Kabanata 1Fire Kalat na ang dilim ng magpasyang itigil ang pangangalakal sa gabundok na basura. I wiped the sweat on my forehead. Tagaktak na ito at nangangamoy pawis na. Inilibot ko ang paningin, kasama ko ang kapatid sa pangangalakal. At dahil gabundok ang basura, sumusuko na ang ilan sa pagkalkal ng makakalakal, ngunit mas lamang ang pursigidong makarami para maibenta. Nasa dulong bahagi ang bunsong kapatid, sumigaw man ako'y hindi ako madidinig. Nagkibit ako ng balikat. Sa bahay na lang kami magkikita, kapag ganitong abala ay isinasantabi muna ang pakikipag-usap dahil uunahin muna ang kikitain sa pangangalakal. Sinulyapan ko ang dalawang sako nang basura sa aking tabi. Maya't-maya ang dapo ng langaw dito, at dahil sanay na, hinahayaan ko na lamang ang pagdapo nito sa bibitbiting sako. Marami-rami na rin ang nakuha ko at medyo may kabigatan na rin ito."Tiba-tiba na yan a, puwede nang ibenta kay Mang Gustin, huwag kang
최신 업데이트 : 2021-10-09 더 보기