Alas onse na ng umaga nang ako'y magising.9 o'clock ang first subject ko. Pero heto ako, nakatulala sa kawalan. Sa buong pag-aaral ko, ngayon lang ako umabsent ng dalawang sunod na araw pa. And worst, wala akong malubhang sakit. Kahit may fever ako, hindi ako uma-absent. Ngayon pa lang. Ah, mali pala. May sakit ako. Masakit ang puso. Counted ba 'yon?Pangalawang araw na mula nang mawala siya sa buhay ko. Ganoon pa rin ang pakiramdam. Parang kagabi lang nangyari ang lahat. Parang yung pagpa-flash back ng mga pangyayari ay kanina lang naganap. Parang isang palabas sa telebisyon na paulit ulit ulit na ipinapalabas.Tiningnan ko ang phone ko. Kadalasan, pagkagising ko ay mga messages na mula sa kanya.Nasanay na akong tawag niya ang gumigising sa akin sa umaga. Lalo na kapag maaga ang pasok ko... kagaya ngayon, maaga ang pasok ko. Pero...Wala siyang text o tawa
Last Updated : 2021-11-05 Read more