang anak mo lagi niya lang gagawing pangharang ang anak mo. Gusto mo bang mangyari ‘yon?” mabilis akong umiling sa tanong niya. “Tsaka isa pa uulitin ko lang, ikaw ang CEO dapat na pumunta roon.” kinuha niya ang papel sa lamesa na kanina kong binabasa para sa project namin sa Pilipinas.
“Alam kong matapang kang babae kaya dapat bawiin mo ang anak mo. Thalia will be happy to meet her twin.”
“I know…” halos ibulong ko sa sarili.
“Tsaka ‘wag mong hayaan na maging masaya ang babaeng ‘yon.” pagtutukoy niya kay Noelle. “Inagaw niya sa iyo ang kalayaan mong maging ina at nilabag ang karapatan mo bilang babae kaya hindi pwedeng hayaan ang katulad ng mag-ina na iyon na maging masaya sa buhay.” galit niyang sabi.
Malalim akong napabuntong-hininga sabay tango. “Salamat Mamang…”
*****
Maybe Mamang Albert is right. Ilang beses ko ng nilalabanan ang sarili na bumalik sa Pilipinas pero ito na siguro ang tamang panahon. Habang kaya ko pa babawiin ko ang anak ko, gagawin ko na. Hindi ako aalis ng Pilipinas hangga’t hindi ko muling nakakasama ang anak ko.
[“I’ll help you na mabawi ang anak mo. Lalaban tayo ng patayan kung iyon ang paraan para mabawi mo ang anak mo. Intendes?”] mahina akong napangiti sa sinabi ni Mamang Albert.
Mamang Albert helped me a lot as I moved here in the States. Sa company niya rin ako nagtatrabaho bilang CEO at dahil sa project na dapat naming i-launch sa Pilipinas ay ako ang naatasan na pagkatiwalaan niya sa project. Masakit man sa kalooban ko pero ginamit ko ang perang binigay sa akin ni Noelle para makalayo sa kanila at sumama kay Mamang. Hindi ako nagpaalam na umalis sa isla kung saan nila ako kinulong hanggang sa makapanganak ako. Tumakas ako lulan ng bangkang nakita ko lang malapit sa isla at kahit hindi ako marunong ay namangka pa rin ako dahil sa takot na malaman nila Noelle at Tita Barbara ang katotohanan na kambal ang pinagbubuntis ko noon. Luckily, Mamang Albert was there at that time on his yacht. Pinasakay niya ako sa yate niya dahil bakas noon na bubuhos ang malakas na ulan at may dala akong sanggol.
Kung hindi sa kanya baka kung saang dako na kami ng anak ko nakarating palutang-lutang sa dagat.
I told him my story and helped me escape.
Tama siya. Hindi ko na kailangan pang matakot sa ngayon. Malayo na ako sa kung sino ako ngayon. Hindi na ako papayag na gamitin bilang panakot ang anak ko ng walang ginagawa para ilaban ang karapatan ko.
*****
“Mama, where are we?”
Ngumiti ako kay Thalia. “You and mama will be staying here for awhile,”
“Bakit po? Nasan si Mamang Albert? And why is it so hot here?” sunod-sunod na tanong ng anak ko.
Kakalapag lang ng eroplano namin at ngayon naghihintay na kami sa magsusundo sa amin. Malamig kasi ang klima sa States compare dito sa Pilipinas kaya naninibago siya. Ngayong nandito na akong muli ay hindi ko maiwasang hindi malungkot at naging emosyonal. Nandito ako ngayon hindi lang para sa trabaho ko kundi na rin pati sa pagkuha sa isa ko pang anak.
Ang init na simoy ng hangin ang nagpapaalala sa akin ng aking nakaraan sa isla. Isang mapait na nakaraan na kailan man ay hindi ko makakalimutan.
“May gagawin kasi si Mama dito at hindi pwedeng iwan kita kay Mamang Albert.” humugot ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang tunay na dahilan. “N-nandito tayo para makita ang kapatid mo.”
Her face brightened. “Talaga po?”
I told her the truth. Tuwing malungkot kasi ako ay si Thalia ang nasasabihan ko ng lahat.
Tumango ako. “Kukunin natin ang kambal mo,”
I swear to myself na mababawi ko ang anak ko kahit anong mangyari.
Nakarating kami sa isang penthouse na pagmamay-ari ni Mamang Albert. Exclusive penthouse ito na hindi na niya nagagamit dahil sa resident citizen na siya sa State at malimit na lamang bumalik rito. Moderno ang disenyo ng penthouse at talagang kay ganda.[“Dapat hindi mo na sinama si Thalia d’yan sa Pilipinas.”]“Okay lang Mamang. Tsaka alam mong hindi rin papayag itong si Thalia na malayo sa akin.” sagot ko habang pinagmamasdan si Thalia na naglalaro ng kanyang laruan.[“Felize, kahit na. Alam mong hindi lang trabaho ang gagawin mo.”]“Alam ko Mamang pero handa na akong ipaglaban ang dalawa kong anak. Babalik ako d’yan na kasama silang dalawa.”
Mabilis akong nag-empake sa isang maliit na bag lang. Hindi pa rin humuhupa ang kaba ng puso ko simula pa kahapon kaya naman hindi ako gaanong nakatulog at ngayong may bagong balita tungkol sa anak ko kung nasaan ito. Hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataong ito.“Felize, kailangan muna magplano.” sabi ni Kobe.“Kobe, doon ko na iisipin kung paano ko makukuha ang anak ko.” naging emosyonal na naman ako at tinignan si Thalia na mahimbing ang pagkakatulog. “Gusto ko lang masulyapan kahit sandali ang anak ko.”“Naiintindihan ko pero pagkatapos anong gagawin mo kapag nakita mo na ang anak mo? Kukunin mo na lang siya bigla? Mas malaki ang magiging problema mo kapag ginawa mo ‘yon. Ipapahamak mo ang sarili mo pati na rin ang anak mo.”Natigilan ako at tila nabasa niya ang nasa isip ko.Kinalma ko ang sarili ko at nasapo ang noo. Nagpabalik-balik ako sa paglalakad at nag-isip ng gagawin. Ala
Napailing na lang ako sa sarili at nag-isip kung ano pang dapat kung gawin habang nandito ngayon sa kwarto. Nagbigay ako ng update kay Kobe at sinabing tatawagan ako mamaya dahil pinaliguan niya pa si Thalia.Ayokong makita si Valerio pero imposible dahil nandito at kasama ang anak ko.I stayed on my room. This room for me is big and so spacious. Ang ganda rin ng kama na bumagay sa disenyo ng kwarto. Parang nakasinauna talaga ako. Spanish era. Kung ganito na kaganda ang para sa bisita nila paano pa kaya ‘yong mga kwarto na nakalaan para sa kanya. Sobrang sosyal at ganda siguro. I can picture in my mind what might be the Senyora room.It must be so exquisite.Pero ito marahil ang dahilan ng pagiging makasarili ni Noelle at Tita Barbara. Takot silang mawalan ng pera
Felize's POV Huli na para bawiin pa ang mga salitang sinabi ko. Hindi ko rin naman pinagsisihan na sinabi ko ang totoo. Dapat na lang din na malaman niya tutal babawiin ko ang anak ko sa kanya. Hinarap niya ako. "Binatawan niyo siya!" Kaagad na inalis ng mga tauhan niya ang hawak sa akin. Masama pa rin ang tingin ni Noelle sa akin pero hindi ako nag paapekto. Hindi ko maintindihan kung ano nga bang emosyon ang namumutawi sa kanya pero ramdam ko ang kaba niya.
Felize's POV Hindi naging maayos ang paghinga ko sa sobrang galit habang pinapakinggan ang pagbabanta niya. Tinapik niya ang balikat ko. "Tandaan mo nasa pamamahay kita ngayon. Marami akong mata at tenga sa loob ng bahay." Tinalikuran niya ako at umalis. Sakto namang dumaan si Valerio papasok na sana sa bahay nila pero nilingon niya ang gawi namin ni Noelle. Hindi ko alam noong una kung kanino siya nakatingin pero noong malapit na sa kanya si Noelle ay nasa akin pa rin ang tingin niya. Tumalikod ako at humugot ng malalim na hininga.
Felize's POV Luminga-linga muna ako sa paligid bago tumawag kay Kobe. Nasa kwarto ko na ako ngayon pero tanda ko naman ang mga salitang iniwan ni Noelle. Hindi ako pwedeng magpakapante habang nandito ako. "Kobe, nandito na si Noelle at Tita Barbara. Bumalik siya ng maaga kaysa sa inaasahan natin." bigo kong sabi. Pinanatili kong mahina ang boses ko. ["Ano? Paanong nangyari 'yon?"] bumuntong hininga siya. ["Mukha nagkamali ang informant ko."] "Okay lang. Puno talaga ng surprises ang mag-ina na 'y
Felize's POV "Aalis lang ako saglit. Hindi ako pwedeng hindi dumalo sa meeting ng ngayon." Tumango ako kahit hindi alam kung bakit sinasabi niya ang mga ito. "Okay Sir." Hinarap niya si Zandra at hinalikan sa noo. "Babalik kaagad si Daddy." "I'll wait." sagot ni Zandra. Umalis na si Valerio at sinundan namin siya ng tingin ni Zandra hanggang sa makalayo na. "Balik na tayo sa loob." paanyaya ko kay Zandra. Pagkapasok namin sa loob ay sumalubong sa ami
Felize's POV "S-she..." natatakot na sinulyapan ako ni Zandra na may labis na takot sa mata. Napapikit ako saglit dahil para lumandas ang luha ko. Napasinghap ako dahil alam ko na ang susunod na sasabihin ni Zandra. "h-hurt me." nanginginig na sabi ni Zandra. Kita ko ang pagkamangha ni Noelle at sumilay ang ngiti sa labi. Tumayo si Valerio at hinarap ako. "You're fired!" sigaw niya sa akin na kinabigla ko saglit at nakabawi rin kaagad. "Hindi mo lang ba ako susubukan na pakinggan?" halos magmakaawa ako. Umiling siya at lalong sumama ang tingin. "No. I thought you're different pero bi
Valerio's POV LALONG nagkagulo sa venue nang lumaban na rin si Matthew para tulungan ako. Iyon ang naging cue ko para pilitin ang sarili na lumaban kahit na may tama ako sa braso. I don't care if I got shot on my right arm. I don't care about myself anymore. I care about Felize and our baby. We're pregnant and I can't lose them. I won't let them. Fvck, Harold! Kaya noong una pa lang hindi ko na siya gusto. Pero dahil naging maayos naman ang trato niya kay Felize at sa company nito ay pumayag na ako. Hinayaan ko siyang mapalapit sa asawa ko dahil maayos naman siyang makitungo. Hinarang ko ang isang tao na tumadyak kanina sa akin para hindi ako mabaril. Nakita ko na gustong lumaban ni Kobe pero hindi siya makatayo dahil sa kanyang tama sa dalawang binti. May
The Last Game Felize's POV "BILISAN MO!" singhal ni Noelle sa akin sabay tulak muli sa akin. Ginagawa ko naman na lumakad ng mabilis kaya lang nanginginig ang mga paa ko. Napansin siguro ni Harold ang galaw ko kaya naman hinuli niya ang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya at kinaladkad papalabas. Sa likod kami dumaan at nakakagulat na wala man lang mga bantay doon ni Valerio o kahit ng mga pulis. Hindi ba nandito na sila? Mamaya-maya pa, papalapit na kami sa isang itim na sasakyan ay nakarinig kami ng sunod-sunod na putukan. Binuksan ni Noelle ang pintuan ng sasakyan at pumasok sa front seat. Si Harold naman binuksan ang likod pero nilagyan niya ng posas ang kamay ko bago ako pinapasok sa loob. "Let's get out of here!" ani Harold. Napayuko ako at pilit na tinatakpan ang tenga ko sa abot ng aking makakaya dahi
Grand WeddingFelize's POVLahat kami natigilan at nagulat. Hindi mula sa likod ang nagsalita kundi sa harap. Nasa unahan ang isang babae na nakaitim at may itim din na belo sa mukha. Strapless dress at may mahabang gloves pa siya sa kamay. Dahil itim ang damit niya, lutang ang maputi nitong balat.Itigil ang kasal? Tapos na ang kasal namin.Malakas itong tumawa. Natamaan ng ilaw ang mukha niya kaya doon ko lang napansin kung sino ito. Nanlamig ako at napakapit kay Valerio. Naramdaman ko rin ang pagkabigla niya."Noelle?..." nalilito kong sambit.Malakas siyang tumawa at pumalakpak."I'M BACK!" umalingawngaw ang boses niya kahit na maingay na sa palig
Grand WeddingFelize's POVNASOBRAHAN ata ako sa pagkain ng japanese cake kaya biglang sumama ang tiyan ko. Hindi ko na naman pinansin iyon dahil wala na naman akong naramdaman pa na kakaiba pagkatapos. Noong gabing iyon, hindi tuloy namin natapos ang show at umuwi na lang kami ni Valerio."Felize, may dati kasi akong wedding dress. Galing pa 'yon kay Mama at hindi na ginagamit. If you like, you can wear that dress. We love to see you wear it on your wedding day." kinikilig na sambit ni Mama Vanessa.Lumawak ang ngiti ko at mabilis na tumango."Sure po. It's my pleasure to wear it." masaya kong tugon.Sinabihan ako ng Mama ni Valerio na tawagin siyang Mama para maging opisyal na daw
She's BackNoelle's POVSUMAGI sa isip ko na baka sinadya ang lahat. Baka planado ang pagkabangga ng sasakyan namin. Baka naisip ni Valerio na ipapatay ako dahil sa galit niya. Pero kilala ko rin naman si Valerio - sa kabila ng aking mga pagdududa na pwedeng sadya ang nangyari, imposible. Alam kong hindi niya 'yon kayang gawin kahit na labis na kasamaan ang ginawa ko. He just put me in jail and let me rotten there.Maybe Harold is right. This is my bad karma for all the decisions I'd made that cause a lot of pain. Kaya naman kinuha na rin sa akin si Mama. Sobrang sakit, sobrang pighati at sobrang galit ang nabuo sa akin. Tila napatungan ng isa pang galit ang galit ko para kay Valerio at Felize.
Revenge Harold's POV WALA sa isip ko na bumalik. Wala sa isip ko na magpakita pang muli dahil wala na namang dahilan. Wala nga ba? Gusto kong matawa sa sarili ko. Alam kong niloloko ko lang ang aking sarili kapag sinabi kong wala akong babae na hinihintay na mapasaakin. Hinahangad na makasama at masabing akin. I want to get her from him but whenever I tried she always pushed me away. Hindi niya ako gusto.
Are You Mad?Felize's POVInabot niya sa kasambahay ang hawak nitong palanggana na may tuwalya. Iniwan namin ang isang nurse sa kwarto bago kami umalis. Sumunod ako kay Valerio hanggang makarating kami sa kwarto.Huli akong pumasok at ako rin ang nagsarado ng pinto.Tumingala siya saglit bago nagpakawala ng malalim na hininga sabay humarap sa akin.Napansin ko kaagad ang matinding pagod sa kanyang mga mata.
Are You Mad?Felize's POVNASA hospital si Thalia?!Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Mabilis na tumulo ang luha ko kasabay nito ang matinding guilt na namutawi sa aking katawan.Saglit akong nilingon ni Valerio, problemado. Hindi ko na alam kung dahil ba 'yong sa dapat hindi niya muna sinabi o dahil umiiyak ako."B-bakit n-nasa h-hospital si Thalia?"Ngunit wala akong sagot na nakuha kay Valerio. Gumalaw ang kanyang panga at pinanatili ang tingin sa labas. Nasapo ko ang noo ko at sinandal ko ang kamay ko sa gilid habang kagat-kagat ang hintuturo.Nang matanaw ko na ang hospital mas lalo akong kinabahan.Nang magpark na si Valerio, hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako. Dali-dali akong lumabas at tumungo sa loob ng hospital. Lumapit kaagad ako sa isang nurse.&nbs
Strong And IndependentFelize's POVMaganda ang paligid at napapalibutan ito ng mga classic na kagamitan. Ngayon lang ako nakarating dito at mukhang may bago na akong pwedeng puntahan."What do you like?" tanong ni Harold sa akin habang tumitingin sa menu.Hindi pa naman ako gutom pero nakakahiya talagang tanggihan si Harold. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong kainin."Nakarating ka na ba dati dito?" tumango siya sa tanong ko."Bakit?""Ano sa tingin mo ang masarap na pagkain nila dito pero hindi naman masyadong heavy? Medyo busog pa kasi ako…" nakangiti kong sambit.Tumango siya