Home / All / Running Away from the Villainous CEO / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Running Away from the Villainous CEO : Chapter 31 - Chapter 40

229 Chapters

31 Family Confrontation, Pt. 2

Ayan na naman ang salitang iyan na una niyang narinig mula kay Edgar– responsibilidad.Responsibilidad niya. Puro sila sabi ng sabi na tungkulin niyang tuparin ang kanyang responsibilidad sa pamilya nila pero sila mismo ay hindi naman nagawa nang maayos ang responsibilidad nila sa Original Owner.“Ano ang gusto mong gawin ko, Dad?” diretsahang tanong ni Ellaine sa ama.“We… want you to get to know a few people– to develop reliable contacts. Makatutulong din naman ito sa’yo when you become an artist. That’s what you wanted right? Knowing a lot of connections will help you sell your works better, reach a wider audience.”“Develop reliable contacts? Iyon lang?&rd
last updateLast Updated : 2021-12-30
Read more

32 Surprise

Mabigat ang kanyang mga katawan nang muling imulat ni Ellaine ang mga mata. Sa una ay malabo pa ang kanyang paningin ngunit unti-unti ring luminaw iyon. Puting kisame ang bumungad sa kanya.Kumunot ang kanyang noo, nagtataka kung nasaan siya. Ang huli niyang naaalala ay nasa backseat siya kasama ni Georgia habang pauwi sila sa apartment nito. Pagkatapos ay nawalan siya ng malay. At ngayon nga ay…Iginala niya ang paningin sa buong silid na kinalalagyan niya. Puti ang tangi niyang nakikita. ‘Nasa ospital ba ako?’ tanong niya sa sarili. Kumirot ang bandang pulso ng kaliwa niyang kamay nang tangkain niyang bumangon sa kinahihigaang kama.
last updateLast Updated : 2021-12-30
Read more

33 Determination, Pt. 1

Ramdam ni Ellaine ang lihim na panghuhusga ng OB nang tanungin niya ito kung puwede ba niyang ipa-abort ang batang dinadala niya. Kahit si Georgia na nasa tabi niya ay napasinghap sa tanong niyang iyon. Nakalimutan niyang nasa panahon pala siya kung saan ang pagpatay ng isang kabubuo pa lamang na fetus ay itinuturing na isang malaking kasalanan.Pero higit doon ang nakikita niya sa mga mata ng doktor sa tuwing tumititig ito sa kanya. Kung tingnan siya nito ay para bang isa siyang pakawalang babae na mahilig makipaglandian sa kung kani-kaninong lalaki, at ngayong nagbunga ay hindi kayang panagutan kaya pinipili na lamang tumakas.Lihim na napabuntong-hininga si Ellaine at hinayaan na lamang ang gayon. Propesyunal pa rin naman overall ang pakikitungo nito sa kanya at maayosd pa rin ang trabaho.
last updateLast Updated : 2021-12-31
Read more

34 Determination, Pt. 2

Paano kung siya na nga ang Female Lead? Umikot ang mga mata ni Ellaine sa naisip. Na-iilusyon na naman siya. Hindi niya kayang sumugal para lamang sa maliit na posibilidad na iyon.Hindi sinasadyang nahimas niya ang tiyan, wala siyang kamalay-malay na nailagay na pala niya ang kamay sa ibabaw niyon. Flat pa ang banda roon. Nabiyayaan ng hindi tabaing katawan ang Original Owner kaya’t kahit na anong lakas niyang kumain ay hindi tumataba ang kanyang katawan. Habang bata pa siya ay sisiguraduhin niyang matitikman at makakain nniya ang maraming masasarap na pagkain dahil baka kapag umedad na siya ng 25 ay magbago na ang metabolism rate niya. Napaisip siya kung mananaba siya sa ilang buwan niya ng pagbubuntis. Ngayon kasi na nakararana
last updateLast Updated : 2021-12-31
Read more

35 Determination, Pt. 3

Ayos lang naman daw ang kanyang lagay, sabi ng doktor. Although ibinilin rin nito nang ilang beses, hindi lang sa kanya, kundi pati na rin kay Georgia, na mag-ingat.Nakauwi rin naman sila nang maayos. Pagdating nila ay nakahanda na ang hapag. Walang gana si Ellaine subalit pinilit niyang kumain kahit ilang subo man lang para kahit papaano ay magkaroon siya ng lakas. Pagkakain ay nagpaalam siya kay Georgia na magpapahinga na.Na-miss niya ang silid niya. Mahigit isang linggo niya rin iyong hindi nakita dahil sa pananatili sa ospital nang ilang araw, kasama pa yung tatlong araw niyang pagpapalipas sa bahay ng ama niya.Pagod na pagod siya. Gusto niyang magpahinga, matulog nang matagal.Nang ibabagsak na niya ang katawan sa kama ay napatigil siya nang maalang may laman na
last updateLast Updated : 2021-12-31
Read more

36 Negotiation with Fate

“Unless… mapagbibigyan mo ang munti kong kahilingan.” patuloy ni Ellaine na tila kausap pa rin ang kawalan.Hindi siya naniniwala sa coincidences. Everything is connected. May sistema ang universe na wala pang kahit sino man ang nakaka-figure out. Kaya may hinala siyang may dahilan rin ang pagdating niya sa mundong iyon. May papel siyang kailangang gampanan. Hindi nga lang niya alam kung ano iyon.Wala naman mag-aaksaya ng maraming enerhiya at mag-aabalang pumunit ng barrier ng time and space sa pagitang ng dalawang dimensyon, ng dalawang mundo para makalusot ang kanyang kaluluwa nang dahil lang sa wala.Wala siyang delusions of grandeur para isiping siya na nga ang Female Lead na siyang iikutan ng napakaraming guwapo at makapangyarihang mga lalaki. At isa pa, hindi siya mahilig sa ganoong setup.
last updateLast Updated : 2021-12-31
Read more

37 Pie Falling from the Sky

Hindi nakawala ang bendang ginawa niya sa kanyang kaliwang kamay. Nagdahilan lang siya nang tanungin nito kung saan nanggaling ang sugat. Halatang hindi nito naniwala subalit tulad ng dati ay hindi na ito nagtanong pa.Ngunit sinabi nitong may pag-uusapan sila kaya dumiretso sila sa maliit na home office ni Georgia.Pinaupo siya nito sa isa velvet armchair at may kinuha sa isa sa mga drawers sa ilalim ng kanyang office desk. Isa iyong sealed manila envelope.Napataas ang kilay ni Ellaine nang makita iyon. Mukha kasing mahalaga at medyo “official” ang pag-uusapan nila ng pinsan.Naupo si Georgia sa katabing single armchair at pagkatapos ay iabot sa kanya ang manila envelope at sinenyasan siyang buksan iyon. Tumalima si Ellaine. Nakapa niyang mga dokumento ang
last updateLast Updated : 2021-12-31
Read more

38 Plans to Leave

“Garreth Randall?! RanCorp’s CEO Garreth Randall?!” Hindi makapaniwala si Georgia nang ipinagtapat ni Ellaine kung sino ang ama ng dinadala niya. Marami sa mga isinalaysay ni Ellaine ang nagdulot sa kanya ng labis na pagkabigla, hindi makapaniwala sa mga pinagdaanan ng nakababatang pinsan.Nakatayo na siya at ilang beses nang nagpapabalik-balik ng kakalakad sa natitirang espasyo sa kanyang home office. To think na akala niya ay iniignora lang ito ng pamilya nito. Mas mabuti na siguro kung ganoon lang ang ginawa ng mga iyon kaysa ang pagkaisahan na ibenta ito kapalit ng mga pakinabang na makukuha nila mula sa maimpluwensiyang taong maaaring bumili kay Ellaine.Hindi niya lubos na maisip kung ano na lamang ang mangyayari sa pinsan niyang ito kung hindi ito nakatakas.“I never thought your stepm
last updateLast Updated : 2021-12-31
Read more

39 Till We Meet Again

Nang sumunod na mga araw ay naging abala sina Ellaine at Georgia sa pag-aasikaso ng mga dadalhing gamit. Hindi naman iyon masyadong marami dahil ang sabi ni Georgia ay may apartment nang nakapangalan sa kanya sa America. Fully-furnished na rin iyon kaya ang kailangan na lang nilang ihanda ay ilang mga personal na gamit at ang sarili nila.Ngunit bago sila umalis ng tuluyan ay mga bagay muna si Ellaine na nais niyang gawin.Isang umaga, tatlong araw bago sila umalis, mag-isa siyang lumabas ng apartment. Hindi na siya nagpahatid pa sa Driver dahil pribado ang kanyang pupuntahan at ayaw niyang maraming tao ang makaalam.Dumaan siya sa isang florist at bumili ng isang rose and sunflower bouquet, at isang bouquet naman na puro tulips. Nakagat pa nga niya ang dila nang m
last updateLast Updated : 2021-12-31
Read more

40 Changes and Transitions

Katulad nga ng mga paglalarawan nito sa nobela, ang Heroine na si Catherine ay isang mabuti, mabait at matulunging tao. Kahit na sa ilang minuto lang nilang pag-uusap ay ramdam ni Ellaine ang pagiging maalalahanin at pagkapalakaibigan nito.Sandali pa niya itong pinagmasdan. Lihim siyang napabuntong-hininga. Kaya kahit na anong ganda ng babaeng kontrabida ay walang panama sa Heroine. It's because she possesses a unique charm. Parang bright sunshine pagkatapos ng isang malakas na bagyo o pagkaalis ng isang makapal na ulap.At isa pa, kindness is attractive. It never gets overrated.Nauna siyang bumaba, ngunit hindi pa rin tapos ang pakikipag-usap nito sa cellphone. In fairness ang tagal na nilang magkausap. Kung hindi lang niya alam na ang una nitong naging boyfriend ay ang mismong Male Lead– na sa pagkakatanda
last updateLast Updated : 2021-12-31
Read more
PREV
123456
...
23
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status