Share

Chapter 80

Chapter 80

Puting kisame sa harapan ko. 

Isang sofa chair sa kaliwa.

Drawers at isang pintuan sa kanan.

'Yon ang mga bagay na napagmulatan ng mga mata ko. Tila bago ang mga detalye na iyon sa paningin ko. Muling idineretso ko ang aking mga mata sa unahan, puting kisame talaga. 

Ilang beses kong iminulat at isinara ang pares na mata ko. Para kasing may nakabara na kung ano ro'n, nanlalabo ang aking paningin. Kinapa ko ang parteng iyon kaya nalaman ko'ng mamamasa-masa pala ang aking mata. 

Umiyak ako?

Inilinga ko ang paningin sa aking sarili, suot ko pa rin ang magandang gown na kulay pink. Inibaba ko ang aking mga paa sa papag at binalak na lumabas na nang biglang nanikip ang aking dibdib. Napasapo ako ro'n, kasabay nang masakit na pakiramdam ay ang pagpasok ang iba't-ibang senaryo sa utak ko.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status