Lulugo-lugong dumating sa condo unit ni Mia si Matthew. Ibinagsak nito ang kanyang katawan sa sopa. Kinuha ang throw pillow at itinakip sa mukha.
“Uy, anong problema mo? Alam mo, ikaw! Kahit kailan talaga, wala kang ipinunta dito na wala kang dalang problema? Anong nangyari?”
“Matthew, ano bang nangyari sa iyo? Umiiyak ka ba?”
“Hindi,” sabay-tanggal ng unan sa mukha pero halatang wala sa mood ang lalaki.
“Ano? Kailan ang kasal?”
“Ewan, hindi ko rin alam. Mahal ba niya ako? Bakit hirap na hirap siyang sabihing I love you, too?”
“Hala, anglaki ng problema mo, ’tol.”
“Sabi ko na sa iyo, Prince. Napaka-big deal sa kanya ng salitang iyan. Halika, I love you! I love you! O, hayan ng matigil ka!”
“Mama, iba naman kapag siya ang nagsabing I love you. Eh, mama ko kayo! Nakakainis naman eh!”
Hindi na nag-aksaya ng panahon sina Matthew at Prim. They set their wedding in June. Nag-suggest si Mia na sa condo unit na lang niya mag-i-stay si Prim at ang mga bata. Doon na lang nila i-a-accommodate ang mga hairdresser nito at ang mga abay na aayusan. Napatingin ng masama si Matthew sa kanyang kapatid. “O, ano na naman?” “Bakit doon pa, Mama?” “Takot ka lang. Ano ako bride snatcher? Nagkausap na kami ni Sister-in-Law.” “Nagkausap?” “Yeah, she went here at nagkausap sila ni Mama. And ofcourse, I settled my issues with her.” “Tumigil nga kayong dalawa. Wala na kayong ginawa kundi mag-away. Tumigil kayo! Tumigil kayo!” Hinampas niya ang dalawang lalaki. “Heto kasi eh, ikakasal na parang takot na takot na maagawan. I am proud of you. Basta, usapan natin, hindi mo paiiyakin si Prim. Sapat na sa a
Umalis para sa honeymoon ang dalawa ni Matthew at Prim and this time muling nakita ni Matthew ang flight attendant. “Patay, nandito na naman siya. Siya lang ba ang available na flight attendant? Bakit palagi ko siyang nakakasabay. Hay naku naman!” pabulong na sabi ni Matthew. “Hello, Sir!” Kaway ng babae sa kanya. “Ikaw na naman!” “Yes, Sir. Na-miss mo po ba ako? Angdalas po ninyong mangibang bansa. Last time sa Japan at ngayon sa Paris. Are you in a honeymoon?” Hindi makatingin si Matthew dahil nasa harapan na nila si Prim. Nag-CR lang si Prim ngunit kitang kita niya kung paano makipagtamis-tamisan si Miss Flight Attendant. “Excuse me,” sabi ni Prim at parang hindi narinig. Kilig na kilig ang babae habang nakapako ang tingin nito kay Matthew. Nandoon siya at tiningnan din ang babae. Gumilid pero hinarangan ang dadaanan niya sa tabi ni Matthew.
Naging malaking attraction sa loob ng tindahan ang malaking kuwadro ng babae sa loob ng flowershop. Noon lang nila nalaman na ang mga dried flowers na iyon ay mga bulaklak na ipinapadala ni Matthew kay Prim noong sinusuyo niya ito sa Japan. Ang mga accessories na makikita dito ay mamahaling piraso mula rin kay Matthew at ginawa niyang isang malaking obra ng babaeng naka-rose-inspired wedding gown. “At last, natapos rin kita,” sabi ni Prim sa loob-loob niya habang nasisiyahang tingnan ang buong kuwadro. “Kumusta ang honeymoon?” tanong ni Xity habang nasa video call silang tatlo nina Astrid. Nagpapahinga lang siya bago umuwi. “Okay lang naman. Ano pa bang bago sa honeymoon? It happened eleven years ago,” sabi nito. Nasa grade seven na ang tatlong bata. Sa Trinity High pa rin sila. “May mga bagong tsikiting na ba si Mr. Aragorn?” “Naku, wala pa.”
Sa labas na kumain ang mag-anak. Nakita nilang masayang masaya ang mga bata na makita ang ina sa baseball field ng Trinity High. Hindi nila akalaing sikat ang ina sa larong baseball. Ilang championship din pala ang dinala nito sa paaralan. “How about Sir Troy? Does he play baseball too?” tanong ni Mathtias. “Yeah, he plays baseball but only during PE time. He does not want to compete,” sagot ni Prim. “But he’s good in baseball though. I saw him during dismissal. He is playing with our classmates,” sabi ni Thea. “Mabuti nakasunod ka. Akala ko, hindi ka makapupunta dahil marami kang gagawin sa opisina.” “I ask someone to do it for me. I won’t miss Tiger Lily to make another bat in the field. Number one fun kaya ako ni Tiger Lily!” “Maniwala ako sa iyo, Mr. Aragorn?” Pag-uwi sa bahay, he asked Prim to sign a ball that he accide
Hindi pumasok si Prim sa Eufloria dahil masama ang pakiramdam nito. Inisip niyang dala ng pagod mula sa sunud-sunod na biyahe at sumalubong na problema sa Eufloria kaya lalo siyang na-stress. Nai-stress din siya sa mga demand ni Matthew na muli siyang magbuntis. Tinatamad itong pumasok. Nag-abiso na siya kay Bella. “Bella, pasensiya ka na. Masama ang pakiramdam ko eh. Baka hindi ako makapasok. Tawagan mo na lang ako kung may hindi ka kayang desisyunan ha! Yap, I’ll just get some rest for today. I hope to come for work tomorrow. Thank you!” Inikot niya ng tingin ang buong kabahayan ng mga Aragorn. Magandang bahay. Samantalang ang kanyang ama kahit drug lord ay hindi man lang sila naipagpatayo ng malaki at mansion na katulad nito. Nagtungo siya sa loob ng opisina ng asawa at nagbukas siya ng computer ni Matthew Mabilis niya nabuksan ito dahil wala namang password na hinihingi. Napansin ang isang folder doon. Gu
May kakuntentuhang tiningnan ni Matthew at Prim ang kanilang mga anak habang mahimbing silang nagtutulog sa kani-kanilang mga kuwarto. Ang mga batang nakilala lang ni Matthew sa isang pagdiriwang sa Trinity High, ang mga batang kanyang pinangarap na magbibigay buhay sa loob ng kanyang mansion, ang ma batang magtatakbuhan at magsisigawan sa loob ng kanilang bakuran – sina Thea, Teo at Matthias, ang mga triplets na kabuuan na ng lahat. “Ambilis nilang lumaki!” sambit ni Matthew habang nakaakbay kay Prim. Sinulyapan niya ito habang nakangiting pinagmamasdan ang kanilang mga anak sa nakaawang na pinto ng kuwarto. “Hindi ko namalayan ang kanilang paglaki. Imagine, nasa high school na sila ngayon.” Dahan-dahang naglakad ang mag-asawa sa tila patio ng ikalawang palapag at pinagmasdan doon ang kabuuan ng buong mansion. Napabuntung-hininga si Matthew at muling tumingin sa kinatatayuan ni Prim. “Wala n
Prince just envied even more. Minsan ay ramdam niyang mali ang kanyang ginagawa at gusto niyang iwasang pumunta sa mansion o sa flower shop. Gusto rin niyang iwasan ang pagpapadala rito ng mga mensahe kahit hindi siya nagri-reply. Inabutan nina Prim at Matthew na magkakasamang nag-iihaw na may kasamang kulitan ang mga anak at si Prince. Napahagikhik bigla si Prim. Mayroon lang siyang naalala at bigla siyang napailing. “Bakit?” Nakaabay noon si Matthew habang papalapit sa kanila. Tinakpan pa ni Matthew ang ulunan nito dahil matindi na rin ang sikat ng araw. “Akala talaga namin ni Bella, may delivery boy ka. Mr. Pick-up Boy ang tawag niya kay Prince. Hay naku, tapos iyon naman pala eh, siya si Mr. Aragorn.” Natuwa si Matthew dahil nakakangiti na rin kahit paano si Prim.Tumulong na rin si Matthew sa kanila. Si Prim naman ay nag-picture-picture lang sa kanila.  
Unti-unting naka-adapt si Prim sa mansion ng mga Aragorn. Mas naging abala silang pareho sa kani-kanilang mga trabaho. Mas dinalasan na lang nito ang pagtawag sa asawa dahil hindi naman niya mapupuntahan si Matthew sa opisina kahit palagi niya itong pinapapunta. Marami rin kasi itong gagawin sa Eufloria. Mas madalas ang kanilang pagkakaroon ng conceptualization dahil sa malaking demand nang mga customers. Gusto nilang ma-satisfy ang mga customers, most of all. Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho, mas kailangang makauwi ng maaga ni Prim para sa mga anak. May dalagita na siya at mga binatilyo kaya mas kinakailangan ang gabay sa kanila. Hindi naman nila napapabayaan ang kanilang pag-aaral. “Ang mga bata…” tanong ni Prim kay Yaya Sita na sumalubong sa kanya sa pinto. “Nasa taas na po, Ma’am.” Tinungo niya ang mga ito sa study room. At inabutan niyang nag-aaral ang mga ito.
Matagal ang recovery ng mga tadyang ni Matthias. But the miraculously heal on its own. Hindi na kailangan ng surgery. After six months, Matthias is beginning to respond. Si Matthew ang mas madalas na dumadalaw sa anak dahil buntis na si Prim.Natapos na ang therapy ni Matthias. Parang walang bakas ng aksidente sa kanyang katawan. Normal na ang kanyang paglalakad. Hindi na niya kailangang i-wheelchair o kaya ay magsaklay. Clear na ang kanyang mga laboratory test.Nainggit siya sa maraming kasiyahan na hindi man lang siya nakasama dahil patuloy pa itong nagpapagaling.“Mommy, please go home!” Iyon ang mga unang salita ni Matthias sa ina ng magkamalay ito.Sa ospital nagpagaling si Matthias. Hindi siya iniuwi kaagad. Minabuti rin ni Matthew na matapos nito ang kanyang recovery period at maging ang kanyang therapy. Hindi nakahabol sa graduation si Matthias ngunit puwede itong sumabay sa gradu
“I love you, Matthew,” bulong ni Prim sa asawa. Pinagmasdan niya ito habang himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog. Ni hindi ito nagmulat ng mga mata ng idampi nito ang kanyang labi sa kanyang pisngi. ”Pagud na pagod ang ang aking mahal na asawa!” Napangiti siya kay Matthew. Madaling araw kasing gising ang mga babies at ayaw namang tulugan ni Matthew ang mga ito. Nilalaro pa talaga niya ang mga sanggol na wala namang kamuwang-muwang sa oras. Aliw na aliw talaga siya. Sina Helen at Carol ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanila kapag hindi nagising si Matthew sa sobrang puyat. May segment din si Matthew dahil first time niyang mag-alaga ng mga babies. Hindi pinalampas ng Teo at Thea ang mga stolen moments ng ama kasama ang kambal na lalaki ng mga Aragorn. Pinagtawanan siya habang pinag-aaralan kung paano bihisan ang mga sanggol. Takot na takot siyang buhusan ng tubig ang mga ito habang pinaliliguan. Pinandidilatan
Kinabukasan ay parang batang nagyaya si Matthew sa mga anak na maglaro ng Hide and Seek pero sa loob lang ng mansion. Gusto lang niyang libangin ang kambal. Maiba ang taya at si Teo ang naiiba sa lahat. Tuwang-tuwa ang kambal, first time nilang maglalaro ng tagu-taguan. Hindi nila magagawa iyon dahil dalawa lang naman sila at maliit lang ang buong bahay. Wala silang masyadong tataguan. Saka lang sila nakakapaglaro kapag dumating ang kanilang nakatatandang kapatid. “Kasali si Mommy?” tanong ni Thea. “Oo naman. Baka mamaya siya pa ang magturo kung saan tayo nagtatago ‘yung mga kasali. Isasama ko siya,” sabi ni Matthew. “Bakit mo ba ako idinadamay sa laro ninyo. Pagod ako.” “Halika na!” Nagsigawan ang kambal dahil gusto nilang sumama sa ina ngunit sinenyasan ni Matthew si Thea na isama ang kambal. “Let’s go and hide. Dali!” Tak
Hindi nagpaunlak si Matthew sa kahit na kanino upang magpa-interview sa kanyang ginawa para sa asawa. Ipinataboy niya ang mga media na sumadya mismo sa winery at hindi na pinapasok ang mga ito. Minabuti niyang dalawin ang mga anak sa tahanan ng ma ito sa Rivera. Ginamit niya ang buzzer. Pinagbuksan siya ng kasambahay ngunit nagtaka siya dahil walang bata ang sumalubong sa kanya. Tahimik ang buong bakuran. Napasilip pa siya dahil baka nagtatago lang. Madala kasing gulatin siya ng mga ito. Pinapasok pa rin naman siya sa loob. “Nasaan sila? Nasaan ang mga bata?” “Ay, Sir… umalis po sina Ma’am. Kasama po niya ang mga bata. Hindi po ba nagpaalam sa inyo?” “Saan nagpunta? Namasyal ba?” “Eh, may dala pong mga maleta.” Napatakbo si Matthew sa kuwarto nina Prim. Wala na ang mga damit ng mga ito. Tinungo niya ang kuwarto ng kambal ngu
Six months later… Nagulantang ang buong Kamaynilaan ng pumailanlang ang panawagan na iyon ni Mr. Aragorn. Kitang-kita sa malalaking LED billboards ang kanyang pagsusumamo kay Prim na patawarin na siya nito. Napahinto ang ilang mga sasakyan upang basahin ang isang tila mala-MMK na love letter ng isang CEO sa kanyang pinakamamahal na asawa. It is an open letter. It is a humble peace offering that he hoped, Prim would be able to reconsider. “Dear Prim, I know, I broke the promise I made. For an instant, I was a dumb. However, this dumbfool asks for your forgiveness. Forgiveness which may not even make you forget. But what I can do is to help you heal the wound I have caused you. I want to repair the wrong things I have done. I want to fill our remaining years with all the love that a man could give. It is only when I am with you that I make happy and beau
Dahan-dahang inalis ni Matthew ang pagkakaipit ng kanyang braso sa ulo ng kambal. Himbing na himbing ang dalawa. Dinig niya ang seryosong kuwentuhan ng mag-iina sa sala paglabas niya ng master’s bedroom. Naupo siya sa tabi ni Teo. “Pakihilot nga,” baling nito sa katabi. Nangalay ang kanyang braso kaya ipinamasahe niya ito sa anak niyang binata. Nasa sala sa ikalawang palapag ang mag-iina at nagkukuwentuhan. “Kumusta naman ang tulog mo, Mr. Aragorn?” nakangisi pang tanong ni Prim sa asawa. Umiling ito. Hindi niya inasahan ang nangyari. Kasalukuyang paakyat naman si Thea dala ang miryenda. Nagpaluto si Prim ng ginataang bilo-bilo. Susubo pa lang si Prim ay narinig na niya ang sigaw ng kambal. Natigilan si Matthew ngunit sina Teo at Matthias ang nagpunta sa kuwarto upang kunin sina Marcia at Mitchell. Dinig ni Matthew na siya a
Wala sa sarili si Prim ng umagang iyon ng pumasok siya sa Eufloria. Magkahalong kaba ngunit may saya sa puso niya ng muli silang magniig ni Matthew. Biglaan lang ang lahat at hindi niya inasahan. Matinik pa rin ito sa babae at hindi naman siya makatanggi. Nanaig pa rin ang kanyang pagiging asawa dito. “Patawarin mo ako, Prim. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo at sa mga bata. Inaamin ko dahil masyado akong nagpadala sa selos. Nagalit kaaagad ako. Baka puwede mo akong bigyan ng huling pagkakataon upang patunayan sa iyo na mahalaga ka sa akin at ang mga anak natin.” “Puwede pa ba tayong magsama?” “Puwede pa kung mpapatawad mo ako. Magtiwala ka sa akin.” “Kahit magtiwala ako ng isang daang beses sa iyo kung hindi ka marunong magtiwala sa akin, magtatagal ba tayo?” “Prim, patawad! Patawarin mo ako.” Nakaluhod si Matthew sa harapan ni Pr
Pumayag na rin si Maxine na kunin ang isa sa kambal ni Prim upang magkaroon sila ng anak. Hindi naging matagumpay ang surrogacy nila sa ibang bansa. After trying for three years ay bumalik na lang sila sa Pilipinas. Akala ni Prince ay madali lang ang procedure ng surrogacy tulad ng ginawa kay Prim ngunit nakapag-isip-isip siya na hindi naman surrogacy ang kaso ng babae noon. Iyon lang ang pinalabas ni Dea upang pagtakpan ang kanyang pagkukulang. Muli siyang binuntutan ng dating gunman. Muli rin itong nagpakita sa kanya kaya nilimitahan na niyang muli ang paglabas ng umaga. Sinikap niyang hindi siya makikilala kapag lumabas siya. Pinuntahan ni Prince si Prim sa Eufloria upang pagbantaan na kukunin ang isa sa kambal. Gulat na gulat ang babae ng makapasok ito sa flowershop. “Nice to see you again, Prim.” Ibinaba nito ang kanyang red cap. “Sinong may sabing puwede kang umak
Hindi nagtagal si Matthew sa Japan. Bumalik din siya kaagad matapos sabihin ni Jude na pupunta ito sa mansion. Dala na nito ang kompletong report ng kasong pinaiimbestigahan niya. “Masyado ka namang busy ngayon ha! That’s good. Atleast, hindi ka mukhang problemado.” “Malaking problema dahil nakita kong bumalik na si Prince at Maxine.” “Si Prim na lang ang intindihin mo. Hayaan mo na ang kapatid mo. May sarili na rin siyang buhay.” “Exactly, let’s see what we got here.” Inilapag ni Jude ang folder sa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan silang dalawa at nanatiling tahimik. “Nandito ang kompletong report ng Crime Lab at ng mismong ospital na sumuri sa katawan ni Mrs. Mia Aragorn. Read it for yourself. Madaling intindihin ang mga iyan. Puwede ko ring ipaliwanag kung gusto mo.” Hinigpitan ni Matthew ang hawak sa folder. Mahalagang mala