"Si Collin dumarating!" Hindi ko magawang kumilos sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang sigaw na iyon ng isa sa mga lalaking nasa loob kanina ng simbahan. "Bakit ngayon ka lang, Collin? Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan itong nagawa mo? Hindi mo na inisip ang mararamdaman ni Ann," galit na tanong agad ng daddy ni Collin nang makapasok na sa loob ng simbahan ang binata. "I'm sorry. Medyo naparami kami ng inom kagabi ng mga kaibigan ko kaya't tinanghali ako ng gising," paumanhin ni Collin sa ama ngunit pakiramdam niya ay kulang iyon sa sinseridad. Parang hindi naman ito humihingi ng sorry kundi nagsasabi lamang ng dahilan kung bakit hindi ito nakarating sa kanilang kasal. "Wala na ang mga taong a-attend sana sa kasal ninyo pati na rin ang pari ay umalis na. Ano na ngayon ang gagawin mo?" narinig kong tanong ni Mommy kay Colt. Hindi pa kasi ako lumilingon. Nananatili l
Read more