“Dōshite nani ga okotta no ka oshiete kurenakatta no? (Bakit hindi mo sinabi sa akin ang nangyari?)” Galit at nag-aalalang bungad niya sa akin mula sa kabilang linya. “Keisatsu ga anata o oikakete iru no o shitta toki, watashi ga dorehodo shinpai shite ita ka shitte imasu ka? (Alam mo ba kung gaano ako nag-alala nang malaman kong hinahabol ka ng mga pulis?). Dōshite oshiete kurenakatta no? (Bakit ‘di mo sinabi sa akin?) Naze watashi ni denwa shinakatta nodesu ka?(Bakit di mo ako tinawagan?)”
Walang preno-prenong sunod-sunod na tanong sa akin ni Daiki sa sarili niyang lenggwahe mula sa kabilang linya. Kapag ginamit na niya ang sarili niyang wika ibig sabihin seryosong-seryoso siya. Halata naman sa boses niya. Napag-usapan namin dati na tatawagan ko siya kapag kailangan ko ng tulong, subalit dahil takot akong madawit ang pangalan niya sa pangalan ko, pinili kong huwag ipaalam sa kanya ang mga nangyayari sa akin.Ganun naman talaga ‘di ba kapag mahalaga ang isang tao sayo? Uunahin at uunahin mo ang kapakanan niya kaysa sa kapakanan mo. Kahit alam kong mag-aalala sa akin si Daiki unang araw pa lang subalit nagpasya pa rin akong resulbahin ang lahat nang mag-isa. Akala ko nung una kaya ko, dahil inasahan ko na papakinggan ako ng mga pulis subalit mali ako. Isang malaking kahangalan ang lumapit sa pulisya.Isa pa sa pagkakamali ko ay pumunta ako sa Departamento ng Pulisya ng walang hawak na matibay na ebidensya. At hindi ko nalaman na membro ng pulisya si Romualdo, ang tito ni Genevieve. Dahil malapit sa isa’t-isa si Genevieve at si Mama ay naging mas malakas ang inpluwensya at tiwala ni Mama kay Romualdo.Ikalawang problema ko ay ang pagsasara ni Mama sa buong bayan namin. Oo kaya iyon ni Mama. Maliit na bagay lang iyon para kay Mama. Upang siguraduhin na walang makakaalam sa mga nangyayari sa labas ng bayan at upang siguraduhin na wala akong mapupuntahan. Sinigurado ni Mama na wala akong mahihingan ng tulong. Malakas ang kutob ko kung ano talaga ang puno’t dulo bakit labis ang kagustuhan ni Mama na mahuli ako ng mga pulis. Maliban sa nalaman ko ang sikreto niya at dahil na rin sa last will ni Lolo. Masakit man tanggapin ngunit gusto akong ipadispatsa ni Mama.“Daiki,” bulong ko sa pangalan niya. “Walang masamang nangyari sa akin,” pilit kong paliwanag kay Daiki sa kabilang linya.Sa tuno ng pagsasalita niya kailangan kong masigurado at mapaniwala siya na maayos ang kalagayan ko kundi babalik siya sa Pinas nang walang pagdadalawang-isip. Kapag bumalik siya, babalik din si Rhaia. Kapag bumalik si Rhaia at nalaman niyang tinutulungan ako nito, sigurado akong magagalit si Rhaia at magkakaroon ng bagong kakampe si Mama at Genevieve. Kaya hindi maaari iyon.“Uso-tsuki! (Sinungaling). Mama yasumin ni denwa shite inakattara, anata ni nani ga okotte iru no ka wakaranakattadarou (Kung hindi pa ako tumawag kay Nanay Yasmin hindi ko malalaman ang nangyayari sayo.)” Patuloy niya habang hindi pinapansin ang sinasabi ko. “Anata wa watashi o totemo shinpai shimasu! Shitte imasu ka? Shittemasu ka? (Subra mo akong pinag-alala! Alam ba iyon ha? Alam mo ba?) Bakayaro!”“Daiki, makinig ka sa akin.”“Īe, modotte kimasu! Watashi wa anata ga anata no namae o kirei ni suru no o tetsudaimasu. (Hindi! Babalik ako diyan. Tutulungan kitang linisin ang pangalan mo.)” Matatag niyang lintaya pa rin sa kabilang linya.“Daiki!” Malakas kong tawag sa kanya dahilan kaya napaubo ako. “Daiki, makinig ka sa akin, onegai (Please). Makinig ka sa akin kundi ito ang huling pagkakataon na kakausapin kita.” Matigas ko rin na banta sa kanya. “At mawawalan ng saysay lahat ng pinaghirapan ko rito. Kaya makinig ka.”“Anata- (You!)”“Daiki, kung gusto mo akong tulungan ay makinig ka muna sa akin,” mahinahon ngunit seryoso kong sabi sa kanya. Ayaw kong makipagtalo sa kanya lalo na ngayon na mapanganib pa ang situwasyon ko at higit sa lahat ay dahil sumasakit ang lalamunan ko. “Hindi mo kailangang bumalik dito. Ayokong madawit ka sa nangyayari ngayon. Magtiwala ka lang sa sakin. Naiintidihan mo ako.”Pwede naman akong umalis sa bansa kung gugustuhin ko subalit ayaw kong mabuhay na may nakabuntot na kasinungalingan sa pangalan ko. Kaya nagdesisyon akong lutasin ang problema ko kaysa sa takasan ito. Alam kong nag-aalala lang siya maging si Kuya Celio, ngunit katulad ng sinabi ko, hindi ko sila maaaring idawit sa bagay na ito. At higit sa lahat hindi ko maaaring ipagsawalang-bahala ang pagkamatay ni Ate Letty lalo na ngayon na alam ko na kung bakit siya namatay.“Demo (But),” pagpoprotesta niya pero agad ko siyang pinutol at muli akong nagsalita bago pa niya ako pilitin at patuloy na kumbinsihin.“Daiki Nicolo,” seryoso kong tawag sa kanya. Alam niyang seryoso ako kapag binabanggit ko ang dalawang pangalan niya. “Kaya ko ang sarili ko rito. Pero kailangan ko ang tulong mo sa isang bagay.” Panimula ko nang mapansin kong huminahon na siya. “Nasa Japan si Atty. Peñaflorenzo. Kailangan kong protektahan mo siya. Malaki ang posibilidad na gagawa ng bagay si Mama na ikapapahamak niya. Narinig mo naman ang tungkol sa last will ni Lolo ‘di ba?” tanong ko sa kanya.Balita sa buong mundo ang huling kasulatan na iniwan ni Lolo tungkol sa tagapagmana ng kayamanan nito. Bilang pinakamayaman na tao sa buong mundo hindi na bago iyong sa angkan namin, pero hanggang ngayon ay walang inilalabas na inpormasyon ni Atty. Peñaflorenzo dahil na rin sa kahilingan ni Lolo bago siya namatay. Ang tanging nakakaalam lang ng laman ng kasulatan ay kami lang.“Oo. Sigurado ka bang pati si Atty. Peñaflorenzo ay idadawit dito ni Tita Martha? Hindi ba tapos nang basahin ang last will and testament ng Lolo mo? Ano ba ang balak ni Tita Martha?” tanong sa akin ni Daiki.Hindi ko ito nasabi sa kanya at wala akong balak sabihin sa kanya hangga’t wala akong hawak na matibay na ebidensya. Kailangan kong tiyakin muna ang lahat. Tusong tao si Mama, kung ikukumpara siya kay Papa, ni katiting hindi nakakalahati si Papa sa utak ni Mama. Matalino si Papa sa negosyo niya pero maliban doon, wala ng kwenta si Papa. Kung utak lang ang pag-uusapan, walang panama si Papa.Subalit, kahit minsan ko lang nakakasama si Papa alam kong wala siyang kinalaman sa lahat ng ginawa ni Mama. Ngunit, kung alam man niya ang ginawa ni Mama, ang tanging ambag lang niya ay ang pananahimik. Samakatuwid, hindi makikialam si Papa kung walang kinalaman sa kanya ang mga nangyayari o tungkol kay Kuya Celio. Siguro iyon ang dahilan kung bakit ganun ang nakasulat sa last will and testament ni Lolo.“Hindi madaling basahin si Mama, Daiki. Alam mo iyan,” paninigurado ko.Kalkulado niya lahat ng mga bagay-bagay. Gusto niya parating siya ang nasusunod at lahat ng balakid sa mga plano niya ay hindi niya pinapatawad. Isa na ako roon. Bago ko lang napagtanto ang lahat. Ngayon ko lang naintindihan ang lahat ng pakikitungo ni Mama. Hindi lang galit ang nagtutulak sa kanya kundi pagiging ganid niya. Katulad ni Genevieve ay isa ring demonyo si Mama na nagbabalat-kayong anghel sa lupa. Masakit mang sabihin ito sa sarili kong ina subalit iyon ang totoo subalit hindi iyon nakikita ng mga tao sa patag. Katulad ni Genevieve, para sa kanila, isang anghel na bumaba sa lupa si Mama.“Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhang tanong sa akin ni Daiki.“Kapag napatunayan ko na ang mga teorya ko at mayroon na akong solidong ebidensya, saka ko sasabihin sayo. Sa ngayon, siguraduhin mo muna ang kaligtasan ni Attorney, Daiki. Hindi ibig sabihin na nabasa na ang last will ni Lolo ay magigising maayos na ang lahat. Kaya kailangan mong siguraduhin na ligtas siya, Daiki,” pakiusap ko sa kanya. “Ikaw na lang ang maasahan ko, Daiki.”Simula nang basahin ni Attorney Peñaflorenzo ang last will ang testament ni Lolo ay lalong gumulo ang sitwasyon. Kung hindi inaasahan ng lahat ang nilalaman ng last will ni Lolo, mas lalong hindi iyon inaasahan ni Mama. Namatay nang maaga ang panganay na anak ni Lolo at tanging si Mama na lang ang natitirang kadugo niya kaya inaasahan ni Mama na sa kanya maiiwan lahat ng kayamanan ni Lolo. Subalit hindi iyon nangyari. Inaasahan niyang sa kanya mapupunta ang lahat ng ari-arian ni Lolo pero bago pa siya makatulog ay sinampal na agad sa kanya ng realidad ang katotohanan. Hindi siya ang tagapagmana ni Lolo.“Mag-iingat ako. Huwag kang mag-alala. Kung tatanungin ka ni Kuya Celio kung nakausap mo ako, sabihin mong maayos lang ako. Hihingin ko ang tulong niya kapag kailangan ko na. Mahirap na kapag siya ang napagdiskitahan ni Mama,” paalala ko sa kanya bago pa siya magpumilit na bumalik sa Pinas para lang tulungan ako.Mas malaya akong makakagalaw kung mag-isa lang ako at wala akong inaalalang magagamit ni Mama laban sa akin. Hindi lang ito dahil kay Genevieve, tungkol din ito kay Mama. Ang pagsasanib pwersa ng dalawang tuso at matinik na babae sa buong bayan ay hindi maaaring ipagsawalang-bahala. Hindi ko alam kung paano naitago ni Genevieve ang katawan ng batang babaeng pinatay sa loob ng limitadong oras. Kung saan niya itinago ang katawan ng batang babae ay iyon ang kailangan kong malaman.Nitong nakaraang mga araw bago ako matuntun ng mga pulis at malaman ng buong bayan ang kasinungalingan ibinibintang sa akin ay sinubukan kong magtanong-tanong kung may nawawala bang bata sa buong bayan. Subalit nagtaka ako dahil walang naitalang nawawalang bata sa bayan. Kahit reklamo ay wala.Kailangan kong malaman kung saan nakatira ang batang babaeng biktima ni Genevieve. Subalit hindi ko malalaman kung saan nakatira at kung sino ang biktima hanggat hindi ko nahahanap ang bangkay. Maliban doon, hindi ko rin alam kung ano ang motibo ni Genevieve sa pagpatay sa batang babaeng iyon.“Tatawagan kita.” Biglang natahimik si Daiki sa kabilang linya. Alam kong hindi niya gusto ang ideya na mag-isa lang ako rito sa Pinas, sa bayan namin na nakikipagtuos kay Mama, Genevieve at sa mga pupol na pulisya.“Naiintindihan ko.” Sa wakas ay sagot niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.“Maraming salamat, Daiki.”“Huwag mo nang alalahanin iyon. Sasabihin ko lang sayo kapag nakausap ko na si Attorney Peñaflorenzo.” Desidido niyang pahayag mula sa kabilang linya. “Maiingat ka, okay.”“Salamat.”Pagkatapos kong magpaalam kay Daiki at kumain ay pinili kong magpahinga na lang. Masukal ang gubat at walang nakakita sa akin na dito ako pumunta maliban sa pamilya ni Tiya Pepa kaya kampante akong walang makakahanap sa akin agad-agad. Malaki ang pasalamat ko na tumawag si Daiki dahil ilang araw rin akong nag-aalala na baka mayroong masamang nangyari sa kanya.Kayang kumuha ni Mama ng mga mersenaryo upang ipaligpit si Attorney Peñaflorenzo o ginipitin ang abogado ni Lolo. Nakalahad sa last will ni Lolo na habang hindi pa tumutungtong sa dalawamput-lima o hindi pa kayang hawakan ng magmamana ng lahat ng kayamanan ni Lolo ang negosyo, ay si Attorney Peñaflorenzo muna ang hahawak ng kapangyarihan upang pangasiwaan ng kayamanan ni Lolo.Subalit kapag biglang may nangyaring masama kay Attorney Peñaflorenzo ay mapupunta kay Kuya Celio ang kapangyarihan. Kapag kay Kuya Celio napunta ang kapangyarihan, sigurado akong pipilitin siya ni Mama na ilipat sa kanya ang lahat.Hanggat sigurado akong ligtas si Attorney Peñaflorenzo ay maayos kong maitutuon ang atensyon ko sa paglilinis ng pangalan ko at paghahanap ng ebidensya. Sa ngayon kailangan kong makaisip ng paraan kung paano ko malalaman ang nangyayari sa patag ng hindi ako nahuhuli o nakikita ng mga tauhan ni Mama. Nakakatakot ang impluwensya ng pera. Maaari akong madali kapag ‘di ako mag-iingat.Maingat si Mama sa lahat ng mga maingat kaya nga kung hindi lang bumalik ang ala-ala ko hindi ko malalaman ang ginawa niya. Ngayon ang kailangan kong resulbahin ay paano ko maiisahan ang isang napakaingat na tao? Sabi nila matalino naman ang matsing naiisahan din. Pero hindi kasi matsing si Mama kaya paano ko siya maiisahan?Iyong ang tanong na kailangan kong malaman ang sagot. Paano? Kailangan ko mahanap kung saan niya inilagay ang bagay na iyon nang hindi niya ako nahuhuli. Hangga’t ngayon hindi ko pa rin naiitindihan kung bakit ginawa ni Mama ang ginawa.“Ang lalim po ng iniisip niyo, ah.” Agad akong nabalik sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Bibo. “Kanina ko pa po kayo tinatawag pero nanatili lang kayong nakatitig sa kisame. May inaalala po ba kayo?”“Wala.” Pagsisinungaling ko sa kanya.“Sus!” Nakangiti niyang reaksyon. “Nahiya pa po kayo. Huwag ho kayong mag-alala, alam ko pong mabuti kayong tao. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng mga nasa patag. Kung ang inaalala niyo po kung ano ang nangyayari sa patag,” puno ng emosyon niyang pahayag. “Ako na po ang bahala doon. Magaling po ako sa bagay na iyon, pero hindi po ako tsismoso ha? Mahilig lang po talaga ako makinig.” Nakangisi niyang paliwanag sa akin na sinabayan pa ng pagpapakita ng kanyang malaman na bisig. “Ang ibong maya na po ang bahala sa inyo.”“Ibong maya?” Hindi ko mapigilang itanong sa kanya.“Iyon po ang tawag namin sa mga sarili namin. Ako at ang mga tropa ko sa patag. Hilig po namin na mangalap ng impormasyon at magsiyasat, parang pong si Sherlock Holmes.”“Huwag na, baka mapahamak ka pa,” tanggi ko sa alok niyang tulong. Sherlock Holmes? Hindi ko alam na may kayabangan din ang batang ito.“Nakoo, Ate Ganda. Hindi po mangyayari iyon,” kampanteng pahayag ni Bibo sabay wagayway sa kamay niya na parang bang isang malaking biro ang sinabi ko. Hindi pa siya nakontento at naghila pa siya ng upuan sa tabi ko. “Sanay na po sa amin ang mga taga-bayan. Tsaka katropa po namin lahat ng mga matatanda sa ibaba. Alam niyo naman po, mas madaldal po ang mga matatanda kapag magkakasama sila,” nakangising niyang paliwanag sabay de cuatro ng binti niya at hagod ng baba niya. “At saka, tropa namin ang ilan sa mga pulis sa bayan, Ate Ganda. At subra po nilang daldal lalo na kapag lasing sila,” natatawang dagdag pa ni Bibo.“Mukha kalokohan ang binabalak mo, Bibo. Kapag kayo nadali, mapapahamak lang kayo. Huwag na.” Pero hindi pa rin ako kumbinsido.“Kahit sabihin kong may nakalap akong balita na may nakakita kay Ma’am Sanarez na may hila-hila na malaking sako nung nakaraan sa kabilang bahagi ng bundok?” Nakangisi niyang tanong sa akin na labis na ikinagulat ko. Sa subrang gulat ko wala sa loob kong napabalikwas ng bangon.“Anong sinabi mo?” Nakalimutan ko bigla ang nanakit kong katawan at nakatuon lang ang buong sistema ko sa sinabi ni Bibo.“May nakakita po kay Miss Sanarez na may hila-hilang sako madaling araw nung nakaraang araw,” ulit niyang pahayag.“Paano mo nasisigurado?”Lalong lumapad ang ngisi niya sabay kindat sa akin. Tapos bahagya niyang yumuko na para bang may nakikinig sa amin. “Kasi po nakausap ko iyong nakakita.”"Anong sinasabi mo?Bago ako dumiretso sa bahay ko ay huminto muna ako sa harapan ng artipisyal na lawa na gawa ni Kuya Celio, ang nakatatanda kong kapatid. Mapait akong napangiti nang maalala ko si Kuya Celion. Kamusta na kaya siya? Tatlong taon na rin kaming hindi nagkikita. Napalingon ako sa Dining House namin na nakatayo sa gitna ng lawa. Lalong tumingkad ang kulay perlas nitong kulay dahil sa sinag ng inang buwan. Napatingala ako at hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit papaano ay napapawi ng buwan ang ‘di magandang damdamin na unti-unting lumulukob sa akin. Huminga ako nang malalim na malalim bago ko muling ibinaling ang tingin ko sa lawa. Maliwanag na maliwanag ang bilog na bilog na buwan kaya tila diyamanteng nakikislapan na inilatag ang sinag ng buwag sa artispisyal na lawa. Noong bata pa ako, dito kami naglalaro ni Kuya Celio tuwing wala siyang pasok sa eskuwela. Pero simula nang magkolehiyo siya ay naging madalang na ang paglalaro namin. Subalit tuluyan naputol ang samahan namin nang mangyari a
Inayos ko muna ang aking higaan bago ako lumabas sa aking kuwarto. Isang linggo rin akong nagpahinga. Ngayon na nanumbalik na ang lakas ko ay handa ko nang isakatuparan ang layunin ko. Ang tugisin si Genivieve Sanarez at parusahan si Mama. Sa loob ng isang linggo kong pahinga rito sa likod ng kambal na talon ay si Bibo ang nangangalap ng balita at impormasyon para sa akin. Hindi ko itatanggi na may talento ang batang ito pagdating sa pag-iimbestiga. Dahil sa kanya nalaman kong nag-utos si Mama na halughugin pati ang kagubatan para mahanap ako. Nagkaroon din ng pagpupulong sa bayan na bibigyan ng pabuya ang kung sino mang makakapagturo kung nasaan ako. Pero kampante akong hindi nila matutunton ang kinalalagyan ng bahay ko. Isa pa, mahigpit kong ipinagbilin kay Bibo na huwag na huwag babanggitin ang pangalan ko kahit kanino. At ang malala pa ay pinatira ni Mama sa Hacienda si Genevieve upang protektahan ito sa laban sa akin. Subalit sa kabila ng lahat, ay natuwa pa rin ako dahil ibinal
Dumiretso ako sa Bag End at pagkapasok ko ay pinili kong hayaan ang dilim ang muling umagapay sa akin. Hilam ang luha kong tahimik akong humiga sa kama ko at mahigpit kong niyakap ang sarili ko tulad ng sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina. Ang kaibahan lamang ay para akong walang buhay na nakahilata sa kama ko habang nakatitig sa labas at lumuluha. Ganito ba talaga ako kahina? Nakakapagod na. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili ko na huwag akong maapektuhan. Na sanay na ako. Subalit, sa bawat pagbanggit nila sa pangalan ni Ate Letty, pakiramdam ko daig ko pa ang kriminal na paulit-ulit na kinukundina. Kasalanan ko ba talaga ang lahat? Hindi ko alam. Wala akong maalala. “Tiis ka lang, Talulla. Magtiis ka lang,” bulong ko sa sarili ko. Pero hanggang kailangan ako magtitiis? Hanggang kailan ako magdurusa sa kasalanan hindi ko maalala? Kailan ba ako patatawarin ni Mama? Pagak akong natawa nang biglang bumuhos ang malakas na mala
Pagka-alis na pagka-alis nina ‘Ka Tino at Tammy ay ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng katawan. Subalit inabot na ako ng hapon ay wala pa rin akong mahanap. Umabot na ako sa masukal na parte ng gubat subalit wala pa rin akong makitang bakas o palatandaan na sa lugar na dito itinago ni Genevieve ang katawan. Napabuntong-hininga akong napaupo sa gilip ng sapa naghilamos ng mukha. Kanina pa ako naglalakad at naghahanap ng mga bakas o palatandaan subalit wala akong makita. Alam kong imposible na agaran kong mahanap ang katawan ng batang babaeng subalit hindi ko pa rin maiwasang madismaya. Huminga ako ng malalim at inilibot ko ang paningin ko. Kasalukuyan akong nasa gitna ng gubat habang napapalibutan ng naglalakihang mga puno. Napailing na lang ako. Paano ko mahahanap ang katawan sa ganito kakapal at kakomplikadong lugar? Biglang gusto kong panghinaan ng loob. Pagod na pagod na ako. Mukhang kailangan kong bumalik bukas para ipagpatuloy ang paghahanap. Muli akong napabuntong-hininga at ini
“Huwag mong pilitin,” masuyo niyang pahayag habang hawak niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Masaya ako na si Daiki ang nakahanap sa akin kahapon ng gabi. Ayokong may makakita sa akin sa ganung estado at kalagayan. Huminga ako ng malalim bago ko iniwasan ang tingin niya. “Kakayanin ko, Daiki. Hindi naman pwedeng habang buhay na lang akong tatakas, hindi ba? Kailangan ko ring malaman ang totoo,” katuwiran ko sa kanya. Napatingin ako sa labas at hindi ko maiwasang magbalik tanaw. Walang testigo o nakasaksi sa pangyayari ng araw na iyon at ang malala pa ay wala akong maalala kaya hindi nagkaroon ng usad ang kaso ni Ate Letty. At dahil doon, sa akin ibinunton lahat ni Mama ang lahat galit at poot niya. At sa araw din na iyon natapos ang relasyon namin bilang mag-ina. Tuluyan akong kinamuhian ni Mama at walang pagdadalawang-isip niya akong itinakwil. Sa subrang pagkamuhi sa akin ni Mama ay pinalayas niya ako hindi lang sa Hacienda kundi sa buong Isla. Wala akong naging kakampi ng
“Morning sleepyhead,” narinig kong malambing na bulong sa akin na ikinakunot-noo ko. Bakit naririnig ko ang boses ni Daiki. “Get up, sleepyhead. Oras na para magbreakfast.” “Daiki?” ungol ko. Inaatok pa ako. “Yes. Wa.ta.shi.da (It’s me)” bulong niya sa akin. “Ha?” Napadilat ako ng wala sa oras. Mabilis ko siyang hinahanap sa kwarto ko pero hindi ko siya makita. Saka ko naunawaan na nasa cellphone pala nanggagaling ang boses niya nang marinig ko ang tawa niya. Inaantok kong nasapo ang noo ko. Humihikab kong pinulot ang cellphone ko. Hindi ko namalayan na nakaligtaan kong patayin kaninang gabi. “Ohayo, Daiki-kun,” inaantok kong bati sa kanya bago ako bumangon at tinungo ako kusina. “Magandang umaga, hija,” bati sa akin ni Tiya Pepa. “Maghilamos kana para makakain kana.” “Opo,” sagot ko sa kanya. “Natulog ka ba?” baling ko kay Daiki na nasa kabilang linya. “Matutulog pa lang.” “Okay. Oyasumi, Daiki-kun,” paalam ko sa kanya. “Hai,” bulong niya. Bago pa humaba ang usapan namin ay
“Sana huwag mong isipin na masama ang araw ng kaarawan dahil ngayon sa parehong araw namatay si Leticia, Talulla,” komento ni Genevieve na umagaw sa atensyon ko. Napahinto ako sa paghiwa ng cake ko at napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa akin. Akala ko ang sasabihin niya sa akin kung gaano siya nanghinayang na maagang namatay ang ate Letty. Parang sirang plaka kasing ganun palagi ang reaksyon ng mga nakaka-usap ko tuwing dumarating ang araw na ito. Hindi ko inasahan ang sinabi ni Genevieve. Wala sa oras akong napalunok at mabilis akong umiwas ng tingin. Walang kumausap sa akin na ako ang paksa maliban kay Daiki. Nakakapanibago lang dahil maliban sa hindi kami ganoon kalapit kay Genevieve, ay madalang ko lang siyang kausapin noong mga panahon. “Huwag kang mag-alala, hindi sumagi sa isipan ko iyan,” pagsisinungaling ko sa kanya. Simula ng nataon ang pakamatay ni Ate Letty sa kaarawan ko ay sumpa na ang tingin ko sa araw ng kaarawan ko. “Siya nga pala, A
Bumalik ako sa lugar kung saan ko nakita ang kulay luntian na pinta. Madali ko lang natunton ang lugar salamat sa relo ko na mas matalino pa kay Siri at G****e. Pagkatapos kong kausapin si Bibo kanina ay nagpaalam ako kay Tiya Pepa at Tiyo Camarez na hindi muna ako uuwi ng ilang araw at oobserbaan ko muna ang takbo ng situwasyon ko. Noong una ay hindi sila sang-ayon dahil lubha raw na mapanganib na sa gubat ako magpapalipas ng gabi. Ngunit matiyaga kong ipinaliwanag sa kanila ang kasalukuyan kong situwasyon. Mahigpit kong inihabilin sa kanila na alagaan ang batang lalaki at huwag hayaan itong mapahamak. Ibinilin ko rin sa kanila na umiwas muna sa pagbaba sa patag dahil baka magtaka ang mga tao kung ko bigla silang baba ng paulit-ulit sa patag. Maliban doon, ay sinabi ko rin sa kanila na huwag nila akong hanapin. Ako na ang bahala sa sarili ko lalo na ngayon na mas delikado na ang situwasyon ko. Ako ang pupunta sa kanila at hindi sila ang pupunta sa akin dahil mas mapapanatili ko ang
“Hi, little sis,” bati niya sa akin habang nasa counter ko pa rin ang kamay niya. Magandang-maganda ang ngiti niya habang nakatingin siya sa akin. Maaliwalas na maaliwalas ang mukha niya na para bang tapos na lahat ng problema niya sa mundo. Suot niya ang damit niya noong libing niya habang malayang nakalugay ang may paka-pula niyang buhok. Nababaliw na ba ako o panaginip lang ito? Wala sa loob kong napatingin kay Nanay Yasim. “Nay, may nakikita niyo po ba siya?” naguguluhan kong tanong sa kanya. Baka proyekto lang si Ate ng imahinasyon ko. Baka nababaliw na ako. “Anong nakikita, anak? Ikaw huwag mo akong pinag-aalala,” naguguluhang balik tanong sa akin ni Nanay Yasmin habang labis ang pag-aalalang nakatingin siya sa akin. Napahilamos ako ng mukha ng mapansin kong kulang na lang ay tumawag siya ng doctor. “N-nay? Pwede niyo po ba akong iwan mag-isa?” pakiusap ko sa kanya habang nanatiling nakapako ang tingin ko kay Ate Letty na masayang umupo sa counter ko. Ayokong lalong mag-alal
Lahat ay nakatingin sa akin pag-apak na pag-apak ko sa loob ng Hacienda. Daig ko pa ang patay na bumangon sa hukay ko kung titigan nila ako. Ang iba ay nagtataka habang ang iba ay hindi makapaniwala na babalik ako.Subalit ang hindi ko inaasahan na kabilang sa babati at mag-aabalang magpakita sa akin ay si Genevieve. Hindi ko alam kong sadyang makapal lang talaga ang pagmumukha niya o sa tingin niya aasta akong may kasalanan katulad ng dati. “Talulla, you are back!” Masiglang pahayag niya habang nakangiti siyang naglalakad palapit sa akin. Akmang yayakapin niya ako pero agad ko siyang tinaasan ng kilay. Nilagpasan ko siya ng walang pasabi sa harapan ng mga matang lihim na nakamasid sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Sa buong buhay niya wala pang tumanggi sa kanya. Parating siya ang tumatanggi sa iba sa harapan ng maraming tao. Subalit ibang usapan na ngayon. Noong araw na hinahabol ako ng mga pulis sa kasalanan hindi ko ginagawa kahit wa
“Are you planning to stay here?” tanong ulit sa akin ni Kuya ng manatili lang ang tingin ko sa papalubog na araw sa dakong kanluran. “Oo. Siguro. Hindi ko pa talaga alam, Kuya,” sagot ko sa kanya. “By the way, I’m sorry about yesterday. Pagpasensyahan mo na si Mama. She can be very nuisance, most of the time. Hindi ko alam na hindi ka niya isinama. I slept in ranch villa kaya akala ko kasama ka nila,” May pag-iinggat na sabi sa akin ni Kuya Celio. Alam kong ayaw lang niyang masaktan o mapikon ako. “I’m sorry, Sis.” Ang tinutukoy niya ang pagbisita nila sa puntod ni Ate Letty kahapon. Lahat ay pumunta maliban sa akin, pati si Genevieve at Rhaia, maging ang ibang malalapit na tauhan sa Hacienda ay sumama sa puntod ni Ate Letty, subalit wala man lamang nag-abalang gisingin ako. Nalaman ko kay Nanay Yasmin na sa Main House sila pinatulog at mag-aalas Cuatro pa lang ng umaga ay umalis na sila at tanghali na sila umuwi. “Wala iyon, Kuya. Kalimutan mo na. Matagal ko nang tanggap na galit
“How did you do that?” manghang-manghang tanong sa akin ni Daiki ng maabutan niya ako. Pagkatapos niyang masigurado na tapos na ang laban ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ko na saktong pagkatapos kong kausapin si Rhaia. Oo, si Rhaia, ang nag-iisang taong hindi ko inaasahan na hahawak ng karit ni kamatayan mawala lang ako sa landas niya. Ibig sabihin alam na niya ang relasyon namin ni Daiki. Hindi naman sa itinatago ko na may relasyon kami ni Daiki, hindi ko lang ugaling ipagsabi. “Let me treat your wounds.” Agad napalitan ng pag-aalala ang ekpresyon niya ng mapadako ang tingin niya sa dumudugo kong pisngi. “Are you okay? God! Are you okay? Okay ka lang ba talaga? Daijoubo? Siguro ang relasyon namin ni Daiki ang pinaka-predictable o inaasahan ng lahat, mula sa magkaibigan hanggang sa magka-ibigan. Sinagot ko siya noong una dahil siya lang ang nag-iisang taong nagpakita sa akin ng totoong pang-unawa at pagmamahal. Para sa akin ayoko siyang mawala kaya sumang-ayon ako
Carrie? Kinusot ko ang ilong at pilit kong inaalala si Carrie sa utak ko. Wala akong kilalang Carrie. Sino ba siya?“Carrie?” kunot na kunot ang noo kong tanong sa sarili ko habang pinipilit ko pa rin siyang maalala. “Señorita Talulla, I suggest you to stop,” natatawa niyang suhestyon sa akin. “Alam ko kung bakit hindi mo siya maalala,” pahayag niya bago niya ibinababa ang hawak niyang bago tasa ng kape. “Huh?” Nalilito akong napatingin sa kanya. Anong kalokohan ang ibig niyang sabihin? “Anong ibig mong sabihin na alam mo kung bakit hindi ko siya maalala?” Matama niya akong tiningnan tapos maya-maya ay mayumi siyang ngumiti at sumusukong huminga ng malalim na para bang inaasahan na niya ang tanong ko. “Dahil kinakalimutan mo ang mga tao at bagay na walang kinalaman sa’yo, Señorita Talulla. Kinakalimutan mo ang mga bagay na sa tingin mo hindi mo mapapakinabangan at hindi na mahalaga sayo,” nakangiti niyang paliwanag sa akin pero iba ang sinasabi ng mukha niya, lalong-lalo na ang ma
"Bigyan mo ako ng dalawang linggo pa, Daiki. Pakisabi kay Attorney ihanda niya ang lahat pero kailangan ko ng dalawang linggo para alam lahat ng kailangan kong malaman, ipaalam mo rin kay Kuya Celio,” paliwanag ko sa kanya. “Pagkatapos ng dalawang linggo, sunduin mo ako sa Hacienda.” “Ano ang balak mong gawin ngayon?” Katulad ng paulit-ulit kong sinasabi, hindi madaling kalaban si Mama. Isa siyang higante sa buong mundo hindi lang sa larangan ng negosyo kundi ang pangalan niya ay itinuturing na mukha ng yaman at kapangyarihan, kilala siya ng lahat bilang tagapagmana ni lolo kayawalang gustong bumabangga basta-basta. Napantingin ako kay Daiki, maliban sa pagtulong ni Daiki ay alam kong hindi ko siya maaaring idawit sa problemang ito lalong-lalo na at problemang pampamilya ang puno’t-dulo ng bagay na ito. Malaki ang posibilidad na ang katiwaliaan at kasamaan ni Genevieve ay konektado si Mama subalit kung gusto ko siyang bumagsak, dapat ako hahawak ng susi. I will be the one who will p
Pagkatapos kong makausap si Genevieve sa lumang tulay ay walang paalam ko siyang iniwan at bumalik ako agad sa Hacienda. Pinili kong tanggalin ang sinabi ni Genevieve sa utak ko at nagpasiya akong dumiretso ako sa bahay-aklatan. Agad kong hinahanap ang ARCHIVE section kung saan nakalagay ang lahat ng dokumento tungkol sa pamilya namin. Maliban sa mga impormasyon tungkol kay lolo na hanggang ngayon ay nasa bahay pa rin niya. Pinaandar ko ang lampara at kinuha ko ang hagdanan. Itinago lahat ni Mama ang lahat ng gamit ni Ate Letty, sa subrang pangungulila niya. Kulang na lang pagawan niya ng altar o monomento si Ate Letty. Noong una ay hindi ko maintindihan subalit pilit kong inintindi, iniisip ko na lang na karapatan niya ang mangulila at magluksa dahil nawalan siya ng anak, nawala sa kanya ang pinakapaborito niyang anak. Kinuha ko lahat ng impormasyon tungkol na nahanap ko pa tungkol kay Ate Letty at inilagay ko lahat iyon sa isang malaking kahon at binitbit ko pabalik ng Bag End. Ini
Imbis na sagutin ako ni Daiki ay nakangti niyang hinawakan ang makabilang pisngi ko at walang paalam niya ako hinila at inangkin ang mga labi ko. Sa subrang gulat ko ay hindi ko nasundan ang mga sumunod na pangyayari, basta ang alam ko na lang ay kanlong na niya ako sa kandugan niya at patuloy akong hinalikan. Nanlalaki ang mata kong mabilis siyang itinulak ng tuluyang rumihistro sa utak ko ang ginagawa niya. “Stop!” gimbal at namumula kong pigil sa kanya. “But you haven’t kiss me back,” reklamo niya na lalong ikinapula ng pisngi ko. Dali-dali akong tumayo at iniwan siya sa kinauupuan niya. Wala sa sarili kong napakamot ako ng ilong at umupo sa sahig. “Don’t tell me you still don’t know how to kiss, love,” natatawang tudyo niya sa akin sabay tayo at naglakad siya papunta sa kinauupuan ko. “Gago,” namumula ko pa rin na sikmat sa kanyan. Ipinatong ko ulit sa lupa si Kei, ang relo ko, at muling inilabas ang keyboard kanina. Sinubukan kong ibalik ang pansin ko sa ginagawa ko kanina. An
Katulad ng inaasahan ko, hindi nga kaarawan ko ang dinatnan ko sa Skye Hall kundi ang napakalaking larawan ni Ate Letty na nakapaskil sa bulwagan ng Hall mismo. Masakit, hindi ko itatanggi iyon ngunit mas pinili kong magiging matatag katulad ng paulit-ulit kong ginagawa sa loob ng walong taon niyang pagkawala. Taas-noo akong pumasok sa Hall habang nakaalalay sa akin si Daiki. Pero katulad ng nakasanayan, pinaglalaruan pa rin ako ng tadhana. Aminado akong hindi ko dapat isinisi ang lahat ng kamalasang tinatamasa ko subalit hindi ko kontrolado ang buhay, ano ang magagawa ko kundi isisi sa tadhana, ‘di ba? Parang may direktor at planado lahat ang sumunod na nangyari. Pagpasok na pagpasok namin sa Hall ay si Mama na ang nagsasalita sa harapan at nagbibigay ng mensahe, hindi para sa akin kundi para kay Ate Letty. Pinili kong magtaingang-kawali lang at mahigpit na humawak sa bisig ni Daiki. Hindi ko sasayangin ang damit na regalo ni Lolo para bigyang ligaya si Mama sa ginagawa niya. Mas ti