"Kuya Roel," nag-aalala na 'ko lalo na nang mapansin na nasa delikado na kaming daanan. "Ma'am Ria, marunong ka bang gumamit ng baril?” "Po?" Nagmura ulit si kuya Roel at agad akong napasigaw ng muntik na kaming mabangga sa isang ten wheeler truck. "Ma'am Ria, kaya mo bang tumalon?" "Po?" Gulat na tanong ko ulit, if wala kami sa sitwasyon natin, baka natawa na ako dahil kanina paggamit ng baril ang tinatanong niya, ngayon naman ang pagtalon. But then, alam kong sobrang pag-aalala na ang namutawi sa mukha ni kuya Roel mailigtas lang kami ng anak ko. "Pagkatapos nating malampasan ang isang truck na yan, tumalon kayo ng bata." "May pag-asa po bang mabuhay kami pag gawin namin yun kuya Roel?” Umiiyak na tanong ko sa kaniya. Hindi ko mapigilang hindi maluha sa takot. Halos masira ko na ang upuan sa tindi nang paghawak ko dito. " Opo ma'am," sagot niya habang nakatingin
Last Updated : 2024-10-29 Read more