Fire
Kalat na ang dilim ng magpasyang itigil ang pangangalakal sa gabundok na b****a. I wiped the sweat on my forehead. Tagaktak na ito at nangangamoy pawis na. Inilibot ko ang paningin, kasama ko ang kapatid sa pangangalakal. At dahil gabundok ang b****a, sumusuko na ang ilan sa pagkalkal ng makakalakal, ngunit mas lamang ang pursigidong makarami para maibenta. Nasa dulong bahagi ang bunsong kapatid, sumigaw man ako'y hindi ako madidinig. Nagkibit ako ng balikat. Sa bahay na lang kami magkikita, kapag ganitong abala ay isinasantabi muna ang pakikipag-usap dahil uunahin muna ang kikitain sa pangangalakal.Sinulyapan ko ang dalawang sako nang b****a sa aking tabi. Maya't-maya ang dapo ng langaw dito, at dahil sanay na, hinahayaan ko na lamang ang pagdapo nito sa bibitbiting sako. Marami-rami na rin ang nakuha ko at medyo may kabigatan na rin ito.
"Tiba-tiba na yan a, puwede nang ibenta kay Mang Gustin, huwag kang magpapauto sa matandang yun a.. napakagahaman pa naman nung matandang hukluban na 'yun." Umismid si Gabby.
She's one of my closest in our group. Kung umasta'y lalaking-lalaki but we're both the same gender, pusong lalaki lang.
Umiling ako. Alam ko naman iyon, pero kasi kung minsan, dala ng matinding pangangailangan nagpapakumbaba na lang kahit hayagan ang pang-uuto ng matanda..
"Siguraduhin mo yan ha?" Siniko niya ako. Sa lakas ng pagkakasiko napa-angat ako ng tingin. Nginitian ko siya.
"Pasabay na lang kay Caloy.. "
Sabay sulyap sa bunsong kapatid. Abala pa rin ito sa paghahanap ng matinong ibebenta na b****a. Lumingon naman ito sa kinaroroonan ko kaya mabilis kong kinawayan ito. He's my youngest brother, minsan nangangarap akong pag-aralin siya.. iyong matinong eskwelahan ang pagdadalhan sa kanya, iyong naaayon sa gusto niya.
Kumaway siya pabalik. Malaki ang pangarap ko para sa kapatid ko.. tsaka na muna ang para sa akin.. ia-ahon ko ang pamilya ko sa lugar na ito at maghahanap ng panibagong lugar na pagdadalhan sa kanila.. lugar na babago sa buhay naming mag-anak.. lugar kung saan ipagpapatuloy ang mga naudlot na pangarap para sa amin ni Tatang...
"Sige ako na ang bahala kay Caloy. Isasabay ko na at baka mapagtripan pa sa daan.." Ngumisi siya.
Sisiga-siga din minsan itong si Gab kaya naman malaki ang pasasalamat ko at naging kaibigan ko siya. Maaasahan din kasi ito at marami pang kakilala. Iyong iba tunay na lalaki pa.. may ilan namang katulad niyang kilos lalaki..
"Ingat ka sa matandang yun a, mamaya manyakin ka pa.."
"Gab.." Palatak ko.
"Manyakis din iyon Cia, kaya mag-iingat ka. Kapag kinanti ka naku.." Iniangat niya sa ere ang kuyom na kamao, at dahil namumulot ng b****a marungis din ang kamao nito.
"Papatulan ko talaga ang matandang iyon. Subukan lang niyang hawakan isa sa mga daliri mo.."
Pinalo ko ang kanyang kamao, sa lakas naibaba niya ito.
"Maghahanap ako ng kasabay at hindi pupuntang mag-isa doon." Angil ko.
"Mas mabuti kung ganoon ang plano mo, ikaw pa naman ang diwata sa grupo.. mahihirapan na kaming maghanap ng kasing ganda mo.." Umirap ako ngumisi naman ito.
"Sa amo ng mukha mo, bihisan lang ng maganda magmumukha ng reyna. Para kang anghel na naligaw sa lugar na 'to. Kung hindi lang talaga kita lubusang kilala iisipin kong isa kang sikat na artista. Maganda na, makinis pa. Kahit balot ka ng makapal na alikabok ngayon nangingibabaw pa rin ang kagandahan mo Cia.."
Nahampas ko na siya.. Parati na lang dumidiga e, alam naman niyang hinding-hindi ako magpapauto sa kanya. Maraming beses ko na siyang binasted kasama na ang ilan sa mga ka-grupo niya. Walang epekto sa akin ang lahat ng pagtulong at sakripisyo nila.
"Kung sinasagot mo na sana ako-"
Wala akong planong bigyan ng pansin sinuman sa kanila.. Ang plano ko aalis ako sa lugar na ito. Isasama ko si Inay at si Caloy. Ipagpapatuloy ko ang pangarap ni Tatang. Ako ang tutupad sa pangako niya kay Nanang.
Bata pa lang, namulat na sa kahirapan. Si Tatang ang naging gabay noong nabubuhay pa siya. Tinuruan niya ako ng pangangalakal ng b****a. Minsan, kasama namin si Nanang sa pamumulot ng b****a. Noong maliit pa, nasisiyahan pa ako kasi buong akala ko isang laro lang ito.. ngunit ng magkaisip at namulat na ng husto, hindi na nagustuhan ang kinalakhan ko.
Lilisanin na dapat namin ang lugar na ito ang kaso may hindi inaasahang naganap. Isang araw umuwing nagagalak si Tatang yakap-yakap ang maliit na bag. Kulay itim iyon. Maumbok. Sa galak ni Tatang nahawa na kami ni Nanang.
"Aalis na tayo dito.." Si Tatang, pawisan, at tarantang isinarado ang kawayang pintuan.
"Talaga po Tatang..?" Tanong ng batang ako.
"Oo anak.." Hinaplos niya ang pisngi ko. Tumutulo ang pawis sa kanyang noo.
"Nenita.." Si Nanang naman ang kinakausap. Iniabot niya kay Nanang ang maliit na bag.
"Saan galing yan?" Nanginginig ang kanyang boses. Hindi ko pa maintindihan sa murang edad ang nagaganap. Palipat-lipat lamang ang tingin sa kanilang dalawa.
"Isasauli mo ito!" Wala akong maintindihan. Umiling si Tatang.
"Kailangan natin ng pera para sa panganganak mo Nenita." Umiling at naluluha na si Nanang. Malaki na rin ang kanyang tiyan. Nagtalo pa sila. Matindi ang pagtutol ni Tatang na isauli ang bag.. ngunit dahil sa pakiusp ni Nanang.. napapayag na ring isauli ito..
Nanghinayang man si Tatang nasunod pa rin ang kagustuhan ni Nanang. Nagpatuloy ulit kami sa pangangalakal. Nagpatuloy ang buhay at siguro naawa na ang maykapal dininig ang batang dasal..
"Nenita.." Masayang wika ni Tatang.. Galing siya sa siyudad.
"Kumusta ang lakad mo?" Napahaplos si Nanang sa umbok niyang tiyan.
"Binigyan ako ng pabuya.." Malawak ang ngiti ni Tatang.
"Talaga?" Abot-tenga din ang ngiti ni Nanang.. Sa galak niya nayakap niya ako.
Maraming nabuong plano sina Tatang kalakip na ang pag-aaral ko. Naging masaya ang buong linggo pero hindi ang sumunod na araw. Umalis si Tatang upang maghanap ng malilipatan. Dala niya ang ang perang pabuya. Hanggang ang isang oras na paghihintay ay umabot sa tatlo, lumipas pa ang isang araw, sumuko na ako kahihintay ng umabot na ng linggo..
Pinatay si Tatang! Iyon ang ibinalita ng isang kasamahan sa pangangalakal. Ang perang bitbit ay inagaw.. maraming saksak ang tinamo sa katawan.. Hanggang sa nagkaisip hindi pa rin nakakamit ang hustisya. Nakipaglaban si Tatang para ma-i-ahon sana kami, ngunit hindi siya pinalad para sa kanyang munting pangarap.
Mabigat ang loob ng muling sumulyap sa kinaroroonan ng batang kapatid. Bago nagpaalam kay Gab, muli pang ibinilin ang nakababatang kapatid.
Madilim na, marami na ngayon ang nakapila sa bahay ni Mang Gustin. Matatagalan bago ma-i-abot kay Nanang ang pambili ng hapunan.
Tumahol ang aso may kairingan itong pusa. Napapailing.. Hinabol ko pa ng tingin kung magpapambuno ba ang dalawa.
Saktong paliko na sana ng may maulingang nagtatalo. Kaagad ang pagtatago sa likod ng isang malagong puno. Bukod sa madilim na, masanga rin ang punong pinagkukublihan.
"I told you maingat akong pumunta dito. Walang nakasunod sa akin." Pumeywang iyong estrangherong lalaki. Magara ang kanyang kasuotan, he's wearing a black suit. Sumandal sa kanyang sasakyan. After a while, sinipat ang suot na relos. Ang maliwanag na buwan ang siyang nagbibigay ng liwanag sa kanila bukod pa sa nakabukas na ilaw ng magarang sasakyan.
"Siguraduhin mo lang George," Umibis sa sasakyan iyong maganda, matangkad at seksing babae.. sobrang puti niya. Ang mahabang buhok ay nakalugay tuwid na tuwid ito at tila pa isang diyosang naligaw sa imbakan ng b****a.
"Thomas will kill me, kapag nasundan ako ng kanyang mga tauhan. Malaki na ang galit ng asawa ko sa akin. He even threatened me na hindi makukuha ang mga anak ko. E, sa kanya na.. total at wala naman akong ka-amor amor sa mga batang yun!" Nagmartsa ito. Huminto sa harap ng lalaki.
"Mas mahal kita George.." Nakita ko noong halikan niya ang lalaki. The man snaked his arms to the woman's waist. Nagtagal ang halikan hanggang sa... Napaigtad ako sa lakas ng kahol ng aso para ba gang sinasaway ako sa paninilip ko dito.. Napalunok ako at muli pang sumulyap sa dalawang taong naglalampungan sa harapan. Malinaw sa aking pandinig ang pinag-uusapan.. Ang kataksilang ito ay hindi na bago. Papaano niya nasasabing, higit ang pagmamahal niya sa lalaking kahalikan kaysa sa mga anak? At papaano niya nasisikmurang makipaghalikan sa iba, gayung may asawa naman na pala siya?
"You know what, dahil ta-tanga-tanga si Thomas.. hindi niya napansin ang pagnanakaw ko sa pera niya.." Humalakhak ang mala-diyosang babae.. hindi ako makapaniwalang pinagnanakawan pa niya ang kanyang asawa.. She maybe looks like a goddess.. pero isa siyang diyosang kapanalig ng isang demonyo!
Kawawa naman iyong mga bata.. higit na lalo ang kanyang asawa. Pero teka... magtatagal pa ba sila diyan?
"We can now travel the world.." Ngumisi siya, ipinulupot pa ang mga braso sa leeg ng lalaki. The man stared at her with blazing lust on his eyes sabay ng paghagod ng tingin sa katawan ng babae. Nakakaramdam ako ng ngitngit para sa dalawa.. at nakikisimpatya naman para sa pamilyang niloloko nila..
Habang nangungunyapit siya sa lalaki.. hindi ko naman mapigilang pasadahan ng tingin ang kabuoan ng mukha niya.. Kahit malayo ako, sapat ng matitigan ng husto ang kanyang napakagandang mukha. Her almond eyes were seductive, ang matangos na ilong ay nakakapang-akit, her red lips are too attractive.. ang makinis na balat, ay singputi ng papel. Makurba ang katawan, even her boob were big, round, and firm. Halos perpekto na, ang masama lang, pinagsisinungalingan niya ang mga taong minamahal siya!
Humiwalay siya sa lalaki.. sumunod sa kanyang galaw ang mahabang buhok. Her black dress compliments her paper white skin, mas lalo lamang tumingkad ang kaputian sa dilim. May ngisi sa kanyang mapupulang labi ng tumalikod sa lalaki. Muli siyang bumalik sa loob ng sasakyan ng muling lumabas roon ay may bitbit ng itim na bagay.. hindi ako sigurado pero parang remote control ito..
"Ang tagal ng driver mo George, baka mamaya niyan may biglang sumulpot na tauhan ni Thomas.. alam mo naman malakas ang pang-amoy niyon. At saka.." Inilibot nito ang paningin sa lugar. Kaagad akong sumiksik sa punong pinagkukublihan..
"..Ang baho-baho naman dito.."
"Hindi iisipin ng asawa mo na dito tayo magtatago.. Thomas knew that place like this won't fit you.." Nagtawanan pa sila.. Kainis! Gusto ko ng umalis at magpapatimbang pa ng mga b****a! Paano na ang hapunan namin?! Malilintikan ako nito ni Nanang!
May nauulingan akong ugong.. napasilip dahil sa kuryusidad. Isang sasakyan ang humimpil sa dalawa. Dumadagundong ang puso kalakip ang pawis na tumutulo mula sa noo.. nagugutom na rin at ramdam na ang pangangalam ng sikmura.
"Goodbye Thomas.." Ngumisi iyong lalaki. Makisig ito. Matangkad. Mestizo. May mapaglarong ngising ikinukubli sa kanyang gwapong mukha.
"And goodbye Philippines!!" Humiyaw sa labis na galak iyong babae. Itinataas ang mga kamay sa ere.. nagdidiwang siya, e paano naman ang pamilyang iiwanan niya?
"Pindutin mo na yan.." Utos noong gwapong mama.
"Wait.. mamaya na kapag malayo na, at nakaalis na tayo.."
"Okay.." Tumango naman ang lalaki. Madilim ang mukha nito pero hindi maikukubli ang nagsusumiksik na kaangasan sa gwapong mukha. Pinakatitigan ko siyang mabuti.. aalalahanin kong mabuti ang kanyang hitsura.. hindi mawawaglit sa aking memorya ang tattoo na naka guhit sa kaliwang braso.
Lulan ng itim na van ang dalawa. Minuto na ang lumilipas pero hindi pa rin lumalabas sa pinagtataguan. Natuyuan na ng pawis. Natatakot na baka muli silang bumalik. Iniisip ko ito dahil iniwanan ang dalang mamahaling sasakyan. Gutom na gutom na ako.. at natitiyak kong hinahanap na ako ni Nanang.. hindi na naman siguro babalik ang mga iyon.
Takot at palinga-linga sa paligid ng lumabas sa punong pinagtataguan. Napasinghap ng tuluyang masilayan ang naiwang sasakyan. Napahimas ako sa makintab na sasakyan. Napatingin sa sariling repliksiyon roon. I saw some dirts on my face pinahid ko ito gamit ang likod ng palad, napasimangot ng hindi ko matanggal dikit na dikit ito sa mukha ko! Di bale, maliligo naman ako pagkatapos kong maibenta ang nakalakal.
Tumitig ulit ako sa sariling repliksiyon. Madungis na talaga ako.. ang makinis na mukha ay nahahaluan na ng grasa at alikabok. Halos mapatalon ulit ako sa lakas ng kahol ng aso.. napahawak pa ng mahigpit sa dibdib dahil sa matinding gulat.
Hinarap ko ang aso medyo malayo sa nakaparadang sasakyan.. sesermunan ko na sana.. pero hindi na nagawa dahil tumilapon na ako sa lakas ng pagsabog! Rinig ko ang tahol ng aso, at nakita ko pa kung paano ito tumakbo papalayo habang tumatahol.. I saw the fire.. and the impact was too loud.. Is this how my life ends?
At papaano ko pa maisasakatuparan ang pangarap para sa pamilya kung ito na ang magiging katapusan ng aking buhay.?
Kabanata 2MukhaIsang linggo na akong nakahiga sa malambot na kinahihigaan. Tila paralisadong pinagsisilbihan ng mga nurses. Kain at tulog ang tanging pinagkakaabalahan. Pasalit-salit ang doktor na tumitingin, at dahil may benda pa rin ako sa mukha, hindi ko matanawan ang kanilang mga hitsura. Tanging boses lang ang napagkikilanlan. Sa nagdaang linggo parating bumibisita 'yung mamang gigil na gigil sa kanyang asawa. Minsan, kasama ang dalawang bata sa pagbisita. May araw ring hindi nakakasama ang mga anak sa pagdalaw dahil pumapasok sa eskwela.Umingit ang pinto. Senyales na may taong bibisita. Kung di man doktor, nurse, o ilang staff ng hospital upang linisan ang silid. Alam ko kapag iyong mamang masungit ang bumibisita dahil parati itong may kaagapay na doktor, nagigising ako sa seryosong usapan nila."Good Morning.." Si Doktor Emil ito. Siya ang bumibisita kapag ganitong oras. Kagigising ko lang kaya alam ko. Ramdam k
Kabanata 3HomeNamilibis pa ng labis ang mga luha, pinalis ko kaagad ito gamit ang likod ng aking palad. Natutuwa ako kasi hindi naman nagbago ang mukha. It's still the same face. Maliban sa kaunting galos na natamo wala namang nagbago sa hitsura ko. Natakot lang ako ng sobra at ang isiping sunog na sunog ang mukha'y labis kong pinanghihintakutan.Hawak pa rin ang pisngi ng pinapasadahan ng tingin ang sariling replika. Nanghihina pa rin ang mga mata, bakas ang lungkot, ang takot, at ang pangungulila para sa pamilya. Naglakbay ang aking kamay, bahagyang pinipisil ang namumulang ilong. Lucky enough, matangos ito, and it's narrow.. namana ko ito kay Nanang pati na rin ang kulay ng balat. Maputi naman ako, hindi nga lang sing puti ng papel. Tinatalunton naman ngayon ang manipis at makurbang labi, it's natural pink. Ang sabi ni Nanang namana ko naman daw ito sa kanyang ina. Sinusuklayan naman ngayon ang kulay itim at tuwid na buhok gamit an
Balisa dahil hindi pa rin gumagalaw sa upuan, hindi alam papaano pagbuksan ang pintuan ng sasakyan. Nakakatawang isipin na kahit sa simpleng pagbubukas nito ay hirap pang gawin."Let's go." Halos mapatalon ako sa gulat. The car's door is now open. Maluwag ang pagkakabukas. Naiinip naman ang taong humahawak sa pinto nito."P-asensiya na.. h-hindi ko kasi alam paano pagbuksan-" Nahihiyang amin."Nagka-amnesia ka lang nakalimot na ring magbukas ng pintuan?" Sarkastikong sabi. Tinaasan pa ako ng kilay.Gumalaw at lumabas na ng sasakyan. Sinalubong ako ng mabining hangin. Ang mahabang buhok ay isinayaw nito, hinahaplos pati ang pisngi ko. A bit hesitant, and nervo
Busog na busog ako, naparami ang kain at enjoy na enjoy ako. Tapos na ang mag-aama ko, pero ako patuloy pa ring kumakain sa hapag. Samantalang, manghang nakatitig naman sila sa akin. Sarap na sarap ako sa fried chicken. Nakalimang piraso na nga, at panay pa ang sandok ng kanin. Bawat basong nauubos kakainom kaagad din namang sinasalinan ng babaeng naka-antabay. I chewed, swallowed, and again, drank the water. Bago pa mailapag sa mesa ang basong hawak hindi ko napigilan ang pagkawala ng malakas na dighay. It was my loudest burp.."Thank you po.." Bahagyang tumingala para sa pasasalamat. Ganoon ang ginagawa namin sa bahay kapag ka dumidighay. They were all shocked kasali na ang babaeng nakatayo sa gilid."Kumain ka na?" Pinanlakihan siya ng kanyang mga mata. Umiliing habang pinamumuluhan ng mukha."Mamaya na po Ma'am.. busog pa naman ho ako." I smiled at her. Muling ibinaling ang paning
Nagbabad pa sa tubig ng ilang oras si Brianna. Panay naman ang reklamo ng kanyang Kuya. Sa pagod, pakarga itong inikyat ng ama. Nakatulog na. Nabanlawan ko naman at nakapagbihis na. At dahil may enerhiya pang natitira si Brianna nanatili pa rin kaming dalawa sa swimming pool. Hindi matigil sa pag-ke-kuwento ang bata. Nakikitawa ako kapag may kakatawanang binubulgar.. at nalulungkot naman kapag may mga alaalang ibinabahagi patungkol sa nawawalang ina.Hours passed. Hanggang sa dumating na ang hapunan. Sabay-sabay ulit kaming kumain. Madami ulit ang nakahain. Dahil busog pa naman, hindi na ako gaanong nakalantak ng pagkain. Pero marami pa din ang natikman sa mga nakahain.Nagpasama sa silid niya si Brianna. Hindi na tumanggi dahil kuryuso rin sa kanyang silid. Namangha agad ako ng mabungaran ang malaki at malawak na kama. Ang bedsheets ay maayos na nakalatag. Pambabae ang pintura na ginamit. It's pink, blended with white. M
Halos maiyak ako sa mga damit na bumungad. Kahiya-hiya na nga iyong nakatapis lang ng tuwalya ng lumabas sa banyo, parang takas sa preso na umii-eskapo at patakbong tinungo ang silid na ito. Pagkatapos ay ito naman ngayon ang po-problemahin ko?Wala akong matinong damit na nakita, I... mean it was all sexy dresses, na kahit ang damit na pantulog ay puro mahahalay din. The night gowns were all seductive, hindi nga ito umabot sa tuhod ko. Hanggang kalahati lang ito ng hita ko. Veronica's shorts are too short. Mas marami din ang mini-skirt niya dito. Walang tee-shirt sa kanyang closet. Her brassiere are big.. hindi ko siya kasukat kaya pagtitiisan na lang ang huling ginamit. Even her panties were all laces. Modelo nga talaga dahil kahit panloob ay mamahalin pa!Nakasalampak ako sa sahig. Gustong lumabas at magreklamo sa hilaw na asawa pero... Paniwalaan naman kaya ako? Gumawi ang paningin sa kat
Tahimik ang kuwarto ng magising ako. Ramdam ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa hita. Binalewala ko ito sa isip, dahil naalala ang unan na nakaharang sa gitna. Humikab ako. Ang buhok ay nakaharang sa aking mukha. Napasarap ako ng tulog.'Anong oras na kaya?'Nakakatamad namang bumangon, parang ang sarap matulog buong maghapon. Niyakap ko pa ng husto ang unang nakaharang. Inamoy pa ito at sininghot. Napamulat ako ng mga mata. Parang may nag-iba. Alalang-alala ko pa ang kalambutan ng unan, ba't biglang tumigas ito? Katulad ng kulay ng punda puti rin ang telang nakita.. pero teka, hindi na yata unan ang kayakap ko?!Bumalikwas ako ng bangon medyo hingal dahil sa gulat. Tama ako ng hinala! Tao na ang kayakap ko at ang unan na nakaharang ay nasa paanan ko na!Nakita ko pa kung paano siya nakadagan sa aking hita, ang mga braso niya'y nakapulot pa sa baywang!
Umusbong ang takot kasabay ng paggapang ng kaba sa buong sistema. My heart beats so loud. But then, I had to remain calm to pretend that I'm the real Veronica, kahit pa sabihing nag-ka-amnesiya. Wala akong ideya kung haggang saan ang pinagsamahan ng dalawa. Kung pati ba ang damit na susuotin ay kinukumpirma pa kung papasa ba sa panlasa ng bawat isa. They are best of friends, I even have one, pero siguro sa mga mayayaman kumpara sa akin na isang mahirap, isang mangangalakal ng basura, sinasapuso ko ang pagkakaroon ng kaibigan. Nirerespeto, at pinapahalagahan maging matalik man na kaibigan o hindi. Hindi lang ito dahil sa materyal na mga bagay o puro kasiyahan lamang.Napakaganda ng babae, she was like a foreign actress. Her upturned eyes were like a magnet that I can't resist to stare back. She walks gracefully. Nakadama ako ng matinding kaba ng matanaw ang paglapit. Napabaling ako sa asawa ni Veronica. His jaw moved, face that is hard and sto
Tahan na/ Father's DayNakatunghay sa labas ng bintana ang batang si Cia. Mula sa kinatatayuang bintana tahimik naman siyang pinagmamasdan ng kanyang ina. Hinihintay niya ang pag-uwi ng kanyang ama. Nasa Maynila kasi ito at naghahanap na ng kanilang malilipatan. Walang paglagyan ang kaligayahan ng batang umaasa. Naipangako kasi ng kanyang ama na makakapag-aral na siya. Sa hirap ng buhay nahinto ulit siya sa pag-aaral. Walong taong gulang na siya at kahit bata pa, malawak na ang tinatahak ng kanyang kaisipan.Hindi lingid sa kanya ang kahirapang dinadanasan ng kanyang mga magulang. Mahirap man, nagpupursige naman ang ama na maitaguyod sila at parating nangangako na ma-i-aahon sila sa kahirapang tinatamasa. Ngunit salat man sa maraming bagay, busog naman sa pagmamahal sa mga magulang.Umihip ang panggabing hangin, tanaw niya mula sa kawayang bintana ang madilim na kalan
SorpresaSinipat ko ang sarili sa salamin. Simpleng bestida ang suot, sa lambot ng tela bawat galaw ay napapasunod. Hinayaan kong ilugay ang mahabang buhok. Umabot sa tuhod ang puting bestidang suot. Regalo ito ni Nanay Lucy noong bumisita. Ngumiti ako sa harapan ng malaking salamin. Ang sabi ni Nanang mas pumuti pa lalo at hiyang sa pagkakaroon ng asawa. Sang-ayon ako dahil alagang-alaga ako ng asawa ko. Maingat siya, mapagmahal.. at kailanman hindi ako iiwanan.Bitbit sa kamay ang mga dadalhin upang sorpresahin ang asawa sa kanyang oposina. Nasa kalagitnaan ng hardin ng makita si Harrell. Nahinto ako sa paglalakad at nakangiting pinapanood ang anak. Mas gusto niyang maglaro sa hardin kaysa sa loob ng kanyang silid. Maliksi siyang gumalaw at kunyari pinapakain ang manikang binigay ni Brianna. Dalagang-dalaga na si Brianna. Noong walong taong gulang siya hindi siya k
EpilogueIt's been fucking five months since the disappearance of my god damn wife! I feel useless, dahil kahit ako ay walang maibigay na sagot sa mga anak na naghahanap..Pinasadahan ko ng tingin ang nakahilirang tauhan.. one of them has the courage to speak.."I tracked them. Pasimple kong nilagyan ng tracking device ang sasakyan na kanilang ginamit." He's my best one.. Dominic Villaflor.."Where are they?" Mahina ang boses dahil ayaw ng madagdagan ang kahihiyang ibinibigay ng aking asawa.."Somewhere in Bulacan.. ang dinig ko sa isang damp site sila magtatagpo. And.."My brows furrowed.. Dominic's a bit hesitant.. I clenched my jaw after sighing."Your wife.."Kumuyom ang mga palad ko. Galit ako hindi dahil naninibugho.. but damn it! Ipagpapalit niya ang mga anak niya sa kalagu
My eyes widened at the sight of my best friend. She waved at me and smiled widely. Naglalakad ako bitbit ang mga lumang damit at ilang gamit na hindi na nagagamit. We often visit here, at sa tuwing bumibisita hindi pupuwedeng hindi ko sila makikita.. They are my friends.. my trusted friends. Gab and the gang are all smiles. Titig na titig na animoy bagong padpad sa lugar na kinalakhan.Nagkatitigan ulit sila bago ako binalingan. Lumapit si Jack, isa sa matagal ng may kursunada sa akin. Tumango at ngumiti.."Kumusta ka?" Malapad ang ngisi niya bago pamulahan ng mukha. He's tall, matikas ang katawan, but we remained friends kahit alam nang may asawa na."Mabuti naman. Kayo?" Pinsadahan ko sila ng tingin. Si Gab lang ang may lakas ng loob na tumitingin pabalik."Nasaan ang asawa mo?"Nakasanayan na nila ang presensiya ni Thomas. Kaya
Kabuwanan ko na, kaya naman parati ng may umaalalay sa akin. Kahit sa pagtayo mula sa mahabang sandaling pagkakaupo. Malaking-malaki na ang aking tiyan. Supurtado ako parati ni Thomas. Imbes na sa opisina niya dapat gawin ang mga paperworks niya sa bahay niya ito dinadala at dito na ito ipinagpapatuloy. Nasa loob kami ngayon ng aming silid. Ako, nag-aayos ng mga gamit na dadalhin sa hospital kapag makaramdam na ng pananakit ng tiyan. Nakahanda na ang lahat para sa panganganak ko pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng takot at agam-agam. Ang sabi kasi ng karamihan masakit daw manganak.. gusto ko sanang papuntahin si Nanang ang kaso, may mga bilin si Thomas dito. Magiging abala din ito, dahil si Nanang ang nangangasiwa sa isang pabrikang itinayo ni Thomas malapit sa probinsiyang kinalakhan ko."What's bothering you?"Nabitiwan ko ang baby dress na hawak at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."Anong iniisip mo?"&n
Naluha ako ng makita ang patuloy na pag-iyak ni Brianna. Halos magmakaawa siya ng makita ang kinikilalang ama. Bumilis ang paghakbang niya sa hagdan. Halos takbuhin na rin ang ilang metrong pagitan.. "You stay there Brianna.." Mando ni Veronica. Ang kamay ay tuwid na nakaturo sa kinaroroonan ng bata. Gumuhit ang takot sa magandang mukha ng bata. Pumikit ako dahil nakikita ang malaking pagbabago sa hitsura at kilos nito. The energetic kid weren't the same anymore. She's more like in a traumatic state. "Kapag umalis ka riyan-" Muling mando, pero naalarma ako dahil baka muli ng bumalik ang pag aalala ni Thomas para sa mga anak niya. He's been quiet for the past minutes. Pumasok siya marahil dahil nakita niyang dumating ang kanyang dating asawa. "B-but can I have at least hug my Daddy..?" Sumungaw ang luha sa kanyang nangungulilang mga mata.
Malungkot kong sinundan ng tanaw ang likuran ni Nanay Lucy. I know that she's still sad, kung ako nga na kaibigan lang ay nalulungkot at labis pa rin ang pangungulila.. kay Lorna. Ang inang nag-aruga at nag-alaga pa kaya ay agaran ang paglimot?I sighed breathily.. Naramdaman ko ang mainit na palad ng katabi ng lumapat ito sa aking balikat. Hinayaan ko, dahil gusto lamang niyang pagaanin ang loob ko. Thomas didn't leave my side habang binuburol si Lorna. May pagkakataong sinisisi ko ang sarili. Isang linggo na ang lumipas mula ng mailibing si Lorna pero para sa akin ang lahat ng mga naganap ay tila kahapon lamang nangyari.Tanggap ko naman na wala na si Lorna, pero.. ang mahirap na tanggapin ay ang agarang desisyon ni Nanay Lucy.. batid ko ang kanyang pagluluksa.. ngunit ang manatili sa puder namin ay siyang nagpapahirap ng labis sa matanda. Bawat sulok daw kasi ng bahay, maaalala niya lamang ang anak. T
Namimigat pa ang mga talukap ng iminulat ko ang mga mata. Natanaw ko ang makapal at kulay itim na kurtina. Buong akala ko, pag nagising ako sasalubong sa akin ang mga puting ding-ding, puting kisame at puting kumot o di kaya ay nakasuot ng hospital gown, pero.. hindi, dahil bago sa aking paningin ang maternity dress na suot. Kulay puti ito at bulaklakin. Maayos at siguradong nadaanan ng suklay ang aking buhok. Magaan ang pakiramdam ko siguro dahil naging sapat ang pagkakatulog. Pamilyar sa akin ang silid na tinutuluyan.. if I'm not mistaken this is Thomas's bedroom. Sigurado ako lalo na ng makita ko ang kalendaryong ako ang pumili kung saan ilalagay ito. I put it on the bedside table katabi ang lampshade.Umingit ang pinto ng silid, bumukas at pumasok ang isang matangkad at nakaputing babae. She was smiling at me ng mahagip niya ang aking paningin. Hinayaan niyang nakabukas ang pintuan at dumiretso na kaagad siya sa akin."
Pinagpapawisan ako ng malamig, dahil sumasabay ang kaba sa aking dibdib bawat matitigan ay pinagsususpetsahan. Maaring ang ilan ay tauhan ni Thomas o di kaya ay ni Veronica. Ang kirot ay patuloy na rumaragasa. Ngunit pilit na nilalabanan upang maisalba ang anghel na nasa sinapupunan. Hirap na hirap na si Lorna sa kakaakay. Naghanap siya ng madadaanan. Sa likod kami ng hospital dumaan. Tiniis ko ang sakit at kirot kahit bumubulusok na ang matinding pananakit ng aking katawan. Ang dugong dumadaloy sa hita ay hindi mapaghahalata dahilan sa kulay ng suot na damit. And with Lorna's presence, pakiramdam ko makakayanan ko ito. Hindi siya bumibitiw, lalong hindi ako iniwanan! So the best way I could offer is to remain my sanity! Magpapakatatag ako at kakayanin ang lahat ng ito!Ginawan niya ng paraan ang paghihirap ng aking katawan. Hinayaan ko siya sa mga plano niya, at pagkakatiwalaan ko siya! Nagpapada