“MABUTI naman at umuwi ka, ilang araw na kitang hindi nakikita dito sa bahay?” iyon ang naging pagbungad kay Joaquin ng kaniyang ama sa kanya.“Papa!” ang masaya niyang bati sa amang nakita at inabutan niyang nasa sala at abala sa pagbabasa ng libro. “I’m sorry, masyado akong busy sa trabaho kaya mas pinipili kong sa condo nalang manuluyan muna since mas malapit iyon sa opisina,” aniyang hinalikan sa noo ang ama pagkatapos.Isang nanunuring titig ang ipinukol sa kanya ni Joaquin Sr., kaya naman mabilis siyang nakaramdam ng amusement para rito. “Bakit naman ganyan kayo kung makatitig sa akin, Papa?” tanong niyang humimig pa na kunwari ay nagtatampo.“Nagsisinungaling ka. Sino na naman ang babaeng dinadala mo sa condo mo?” anito sa kanya sa tono na tila ba siguradong-sigurado.Mabilis na nag-react si Joaquin sa maling paratang na iyon sa kanya ng kanyang ama.“Papa, kahit kailan hindi ako nagdala ng babae sa condo ko,” aniyang na siya naman talagang totoo.Maliban kay Lara, kahit minsa
Last Updated : 2022-05-17 Read more