Malamig na hangin ang yumayakap sa katawan ni Felicity. Magmula nang maupo siya sa swing na 'yon ay hindi pa rin siya tumatayo. Ni hindi niya rin ginalaw ang pagkain na dinala nina Victoria at Cindie para sa kaniya.
Okupado pa rin ang isipan niya ng mga nakaganapang hindi niya nakontrol na makapasok sa kaniyang sistema.
Kung ikukuwento niya ang ganitong nangyari sa kaniya paniguradong tatawagin lang siyang baliw. Subalit ano'ng magagawa niya? Narito siya sa mundo kung saan ang mga kakatwang bagay at may possibilidad na mangyari.
"Felicity." Biglang bumalik sa kaniyang ulirat si Felicity nang marinig ang bises na 'yon.Dahil sa nakaupo siya'y kinailangan pa niyang iangat ang tingin upang mabigyan ng sagot ang tumawag sa kaniya.&
Chapter 83"Good morning!"Otomatik na umanggulo ang ulo ko patungo sa pinanggalingan ng boses na iyon. Kausap ko si kuya Costav, dine-discuss ko sa kaniya ang tungkol sa pagpapalit ng mga bagong kadenang pangsarado sa malaking tarangkahan ng Tenement."Good morning Felicity, maganda ata ang gising mo ngayon ha." Si Mr. Youngster 'yon na may buhat na balde ng labahin. Mukhang maglalaba ito sa poso negro sa labas.Inalis ng dalaga ang nakapasak sa kaniyang tainga. Earphone 'yon na nakadugtong sa kaniyang cellphone."Sa dulo ng dilim ay may liwanag pa rin po," magiliw niyang sagot sa ama ni Farrahbat Timothy."Oo nga naman. Gusto mo ba ng tsaa, iha? Sasabihan ko ang asawa ko na gawan ka." Alok ng ginoo sa kaniya."Ay! 'Yong kagaya po sa ibinigay niya kay G
Wala akong lakas para tumayo at magdiwang sa balitang makaaalis na ako sa Tenement. Nakasubsob ang mukha ko sa lamesang antique habang nilalaro ang ballpen sa kaliwa ko kamay.'Ba't hindi ko magawang tuluyang maging masaya?'Naalaala ko lahat-lahat nang nangyari sa akin sa lugar na 'to. Simula noong unang araw ko bilang isang landowner, hanggang sa nagsidating pa isa-isa ang mga tenants ko.Ang mga unang taon ay hindi naging maganda para sa akin. Punong-puno pa ako ng takot at resentment sa ginawa kong pagpirma sa titulo nang pangangalaga sa Tenement. Ilang beses akong nagtago at pinilit na makaalis sa lugar na 'to ngunit hindi ko magawa.Halos araw-araw kong ina-abandona ang paupahan pero sasapit parati ang umaga na makikita ko ang aking sarili na nasa paligid ng Tenement. Sumpa na nga ata ito para sa akin, kailangan kong tanggapin na mananatili ako sa lugar sa loob ng mahigit tatlong daang taon.Nagkaroon ako ng na
Chapter 85 "Ang damot mo, ba't hindi mo hinayaang sabihin ni Kira sa akin ang lahat. Ayaw mo ba no'n? Less talk na para sa 'yo kapag narinig ko na lahat sa kaniya." Pang-aaway ni Felicity kay Gabriel. Kalalabas lang nila silid ni Kira ng mga oras na 'yon, at ngayo'y patungo na sila sa main exit ng resort. Tumigil naman ang binata't hinarap siya. "Will you shut up Felicity? Ang ingay-ingay mo!" "Hindi naman ako mag-iingay kasi kung pinapakinggan mo 'ko. Nasabi ko na naman sa 'yo, hindi ba? I'll take your offer, kaya ano'ng inaarte mo ngayon diyan?" "Look, what I told you is just part of the past. Okay, I've change my mind. Hindi ko na pala kailangan ng kapalit. I am willing to leave, kaya hindi mo kailangang kulitin pa ako," sagot ko sa kaniya. "At isa pa, ang usapan uuwi ka na." "Ang kulit mo rin, hindi nga ako uuwi, bahala ka!"
Chapter 86"Carley Constantine," bungad ko sa babaeng nakasuot ng puting uniporme. Isa siyang nars sa naturang Ospital. Nasa normal na mundo ako kaya kailangan kong umakto na isa sa kanila. "Room 45 po, ngunit bawal po ang bisita-" Hindi ko na siya pinatapos pa, mabilis akong nagtungo sa kuwartong sinabi niya. Pinindot ko ang up button ng elevator, pagkapasok ay ang eight naman na numeric ang pinindot ko. Hindi ako kaagad nakaakyat dahil sa dami ng mga lumalabas at pumapasok, hanggang sa tumigil ang elevator sa ikapitong palapag. Isang palapag na lang bago ang silid na pupuntahan ko.
Chapter 87Hindi naging mainit ang pagtanggap nila sa akin pagkarating ko sa Silid ng Konseho.Una kong natagpuan ay si Titiana, sinalubong niya 'ko't binigyan nang hindi magandang titig.Titiana is the deity of indolence.Parati siyang nakaabangan sa malaking salamin na nakapuwesto sa hilagang bahagi ng malaking silid. Inililista niya ang mga pangalang punong-puno ng katamaran sa kanilang buhay. Gustong-gusto niya ang paggawa ng summary sa bawat buhay nila. Kaya naman sa tuwing may dadalhin sa kaniyang nasasakdal ay hindi siya nahihirapan sa pagbibigay ng datos at verdict sa mga ito."Ano't napadpad ka rito tagapamahala ng Uno?" may kataasan ang boses ng naturang deity."Binibisita ko lang kayo, masama po ba?" tanong ko sa kaniya."Hindi naman, sadyang nakakagulat lang ang presensiya mo. Tila hindi maganda
"Ibabalik ko ang oras, isang oras bago ang aksidente na naganap upang makapaghanda. Hindi ko mababago ang lahat ngunit maililigtas si Carley, kaya sana'y makipagtulungan ka sa akin." Hawak ko pa rin siya habang nakasalampak sa lupa."Ngayon kung pumapayag ka, nariyan ang lagusan pabalik bago ang aksidente namin," aniya. Nilingon ko ang kortang bilog sa harapan namin. Mula rito'y naaaniag ko nga ang ibang imahe mula sa bungabga nang naturang lagusan. Malabo iyon, at magulo sa mata."Kuhain mo siya bago kami salpukin ng malaking truck."Malaking truck? Ano'ng sinasabi niya, hindi naman sila nabundol ng kahit na ano. Bumangga sila sa poste, masyadong malakas ang impact no'n kaya matindi rin ang epekto kay Carley."Maiintindihan mo rin kapag napunta ka na roon. Sige na, umalis ka na. Darating ang konseho rito upang dakpin ka. Ako na ang bahala."
Chapter 88 Ang malawak na rooftop ng Tenement ang bumungad sa akin matapos kong pumasok sa ginawang lagusan ni Constantine. Hindi niya sinabi ang kabuuan ng kaniyang plano, basta't ang gagawin ko'y mailayo si Carley bago pa sila tuluyang maaksidente. Napalaking pagbabago ang mangyayari oras na mangialam ako sa oras na ito. Ngunit kailangang magtagumpay ako, buhay ng kapatid ko ang nakasalalay dito. Ginamit ko ang aking kapangyarihan na maglaho't makapunta nang isang kisapmata lamang sa loob. Sa tapat mismo ako ng pinto ng aking opisina nagtungo. Wala naman ako
Continuation."Nasaan na ba ang tinutukoy mo?"tanong ni Felicity sa akin."Naiinip ka na?"Tumango-tango siya sa akin. "Nakita mo 'yong kainan na naroon? Sige kumain ka muna, pero kapag sinenyasan kita lumapit ka kaagad, kuha mo?"Kasing bilis ng kidlat ang ginawa niyang pagsang-ayon sa akin. Masaya siyang nagtungo sa isang fishball vendor. Ako nama'y nag-abang sa may kalakihang gate ng naturang paaralan.Sunod-sunod nang pag exit ng mga estudyanteng galing mismo sa loob. Ang ibang grupo, mayro'ng mag-isa lang at may nakasakay na sa sasakyan. Halos mapuno ng ingay ang kabuuan ng paligid sa dami ng tao.Nakasuksok ang aking kamay sa bulsa ng pantalon na aking suot. Nakatutok ako sa daanan dahil hindi maaaring makatakas sa paningin ko si Carley. Masasayang ang effort na inilaan ni Constantine.
After 100 years."So, paano ba 'yan? Mauna na muna kami? Kailangan ko ng humabol sa enrollment nitong si Letizia. Ikaw na muna ang bahala rito ha." Ginawaran ni Felicity ng halik sa pisngi ang kaibigang si Cindie. Pinakiusapan niya ang kaniyang kaibigan na siya na munang mamahala sa Apartment na pagmamay-ari niya. Kailangan niyang samahan ang anak sa bago nitong papasukang paaralan."Oo na, ako na ng bahala rito. Enjoy kayo ni baby girl, okay?" Pinisil pa ni Cindi nag matambok na pisngi ng kaniyang inaanak kay Felicity. "Ninang naman eh. Malaki na
Dumating ang dalawang bampira sa Council building. Sapilitan ang kanilang ginawang pagpasok sa pribadong lugar ng mga supernaturals. Pinatumba pa nila ang mga security na nagbabantay sa buong paligid. Handa si Darren sa magiging kaparusahan sa ginagawa niyang karahasan ngayon, ang tanging goal lamang niya ay ang tulungan at bumawi kay Felicity. 'Yon lang. Ilang nagbabantay ang naibalibag at napatulog niya sa bawat bigwas na kaniyang ginawa. Pasulyap niya na tinatapunan ng tingin si Felicity. Bago lang sa kaniya ang bagay na 'to, at kakailanganin pa nito ng gabay. Ngunit sa pinapakita niya ngayon ay mukhang hindi na niya kailangan ng gano'n. Katulad niya'y marami na rin itong napabagsak na mga nakaitim na tagapangalaga ng kapayapaan sa loob ng Council. Tuluyang lumabas ang pangil na pinipigilan ni Felicity, na-triggered lang ng may biglang sumakal sa kaniya. Ang guwardiyang 'yon ng naging kauna-unahang nilalang na nakagat niya. Kumapit ng mapulang dugo sa kaniyang ngipin at labi.
Hindi maramdaman ni Felicity ang paa niya na sumasayad sa lupa. Napakabilis ng pangyayari, bigla niya na lamang nadama ang pagbilis nang tibok ng kaniyang puso. Punong-puno siya ng adrenalin, matapos n matikman ang dugo ng kaniyang mga kaibigan ay para ba siyang nabuhayan. Tuluyan nang naintindihan ni Felicity kung ano ang mga kakatwang tunog na naririnig niya. Naging klarado ang mga bagay na 'yon sa babae. Sa kaunting panahon ay natutunan niya ang teleportation, bumilis din ang kilos niya, specifically, sa pagtakbo.Masarap sa pakiramdam ngunit nakakatakot dahil sa kabila nito'y hindi nito alam ang iba pang rules ng pagiging isang bampira. Lalo na ang tungkol sa pag-inom ng dugo, 'yon ang pangunahing pinagkukunan nila ng lakas. Ngayon ay inisip lang niya na pupunta siya sa T
Eight in the Evening."Master. Master." Niyugyog ng house elf nang paulit-ulit ang nakahandusay na si Felicity. Naikilos naman ni Felicity ang kaniyang kaniyang ulo pabaling bilang sagot sa house elf. Mayamaya ay binuhay na nito ang kaniyang amo patungo sa malambot na sofa. Pinaypayan at inabutan muli ng tubig. Naubos niya ang lamn niyon ngunit wala pa ring epekto. Nanghihina na ang kaniyang katawan, sa hindi niya malamang dahilan."Master. Narito na sila." Doon lang nagmulat ng kaniyang mata si Felicity, hirap ngunit pinilit pa rin niya. Eksaktong sa paglinaw ng kaniyang paningin ay ang pagdating ng mga kaibigan niya galing sa Tenement. Sina Victoria, Cin
Dinala ng apat na kalalakihan si Gabriel sa Council. Binitbit na lang nila basta-basta ang landowner ng Tenement Uno. May kumalat na balita patungkol sa pagkamatay ng pantas na si Dessalonia- at si Gabriel ang idinidiin nilang may gawa ng pagpasyal. Paghihiganti kuno ang motibo. Pagkapasok pa lang ay idineretso na nila si Gabriel sa silid ng pagpupulong. Naroon, nakaupo sa kani-kanilang mga silya ang mga deities na may iba't ibang katungkulan. Ang matandang si Lusarias, ang diyosa ng Klima't Panahon na nakaupo sa pinakadulong bahaging upuan.Si Andromeda, ang diyosa ng Kagandahan ay naroon din. &n
KINAUMAGAHAN ay nagpasya na kami ni Gabriel na umuwi na. Tiyak matutuwa si Fifi kapag nalaman niya na nakabalik na kaming dalawa. Pinahiram na lang kami ni Kira ng kotse para hindi na kami mahirapan pa sa pag-uwe. Pinadalhan niya pa kami ng mga pagkain at ilang souveniers daw sa pagtungo namin sa kaniyang resort. Tuwang-tuwa ako ro'n sa unan na may nakaprint na mukha ni Kira. Ano't gano'n ang souvenier niya? Hindi man lang print ng kaniyang resort, eh. Kumaway ako kay Kira nang nagsimulang paandarin ni Gabriel ang sasakyan. He also waved back to us, hanggang sa tuluyan kaming makaalis.
Hindi pa rin matapos-tapos ang pangungilit ko kay Gabriel hanggang sumapit ang gabi. Nagpaka-clingy ako sa kaniya. Inaya ko siyang sa silid ko matulog para makanood kami ng movies at kumain ng popcorn. Nasa kusina kami ngayon ni Gabriel habang siya ang kitchen master at ako ay nakaupo lang at nakatunganga sa kaniya. Binabantayan ko ang bawat kilos na ginagawa niya. Simula sa pagbukas ng gas stove hanggang sa paglalagay ng mga rekado sa lutuan. Ang sabi niya'y magluluto raw siya ng pasta, 'yong mas masarap daw sa iniluto ni Darren. Medyo natawa ako sa sinabi niyang 'yon. Nabanggit pa talaga niya si Darren? "Masarap ba talaga 'yan?" tanong ko sa kaniya ng ilagay na niya ang cream sa pan.
Masaya lang ako buong maghapon na kasama si Gabriel. Ngayon araw ay nagkaroon na kami ng pagkakaunawaan, ngayon kung kailan huli na. Kumain kami, naglakad-lakad at nagpabalik-balik sa pag-swimming. Pinahiram kami ng kaibigan niyang si Kira ng speedboat. Nakakatakot dahil first time kong makasakay do'n pero dahil kasama ko naman si Gabriel ay walang naging problema. Actually, naging masayang masaya lang kami. Magkahawak ang kamay, magkayakap at nahahalikan ko siya, bilang siya. Ilang beses kong tinititigan si Gabriel kapag may pagkakataon, kitang-kita ko rin sa kaniya ang kaligayahang na nabubuo sa kaniyang mga mata.
Chapter 132"Good morning." Nakangiti at masaya kong bati kay Gabriel nang magising siya. Kanina pa ako nakatitig sa kaniya. Hindi na ako nagulat na narito siya sa tabi ko, walang suot na kahit ano at tanging ang puting kumot lang ang nagtatakip sa kaniyang katawan--ah hindi! Sa aming dalawa pala. Nakapatong ang baba ko sa palad ko, kung saan nakatukod naman ang siko ko sa higaan. Iginalaw niya ang kamay at ipinatong sa aking ulo. He becane to caress my hair. "I hope you have a good sleep," sabi ko.