Home / Mistery / Thriller / Picture Perfect / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Picture Perfect: Chapter 1 - Chapter 10

24 Chapters

Paunang Salita

Galit, poot at pagkasuklam ang damdaming lumulukob sa buong pagkatao ko habang hindi ako mapakaling nakatayo sa madilim na bahagi ng aking kwarto sa gilid ng aking bintana. Kuyom ang kamao ko at nanggagalaiti ako na nakasilip sa labas habang ‘di ko alintana ang nanakit kong katawan. Kung may bagay man na siguradong-sigurado ako ay ang krimen na ginawa ni Geneviève Sanarez. Ang putang inang h*******k na babaeng iyon! Pagbabayaran niya ang lahat! Magbabayad siya! Hindi iyon isang haka-haka at higit sa lahat hindi isang kathang isip. Hindi ako nagsisinungaling! Nakita ko siya! Kitang-kita ng dalawang ng mga mata ko kung paano niya pinatay ang batang babaeng nakadamit ng puti ng araw na iyon! Nakita ko kung paano niya ginawa ang lahat! Subalit ng isinumbong ko sa pulisya ang nangyari ay ako pa ang naging masama! Sa akin nila isinisi ang lahat. Kung hindi ba naman sila isa't kalahating mga bobo! Ang mga lintik na pulis ay hindi man lamang sila nag-abalang siyasatin ng mabuti ang sinabi ko!
last updateLast Updated : 2021-09-30
Read more

Unang Kabanata - Nakaraan

Mag-aanim na buwan na ang nakalilipas bago nangyari ang lahat… Nakatuon ang buong atensyon ko sa sinusulat ko. Itinatak ko sa isipan ko na kapag hindi ko natapos ang manuscript na kasalukuyan kong isinusulat ay siguradong ako ang tatapusin ng may saltik kong tagapatnugot (Editor) Binilisan ko ang pagtipa sa keyboard ko habang maganda pa ang daloy nang mga salita at pangyayari sa kalawangin kong utak. Iba rin kasi ang pakiramdam kapag alam ko iyong isinusulat ko at hindi ko pinipilit pigain ang utak ko para lang makabuo nang maayos na dialogo para sa mga karakters ko. Minsan kasi kapag pinipilit ko, lalo lang nagiging basura at pilit ang tunog ng mga dialogo ng mga tauhan ko sa kwento. Ayokong bigyan ang tagapatnugot ko ng gawa na ibabasura lang niya. Kaya hanggat maganda pa ang daloy ng kwento sa utak ko, kailangan kong magsulat at hindi bigyan pansin ang lahat ng hindi konektado sa pagsusulat ko. Kailangan kong isarado ang utak ko sa mga nangyayari sa paligid ko. “Talulla!” malaka
last updateLast Updated : 2021-09-30
Read more

Ikalawang Kabanata - Kasalukuyan

Nagising ako dahil sa isang malakas na kalampag ng nahulog na bagay sa sahig mula sa labas. Dilat-mata akong napabangon ng wala sa oras at alerto akong napatingin sa buong paligid ko at dali-daling napasilip ako sa bintana ko. Subalit agad akong napa-igik ng maramdam ko ang sakit na nanunuot sa bawat bahagi ng katawan ko nang subukan kong tumayo. “Anak ng magaling,” bulong ko ng biglang umikot ang paningin ko. Lihim akong napamura nang muling bumalik sa akin ang pinagdaanan ko nitong nakaraang isang linggo. Ang mga pulpol na pulis na iyon. Palibhasa mga walang paninindigan at bumabahag ang buntot kapag nakikita nila si Mama. Ayaw nilang sumama ulit ang tingin ni Mama sa Departamento ng Pulisya simula ng mawala si Ate Letty kaya parati nilang inuuna na paluguran ito kaysa sa pagbibigay at paghahanap ng hustisya. Kulang na lang gawin nilang batas ang salita ni Mama. At ang h*******k na Genevieve ay sinasamantala ang pagkakataon upang lalong maidiin sa akin ang kasalanang hindi ko nama
last updateLast Updated : 2021-09-30
Read more

Ikatlong Kabanata- Nakaraan

Hindi ko naiwasang mapalunok ng makarating kami sa Hardin ng Hacienda. Hindi ko inaasahan na may madatnan akong mga bisita ngayong gabi. Subalit ang hindi ko kayang tagalan ay ang pamilyar na paraan ng tingin na ipinupukol nila sa akin. Ang tingin na natanggap ko pitong taon na ang nakalilipas.Kanina ay agad silang natahimik nang makita nila akong paparating at hindi nila inaasahan na kasama ko si Mama. Kung tingnan nila ako aakalain kong nakasunod sa akin si kamatayan na bitbit ang kanyang karit, nakangiti at nagdadala ng kamalasan. Para sa kanila, isa akong tinik sa lalamunan ni Mama na kailangan ng tanggalin.Agad akong napayuko para iwasan ang mapang-uring tingin na ipinupukol nila sa akin. Binilisan ko ang paghakbang ko na para bang doon nakasalalay ang paghinga at buhay ko. Kung pwede lang akong lamunin ng lupa, pagka-apak ko pa lang sa loob ng Hacienda ay nagpalamun na ako. Kung maaari lang akong maglaho. Pilitin ko man minsan na ipagsawalang-bahala ang lahat subalit hindi ko k
last updateLast Updated : 2021-11-01
Read more

Ika-apat na Kabanata - Kasalukuyan

“Dōshite nani ga okotta no ka oshiete kurenakatta no? (Bakit hindi mo sinabi sa akin ang nangyari?)” Galit at nag-aalalang bungad niya sa akin mula sa kabilang linya. “Keisatsu ga anata o oikakete iru no o shitta toki, watashi ga dorehodo shinpai shite ita ka shitte imasu ka? (Alam mo ba kung gaano ako nag-alala nang malaman kong hinahabol ka ng mga pulis?). Dōshite oshiete kurenakatta no? (Bakit ‘di mo sinabi sa akin?) Naze watashi ni denwa shinakatta nodesu ka?(Bakit di mo ako tinawagan?)” Walang preno-prenong sunod-sunod na tanong sa akin ni Daiki sa sarili niyang lenggwahe mula sa kabilang linya. Kapag ginamit na niya ang sarili niyang wika ibig sabihin seryosong-seryoso siya. Halata naman sa boses niya. Napag-usapan namin dati na tatawagan ko siya kapag kailangan ko ng tulong, subalit dahil takot akong madawit ang pangalan niya sa pangalan ko, pinili kong huwag ipaalam sa kanya ang mga nangyayari sa akin. Ganun naman talaga ‘di ba kapag mahalaga ang isang tao sayo? Uunahin at uu
last updateLast Updated : 2021-11-02
Read more

Ikalimang Kabanata- Nakaraan

Bago ako dumiretso sa bahay ko ay huminto muna ako sa harapan ng artipisyal na lawa na gawa ni Kuya Celio, ang nakatatanda kong kapatid. Mapait akong napangiti nang maalala ko si Kuya Celion. Kamusta na kaya siya? Tatlong taon na rin kaming hindi nagkikita. Napalingon ako sa Dining House namin na nakatayo sa gitna ng lawa. Lalong tumingkad ang kulay perlas nitong kulay dahil sa sinag ng inang buwan. Napatingala ako at hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit papaano ay napapawi ng buwan ang ‘di magandang damdamin na unti-unting lumulukob sa akin. Huminga ako nang malalim na malalim bago ko muling ibinaling ang tingin ko sa lawa. Maliwanag na maliwanag ang bilog na bilog na buwan kaya tila diyamanteng nakikislapan na inilatag ang sinag ng buwag sa artispisyal na lawa. Noong bata pa ako, dito kami naglalaro ni Kuya Celio tuwing wala siyang pasok sa eskuwela. Pero simula nang magkolehiyo siya ay naging madalang na ang paglalaro namin. Subalit tuluyan naputol ang samahan namin nang mangyari a
last updateLast Updated : 2021-11-03
Read more

Ika-anim na Kabanata - Kasalukuyan

Inayos ko muna ang aking higaan bago ako lumabas sa aking kuwarto. Isang linggo rin akong nagpahinga. Ngayon na nanumbalik na ang lakas ko ay handa ko nang isakatuparan ang layunin ko. Ang tugisin si Genivieve Sanarez at parusahan si Mama. Sa loob ng isang linggo kong pahinga rito sa likod ng kambal na talon ay si Bibo ang nangangalap ng balita at impormasyon para sa akin. Hindi ko itatanggi na may talento ang batang ito pagdating sa pag-iimbestiga. Dahil sa kanya nalaman kong nag-utos si Mama na halughugin pati ang kagubatan para mahanap ako. Nagkaroon din ng pagpupulong sa bayan na bibigyan ng pabuya ang kung sino mang makakapagturo kung nasaan ako. Pero kampante akong hindi nila matutunton ang kinalalagyan ng bahay ko. Isa pa, mahigpit kong ipinagbilin kay Bibo na huwag na huwag babanggitin ang pangalan ko kahit kanino. At ang malala pa ay pinatira ni Mama sa Hacienda si Genevieve upang protektahan ito sa laban sa akin. Subalit sa kabila ng lahat, ay natuwa pa rin ako dahil ibinal
last updateLast Updated : 2021-11-04
Read more

Ika-pitong Kabanata - Nakaraan

Dumiretso ako sa Bag End at pagkapasok ko ay pinili kong hayaan ang dilim ang muling umagapay sa akin. Hilam ang luha kong tahimik akong humiga sa kama ko at mahigpit kong niyakap ang sarili ko tulad ng sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina. Ang kaibahan lamang ay para akong walang buhay na nakahilata sa kama ko habang nakatitig sa labas at lumuluha. Ganito ba talaga ako kahina? Nakakapagod na. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili ko na huwag akong maapektuhan. Na sanay na ako. Subalit, sa bawat pagbanggit nila sa pangalan ni Ate Letty, pakiramdam ko daig ko pa ang kriminal na paulit-ulit na kinukundina. Kasalanan ko ba talaga ang lahat? Hindi ko alam. Wala akong maalala. “Tiis ka lang, Talulla. Magtiis ka lang,” bulong ko sa sarili ko. Pero hanggang kailangan ako magtitiis? Hanggang kailan ako magdurusa sa kasalanan hindi ko maalala? Kailan ba ako patatawarin ni Mama? Pagak akong natawa nang biglang bumuhos ang malakas na mala
last updateLast Updated : 2021-11-05
Read more

Ika-walong Kabanata - Kasalukuyan

Pagka-alis na pagka-alis nina ‘Ka Tino at Tammy ay ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng katawan. Subalit inabot na ako ng hapon ay wala pa rin akong mahanap. Umabot na ako sa masukal na parte ng gubat subalit wala pa rin akong makitang bakas o palatandaan na sa lugar na dito itinago ni Genevieve ang katawan. Napabuntong-hininga akong napaupo sa gilip ng sapa naghilamos ng mukha. Kanina pa ako naglalakad at naghahanap ng mga bakas o palatandaan subalit wala akong makita. Alam kong imposible na agaran kong mahanap ang katawan ng batang babaeng subalit hindi ko pa rin maiwasang madismaya. Huminga ako ng malalim at inilibot ko ang paningin ko. Kasalukuyan akong nasa gitna ng gubat habang napapalibutan ng naglalakihang mga puno. Napailing na lang ako. Paano ko mahahanap ang katawan sa ganito kakapal at kakomplikadong lugar? Biglang gusto kong panghinaan ng loob. Pagod na pagod na ako. Mukhang kailangan kong bumalik bukas para ipagpatuloy ang paghahanap. Muli akong napabuntong-hininga at ini
last updateLast Updated : 2021-11-06
Read more

Ika- Siyam na Kabanata - Nakaraan

“Huwag mong pilitin,” masuyo niyang pahayag habang hawak niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Masaya ako na si Daiki ang nakahanap sa akin kahapon ng gabi. Ayokong may makakita sa akin sa ganung estado at kalagayan. Huminga ako ng malalim bago ko iniwasan ang tingin niya. “Kakayanin ko, Daiki. Hindi naman pwedeng habang buhay na lang akong tatakas, hindi ba? Kailangan ko ring malaman ang totoo,” katuwiran ko sa kanya. Napatingin ako sa labas at hindi ko maiwasang magbalik tanaw. Walang testigo o nakasaksi sa pangyayari ng araw na iyon at ang malala pa ay wala akong maalala kaya hindi nagkaroon ng usad ang kaso ni Ate Letty. At dahil doon, sa akin ibinunton lahat ni Mama ang lahat galit at poot niya. At sa araw din na iyon natapos ang relasyon namin bilang mag-ina. Tuluyan akong kinamuhian ni Mama at walang pagdadalawang-isip niya akong itinakwil. Sa subrang pagkamuhi sa akin ni Mama ay pinalayas niya ako hindi lang sa Hacienda kundi sa buong Isla. Wala akong naging kakampi ng
last updateLast Updated : 2021-11-07
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status