Alas onse na ng umaga nang ako'y magising.
9 o'clock ang first subject ko. Pero heto ako, nakatulala sa kawalan.
Sa buong pag-aaral ko, ngayon lang ako umabsent ng dalawang sunod na araw pa. And worst, wala akong malubhang sakit. Kahit may fever ako, hindi ako uma-absent.
Ngayon pa lang.
Ah, mali pala.
May sakit ako.
Masakit ang puso. Counted ba 'yon?
Pangalawang araw na mula nang mawala siya sa buhay ko. Ganoon pa rin ang pakiramdam. Parang kagabi lang nangyari ang lahat. Parang yung pagpa-flash back ng mga pangyayari ay kanina lang naganap. Parang isang palabas sa telebisyon na paulit ulit ulit na ipinapalabas.
Tiningnan ko ang phone ko.
Kadalasan, pagkagising ko ay mga messages na mula sa kanya.
Nasanay na akong tawag niya ang gumigising sa akin sa umaga.
Lalo na kapag maaga ang pasok ko... kagaya ngayon, maaga ang pasok ko. Pero...
Wala siyang text o tawag.
Aasa pa ba 'ko?
Wala nang kami.
Wala na.
Bumangon na ako at niligpit ang aking kama. Hinila ko si Teddy mula sa pagkakahiga nito sa tabi ko. Niyakap ko siya na para bang maaalis nito ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Inilagay ko siya sa may sofa sa kaliwang bahagi ng aking kwarto malapit sa pintuan. Nakita ko sa sofa ang ginawa kong card para kay Grant. Monthsary nga pala namin bukas. Ito dapat ang ibibigay ko sa kaniya kasama ang relo na nasa paper bag na kulay pula. Nasa gilid ito ng sofa.
Sinilip ko ang paper bag at inalala ko pa ang araw na binili ko ito.
"Maddy, ito na lang oh! Ang ganda nito!" turo ni Macy sa wrist watch na kulay gold.
"Hayaan mo si Maddy ang pumili para kay Grant!" saway naman ni Shane dito.
"Echusera kasi itong si Mace! Magtingin ka na lang din para sa jowa mo!" singit din ni Trixie na nagtitingin rin sa kabilang estante.
Nakatingin ako sa isa silver na wrist watch sa dulo ng estante. Tag Heuer na Sports Watch ito at sadyang napakaganda ng detalye ng relo. May tachymetre ito sa gilid at may tatlong pihitan sa kanan.
Mukhang magugustuhan niya ito kapag nakita niya.
"Siya nga pala Maddy, hindi ba ay nag-order ka online ng gift para kay Grant?" pagkuway tanong ni Trixie.
"Hindi ko itinuloy dahil malalaman nila Daddy na ginamit ko 'yong savings ko para bumili ng regalo para kay Grant."
"Akala ko ba ay okay na sila?"
"Okay naman na sila, ayaw ko lang na malaman nila na gumastos ako para lang sa monthsary namin."
Pero heto ako, bumibili pa rin naman. Pero gamit na ang allowance na binibigay nila Kuya. Inipon ko ito ng ilang buwan para lang makabili ng ipangreregalo ko sa kanya.
Nakita namin last week ang relo na ito sa department store. Kaya naman binalikan ko ito kinabukasan noong nakita namin para maibigay ko sa kanya sa monthsary namin.
"Paano na itong mga ginawa ko? Hindi man lang umabot sa pagbibigyan." nanlulumo na sambit ko kahit wala akong kausap.
Napasalampak na lang ako sa sahig.
Sayang lang ang lahat ng ito.
Dinampot ko ang card na ginawa ko. Simpleng card lang naman ang ginawa ko. Folded sa limang bahagi ang card na halos kasing laki ng kalahati ng isang long bond paper. May mga pictures naming nakadikit at may message ako para sa kaniya. Pinagpuyatan at pinaghirapan ko rin ito ng ilang gabi.
Hindi na niya ito mababasa pa.
Hindi ko na maibibigay pa.Lumingon ako sa gawi ng trash can. Gusto ko na itong itapon, pero hindi ko magawa..Inilagay ko na lang ito sa loob ng paper bag na pinaglalagyan ng wrist watch na regalo ko para sa kaniya.
Tumayo na ako mula sa pagkakasalampak sa sahig at nagpasiya nang lumabas ng kwarto.
Nag-iisip na naman ako kung papasok ba ako sa second subject ko.
Marami na akong na-missed sa klase. Pati sa Student Council, may meeting pa naman kami ngayong araw.
Ang hirap magdesisyon kapag nakataya ang damdamin ko.
Masyado akong mababaw.
Iyakin.
Baka kapag nakita ko siya ay bigla na lang akong umiyak.
Mahirap kontrolin ang damdamin ko.
Nagtungo ako sa kusina. Nakahanda na ang pagkain sa mesa. Sa dalawa kong kuya, si Kuya Maze talaga ang pinaka-close ko. Ako ang baby niya.
Every morning, nakaready na ang breakfast na siya ang nagluto. Masarap siya magluto. Nagtake kasi siyang culinary arts para sa hotel namin. Kaya nahasa talaga ang talent niya sa pagluluto. Siya ang Managing Director slash Head Chef sa resto kapag nakakalusot siya kay Daddy. Para hindi masayang ang kaniyang talent sa pagluluto ay ipinagluluto na lang niya ako.
Si Kuya Malt naman ang Executive Vice President ng company namin. Medyo seryosong tao yun. Hindi pala medyo seryoso, sobrang seryoso nitong tao. Close din naman kami, kaya nga lang ay mas malayo na din kasi 'yong gap ng edad namin kaya parang hindi siya nakakasabay sa mga gusto ko. 10 years ang age difference naming dalawa. Hindi tulad ni Kuya Maze, 3 years lang ang tanda niya sa akin. Nagpang-abot kami sa aming junior at senior high school years sa school. Even sa college, kaya madalas talaga na si Kuya Maze ang nakakasundo ko at tagapagtanggol ko sa lahat.
Kumain na ako ng inihanda ni Kuya. Baka madatnan pa niya ulit e makotongan pa ko no'n!
At isa pa, baka makarating pa kela Mommy at Daddy ang pinagdadaanan ko ngayon. Mas mahirap kapag nangyari 'yon!
Nang matapos ako ay inilagay ko na lang muna sa sink ang hugasin. Mamaya na ako maghuhugas kapag nakapaglunch na 'ko para isahan na lang.
Naglakad lakad ako...
Pabalik balik lang ako sa paglalakad, sa sala sa kusina, sa may pintuan. Pinapababa ko ang kinain ko."Ang cellphone ko!" kinapa ko ang aking bulsa. Wala. Naiwan ko sa kwarto.
Kukuhanin ko sana kaso, wala naman nga palang magtetext sa akin.
Hinayaan ko nalang kung nasaan man ito.Pagkatapos ng ilang minuto, nahiga ako sa sofa. In-on ko na lang ang TV para makapaghanap ng palabas sa Netflix. Ngunit nakailang browse na ako sa mga movies at series dito ay wala pa rin talaga akong nahanap na magandang panoorin. Baka ako lang talaga ang problema, marami namang mapapanood pero hindi maayos ang isip ko kaya wala akong mapili?
---------
Tunog ng doorbell ang gumising sa akin.
Napatingin ako sa orasan. 5:45 p.m na ng hapon. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nakabukas pa rin ang TV, wala nang nagpi-play na palabas. Ang natatandaan ko ay nakapili rin naman ako ng movie, pero hindi ko matandaan kung ano ang nangyari sa buong palabas.Nang tumunog muli ang doorbell ay saka ko lang ito naalala na may nagdoorbell nga pala. Tumayo na ako para pagbuksan ang kung sinoman ang nasa likod nito. For sure hindi si Kuya, dahil may susi naman siya.
Sino naman kaya ito?
Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa naisip.
Kinakabahan pa ako sa naiisip ko at the same time ay parang natuwa.
"Sabi ko na nga ba ay hindi mo ako matitiis-"
Napaawang ang aking bibig sa nakita.
Sila Trixie. Anong ginagawa nila rito?
Napatingin sila sa akin na tila nagtaka sa sinabi ko.
"OMG! Maddy! What happen to you?" Niyakap ako nito at bumeso.
Ganoon din ang ginawa ni Shane at Macy.
"Bakit namumugto ang mga mata mo?" Tanong ni Macy.
Tuluyan na silang pumasok. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sarili ko na inisip kong makakaalala ang ex-boyfriend ko na puntahan ako! Ang tanga mo masyado, Madison!
Nag-uumpisa na namang tumulo ang mga luha ko. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang pagbuhos nito.
"We were so worried about you, Mads.." sabi ni Shane.
"I'm okay. Grabe kayo! Hindi niyo naman kailangang sumugod pa dito." sambit ko, pero sobrang na-touched ako sa kanila. Sobrang sweet talaga ng mga friends ko.
"Hindi mo kasi sinasagot ang mga texts at tawag namin mula pa kaninang umaga!" Reklamo ni Trixie."Actually, mula pa kahapon! Kakaloka ka!" may mahinang paghampas pa ito sa hita ko.
Saka ko lang din naalala ang cellphone ko. Nasaan na nga ba ito?
"So, ayon na nga," singit ni Macy. "Tinawagan namin si Kuya Maze kanina...'
"Close kayo?" tanong ni Shane na tila nang-aasar.
"Oo girl! Huwag kang ano diyan!" nagtawanan ang mga ito." So ayon nga, he told us that you need some company right now." Sabi ni Macy.
"Ano bang company ang need mo?" sabi ni Trixie.
Mga siraulo rin talaga itong mga kaibigan ko. Natawa ako nang bahagya. Sila naman ay sobrang saya. As usual, the full of energy, Shane, Trixie and Macy. My every concerned best friends.
"What did he tell you?" nag-aalalangan kong usisa sa mga ito. Baka ikinuwento na nang madaldal kong kapatid!
"He didn't say anything about your problem." sagot ni Trixie.
"Puntahan ka lang daw namin. Tapos 'yon na nga, we've been calling you all day, Maddy pero hindi ka sumasagot!" Paliwanag ni Macy.
"Oh. okay. I'm sorry." napakamot na lang ako sa ulo. Again, my cellphone. Where is it really? "Naiwan ko yata sa room ko 'yong celphone ko."
"Anong nangyari ba, Mads?" tanong ni Trixie. Napalingon na lang ako dito na naghihintay ng sagot mula sa akin.
"Hindi rin kasi sumasagot sa amin si Grant kapag tinatanong ka namin siya. Nag-away ba kayo?" pag-uusisa ni Shane.
So, pumasok siya.
Umiling iling lang ako bilang tugon sa mga tanong nila.
Nagbabadya na naman ang mga luha mula sa aking mga mata. This time, hindi ko na alam kung mapipigil ko pa.
"May kalokohan na naman ba siyang ginawa?" tanong ni Trixie, tila tinatantiya pa nito ang pagtatanong.
"Wala naman."
"Anong problema?" Si Trixie.
Tiningnan ko silang tao na sobrang eager malaman ang problema ko. Nagpapasalamat na lang talaga ako na mayroon akong mga kaibigan na handang makinig sa akin sa tuwing may problema ako. Hindi pa man ako nag-uumpisang magkwento ay nag-uunahan na ang mga luha palabas ng mga mata ko..
"We're just here, Maddy alam mo 'yan. You can tell your problems to us." Sabi ni Shane.
Hinawakan nito ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para bigkasin ang mga salitang panimula.
"We're over..."
Niyakap nila akong tatlo na mas lalong nagpabuhos sa mga luha ko. Hindi lang yata iyak, hagulgol ang nangyari.
'Yong ilang araw kong pagpipigil sa sarili ko na umiyak ng todo, ay hindi ko na talaga napigilan ngayon sa harap ng mga kaibigan ko.Sa harap ng mga matatalik kong kaibigan. Sila talaga ang masasabi kong tunay kong kaibigan. Since grade school best of friends na talaga kaming apat. Higit pa sa magkakaibigan, halos magkakapatid na rin. Nahanap ko ang mga kapatid ko sa ibang mga nanay.
"Thank you" sambit ko. Gumaan ang loob ko. Nabawasan ang bigat.
Nagsimula na akong magkwento sa kanila kung anong nangyari.
They are all furious!
"Kapag nakita ko talaga si Grant sa school bukas ay titirisin ko talaga siya na parang garapata! Bwisit siya!" Nanggigigil na turan ni Trixie.
"Hayaan na lang natin siya siguro sa desisyon niya."
"Hindi pwede na ganon na lang!" kontra nito. Gigil na gigil talaga ito.
"Kaya pala may nakita akong pangit na babaeng kasama niya noong isang araw!" singit ni Macy na ikinalingon naming lahat.
"Kailan?" tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit parang may kumurot pa ring sakit sa dibdib ko sa pagkakataong ito.
"Sunday yata 'yon! Hindi kasi ako sure kung siya ba 'yong nakita ko talaga. Pero hawig na hawig niya kasi."
"Baka hindi naman siya iyon, Mace. Baka namamalikmata ka lang." pagdududa ni Shane.
"Ewan ko, siya talaga 'yon sa tingin ko e."
"Bakit ngayon mo lang 'yang sinabi?" naiiritang sambit ni Trixie.
"Pero hindi ko naman inisipan ng masama dahil naglalakad lang naman sila. Hindi sila magka-akbay. Hindi rin naman magkaholding hands or something kaya talagang pinalipas ko na lang."
"Hay naku, Mads! Huwag lang talagang magpapakita 'yang ex boyfriend mo sa akin, makakalbo ko talaga 'yan!" galit na galit na sambit ni Trixie.
She never trusts Grant ever since gumawa ito ng kalokohan before. Kaya ganoon na lang ang galit nito ngayon.
"Kalma ka na! Okay na ako." pag-awat ko dito. "Salamat sa inyo. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa inyo. Kung hindi kayo pumunta ay baka nagmumukmok na naman ako."
"No worries, Maddy! Basta ikaw! Alam mo naman na mahal na mahal ka namin." Sabi ni Shane. Niyakap nila ako ulit.
Sakto namang dating ni Kuya.
"Sa kanila nagkwento ka na pero sa akin hindi mo pa kinukwento!" tila ito bata sa pagrereklamo nito
Natatawa naman ang mga kaibigan ko.
"Hayaan mo Kuya Maze, kami na lang ang magkukwento sa'yo!" natatawang sagot ni Shane dito.
Sabay sabay na kaming nagdinner sa bahay ngayong gabi, with matching kwento na naman ulit kung paano ba kami naghiwalay ni Grant.
Naging masaya rin naman ako kahit papaano dahil sa suporta ng mga kaibigan ko at kapatid.
Alas onse na ng umaga nang ako'y magising.9 o'clock ang first subject ko. Pero heto ako, nakatulala sa kawalan.Sa buong pag-aaral ko, ngayon lang ako umabsent ng dalawang sunod na araw pa. And worst, wala akong malubhang sakit. Kahit may fever ako, hindi ako uma-absent.Ngayon pa lang.Ah, mali pala.May sakit ako.Masakit ang puso. Counted ba 'yon?Pangalawang araw na mula nang mawala siya sa buhay ko. Ganoon pa rin ang pakiramdam. Parang kagabi lang nangyari ang lahat. Parang yung pagpa-flash back ng mga pangyayari ay kanina lang naganap. Parang isang palabas sa telebisyon na paulit ulit ulit na ipinapalabas.Tiningnan ko ang phone ko.Kadalasan, pagkagising ko ay mga messages na mula sa kanya.Nasanay na akong tawag niya ang gumigising sa akin sa umaga.Lalo na kapag maaga ang pasok ko... kagaya ngayon, maaga ang pasok ko. Pero...Wala siyang text o tawa
June 16, 20169 o'clock in the morning...Monthsary sana namin ngayon.Tinitignan ko ang paperbag sa may gilid ng sofa habang ako'y nakaupo at nakasandal kay Teddy.Kagigising ko lang.Nagising ako sa alarm ng celphone ko na nagpapaalala kung ano ba ang okasyong mayroon ngayon.06/16/16Happy 86th Monthsary babe! I love you! <3Siya pa nga ang naglagay niyan sa celphone ko. Ganoon din sa celphone niya.I'm wondering what he's thinking right now.
Walang lingod likod akong pumara ng taxi sa harapan ng building. Hindi ko na tiningnan pa kung sumunod ba siya sa akin at nagtangka pang habulin ako. Wala na akong pakialam.Ang gusto ko lang ay makalayo kaagad sa building na iyon. Isinusumpa ko na hindi na ako babalik sa lugar na iyon kahit anong mangyari.Pinagsisisihan ko na rin na sinunod ko pa ang kagustuhan ng puso ko.Akala ko kasi, pareho kaming dalawa nang pinagdadaanan sa ngayon.Walang patid ang mga luha ko sa pagbuhos. Parang hindi nauubos."Kuya, sa bus terminal po tayo papuntang Tagaytay." turan ko sa driver ng taxi.Hindi naman ito umimik, p
Nagising ako ng may naghawi sa aking buhok na nakasabog sa aking mukha. Paglingon ko ay si Kuya Maze.Wala na yatang alam gawin ang mata ko kundi ang lumuha. Umiiyak na naman ako."What happened, Princess? Grant again?" Konklusyon nito. "You're always crying over that guy these past few days."Umupo ako at sumandalsa headboard. Huminga ng malalim. Hindi ako makaisip ng tamang paraan kung paano uumpisahan ang lahat."Tell me, anong nangyari?""Promise me you won' tell to anyone... Don't mention it to Mom or Dad or even Kuya Malt and the others.""Promise, I won't. Just tell me what's wrong."
Nagising ako ng may naghawi sa aking buhok na nakasabog sa aking mukha. Paglingon ko ay si Kuya Maze. Wala na yatang alam gawin ang mata ko kundi ang lumuha. Umiiyak na naman ako. "What happened, Princess? Grant again?" Konklusyon nito. "You're always crying over that guy these past few days." Umupo ako at sumandalsa headboard. Huminga ng malalim. Hindi ako makaisip ng tamang paraan kung paano uumpisahan ang lahat. "Tell me, anong nangyari?" "Promise me you won' tell to anyone... Don't mention it to Mom or Dad or even Kuya Malt and the others." "Promise, I won't.Just tell me what's wrong." Huminga ako ng malalim. Tumingin sa mga mata ng kapatid ko. Sa kanilang dalawang kuya ko, siya talaga ang pinaka-close ko. Siya ang madalas kong kakampi sa lahat ng bagay. Si kuya Maze lang din ang nakakaalam ng lahat ng nangyayari sa'kin sa school, sa amin ni Grant at sa kung anu-ano pa. Wala a
"Uy, girl! Anong klaseng mukha 'yan?" siniko ako nitong si Trixie. "Bakit nakabusangot ka? Ang aga aga pa." litanya nitong kaibigan ko sa akin."Anong gagawin ko sa Feasib ko?" naiiyak kong tanong."Hala, girl! Hanggang ngayon, problema mo pa rin 'yan? Iba na 'yan, girl. Walang pagmove on d'yan ah.""Ilang araw mo nang problema 'yan Maddy. Kausapin mo na lang siya ng diretso." kampanteng sagot ni Macy sa akin. Palibhasa kasi, magkapartner sila ni Trixie."Buti kayo, ma
"Uy, girl! Anong klaseng mukha 'yan?" siniko ako nitong si Trixie. "Bakit nakabusangot ka? Ang aga aga pa." litanya nitong kaibigan ko sa akin."Anong gagawin ko sa Feasib ko?" naiiyak kong tanong."Hala, girl! Hanggang ngayon, problema mo pa rin 'yan? Iba na 'yan, girl. Walang pagmove on d'yan ah.""Ilang araw mo nang problema 'yan Maddy. Kausapin mo na lang siya ng diretso." kampanteng sagot ni Macy sa akin. Palibhasa kasi, magkapartner sila ni Trixie."Buti kayo, magka-partner kayo e. Tapos si Shane, nakausap na niya 'yong ka-partner niya. 'Yong partner ko, ni hindi ko nga alam kung alam ba niyang may ganitong project tayo!" nakasimangot pa rin ako.Imbis na maawa sa akin ay nagsitawanan pa sila. Tinawanan na naman ako nitong mga kaibigan ko sa mga pinagsasasabi ko."Ang judger mo ah!
"Gav!" tinawag ni Tristan si Gavin nang makita niya itong lumabas galing sa back stage.Katatapos lang ng first set nila.Si Tristan, Reed, Evan at Arkin ay dumiretso sa table namin pagkatapos na pagkatapos ng huling kanta maliban kay Gavin.Huminto ito at nanatili lang sa kinatatayuan na tila nag-aabang ng iba pang sasabihin ni Tristan."Join us here."Bakas ang pagkabagot sa itsura nito. Mukhang ayaw niya kaming kaharap. Tumitig ito ng ilang segundo kay Tristan bago kumilos. Nagpalipat-lipat ang tingin sa aming lahat. Wala yata ito sa mood pero lumapit pa rin naman."Gav, remember them?" tanong ni Trista
"Please stay..."I'm stunned by his words.My heart beats so loud. Hindi ko alam bakit ako sobrang kinabahan sa paghawak niya sa aking kamay.Muli itong pumikit ngunit hindi pa rin ako binibitawan.I found myself sitting on the floor in front of him holding my left hand.Hinawakan ko ang leeg nito upang i-check kung mataas pa ba ang kaniyang lagnat.Walang nagbago.Sobrang init pa rin nito.Mukhang hindi pa rin umeepekto ang gamot na pinainom ko.Inayos ko ang pagkakakumot niya gamit ang kab
SATURDAY10:30 A.MMagkikita kami ni Gavin today para sa project namin. Ngayon na kasi ang survey.I have here with me our sample product para sa tasting. Hinihintay ko na lang siyang dumating para makapag start na kami. Nasa kanya rin kasi ang mga survey questionnaires namin dahil siya ang nag-print.Actually, medyo nag aalala na nga ako.Mga 30 minutes na kasi ang lumilipas pero wala pa akong nakikitang Gavin dito.Baka na-late nang gising?Hindi rin ito sumasagot sa calls.I started panicking.
"Meadows..." he repeated what I said.That's the name of the condo I am staying with my brothers. Nasa kotse niya na kami.This is the second time I actually ride in his car."Gavin, nakakaabala na ko sa'yo." sabi ko rito."It's okay. Your place is not too far from where I live." he said."Where?""OPR Residence." tipid rin nitong sagot habang nagmamaneho.Magkalapit nga lang ang condo namin. Ang pagitan lang ay ang freedom park sa harapan ng condo, then OPR Residence na.Napatingin ito sa wrist
"Bakit mukhang masaya si Gavin kanina, Maddy?" pabulong na tanong ni Trixie sa akin habang kumakain kami ng lunch sa labas ng cafeteria."Ah, nagbibiruan kasi kami kanina. Bakit?" maikli kong tugon sa pagitan ng pagsubo ng kinakain kong lasagna."Nakakapanibago lang kasi." sagot nito. "Tignan mo oh! Hindi siya mukhang suplado ngayon. Hagikgik nito."Iba ang aura niya today, Maddy." dagdag pa ni Macy.Nagbubulungan lang kami sa pinag-uusapan namin dahil magkakasama kaming lahat sa pinagdikit na table.Kasama namin si Gavin, nasa kabilang table siya ng pinagdikit na square table.Nawala ang atensyon ko sa mga kaibigan ko dahil sa tawanan ng mga kasama namin.
"Bakit hindi ka na lang magpalit ng number, Miss President?" tanong ni Reed.Nakita niya kasi na may tumatawag na namang unregistered number sa cellphone ko."Ah. Hinihintay ko na lang 'yong sim card na ipadala sa akin. 'Yong assistant kasi ni Kuya ang nag-asikaso.""Nice!" sambit nito. "Hindi mo na kailangang pumila sa service provider para magpalit ng postpaid line mo." natawa ito."Kung magpapalit ka rin ng number, sabihin mo sa akin para ipapalakad ko rin sa assistant ni Kuya." alok ko rito."Hala! Huwag na, Miss! Baka pagalitan pa ko ng Kuya mo." napakamot ito sa ulo. "Iba talaga kapag bigatin.""Uy!
After going home that night, I cried.May iluluha pa rin pala ako.Dumiretso na lang ako sa kwarto at hindi na sumabay magdinner sa dalawang kapatid ko."Madison Kaylee, kumain ka na." sigaw ni Kuya Malt sa labas ng kwarto ko.I didn't answer. Patuloy lang ako sa pag-iyak.Hindi ko kasi alam ang gagawin ko sa mga susunod na araw. Paano kapag sundan niya ako ng sundan?Natatakot ako na baka sumulpot na lang ito bigla sa school at gumawa na naman ng eksena.Natatakot ako na maulit 'yong nangyari dati na maging usap-usapan na naman ako sa campus ng dahil sa aming dalawa."Princess, open the door. Please." Kuya Maze's pleading.Ngunit hindi ko ito pinagbubuksan. Nanatili lang akong
"Mads..." isang pamilyar na boses ang narinig ko sa kabila ng kanta.Pumikit ako.Hindi ako kaagad lumingon sa pinanggalingan ng tinig.Baka nagha-hallucinate lang ako.Imposible."Baby..."Naramdaman kong tumayo ang tatlo kong kaibigan na nasa magkabilang gilid ko."Ano pang ginagawa mo dito?" asik ni Trixie.Mahina iyon pero halata mo sa boses niya ang pagkainis.Pagdilat ko ay nakaharang sa harapan ko ang mga kaibigan ko. Sa pagitan ng mg
MADISON'S POV"Kumusta naman kayo ni Gavin kanina sa car niya?" tanong ni Trixie na kinikilig pa!Nasa rest room kaming apat sa The Lab."Okay naman kami." tipid kong sagot."Okay lang kami? 'Yon lang ang masasagot mo sa amin? Grabe, Madison! Magkwento ka naman ng update sa lovelife mo!" palatak nitong kaibigan ko.Nakita lang na isinabay ako ni Gavin, parang may something na kaagad sa amin ang dating.As if naman na may something going on between us that will lead into something romantic."Anong lovelife? Wala nga akong lovelife, hindi ba?" walang mu
"Gavin.." Someone's calling my name. Am I dreaming? Antok pa ako. It was a female voice? I think I heard that voice before. "Gavin?" tawag ulit ng tinig sa pangalan ko at naramdaman ko rin ang paghawak nito sa aking balikat. I'm not dreaming. Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo at unti-unting nagmulat ng mga mata. Nakakasilaw ang liwanag. Si Madison at ang kaniyang ngiti ang bumungad sa akin. "Sorry, ginising kita.." Hindi ako sumagot. Bagkus ay nag-umpisa akong kumilos at umusod ng bahagya para magkaroon siya ng space sa tabi ko. She occupied the space and apologized again.