Halos maiyak ako sa mga damit na bumungad. Kahiya-hiya na nga iyong nakatapis lang ng tuwalya ng lumabas sa banyo, parang takas sa preso na umii-eskapo at patakbong tinungo ang silid na ito. Pagkatapos ay ito naman ngayon ang po-problemahin ko?
Wala akong matinong damit na nakita, I... mean it was all sexy dresses, na kahit ang damit na pantulog ay puro mahahalay din. The night gowns were all seductive, hindi nga ito umabot sa tuhod ko. Hanggang kalahati lang ito ng hita ko. Veronica's shorts are too short. Mas marami din ang mini-skirt niya dito. Walang tee-shirt sa kanyang closet. Her brassiere are big.. hindi ko siya kasukat kaya pagtitiisan na lang ang huling ginamit. Even her panties were all laces. Modelo nga talaga dahil kahit panloob ay mamahalin pa!
Nakasalampak ako sa sahig. Gustong lumabas at magreklamo sa hilaw na asawa pero... Paniwalaan naman kaya ako? Gumawi ang paningin sa kat
Tahimik ang kuwarto ng magising ako. Ramdam ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa hita. Binalewala ko ito sa isip, dahil naalala ang unan na nakaharang sa gitna. Humikab ako. Ang buhok ay nakaharang sa aking mukha. Napasarap ako ng tulog.'Anong oras na kaya?'Nakakatamad namang bumangon, parang ang sarap matulog buong maghapon. Niyakap ko pa ng husto ang unang nakaharang. Inamoy pa ito at sininghot. Napamulat ako ng mga mata. Parang may nag-iba. Alalang-alala ko pa ang kalambutan ng unan, ba't biglang tumigas ito? Katulad ng kulay ng punda puti rin ang telang nakita.. pero teka, hindi na yata unan ang kayakap ko?!Bumalikwas ako ng bangon medyo hingal dahil sa gulat. Tama ako ng hinala! Tao na ang kayakap ko at ang unan na nakaharang ay nasa paanan ko na!Nakita ko pa kung paano siya nakadagan sa aking hita, ang mga braso niya'y nakapulot pa sa baywang!
Umusbong ang takot kasabay ng paggapang ng kaba sa buong sistema. My heart beats so loud. But then, I had to remain calm to pretend that I'm the real Veronica, kahit pa sabihing nag-ka-amnesiya. Wala akong ideya kung haggang saan ang pinagsamahan ng dalawa. Kung pati ba ang damit na susuotin ay kinukumpirma pa kung papasa ba sa panlasa ng bawat isa. They are best of friends, I even have one, pero siguro sa mga mayayaman kumpara sa akin na isang mahirap, isang mangangalakal ng basura, sinasapuso ko ang pagkakaroon ng kaibigan. Nirerespeto, at pinapahalagahan maging matalik man na kaibigan o hindi. Hindi lang ito dahil sa materyal na mga bagay o puro kasiyahan lamang.Napakaganda ng babae, she was like a foreign actress. Her upturned eyes were like a magnet that I can't resist to stare back. She walks gracefully. Nakadama ako ng matinding kaba ng matanaw ang paglapit. Napabaling ako sa asawa ni Veronica. His jaw moved, face that is hard and sto
Tahimik akong nakaupo sa sofa. Binabalikan sa isipan ang naging kaganapan. Brylle is watching me. Napapatulala, at tahimik akong pinakakatitigan ng batang lalaki. Naghihintay kung kailan matatauhan. Tumabi naman sa kinauupuan ang batang babae. Panay ang iling nito sa kapatid. May pinag-uusapan pero hindi na binibigyan ng pansin dahil sa magulong isipan. Kumurap ako, biglang naalala ang pananakit ng babae.. And then sighed afterwards. Ramdam pa rin ang matutulis na kukong bumaon sa aking balat.Dalawang beses akong nasampal ngayong araw. Dalawang beses na tinanggap ang sakit at galit sa pag-aakalang ako ang kaibigang nanakit at nagtraydor sa kanya!"Are you alright Mom?" Maingat na tanong ni Brylle. Naluluha ako ng bumaling sa kanya.Kung sana'y, ako na lang ang totoong ina ng mga bata. Kung sana, naging mabuting ina na lang si Veronica at hindi kasing-sama tulad ng pagkakakilala sa
Aalis ng bansa si Thomas para sa isang business trip. Maiiwan naman ako sa mga bata. Ihahatid at susunduin ko sila sa eskwela kasama ang driver ng pamilya. Brianna's very excited upon hearing his Dad's plan. Ang sabi ng bata, noong wala pang amnesia ang ina, ni minsan ay hindi sila hinatid o sinundo nito. At ngayong susunduin ko sila at ihahatid pa sa eskuwela tuwang-tuwa pa ang mga bata.. Maliit na bagay lang naman sana ang hinihingi ng mga bata, hindi pa kayang maibigay at matugunan ng kanilang ina?Tapos na ako sa pag-eempake ng mga damit at mahahalagang bagay na dadalhin ni Thomas para sa kanyang pag-alis. Tumayo ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Umupo sa tukador at sinuklayan ang buhok. Nasa baba pa rin ang hilaw na asawa at may katawagan ulit. Nasanay na naman ako dahil dati pa namang gawi. At isa pa, wala naman akong karapatang magreklamo dahil hindi naman talaga ako ang totoong asawa niya.Medy
Isang linggo nang nasa ibang bansa si Thomas. Isang linggong patuloy na palaisipan ang huling napag-usapan.Wawasakin daw niya ako pagkabalik niya..Wawasakin ba ang pagiging birhen? O literal na wawasakin ang buhay ko dahil nalaman na ang totoo?Walang pasok ang mga bata dahil sabado naman ngayon. Nakaupo ako sa sofa at pasulyap-sulyap sa naglalarong mga bata.Tumunog ang telepono. Tamad na sinulyapan ito. Hindi na ako kumilos upang sagutin kung sino ang tumatawag. Bakit pa? E, sa tuwing tumatawag naman si Thomas ang mga bata lang ang tanging kinakausap.Nakita kong patakbong sinagot ni Nanay Lucy ang telepono. Ng nakikipag-usap na sa tumatawag, lumingon kaagad ito sa kinaroroonan ng mga bata.Alam ko ng si Thomas ito.. kaya ipinagkibit-balikat na lang ito.Nag-unahan sa pagtakbo ang mga bata. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan sila."Hi Daddy!" Masiglang bati ng bat
Nagpapahid ako ng luha habang pababa ng hagdan. Muli kong sinipat ng tingin ang silid na pinanggalingan.. nagbabakasakaling lumabas siya roon para ako'y pigilan. Pero dumaan ang ilang segundo hindi nangyari ang inaasahan. Kaya mas lalo lamang nasaktan.Malakas pa rin ang ulan. Hindi man lang ipinagpabukas ang pagpapalayas. Hindi rin ako pamilyar sa lugar. Alam kong nasa kalakhan ng siyudad ang kanilang tirahan at napakalayo nito sa lugar na kinalakhan. Paano ako makakapaglakad nito sa gitna ng ulan? Paano kong bahain ang kahabaan ng kalsada habang naglalakad? Paano kung gutumin ako? Paano kong lamigin din? Inilingan na lang ang lahat ng alalahanin.Wala akong dadalhing gamit dahil hindi naman ito pag-aari. Tanging ang kanyang damit lang ang maiiwang alaala sa pag-alis.Mahigpit ang hawak sa railings ng hagdan ng nasa baba na. Kumikirot ang puso lalo pa't sinasalubong ako ng matamis na ngiti ni Brylle. Si
Puting kisame, puting pader, puting makapal na kurtina.. at puting hospital gown ang suot. Pinakiramdaman ang sarili ng muling pumikit. Mainit ang pakiramdam at tila pa nahihilo.Ngunit sa kabila ng masamang pakiramdam, nauulingan pa rin ang magaang pagtatalo ng dalawang tao."Dude I told you.. may amnesia talaga siya. Ang parte ng pagsabog lang ang tanging naaalala, pero bago ito nangyari mayroon pa siyang nasaksihan na siyang tanging nakalimutan."May pakiramdam akong sa akin sila nakatitig. Matamlay kong iminulat ang mga mata. Nanlalabo ito sa unang subok kaya pumikit ulit. Ng dumilat ulit ay malinaw na ang nakikita.It's the same doctor. Ito rin ang doktor na sumuri sa akin dati."She's awake.." Napabuntong-hininga ako sa papalapit na doktor."Her vitals are fine. Pero may lagnat pa rin siya." Sinalat niya ang aking noo. Sinako
Gusto ko sanang magpumiglas ng hawakan na niya. But he's too persistent. Ayaw akong pakawalan sa mahigpit na yakap. Our eyes met. His, were blazing with fire, mine are too innocent but are ready to ignite.Ngumuso ako at yumuko. Hinahayaan na lang sa kanyang mga hawak at yakap."H-hindi tayo magkakasya diyan." Tukoy ko sa maliit na higaan.Ang tunog ng lumang electric fan ang tanging nauulingan."Magkakasya tayo. I'm sure of that.." Nangingiti pero pinipigilan.Malaya akong nakagalaw ng lumuwag ang hawak. Patungo ako sa higaan ng maghubad siya ng pang-itaas. Kaagad na nag-init ang pisngi sa dumadaloy na kalaswaan sa isipan.Pinapagpagan ko ang kumot kasama na ang unan."It's too hot in here.. bakit ba ayaw mo sa kuwarto natin?"Literal ba na mainit ang ibig sabihin? O mas higit pa katulad ng dumadaloy na kamunduhan sa aking isipan?Hindi ko siya lilingunin dahil makikit
Tahan na/ Father's DayNakatunghay sa labas ng bintana ang batang si Cia. Mula sa kinatatayuang bintana tahimik naman siyang pinagmamasdan ng kanyang ina. Hinihintay niya ang pag-uwi ng kanyang ama. Nasa Maynila kasi ito at naghahanap na ng kanilang malilipatan. Walang paglagyan ang kaligayahan ng batang umaasa. Naipangako kasi ng kanyang ama na makakapag-aral na siya. Sa hirap ng buhay nahinto ulit siya sa pag-aaral. Walong taong gulang na siya at kahit bata pa, malawak na ang tinatahak ng kanyang kaisipan.Hindi lingid sa kanya ang kahirapang dinadanasan ng kanyang mga magulang. Mahirap man, nagpupursige naman ang ama na maitaguyod sila at parating nangangako na ma-i-aahon sila sa kahirapang tinatamasa. Ngunit salat man sa maraming bagay, busog naman sa pagmamahal sa mga magulang.Umihip ang panggabing hangin, tanaw niya mula sa kawayang bintana ang madilim na kalan
SorpresaSinipat ko ang sarili sa salamin. Simpleng bestida ang suot, sa lambot ng tela bawat galaw ay napapasunod. Hinayaan kong ilugay ang mahabang buhok. Umabot sa tuhod ang puting bestidang suot. Regalo ito ni Nanay Lucy noong bumisita. Ngumiti ako sa harapan ng malaking salamin. Ang sabi ni Nanang mas pumuti pa lalo at hiyang sa pagkakaroon ng asawa. Sang-ayon ako dahil alagang-alaga ako ng asawa ko. Maingat siya, mapagmahal.. at kailanman hindi ako iiwanan.Bitbit sa kamay ang mga dadalhin upang sorpresahin ang asawa sa kanyang oposina. Nasa kalagitnaan ng hardin ng makita si Harrell. Nahinto ako sa paglalakad at nakangiting pinapanood ang anak. Mas gusto niyang maglaro sa hardin kaysa sa loob ng kanyang silid. Maliksi siyang gumalaw at kunyari pinapakain ang manikang binigay ni Brianna. Dalagang-dalaga na si Brianna. Noong walong taong gulang siya hindi siya k
EpilogueIt's been fucking five months since the disappearance of my god damn wife! I feel useless, dahil kahit ako ay walang maibigay na sagot sa mga anak na naghahanap..Pinasadahan ko ng tingin ang nakahilirang tauhan.. one of them has the courage to speak.."I tracked them. Pasimple kong nilagyan ng tracking device ang sasakyan na kanilang ginamit." He's my best one.. Dominic Villaflor.."Where are they?" Mahina ang boses dahil ayaw ng madagdagan ang kahihiyang ibinibigay ng aking asawa.."Somewhere in Bulacan.. ang dinig ko sa isang damp site sila magtatagpo. And.."My brows furrowed.. Dominic's a bit hesitant.. I clenched my jaw after sighing."Your wife.."Kumuyom ang mga palad ko. Galit ako hindi dahil naninibugho.. but damn it! Ipagpapalit niya ang mga anak niya sa kalagu
My eyes widened at the sight of my best friend. She waved at me and smiled widely. Naglalakad ako bitbit ang mga lumang damit at ilang gamit na hindi na nagagamit. We often visit here, at sa tuwing bumibisita hindi pupuwedeng hindi ko sila makikita.. They are my friends.. my trusted friends. Gab and the gang are all smiles. Titig na titig na animoy bagong padpad sa lugar na kinalakhan.Nagkatitigan ulit sila bago ako binalingan. Lumapit si Jack, isa sa matagal ng may kursunada sa akin. Tumango at ngumiti.."Kumusta ka?" Malapad ang ngisi niya bago pamulahan ng mukha. He's tall, matikas ang katawan, but we remained friends kahit alam nang may asawa na."Mabuti naman. Kayo?" Pinsadahan ko sila ng tingin. Si Gab lang ang may lakas ng loob na tumitingin pabalik."Nasaan ang asawa mo?"Nakasanayan na nila ang presensiya ni Thomas. Kaya
Kabuwanan ko na, kaya naman parati ng may umaalalay sa akin. Kahit sa pagtayo mula sa mahabang sandaling pagkakaupo. Malaking-malaki na ang aking tiyan. Supurtado ako parati ni Thomas. Imbes na sa opisina niya dapat gawin ang mga paperworks niya sa bahay niya ito dinadala at dito na ito ipinagpapatuloy. Nasa loob kami ngayon ng aming silid. Ako, nag-aayos ng mga gamit na dadalhin sa hospital kapag makaramdam na ng pananakit ng tiyan. Nakahanda na ang lahat para sa panganganak ko pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng takot at agam-agam. Ang sabi kasi ng karamihan masakit daw manganak.. gusto ko sanang papuntahin si Nanang ang kaso, may mga bilin si Thomas dito. Magiging abala din ito, dahil si Nanang ang nangangasiwa sa isang pabrikang itinayo ni Thomas malapit sa probinsiyang kinalakhan ko."What's bothering you?"Nabitiwan ko ang baby dress na hawak at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."Anong iniisip mo?"&n
Naluha ako ng makita ang patuloy na pag-iyak ni Brianna. Halos magmakaawa siya ng makita ang kinikilalang ama. Bumilis ang paghakbang niya sa hagdan. Halos takbuhin na rin ang ilang metrong pagitan.. "You stay there Brianna.." Mando ni Veronica. Ang kamay ay tuwid na nakaturo sa kinaroroonan ng bata. Gumuhit ang takot sa magandang mukha ng bata. Pumikit ako dahil nakikita ang malaking pagbabago sa hitsura at kilos nito. The energetic kid weren't the same anymore. She's more like in a traumatic state. "Kapag umalis ka riyan-" Muling mando, pero naalarma ako dahil baka muli ng bumalik ang pag aalala ni Thomas para sa mga anak niya. He's been quiet for the past minutes. Pumasok siya marahil dahil nakita niyang dumating ang kanyang dating asawa. "B-but can I have at least hug my Daddy..?" Sumungaw ang luha sa kanyang nangungulilang mga mata.
Malungkot kong sinundan ng tanaw ang likuran ni Nanay Lucy. I know that she's still sad, kung ako nga na kaibigan lang ay nalulungkot at labis pa rin ang pangungulila.. kay Lorna. Ang inang nag-aruga at nag-alaga pa kaya ay agaran ang paglimot?I sighed breathily.. Naramdaman ko ang mainit na palad ng katabi ng lumapat ito sa aking balikat. Hinayaan ko, dahil gusto lamang niyang pagaanin ang loob ko. Thomas didn't leave my side habang binuburol si Lorna. May pagkakataong sinisisi ko ang sarili. Isang linggo na ang lumipas mula ng mailibing si Lorna pero para sa akin ang lahat ng mga naganap ay tila kahapon lamang nangyari.Tanggap ko naman na wala na si Lorna, pero.. ang mahirap na tanggapin ay ang agarang desisyon ni Nanay Lucy.. batid ko ang kanyang pagluluksa.. ngunit ang manatili sa puder namin ay siyang nagpapahirap ng labis sa matanda. Bawat sulok daw kasi ng bahay, maaalala niya lamang ang anak. T
Namimigat pa ang mga talukap ng iminulat ko ang mga mata. Natanaw ko ang makapal at kulay itim na kurtina. Buong akala ko, pag nagising ako sasalubong sa akin ang mga puting ding-ding, puting kisame at puting kumot o di kaya ay nakasuot ng hospital gown, pero.. hindi, dahil bago sa aking paningin ang maternity dress na suot. Kulay puti ito at bulaklakin. Maayos at siguradong nadaanan ng suklay ang aking buhok. Magaan ang pakiramdam ko siguro dahil naging sapat ang pagkakatulog. Pamilyar sa akin ang silid na tinutuluyan.. if I'm not mistaken this is Thomas's bedroom. Sigurado ako lalo na ng makita ko ang kalendaryong ako ang pumili kung saan ilalagay ito. I put it on the bedside table katabi ang lampshade.Umingit ang pinto ng silid, bumukas at pumasok ang isang matangkad at nakaputing babae. She was smiling at me ng mahagip niya ang aking paningin. Hinayaan niyang nakabukas ang pintuan at dumiretso na kaagad siya sa akin."
Pinagpapawisan ako ng malamig, dahil sumasabay ang kaba sa aking dibdib bawat matitigan ay pinagsususpetsahan. Maaring ang ilan ay tauhan ni Thomas o di kaya ay ni Veronica. Ang kirot ay patuloy na rumaragasa. Ngunit pilit na nilalabanan upang maisalba ang anghel na nasa sinapupunan. Hirap na hirap na si Lorna sa kakaakay. Naghanap siya ng madadaanan. Sa likod kami ng hospital dumaan. Tiniis ko ang sakit at kirot kahit bumubulusok na ang matinding pananakit ng aking katawan. Ang dugong dumadaloy sa hita ay hindi mapaghahalata dahilan sa kulay ng suot na damit. And with Lorna's presence, pakiramdam ko makakayanan ko ito. Hindi siya bumibitiw, lalong hindi ako iniwanan! So the best way I could offer is to remain my sanity! Magpapakatatag ako at kakayanin ang lahat ng ito!Ginawan niya ng paraan ang paghihirap ng aking katawan. Hinayaan ko siya sa mga plano niya, at pagkakatiwalaan ko siya! Nagpapada