Mukha
Isang linggo na akong nakahiga sa malambot na kinahihigaan. Tila paralisadong pinagsisilbihan ng mga nurses. Kain at tulog ang tanging pinagkakaabalahan. Pasalit-salit ang doktor na tumitingin, at dahil may benda pa rin ako sa mukha, hindi ko matanawan ang kanilang mga hitsura. Tanging boses lang ang napagkikilanlan. Sa nagdaang linggo parating bumibisita 'yung mamang gigil na gigil sa kanyang asawa. Minsan, kasama ang dalawang bata sa pagbisita. May araw ring hindi nakakasama ang mga anak sa pagdalaw dahil pumapasok sa eskwela.
Umingit ang pinto. Senyales na may taong bibisita. Kung di man doktor, nurse, o ilang staff ng hospital upang linisan ang silid. Alam ko kapag iyong mamang masungit ang bumibisita dahil parati itong may kaagapay na doktor, nagigising ako sa seryosong usapan nila.
"Good Morning.." Si Doktor Emil ito. Siya ang bumibisita kapag ganitong oras. Kagigising ko lang kaya alam ko. Ramdam ko ang katahimikan sa pasilyo. Nasasanay na dahil pakiwari'y isang preso.
Tumikhim ako.. Magsasalita sana kaso naunahan naman..
"Ngayon na natin tatanggalin ang benda sa mukha mo. Hinihintay ko lang ang pagdating ni Mr. Davidson.. at pati na rin ng mga bata. Actually katatawag niya lang, on the way na raw ang mag-anak mo."
Hindi ko na napigilan ang pag-iling. I am not his wife! Lalong-hindi rin ang ina ng mga anak niya! Dalaga pa rin ako, at marami pang pangarap sa buhay! Maling tao ang nakuha nila, isa akong mangangalakal ng b****a! And I'm not Veronica! Ako si Vivincia, at mas kilala sa pangalang Cia sa lugar na kinalakhan!
Bumangon na sa higaan. Nangangapa.. akmang tatayo pero pinigilan ng doktor.
"Huwag masyadong magalaw baka kung mapaano ka ako pa ang malalagot sa asawa mo. Matatanggalan ako ng trabaho Mrs. Davidson.." Sa boses niyang nakikiusap lumambot naman kaagad ako. Bumuntong-hininga at umupo na lang sa gilid ng kama.
"...Pero dok.. parang awa niyo na. Kahit paulit-ulit ko na itong sinasabi, uulitin ko na naman ngayon.. Hindi ho ako si Veronica.. ako ho si Vivincia Macaraig at mas kilala sa pangalang Cia.. tubong Plaridel Bulacan po.. mangangalakal ng b****a."
He sighed, he seems problematic. "Paulit-ulit ko na rin itong sinabi sa asawa mo.." He sighed more. "Pero ang sinabi niya.. it's just one of your tricks para makatakas ka na naman sa kanya. Hindi lamang daw ito isang beses ng nangyari. At isa pang ikinagagalit niya sayo ay ang pagnanakaw mo ng pera sa kanya.."
Lumunok ako, parang pamilyar ang pahayag na ito.
"Pero.. dalaga pa ho ako.." I'm still confused.. bakit ipinagpipilitan ng masungit na lalaking yun, na ako ang kanyang nawawalang asawa? At sa dinami-dami ng lugar bakit sa imbakan pa ng b****a napunta?
I heard footsteps and voices.. mula sa pagkakatulala kahit wala namang nakikita. Nag-angat na ako ng tingin. Naghahanda para sa mga gustong ihayag.
"You're here.." Simula ng Doktor. Kinabahan ako. Ramdam ko na naman ang pamilyar na titig. Nakakakilabot ang kanyang presensiya.. kung may benda pa sa mga mata nahihintakutan na, paano pa kaya kung tatanggalin na?
"Good Morning Mommy!" Masiglang bati ng batang babae.. Lumunok ako. Natatakot na ibalik ang bati ng bata. What if, batiin ko, ano kaya ang reaksiyon ng asawa ko 'kuno'?
Nanatili na lang tahimik at pinapakalma ang nag-aalburutong pag-iisip.
"Kuya, why won't you greet Mom.. she's sick you know.." Maarteng wika ng bata.
"I want to.. but you know? She's not always in the mood. Maybe she's mad right at this moment.. we can't see it because the bandage covering it.. so stop talking nonsense before she attacks you.." Ramdam ko ang pag-ngiwi ng batang lalaki. Purong english ang sinabi kaunti lang ang naintindihan ko.
"Does she know?" Naputol ang usapan ng mga bata ng magsalita ang ama.
"What is it Daddy?" Sumingit ang batang babae samantalang bumuntong-hininga naman ang ama.
"What did I tell you in the car?" Sumungit lalo? Tahimik lang ako pero nakikiramdam.
"I'm sorry Daddy.. but I'm just very excited to see Mommy.." Parang nalusaw ang inihandang pakipagbakbakan sa ama ng dalawa. Kung may magagawa lang sana ako.. kung wala lang sanang pamilyang naiwan.. tatanggapin ko na lang ang bagong ako. Naipilig ko ang ulo.. hindi puwede.. hindi tama.. paano naman kung bumalik iyong totoong ina at totoong asawa?
"You're kidding me Brianna.. You're excited to see your Mom..?" Hilaw itong tumawa. Alam ko iyon sa tonong pinakawalan niya.
"How about you.. are you excited to see the kids?" Sa akin na siya nakatingin. Dama ko dahil ang mga balahibo sa batok ay nagsi-alsahan na.
Kinikilabutan ako sa boses niyang buong-buo. Kaya lumunok na lang at tumahimik.
"I'm sorry to burst your bubble Brianna.. but your Mom-"
"She has an amnesia Thomas.."
Hindi nakakayanig sa pandinig ang kaalamang may amnesia ako, dahil alam ko naman ang totoo. Maayos ako. Wala akong amnesia buong-buo ang pag-iisip ko. Tumilapon lang ako at nagpapasalamat sa malakas na tahol ng aso, dahil doon naligtas ako sa kamatayan.. napalayo ako sa sasakyan upang sana'y sermonan ang aso kaso...
Kumirot ang ulo sa pagbabalik-tanaw sa nangyari.. napasapo ako sa ulo.
"See.." Anang Doktor. "Huwag masyadong mag-iisip Mrs. Davidson. Normal lang na makaramdam ng pangingirot sa ulo. Malakas ang pagsabog, your brain had a traumatic experience pero.. babalik din na lamang ito ng kusa.. just don't push it.."
"Is this for real Doc?" Malapit lang siya dahil naamoy ko ang pamilyar na pabangong ginagamit niya.
Bumuntong-hininga ulit ang doktor. "Thomas.. this is serious, tsaka mo na lang parusahan kung maayos na.. kung puwede ng bawian.."
Lumunok at kumirot ang puso. Hindi tama ito! Wala akong kasalanan. May pamilya pa akong naghihintay sa akin! Naikuyom ko ang mga kamao.
"Yeah whatever you say Emil.."
"Okay.. Huwag ka lang magtataka sa kanyang bagong hitsura?"
Kumalabog ang puso. Napahawak na sa bedsheets ng hospital bed. Bakit sunog na sunog ba ang hitsura ko? Mula sa mahigpit na hawak sa bedsheet naglakbay ang kamay sa pisnging natatakpan ng benda.. Ito lamang ang panlaban kapag ka sumasali sa patimpalak sa kalapit probinsiya napapakinabangan ko ang mukhang ito sa malinis na paraan, at kung nasunog na 'to papaano pa matutugunan ng husto ang pangangailangan nina Nanang, hindi sapat ang pangangalakal lang ng b****a.
Naluluha na. Gustong maghisterya. "Dok.. sunog na sunog ba ang mukha ko?" Garalgal ang boses. Paiyak na. Naaalarma sa itutugon ng Doktor.
And he sighed again. "He'll get mad pag nakita niya ito.." Bumulong siya sa akin kaya kumalampag pa ng husto ang dibdib. Bakit hindi na lang ako diretsahin. Kung nasunog man, paano ko sasabihin kila Nanang, at kung makatakas man paniniwalaan kaya ako?
Wala naman akong pakialam sa magiging reaksiyon ng masungit na lalaking ito dahil hindi ko naman siya kaano-ano ang inaalala ko sina Nanang!
"I don't think may amnesia yan.. ba't conscious pa sa hitsura?" Gusto ko siyang sigawan pero pumikit na lang habang tinatanggalan ng benda sa mukha.
Ilang segundo ang lumipas bago tuluyang natanggal ang nakatakip na benda sa mukha. Nakaramdam na ginhawa ng matanggal na ito. May hanging humahaplos sa pisngi ngunit nakapikit pa rin, at takot na makita ang resulta. May mga narinig akong singhapan. Nagbabadya na ang luha pero pilit na pinapapatatag ang loob..
Ang pangit-pangit ko na siguro.. Iiyak na ba ako sa harap ng mga taong ito?
"You can open your eyes now.. May malaking salamin dito.." Si Doc Emil pinapakalma ako. Umiling ako hawak ang pisngi. Natatakot akong makita ang sunog na mukha!
"You're not my Mommy.." Malungkot na saad ng batang babae.
Bakit dahil sunog na sunog ba ang hitsura? Sobrang itim ba?
Napahikbi ako sa katotohanang kinakaharap.. wala na akong maipagmamayabang kay Gabby.. Kung dati'y sila ang pinagkakatuwaan, ngayon ako na ang pagtatawanan dahil wala ng maipagmamayabang..
Hinahayaan na lang ang luhang naglalandas sa pisngi..
Ang hirap namang tanggapin nito..
"Veronica.. please calm down.." Gusto ko siyang bulyawan pero nakakapanghina ang kaalamang ito.. hindi ko matatanggap ang pagbabago ng hitsura.. ang pagbabago ng mukha..
"Look at yourself in the mirror.." Umiiling ako panay pa rin ang tulo ng mga luha.
"Bakit mo naman hinayaang mangyari ito sa mukha mo..?"
Sa sinabi ng Doktor mas lalo lamang humagulhol.. Ang mga palad ay nakatakip sa mukha.. Ang hagulhol ko ay naghihinagpis.."Mommy.. stop crying now.. I know you had reasons why did you did this.. M-maganda ka pa rin naman po.."
Maganda? Bakit nag-aalangan pang sabihin? Dahil ang totoo, sobrang sunog na ang mukha ko!
"Mom. You're not like this.. stop.." Maawtoridad na wika ng batang lalaki. O yung masungit na tatay bakit nanahimik lang? Ba't hindi niya ako pagtawanan?
Tumutulo pa rin ang luha ng mag-angat ng tingin sa kanila. Nagtataka, dahil wala akong makitang pandidire sa mga reaksiyon nila. Parang... parang laglag pa nga ang mga panga..
Tumayo ako at hindi na pinansin ang dalawang lalaking titig na titig lang sa akin katabi ang dalawang bata. Diretso ang tungo sa malaking salamin.
Ngunit... Mas lalo lamang lumala ang hagulhol ng makita ang sariling repliksiyon...
Kabanata 3HomeNamilibis pa ng labis ang mga luha, pinalis ko kaagad ito gamit ang likod ng aking palad. Natutuwa ako kasi hindi naman nagbago ang mukha. It's still the same face. Maliban sa kaunting galos na natamo wala namang nagbago sa hitsura ko. Natakot lang ako ng sobra at ang isiping sunog na sunog ang mukha'y labis kong pinanghihintakutan.Hawak pa rin ang pisngi ng pinapasadahan ng tingin ang sariling replika. Nanghihina pa rin ang mga mata, bakas ang lungkot, ang takot, at ang pangungulila para sa pamilya. Naglakbay ang aking kamay, bahagyang pinipisil ang namumulang ilong. Lucky enough, matangos ito, and it's narrow.. namana ko ito kay Nanang pati na rin ang kulay ng balat. Maputi naman ako, hindi nga lang sing puti ng papel. Tinatalunton naman ngayon ang manipis at makurbang labi, it's natural pink. Ang sabi ni Nanang namana ko naman daw ito sa kanyang ina. Sinusuklayan naman ngayon ang kulay itim at tuwid na buhok gamit an
Balisa dahil hindi pa rin gumagalaw sa upuan, hindi alam papaano pagbuksan ang pintuan ng sasakyan. Nakakatawang isipin na kahit sa simpleng pagbubukas nito ay hirap pang gawin."Let's go." Halos mapatalon ako sa gulat. The car's door is now open. Maluwag ang pagkakabukas. Naiinip naman ang taong humahawak sa pinto nito."P-asensiya na.. h-hindi ko kasi alam paano pagbuksan-" Nahihiyang amin."Nagka-amnesia ka lang nakalimot na ring magbukas ng pintuan?" Sarkastikong sabi. Tinaasan pa ako ng kilay.Gumalaw at lumabas na ng sasakyan. Sinalubong ako ng mabining hangin. Ang mahabang buhok ay isinayaw nito, hinahaplos pati ang pisngi ko. A bit hesitant, and nervo
Busog na busog ako, naparami ang kain at enjoy na enjoy ako. Tapos na ang mag-aama ko, pero ako patuloy pa ring kumakain sa hapag. Samantalang, manghang nakatitig naman sila sa akin. Sarap na sarap ako sa fried chicken. Nakalimang piraso na nga, at panay pa ang sandok ng kanin. Bawat basong nauubos kakainom kaagad din namang sinasalinan ng babaeng naka-antabay. I chewed, swallowed, and again, drank the water. Bago pa mailapag sa mesa ang basong hawak hindi ko napigilan ang pagkawala ng malakas na dighay. It was my loudest burp.."Thank you po.." Bahagyang tumingala para sa pasasalamat. Ganoon ang ginagawa namin sa bahay kapag ka dumidighay. They were all shocked kasali na ang babaeng nakatayo sa gilid."Kumain ka na?" Pinanlakihan siya ng kanyang mga mata. Umiliing habang pinamumuluhan ng mukha."Mamaya na po Ma'am.. busog pa naman ho ako." I smiled at her. Muling ibinaling ang paning
Nagbabad pa sa tubig ng ilang oras si Brianna. Panay naman ang reklamo ng kanyang Kuya. Sa pagod, pakarga itong inikyat ng ama. Nakatulog na. Nabanlawan ko naman at nakapagbihis na. At dahil may enerhiya pang natitira si Brianna nanatili pa rin kaming dalawa sa swimming pool. Hindi matigil sa pag-ke-kuwento ang bata. Nakikitawa ako kapag may kakatawanang binubulgar.. at nalulungkot naman kapag may mga alaalang ibinabahagi patungkol sa nawawalang ina.Hours passed. Hanggang sa dumating na ang hapunan. Sabay-sabay ulit kaming kumain. Madami ulit ang nakahain. Dahil busog pa naman, hindi na ako gaanong nakalantak ng pagkain. Pero marami pa din ang natikman sa mga nakahain.Nagpasama sa silid niya si Brianna. Hindi na tumanggi dahil kuryuso rin sa kanyang silid. Namangha agad ako ng mabungaran ang malaki at malawak na kama. Ang bedsheets ay maayos na nakalatag. Pambabae ang pintura na ginamit. It's pink, blended with white. M
Halos maiyak ako sa mga damit na bumungad. Kahiya-hiya na nga iyong nakatapis lang ng tuwalya ng lumabas sa banyo, parang takas sa preso na umii-eskapo at patakbong tinungo ang silid na ito. Pagkatapos ay ito naman ngayon ang po-problemahin ko?Wala akong matinong damit na nakita, I... mean it was all sexy dresses, na kahit ang damit na pantulog ay puro mahahalay din. The night gowns were all seductive, hindi nga ito umabot sa tuhod ko. Hanggang kalahati lang ito ng hita ko. Veronica's shorts are too short. Mas marami din ang mini-skirt niya dito. Walang tee-shirt sa kanyang closet. Her brassiere are big.. hindi ko siya kasukat kaya pagtitiisan na lang ang huling ginamit. Even her panties were all laces. Modelo nga talaga dahil kahit panloob ay mamahalin pa!Nakasalampak ako sa sahig. Gustong lumabas at magreklamo sa hilaw na asawa pero... Paniwalaan naman kaya ako? Gumawi ang paningin sa kat
Tahimik ang kuwarto ng magising ako. Ramdam ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa hita. Binalewala ko ito sa isip, dahil naalala ang unan na nakaharang sa gitna. Humikab ako. Ang buhok ay nakaharang sa aking mukha. Napasarap ako ng tulog.'Anong oras na kaya?'Nakakatamad namang bumangon, parang ang sarap matulog buong maghapon. Niyakap ko pa ng husto ang unang nakaharang. Inamoy pa ito at sininghot. Napamulat ako ng mga mata. Parang may nag-iba. Alalang-alala ko pa ang kalambutan ng unan, ba't biglang tumigas ito? Katulad ng kulay ng punda puti rin ang telang nakita.. pero teka, hindi na yata unan ang kayakap ko?!Bumalikwas ako ng bangon medyo hingal dahil sa gulat. Tama ako ng hinala! Tao na ang kayakap ko at ang unan na nakaharang ay nasa paanan ko na!Nakita ko pa kung paano siya nakadagan sa aking hita, ang mga braso niya'y nakapulot pa sa baywang!
Umusbong ang takot kasabay ng paggapang ng kaba sa buong sistema. My heart beats so loud. But then, I had to remain calm to pretend that I'm the real Veronica, kahit pa sabihing nag-ka-amnesiya. Wala akong ideya kung haggang saan ang pinagsamahan ng dalawa. Kung pati ba ang damit na susuotin ay kinukumpirma pa kung papasa ba sa panlasa ng bawat isa. They are best of friends, I even have one, pero siguro sa mga mayayaman kumpara sa akin na isang mahirap, isang mangangalakal ng basura, sinasapuso ko ang pagkakaroon ng kaibigan. Nirerespeto, at pinapahalagahan maging matalik man na kaibigan o hindi. Hindi lang ito dahil sa materyal na mga bagay o puro kasiyahan lamang.Napakaganda ng babae, she was like a foreign actress. Her upturned eyes were like a magnet that I can't resist to stare back. She walks gracefully. Nakadama ako ng matinding kaba ng matanaw ang paglapit. Napabaling ako sa asawa ni Veronica. His jaw moved, face that is hard and sto
Tahimik akong nakaupo sa sofa. Binabalikan sa isipan ang naging kaganapan. Brylle is watching me. Napapatulala, at tahimik akong pinakakatitigan ng batang lalaki. Naghihintay kung kailan matatauhan. Tumabi naman sa kinauupuan ang batang babae. Panay ang iling nito sa kapatid. May pinag-uusapan pero hindi na binibigyan ng pansin dahil sa magulong isipan. Kumurap ako, biglang naalala ang pananakit ng babae.. And then sighed afterwards. Ramdam pa rin ang matutulis na kukong bumaon sa aking balat.Dalawang beses akong nasampal ngayong araw. Dalawang beses na tinanggap ang sakit at galit sa pag-aakalang ako ang kaibigang nanakit at nagtraydor sa kanya!"Are you alright Mom?" Maingat na tanong ni Brylle. Naluluha ako ng bumaling sa kanya.Kung sana'y, ako na lang ang totoong ina ng mga bata. Kung sana, naging mabuting ina na lang si Veronica at hindi kasing-sama tulad ng pagkakakilala sa
Tahan na/ Father's DayNakatunghay sa labas ng bintana ang batang si Cia. Mula sa kinatatayuang bintana tahimik naman siyang pinagmamasdan ng kanyang ina. Hinihintay niya ang pag-uwi ng kanyang ama. Nasa Maynila kasi ito at naghahanap na ng kanilang malilipatan. Walang paglagyan ang kaligayahan ng batang umaasa. Naipangako kasi ng kanyang ama na makakapag-aral na siya. Sa hirap ng buhay nahinto ulit siya sa pag-aaral. Walong taong gulang na siya at kahit bata pa, malawak na ang tinatahak ng kanyang kaisipan.Hindi lingid sa kanya ang kahirapang dinadanasan ng kanyang mga magulang. Mahirap man, nagpupursige naman ang ama na maitaguyod sila at parating nangangako na ma-i-aahon sila sa kahirapang tinatamasa. Ngunit salat man sa maraming bagay, busog naman sa pagmamahal sa mga magulang.Umihip ang panggabing hangin, tanaw niya mula sa kawayang bintana ang madilim na kalan
SorpresaSinipat ko ang sarili sa salamin. Simpleng bestida ang suot, sa lambot ng tela bawat galaw ay napapasunod. Hinayaan kong ilugay ang mahabang buhok. Umabot sa tuhod ang puting bestidang suot. Regalo ito ni Nanay Lucy noong bumisita. Ngumiti ako sa harapan ng malaking salamin. Ang sabi ni Nanang mas pumuti pa lalo at hiyang sa pagkakaroon ng asawa. Sang-ayon ako dahil alagang-alaga ako ng asawa ko. Maingat siya, mapagmahal.. at kailanman hindi ako iiwanan.Bitbit sa kamay ang mga dadalhin upang sorpresahin ang asawa sa kanyang oposina. Nasa kalagitnaan ng hardin ng makita si Harrell. Nahinto ako sa paglalakad at nakangiting pinapanood ang anak. Mas gusto niyang maglaro sa hardin kaysa sa loob ng kanyang silid. Maliksi siyang gumalaw at kunyari pinapakain ang manikang binigay ni Brianna. Dalagang-dalaga na si Brianna. Noong walong taong gulang siya hindi siya k
EpilogueIt's been fucking five months since the disappearance of my god damn wife! I feel useless, dahil kahit ako ay walang maibigay na sagot sa mga anak na naghahanap..Pinasadahan ko ng tingin ang nakahilirang tauhan.. one of them has the courage to speak.."I tracked them. Pasimple kong nilagyan ng tracking device ang sasakyan na kanilang ginamit." He's my best one.. Dominic Villaflor.."Where are they?" Mahina ang boses dahil ayaw ng madagdagan ang kahihiyang ibinibigay ng aking asawa.."Somewhere in Bulacan.. ang dinig ko sa isang damp site sila magtatagpo. And.."My brows furrowed.. Dominic's a bit hesitant.. I clenched my jaw after sighing."Your wife.."Kumuyom ang mga palad ko. Galit ako hindi dahil naninibugho.. but damn it! Ipagpapalit niya ang mga anak niya sa kalagu
My eyes widened at the sight of my best friend. She waved at me and smiled widely. Naglalakad ako bitbit ang mga lumang damit at ilang gamit na hindi na nagagamit. We often visit here, at sa tuwing bumibisita hindi pupuwedeng hindi ko sila makikita.. They are my friends.. my trusted friends. Gab and the gang are all smiles. Titig na titig na animoy bagong padpad sa lugar na kinalakhan.Nagkatitigan ulit sila bago ako binalingan. Lumapit si Jack, isa sa matagal ng may kursunada sa akin. Tumango at ngumiti.."Kumusta ka?" Malapad ang ngisi niya bago pamulahan ng mukha. He's tall, matikas ang katawan, but we remained friends kahit alam nang may asawa na."Mabuti naman. Kayo?" Pinsadahan ko sila ng tingin. Si Gab lang ang may lakas ng loob na tumitingin pabalik."Nasaan ang asawa mo?"Nakasanayan na nila ang presensiya ni Thomas. Kaya
Kabuwanan ko na, kaya naman parati ng may umaalalay sa akin. Kahit sa pagtayo mula sa mahabang sandaling pagkakaupo. Malaking-malaki na ang aking tiyan. Supurtado ako parati ni Thomas. Imbes na sa opisina niya dapat gawin ang mga paperworks niya sa bahay niya ito dinadala at dito na ito ipinagpapatuloy. Nasa loob kami ngayon ng aming silid. Ako, nag-aayos ng mga gamit na dadalhin sa hospital kapag makaramdam na ng pananakit ng tiyan. Nakahanda na ang lahat para sa panganganak ko pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng takot at agam-agam. Ang sabi kasi ng karamihan masakit daw manganak.. gusto ko sanang papuntahin si Nanang ang kaso, may mga bilin si Thomas dito. Magiging abala din ito, dahil si Nanang ang nangangasiwa sa isang pabrikang itinayo ni Thomas malapit sa probinsiyang kinalakhan ko."What's bothering you?"Nabitiwan ko ang baby dress na hawak at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."Anong iniisip mo?"&n
Naluha ako ng makita ang patuloy na pag-iyak ni Brianna. Halos magmakaawa siya ng makita ang kinikilalang ama. Bumilis ang paghakbang niya sa hagdan. Halos takbuhin na rin ang ilang metrong pagitan.. "You stay there Brianna.." Mando ni Veronica. Ang kamay ay tuwid na nakaturo sa kinaroroonan ng bata. Gumuhit ang takot sa magandang mukha ng bata. Pumikit ako dahil nakikita ang malaking pagbabago sa hitsura at kilos nito. The energetic kid weren't the same anymore. She's more like in a traumatic state. "Kapag umalis ka riyan-" Muling mando, pero naalarma ako dahil baka muli ng bumalik ang pag aalala ni Thomas para sa mga anak niya. He's been quiet for the past minutes. Pumasok siya marahil dahil nakita niyang dumating ang kanyang dating asawa. "B-but can I have at least hug my Daddy..?" Sumungaw ang luha sa kanyang nangungulilang mga mata.
Malungkot kong sinundan ng tanaw ang likuran ni Nanay Lucy. I know that she's still sad, kung ako nga na kaibigan lang ay nalulungkot at labis pa rin ang pangungulila.. kay Lorna. Ang inang nag-aruga at nag-alaga pa kaya ay agaran ang paglimot?I sighed breathily.. Naramdaman ko ang mainit na palad ng katabi ng lumapat ito sa aking balikat. Hinayaan ko, dahil gusto lamang niyang pagaanin ang loob ko. Thomas didn't leave my side habang binuburol si Lorna. May pagkakataong sinisisi ko ang sarili. Isang linggo na ang lumipas mula ng mailibing si Lorna pero para sa akin ang lahat ng mga naganap ay tila kahapon lamang nangyari.Tanggap ko naman na wala na si Lorna, pero.. ang mahirap na tanggapin ay ang agarang desisyon ni Nanay Lucy.. batid ko ang kanyang pagluluksa.. ngunit ang manatili sa puder namin ay siyang nagpapahirap ng labis sa matanda. Bawat sulok daw kasi ng bahay, maaalala niya lamang ang anak. T
Namimigat pa ang mga talukap ng iminulat ko ang mga mata. Natanaw ko ang makapal at kulay itim na kurtina. Buong akala ko, pag nagising ako sasalubong sa akin ang mga puting ding-ding, puting kisame at puting kumot o di kaya ay nakasuot ng hospital gown, pero.. hindi, dahil bago sa aking paningin ang maternity dress na suot. Kulay puti ito at bulaklakin. Maayos at siguradong nadaanan ng suklay ang aking buhok. Magaan ang pakiramdam ko siguro dahil naging sapat ang pagkakatulog. Pamilyar sa akin ang silid na tinutuluyan.. if I'm not mistaken this is Thomas's bedroom. Sigurado ako lalo na ng makita ko ang kalendaryong ako ang pumili kung saan ilalagay ito. I put it on the bedside table katabi ang lampshade.Umingit ang pinto ng silid, bumukas at pumasok ang isang matangkad at nakaputing babae. She was smiling at me ng mahagip niya ang aking paningin. Hinayaan niyang nakabukas ang pintuan at dumiretso na kaagad siya sa akin."
Pinagpapawisan ako ng malamig, dahil sumasabay ang kaba sa aking dibdib bawat matitigan ay pinagsususpetsahan. Maaring ang ilan ay tauhan ni Thomas o di kaya ay ni Veronica. Ang kirot ay patuloy na rumaragasa. Ngunit pilit na nilalabanan upang maisalba ang anghel na nasa sinapupunan. Hirap na hirap na si Lorna sa kakaakay. Naghanap siya ng madadaanan. Sa likod kami ng hospital dumaan. Tiniis ko ang sakit at kirot kahit bumubulusok na ang matinding pananakit ng aking katawan. Ang dugong dumadaloy sa hita ay hindi mapaghahalata dahilan sa kulay ng suot na damit. And with Lorna's presence, pakiramdam ko makakayanan ko ito. Hindi siya bumibitiw, lalong hindi ako iniwanan! So the best way I could offer is to remain my sanity! Magpapakatatag ako at kakayanin ang lahat ng ito!Ginawan niya ng paraan ang paghihirap ng aking katawan. Hinayaan ko siya sa mga plano niya, at pagkakatiwalaan ko siya! Nagpapada