Lulugo-lugong dumating sa condo unit ni Mia si Matthew. Ibinagsak nito ang kanyang katawan sa sopa. Kinuha ang throw pillow at itinakip sa mukha. “Uy, anong problema mo? Alam mo, ikaw! Kahit kailan talaga, wala kang ipinunta dito na wala kang dalang problema? Anong nangyari?” “Matthew, ano bang nangyari sa iyo? Umiiyak ka ba?” “Hindi,” sabay-tanggal ng unan sa mukha pero halatang wala sa mood ang lalaki. “Ano? Kailan ang kasal?” “Ewan, hindi ko rin alam. Mahal ba niya ako? Bakit hirap na hirap siyang sabihing I love you, too?” “Hala, anglaki ng problema mo, ’tol.” “Sabi ko na sa iyo, Prince. Napaka-big deal sa kanya ng salitang iyan. Halika, I love you! I love you! O, hayan ng matigil ka!” “Mama, iba naman kapag siya ang nagsabing I love you. Eh, mama ko kayo! Nakakainis naman eh!”
Last Updated : 2022-01-12 Read more