Prince just envied even more. Minsan ay ramdam niyang mali ang kanyang ginagawa at gusto niyang iwasang pumunta sa mansion o sa flower shop. Gusto rin niyang iwasan ang pagpapadala rito ng mga mensahe kahit hindi siya nagri-reply.
Inabutan nina Prim at Matthew na magkakasamang nag-iihaw na may kasamang kulitan ang mga anak at si Prince.
Napahagikhik bigla si Prim. Mayroon lang siyang naalala at bigla siyang napailing.
“Bakit?” Nakaabay noon si Matthew habang papalapit sa kanila. Tinakpan pa ni Matthew ang ulunan nito dahil matindi na rin ang sikat ng araw.
“Akala talaga namin ni Bella, may delivery boy ka. Mr. Pick-up Boy ang tawag niya kay Prince. Hay naku, tapos iyon naman pala eh, siya si Mr. Aragorn.”
Natuwa si Matthew dahil nakakangiti na rin kahit paano si Prim.Tumulong na rin si Matthew sa kanila. Si Prim naman ay nag-picture-picture lang sa kanila.
 
Unti-unting naka-adapt si Prim sa mansion ng mga Aragorn. Mas naging abala silang pareho sa kani-kanilang mga trabaho. Mas dinalasan na lang nito ang pagtawag sa asawa dahil hindi naman niya mapupuntahan si Matthew sa opisina kahit palagi niya itong pinapapunta. Marami rin kasi itong gagawin sa Eufloria. Mas madalas ang kanilang pagkakaroon ng conceptualization dahil sa malaking demand nang mga customers. Gusto nilang ma-satisfy ang mga customers, most of all. Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho, mas kailangang makauwi ng maaga ni Prim para sa mga anak. May dalagita na siya at mga binatilyo kaya mas kinakailangan ang gabay sa kanila. Hindi naman nila napapabayaan ang kanilang pag-aaral. “Ang mga bata…” tanong ni Prim kay Yaya Sita na sumalubong sa kanya sa pinto. “Nasa taas na po, Ma’am.” Tinungo niya ang mga ito sa study room. At inabutan niyang nag-aaral ang mga ito.
Samantala, after maireklamo si Maxine, she was suspended for a month without pay. Wala muna siyang flight until further notice. Hindi lang iyon ang unang pagkakataon na na-suspende siya. She went to have some drink and Prince saw her. He shared drink with her at dinig niya ang mga reklamo nito. “Masama bang humanap ng lovelife? Kaya lang, bakit ba may asawa na silang lahat?” Reklamo niyang mag-isa sa kanyang kinauupuan. “I am so unlucky to find love,” sabi pa niya. “May single ba dyan? May binata ba dyan? ‘Yung available para iuwi ako at ibahay ako.” Napalingon ang mga kalalakihan at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. May lumapit sa kanya ngunit itinulak ni Maxine. “Not you!” “Kahit hindi mayaman basta’t mamahalin ako.” The announcement is good for all men who are hears it. Natawa na lang ang ilan pati mga babae ay napailing. Parang lasin
Hindi inaasahan ni Prince ang naging tagpo sa Garibaldi Resto. Dito rin dati nag-set ng proposal noon si Matthew kay Dea and now, Prince is trying to have a fresh start with Maxine. Hindi na lang siya makaimik dahil unaware siya sa mga pangyayari. Masinsinan silang nag-usap sa apartment ni Maxine. Inihatid naman siya ng binata matapos ang kanilang dinner ngunit hindi sila humahantong sa loob ng kuwarto at walang usapang magaganap sa kama. Hindi makapagsalita si Prince sa nalaman. Talagang maliit ang mundo at nagkita-kita pa silang tatlo matapos niyang masuspende dahil sa reklamo galing kay Mrs. Aragorn. “So, you are telling me…you are first attracted to my twin brother!” Kinukumpirma ni Prince ang kanyang hinuha. Tahimik na tumango si Maxine. Nakayuko siya at hindi tumitingin ng diretso kay Prince. “Noong makita mo ulit si Matthew tonight, do you still like him?” “NO!”
Tinawagan ni Matthew si Prim kung kumusta ang naging pag-uusap nila ng kapatid. Sinabi niyang desperado ang kapatid na makalimot at pinayuhan lang niya ang lalaki na hindi na siya magkakamali sa kanyang mga gagawing hakbang. Nagulat si Prim ng makita ang magandang ayos ng dining table ng gabing iyon. Kumain na daw ang mga anak nila ngunit may candlelight pa sa lamesa. “May okasyon ba?” tanong ni Prim sa matandang kasambahay. “May bisita po yata kayo mamaya?” sabi nito. ”Maaga pong dumating si Sir Matthew.” Nagtaka si Prim dahil wala man lang nabanggit ang asawa. “Wow, talaga! He’s here!” Paakyat pa lang si Prim ng makita niya sa itaas na dulo ng hagdan ang asawa. Nagmadaling umakyat ang babae at mahigpit itong yumakap. “Bakit ang aga mo?” “Para naman maaga tayong magkasalo sa pagkain.” “What is the occ
Business Class ang kinuhang ticket ni Matthew para kay Prim. Gusto niyang maging komportable ang biyahe nito kahit hindi sila magkasama. Ngunit kung talagang inaadya ng pagkakataon, hindi rin makakaiwas si Prim ng muli silang magkita ni Maxine sa kanyang flight patungong Australia. Hindi niya alam kumbakit kahit saang flight ay nati-tyiempong nandoon si Maxine. This time, mas magiliw na ang babae, palangiti at mukhang masayahin. She acted like a pleasant flight attendant to everyone. Hindi siya nagpahalata na magkakilala silang dalawa ngunit hindi niya ito masyadong nginingitian. Seryoso niyang tinitingnan kung paano niya asikasuhin ang mga pasahero ng eroplano. Natulog si Prim sa biyahe dahil sa pagod niya ng nagdaang gabi. Hindi siya tinantanan ni Matthew dahil alam niyang hindi sila magkikita ng isang linggo. Pinagod talaga siya sa kama at naligayahan naman siya dahil hindi niya kailangang matakot kahit magbuntis pa siya. Tinawagan na
Pagkaalis ni Prim ay maagang natanggap ni Matthew ang maraming box ng libro para sa kanyang mga anak. Minabuti niyang mag-leave muna sa opisina ng isang linggo habang wala si Prim upang matutukan ang mga bata. Nakita kasi niyang mas nag-alala si Prim sa ibang bansa ng magkasakit si Matthias. “Ikaw, anghilig mong maglaro ng baseball during dismissal but you are not even taking care of yourself. Magdala ka ng damit mo sa susunod.” “Yes, Dad!” Sinalat niya ang noo ng anak kung may lagnat pa bai to ngunit natyiempuhan lang yata at isang buong magdamag lang itong nilagnat. Nakita naman ni Matthew na nakahinga ng maluwag ang asawa ng malamang okay na si Matthias. “Nandito na pala ang mga libro. May ipinadala rin para kay Mr. Hook at Tiger Lily.” “Naku, mapapasubo tayo niyan, Mr. Aragorn. Alam mo namang hindi ako masyadong lumalantad sa publiko.” “May ik
Muling ipinag-drive ni Prince ang ina patungong sa kanilang dating tirahan. Excited itong makita ang kanyang mga apo dahil sa kanyang nalaman tungkol sa birthday proposal ng mga ito. Tahimik itong sumilip sa kabahayan habang dumiretso ang biyenan sa taas upang makita ang mga apo. Wala siyang balak pumasok. Gusto na rin niyang umuwi kaya lang nakita na naman niya si Prim. Kumaway lang si Prince sa hipag. ”Maybe we could talk for a while?” At sa labas niya kinausap si Prim. “Ayaw mo bang pumasok muna. Hindi ‘yung para kang may masamang binabalak dyan,” sabi ni Prim. Napakamot ng ulo ang binata sa tinuran ng kanyang hipag. “Thanks for talking to Maxine. Nakita kong sumaya siya ng huli kaming mag-usap. Binanggit niya sa akin na nagkausap kayo ng lumapag ang eroplanong sinasakyan mo sa Australia.” “Yeah, masyadong troubled soul kasi ang girlfriend mo eh! Nakiusap na mag-usap kami kaya, what will I
Naging matagumpay ang huling book signing mga bata sa Family Day ng Trinity High. Pinagkaguluhan sila ngayon sa school at may ilang media ang humingi ng ambush interview sa mga bata. Hindi naman iyon ipinagkait nina Matthew at Prim sa media na gustong interbyuhin ang mga anak. Matalino namang sumagot ang mga bata lalo na si Matthias na feel na feel ang bagong achievement niya as an author. May pagka-low profile pa rin sina Thea at Teo. Bago magsimula ang mga buong palatuntunan ay pinaunlakan muna ng mga anak ni Matthew at Prim ang buong Trinity High ng kanilang kuwento. Nagsabi na ang pamunuan sa kanila na magkakaroon sila ng presentation. Isang audio-visual presentation ang inihanda ni Thea. Inaral daw niya ang animation ng kanyang kuwento kahit may inihanda ang Owl publishing para sa promotion ng mga ito. Minabuti niyang sarili niyang gawa ang kanyang gamitin. Medyo n
Matagal ang recovery ng mga tadyang ni Matthias. But the miraculously heal on its own. Hindi na kailangan ng surgery. After six months, Matthias is beginning to respond. Si Matthew ang mas madalas na dumadalaw sa anak dahil buntis na si Prim.Natapos na ang therapy ni Matthias. Parang walang bakas ng aksidente sa kanyang katawan. Normal na ang kanyang paglalakad. Hindi na niya kailangang i-wheelchair o kaya ay magsaklay. Clear na ang kanyang mga laboratory test.Nainggit siya sa maraming kasiyahan na hindi man lang siya nakasama dahil patuloy pa itong nagpapagaling.“Mommy, please go home!” Iyon ang mga unang salita ni Matthias sa ina ng magkamalay ito.Sa ospital nagpagaling si Matthias. Hindi siya iniuwi kaagad. Minabuti rin ni Matthew na matapos nito ang kanyang recovery period at maging ang kanyang therapy. Hindi nakahabol sa graduation si Matthias ngunit puwede itong sumabay sa gradu
“I love you, Matthew,” bulong ni Prim sa asawa. Pinagmasdan niya ito habang himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog. Ni hindi ito nagmulat ng mga mata ng idampi nito ang kanyang labi sa kanyang pisngi. ”Pagud na pagod ang ang aking mahal na asawa!” Napangiti siya kay Matthew. Madaling araw kasing gising ang mga babies at ayaw namang tulugan ni Matthew ang mga ito. Nilalaro pa talaga niya ang mga sanggol na wala namang kamuwang-muwang sa oras. Aliw na aliw talaga siya. Sina Helen at Carol ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanila kapag hindi nagising si Matthew sa sobrang puyat. May segment din si Matthew dahil first time niyang mag-alaga ng mga babies. Hindi pinalampas ng Teo at Thea ang mga stolen moments ng ama kasama ang kambal na lalaki ng mga Aragorn. Pinagtawanan siya habang pinag-aaralan kung paano bihisan ang mga sanggol. Takot na takot siyang buhusan ng tubig ang mga ito habang pinaliliguan. Pinandidilatan
Kinabukasan ay parang batang nagyaya si Matthew sa mga anak na maglaro ng Hide and Seek pero sa loob lang ng mansion. Gusto lang niyang libangin ang kambal. Maiba ang taya at si Teo ang naiiba sa lahat. Tuwang-tuwa ang kambal, first time nilang maglalaro ng tagu-taguan. Hindi nila magagawa iyon dahil dalawa lang naman sila at maliit lang ang buong bahay. Wala silang masyadong tataguan. Saka lang sila nakakapaglaro kapag dumating ang kanilang nakatatandang kapatid. “Kasali si Mommy?” tanong ni Thea. “Oo naman. Baka mamaya siya pa ang magturo kung saan tayo nagtatago ‘yung mga kasali. Isasama ko siya,” sabi ni Matthew. “Bakit mo ba ako idinadamay sa laro ninyo. Pagod ako.” “Halika na!” Nagsigawan ang kambal dahil gusto nilang sumama sa ina ngunit sinenyasan ni Matthew si Thea na isama ang kambal. “Let’s go and hide. Dali!” Tak
Hindi nagpaunlak si Matthew sa kahit na kanino upang magpa-interview sa kanyang ginawa para sa asawa. Ipinataboy niya ang mga media na sumadya mismo sa winery at hindi na pinapasok ang mga ito. Minabuti niyang dalawin ang mga anak sa tahanan ng ma ito sa Rivera. Ginamit niya ang buzzer. Pinagbuksan siya ng kasambahay ngunit nagtaka siya dahil walang bata ang sumalubong sa kanya. Tahimik ang buong bakuran. Napasilip pa siya dahil baka nagtatago lang. Madala kasing gulatin siya ng mga ito. Pinapasok pa rin naman siya sa loob. “Nasaan sila? Nasaan ang mga bata?” “Ay, Sir… umalis po sina Ma’am. Kasama po niya ang mga bata. Hindi po ba nagpaalam sa inyo?” “Saan nagpunta? Namasyal ba?” “Eh, may dala pong mga maleta.” Napatakbo si Matthew sa kuwarto nina Prim. Wala na ang mga damit ng mga ito. Tinungo niya ang kuwarto ng kambal ngu
Six months later… Nagulantang ang buong Kamaynilaan ng pumailanlang ang panawagan na iyon ni Mr. Aragorn. Kitang-kita sa malalaking LED billboards ang kanyang pagsusumamo kay Prim na patawarin na siya nito. Napahinto ang ilang mga sasakyan upang basahin ang isang tila mala-MMK na love letter ng isang CEO sa kanyang pinakamamahal na asawa. It is an open letter. It is a humble peace offering that he hoped, Prim would be able to reconsider. “Dear Prim, I know, I broke the promise I made. For an instant, I was a dumb. However, this dumbfool asks for your forgiveness. Forgiveness which may not even make you forget. But what I can do is to help you heal the wound I have caused you. I want to repair the wrong things I have done. I want to fill our remaining years with all the love that a man could give. It is only when I am with you that I make happy and beau
Dahan-dahang inalis ni Matthew ang pagkakaipit ng kanyang braso sa ulo ng kambal. Himbing na himbing ang dalawa. Dinig niya ang seryosong kuwentuhan ng mag-iina sa sala paglabas niya ng master’s bedroom. Naupo siya sa tabi ni Teo. “Pakihilot nga,” baling nito sa katabi. Nangalay ang kanyang braso kaya ipinamasahe niya ito sa anak niyang binata. Nasa sala sa ikalawang palapag ang mag-iina at nagkukuwentuhan. “Kumusta naman ang tulog mo, Mr. Aragorn?” nakangisi pang tanong ni Prim sa asawa. Umiling ito. Hindi niya inasahan ang nangyari. Kasalukuyang paakyat naman si Thea dala ang miryenda. Nagpaluto si Prim ng ginataang bilo-bilo. Susubo pa lang si Prim ay narinig na niya ang sigaw ng kambal. Natigilan si Matthew ngunit sina Teo at Matthias ang nagpunta sa kuwarto upang kunin sina Marcia at Mitchell. Dinig ni Matthew na siya a
Wala sa sarili si Prim ng umagang iyon ng pumasok siya sa Eufloria. Magkahalong kaba ngunit may saya sa puso niya ng muli silang magniig ni Matthew. Biglaan lang ang lahat at hindi niya inasahan. Matinik pa rin ito sa babae at hindi naman siya makatanggi. Nanaig pa rin ang kanyang pagiging asawa dito. “Patawarin mo ako, Prim. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo at sa mga bata. Inaamin ko dahil masyado akong nagpadala sa selos. Nagalit kaaagad ako. Baka puwede mo akong bigyan ng huling pagkakataon upang patunayan sa iyo na mahalaga ka sa akin at ang mga anak natin.” “Puwede pa ba tayong magsama?” “Puwede pa kung mpapatawad mo ako. Magtiwala ka sa akin.” “Kahit magtiwala ako ng isang daang beses sa iyo kung hindi ka marunong magtiwala sa akin, magtatagal ba tayo?” “Prim, patawad! Patawarin mo ako.” Nakaluhod si Matthew sa harapan ni Pr
Pumayag na rin si Maxine na kunin ang isa sa kambal ni Prim upang magkaroon sila ng anak. Hindi naging matagumpay ang surrogacy nila sa ibang bansa. After trying for three years ay bumalik na lang sila sa Pilipinas. Akala ni Prince ay madali lang ang procedure ng surrogacy tulad ng ginawa kay Prim ngunit nakapag-isip-isip siya na hindi naman surrogacy ang kaso ng babae noon. Iyon lang ang pinalabas ni Dea upang pagtakpan ang kanyang pagkukulang. Muli siyang binuntutan ng dating gunman. Muli rin itong nagpakita sa kanya kaya nilimitahan na niyang muli ang paglabas ng umaga. Sinikap niyang hindi siya makikilala kapag lumabas siya. Pinuntahan ni Prince si Prim sa Eufloria upang pagbantaan na kukunin ang isa sa kambal. Gulat na gulat ang babae ng makapasok ito sa flowershop. “Nice to see you again, Prim.” Ibinaba nito ang kanyang red cap. “Sinong may sabing puwede kang umak
Hindi nagtagal si Matthew sa Japan. Bumalik din siya kaagad matapos sabihin ni Jude na pupunta ito sa mansion. Dala na nito ang kompletong report ng kasong pinaiimbestigahan niya. “Masyado ka namang busy ngayon ha! That’s good. Atleast, hindi ka mukhang problemado.” “Malaking problema dahil nakita kong bumalik na si Prince at Maxine.” “Si Prim na lang ang intindihin mo. Hayaan mo na ang kapatid mo. May sarili na rin siyang buhay.” “Exactly, let’s see what we got here.” Inilapag ni Jude ang folder sa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan silang dalawa at nanatiling tahimik. “Nandito ang kompletong report ng Crime Lab at ng mismong ospital na sumuri sa katawan ni Mrs. Mia Aragorn. Read it for yourself. Madaling intindihin ang mga iyan. Puwede ko ring ipaliwanag kung gusto mo.” Hinigpitan ni Matthew ang hawak sa folder. Mahalagang mala