Home / Fantasy / Tenement Uno / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Tenement Uno: Chapter 81 - Chapter 90

145 Chapters

Chapter 80

Chapter 80   Puting kisame sa harapan ko.  Isang sofa chair sa kaliwa. Drawers at isang pintuan sa kanan. 'Yon ang mga bagay na napagmulatan ng mga mata ko. Tila bago ang mga detalye na iyon sa paningin ko. Muling idineretso ko ang aking mga mata sa unahan, puting kisame talaga.  Ilang beses kong iminulat at isinara ang pares na mata ko. Para kasing may nakabara na kung ano ro'n, nanlalabo ang aking paningin. Kinapa ko ang parteng iyon kaya nalaman ko'ng mamamasa-masa pala ang aking mata.  Umiyak ako? Inilinga ko ang paningin sa aking sarili, suot ko pa rin ang magandang gown na kulay pink. Inibaba ko ang aking mga paa sa papag at binalak na lumabas na nang biglang nanikip ang aking dibdib. Napasapo ako ro'n, kasabay nang masakit na pakiramdam ay ang pagpasok ang iba't-ibang senaryo sa utak ko.
last updateLast Updated : 2022-02-03
Read more

Chapter 81

  "Maghapon lang siyang nakaupo riyan." Puna ni Cindie sa nakaupong si Felicity.Naroon lang ang dalaga sa swing, kasama ng ilang bata na naglalaro. Wala sa kaniya ang ingay at gulo ng mga ito. Nakadantay ang ulo niya sa dugtong-dugtong na bakal na siyang naging daan upang maisabit nag swing sa mahabang tubong bakal. "Hayaan mo muna siya, she needed time for herself," sagot naman ni Victoria sa kaniya. Kanina pa sila nakatanaw sa babaeng may kulot at mamula-mulang buhok. "If I can just ask for some of her sorrow. Para naman kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam niya." "Don't dare about it Cindie, baka hindi ko kayanin." Biglang sumulpot si Elias sa kanilang likuran."Huh? What do you mean babe?" Victoria asked her boyfriend whose now huggung her from the back."Well, Felicity had a very bad pastlife. He suffered from emotional, social ang physical trauma.""Really?" Gulat na gulat si Cindie
last updateLast Updated : 2022-02-04
Read more

Chapter 82

 Kuliglig na lang ang maririnig na ingay sa paligid ng Tenement. Walang buwan at tanging mga ilaw na gawa ng kamay ng mga normal na tao lang nag nagsisilbing liwanag sa kapaligiran. Malamig na hangin ang yumayakap sa katawan ni Felicity. Magmula nang maupo siya sa swing na 'yon ay hindi pa rin siya tumatayo. Ni hindi niya rin ginalaw ang pagkain na dinala nina Victoria at Cindie para sa kaniya.Okupado pa rin ang isipan niya ng mga nakaganapang hindi niya nakontrol na makapasok sa kaniyang sistema. Kung ikukuwento niya ang ganitong nangyari sa kaniya paniguradong tatawagin lang siyang baliw. Subalit ano'ng magagawa niya? Narito siya sa mundo kung saan ang mga kakatwang bagay at may possibilidad na mangyari. "Felicity." Biglang bumalik sa kaniyang ulirat si Felicity nang marinig ang bises na 'yon.Dahil sa nakaupo siya'y kinailangan pa niyang iangat ang tingin upang mabigyan ng sagot ang tumawag sa kaniya.&
last updateLast Updated : 2022-02-04
Read more

Chapter 83

Chapter 83    "Good morning!"   Otomatik na umanggulo ang ulo ko patungo sa pinanggalingan ng boses na iyon. Kausap ko si kuya Costav, dine-discuss ko sa kaniya ang tungkol sa pagpapalit ng mga bagong kadenang pangsarado sa malaking tarangkahan ng Tenement.  "Good morning Felicity, maganda ata ang gising mo ngayon ha." Si Mr. Youngster 'yon na may buhat na balde ng labahin. Mukhang maglalaba ito sa poso negro sa labas.  Inalis ng dalaga ang nakapasak sa kaniyang tainga. Earphone 'yon na nakadugtong sa kaniyang cellphone. "Sa dulo ng dilim ay may liwanag pa rin po," magiliw niyang sagot sa ama ni Farrahbat Timothy.  "Oo nga naman. Gusto mo ba ng tsaa, iha? Sasabihan ko ang asawa ko na gawan ka." Alok ng ginoo sa kaniya.  "Ay! 'Yong kagaya po sa ibinigay niya kay G
last updateLast Updated : 2022-02-05
Read more

Chapter 84

 Wala akong lakas para tumayo at magdiwang sa balitang makaaalis na ako sa Tenement. Nakasubsob ang mukha ko sa lamesang antique habang nilalaro ang ballpen sa kaliwa ko kamay. 'Ba't hindi ko magawang tuluyang maging masaya?'Naalaala ko lahat-lahat nang nangyari sa akin sa lugar na 'to. Simula noong unang araw ko bilang isang landowner, hanggang sa nagsidating pa isa-isa ang mga tenants ko. Ang mga unang taon ay hindi naging maganda para sa akin. Punong-puno pa ako ng takot at resentment sa ginawa kong pagpirma sa titulo nang pangangalaga sa Tenement. Ilang beses akong nagtago at pinilit na makaalis sa lugar na 'to ngunit hindi ko magawa. Halos araw-araw kong ina-abandona ang paupahan pero sasapit parati ang umaga na makikita ko ang aking sarili na nasa paligid ng Tenement. Sumpa na nga ata ito para sa akin, kailangan kong tanggapin na mananatili ako sa lugar sa loob ng mahigit tatlong daang taon.Nagkaroon ako ng na
last updateLast Updated : 2022-02-06
Read more

Chapter 85

Chapter 85     "Ang damot mo, ba't hindi mo hinayaang sabihin ni Kira sa akin ang lahat. Ayaw mo ba no'n? Less talk na para sa 'yo kapag narinig ko na lahat sa kaniya." Pang-aaway ni Felicity kay Gabriel. Kalalabas lang nila silid ni Kira ng mga oras na 'yon, at ngayo'y patungo na sila sa main exit ng resort.    Tumigil naman ang binata't hinarap siya. "Will you shut up Felicity? Ang ingay-ingay mo!"    "Hindi naman ako mag-iingay kasi kung pinapakinggan mo 'ko. Nasabi ko na naman sa 'yo, hindi ba? I'll take your offer, kaya ano'ng inaarte mo ngayon diyan?"    "Look, what I told you is just part of the past. Okay, I've change my mind. Hindi ko na pala kailangan ng kapalit. I am willing to leave, kaya hindi mo kailangang kulitin pa ako," sagot ko sa kaniya. "At isa pa, ang usapan uuwi ka na."   "Ang kulit mo rin, hindi nga ako uuwi, bahala ka!" 
last updateLast Updated : 2022-02-08
Read more

Chapter 86

Chapter 86    "Carley Constantine," bungad ko sa babaeng nakasuot ng puting uniporme. Isa siyang nars sa naturang Ospital. Nasa normal na mundo ako kaya kailangan kong umakto na isa sa kanila.  "Room 45 po, ngunit bawal po ang bisita-"  Hindi ko na siya pinatapos pa, mabilis akong nagtungo sa kuwartong sinabi niya. Pinindot ko ang up button ng elevator, pagkapasok ay ang eight naman na numeric ang pinindot ko.  Hindi ako kaagad nakaakyat dahil sa dami ng mga lumalabas at pumapasok, hanggang sa tumigil ang elevator sa ikapitong palapag. Isang palapag na lang bago ang silid na pupuntahan ko.  
last updateLast Updated : 2022-02-09
Read more

Chapter 87

Chapter 87  Hindi naging mainit ang pagtanggap nila sa akin pagkarating ko sa Silid ng Konseho.  Una kong natagpuan ay si Titiana, sinalubong niya 'ko't binigyan nang hindi magandang titig. Titiana is the deity of indolence. Parati siyang nakaabangan sa malaking salamin na nakapuwesto sa hilagang bahagi ng malaking silid. Inililista niya ang mga pangalang punong-puno ng katamaran sa kanilang buhay. Gustong-gusto niya ang paggawa ng summary sa bawat buhay nila. Kaya naman sa tuwing may dadalhin sa kaniyang nasasakdal ay hindi siya nahihirapan sa pagbibigay ng datos at verdict sa mga ito.  "Ano't napadpad ka rito tagapamahala ng Uno?" may kataasan ang boses ng naturang deity. "Binibisita ko lang kayo, masama po ba?" tanong ko sa kaniya.  "Hindi naman, sadyang nakakagulat lang ang presensiya mo. Tila hindi maganda
last updateLast Updated : 2022-02-10
Read more

Chapter 87.2

 "Ibabalik ko ang oras, isang oras bago ang aksidente na naganap upang makapaghanda. Hindi ko mababago ang lahat ngunit maililigtas si Carley, kaya sana'y makipagtulungan ka sa akin." Hawak ko pa rin siya habang nakasalampak sa lupa.  "Ngayon kung pumapayag ka, nariyan ang lagusan pabalik bago ang aksidente namin," aniya. Nilingon ko ang kortang bilog sa harapan namin. Mula rito'y naaaniag ko nga ang ibang imahe mula sa bungabga nang naturang lagusan. Malabo iyon, at magulo sa mata.  "Kuhain mo siya bago kami salpukin ng malaking truck." Malaking truck? Ano'ng sinasabi niya, hindi naman sila nabundol ng kahit na ano. Bumangga sila sa poste, masyadong malakas ang impact no'n kaya matindi rin ang epekto kay Carley.  "Maiintindihan mo rin kapag napunta ka na roon. Sige na, umalis ka na. Darating ang konseho rito upang dakpin ka. Ako na ang bahala."  
last updateLast Updated : 2022-02-11
Read more

Chapter 88

  Chapter 88           Ang malawak na rooftop ng Tenement ang bumungad sa akin  matapos kong pumasok sa ginawang lagusan ni Constantine. Hindi niya sinabi ang kabuuan ng kaniyang plano, basta't ang gagawin ko'y mailayo si Carley bago pa sila tuluyang maaksidente.       Napalaking pagbabago ang mangyayari oras na mangialam ako sa oras na ito. Ngunit kailangang magtagumpay ako, buhay ng kapatid ko ang nakasalalay dito.       Ginamit ko ang aking kapangyarihan na maglaho't makapunta nang isang kisapmata lamang sa loob. Sa tapat mismo ako ng pinto ng aking opisina nagtungo. Wala naman ako
last updateLast Updated : 2022-02-12
Read more
PREV
1
...
7891011
...
15
DMCA.com Protection Status