Home / Mystery/Thriller / Picture Perfect / Ikatlong Kabanata- Nakaraan

Share

Ikatlong Kabanata- Nakaraan

Author: ngnlblank
last update Last Updated: 2021-11-01 14:51:08

Hindi ko naiwasang mapalunok ng makarating kami sa Hardin ng Hacienda. Hindi ko inaasahan na may madatnan akong mga bisita ngayong gabi. Subalit ang hindi ko kayang tagalan ay ang pamilyar na paraan ng tingin na ipinupukol nila sa akin. Ang tingin na natanggap ko pitong taon na ang nakalilipas.

Kanina ay agad silang natahimik nang makita nila akong paparating at hindi nila inaasahan na kasama ko si Mama. Kung tingnan nila ako aakalain kong nakasunod sa akin si kamatayan na bitbit ang kanyang karit, nakangiti at nagdadala ng kamalasan. Para sa kanila, isa akong tinik sa lalamunan ni Mama na kailangan ng tanggalin.

Agad akong napayuko para iwasan ang mapang-uring tingin na ipinupukol nila sa akin. Binilisan ko ang paghakbang ko na para bang doon nakasalalay ang paghinga at buhay ko. Kung pwede lang akong lamunin ng lupa, pagka-apak ko pa lang sa loob ng Hacienda ay nagpalamun na ako. Kung maaari lang akong maglaho. Pilitin ko man minsan na ipagsawalang-bahala ang lahat subalit hindi ko kaya. Maliban sa paraan ng pagturing sa akin ni Mama, isa ito sa mga marami pang dahilan kung bakit ayokong umuwi dito sa bayan.

Subalit isa akong dakilang hangal. Hindi ko kayang hindian si Mama dahil kahit hindi ko alam ang buong kwento ng katotohanan ay sinasabi ng lahat na kasalanan ko ang nangyari pitong taon na ang nakararaan. At kaparusahan ko ang hindi tanggihan si Mama dahil kahit hindi ko aaminin, pakiramdam ko ito lang ang paraan para maibsan ko ang kanyang pangungulila kay Ate Letty. Ang saktan ako.

Lihim akong nagpasalamat nang mapansin kong wala sa akin ang atensyon ni Mama. Walang pagdadalawang-isip akong lumiko at iniwan na siya sa kanyang mga kaibigan. Bitbit ang bag at lalagyan ko ng laptop ay pinili kong tahakin ang makipot na daan papuntang pasilyo sa likod ng hacienda upang makatakas sa paningin ng lahat. Subalit nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pagliko nang biglang may matinis na boses na tumawag sa akin.

"Talulla!"

Agad akong napahinto sa paghakbang, napalingon at napaangat ng tingin. Katulad ng nakasanayan, agad kong ipinakita sa kanya ang praktisado at kalkulado kong ngiti at bahagya ko siyang kinawayan. Kaya mo ito Talulla. Sandali lang ito, huwag kang matuliro.

“Rhaia,” nakangiti kong tawag sa kanya.

Para siyang batang tumatakbo papunta sa akin habang malapad na malapad ang ngiti niyang nakangiti sa akin. Napailing na lang ako. Minsan hindi ko alam kung totoo ba ang ngiti na ibinibigay niya sa akin o napipilitan lang siya. Siguro dahil nakasanayan kong ngumiti nang pabalat-kayo kaya sa tingin ko hindi totoo ang pinapakita nino naman na kabaitan sa akin.

Si Rhaia. Pinsan ko. Isa siyang tanyag na henyo sa fashion designer sa Europa. Dahil sa trabaho niya ay madalang lang kaming mag-usap. Minsan kinakausap niya ako sa telegram o sa skype para mangumusta. Mas bata siya ng isang taon kay Ate Letty kung nabubuhay lang ito. Subalit kung si Ate Letty ay may pagka-pormal kung umasta o gumalaw, kabaliktaran naman si Rhaia. Parati siyang napapagkamalang bata hindi lang dahil sa istura at tangkad niya kundi dahil na rin sa gawi niyang umasta.

“Kamusta ang pinakapaborito kong pinsan? Namiss kita! Subra!” Tinalon niya ako at mahigpit na mahigpit niya akong niyakap at hinalikan nang madiin sa pisngi.

Napailing na lang ako at hindi ko naiwasang pisilin ang pisngi niya. Si Rhaia ang pinakamalambing na taong nakilala ko noong bata pa ako. Siya iyong tipong malambing na malambing sa mga taong gusto niya. Lalanggamin ka kapag siya ang kasama mo. Pero pakiramdam ko may motibo ang lahat ng ipinapakita niya sa akin.

"I clear my whole week schedule just to be here," sabi niya at kinindatan pa niya ako. Maihahanlintulad ko sa Rhaia sa isang manika. "So, kamusta kana!" Masiglang-masiglang tanong niya sa akin nang tuluyan na niya akong pakawalan at nakangiti akong sinipat-sipat na akala mo isa akong manika na bagong bibihisan niya.

Bahagya akong napangiti sa asal niya. Kahit kailan hindi pa rin siya nagbabago, Inglesera pa rin siya at damit ang laman ng utak niya. Ano pa nga ba ang aasahan ko, sa ibang bansa siya namamalagi at Ingles ang pangunahing wika sa pakikipagtalastasan at lenggwahe ng komunikasyon at pagde-desenyo ang trabaho niya.

“Salamat, Rhaia.” Pinisil ko ang dalawang kamay niya upang ipaabot na nagagalak akong makita siya at nagpapasalamat ako na dumalo siya. “Maayos naman ako.” Ang kasinungalingang sagot ko sa tanong niya. Pero syempre, mamatay muna ako bago ko aaminin na hindi talaga ako maayos. Ayokong maging pasanin nino man.

Anak ni Tita Sylvie si Rhaia at katulad ko, pang-gitna rin siyang anak. Siya lang ang kumakausap sa akin at nangungumusta minsan dahil sa isang dahilan. Gusto niya ang nag-iisang kaibigan ko. Ito ang dahilan kaya hindi ko maiwasang kwestyunin ang ugaling ipinapakita niya sa akin.

“Sabi ni Tita Martha bibisitahin natin ang puntod ni Leticia kaya sinigurado ko talaga na makakapunta ako. I miss her so much. Kung buhay lang siya I bet we are traveling around the globe right now."

Oo, gusto ko siyang kausap. Maliban na lang kapag binabanggit niya si Ate Letty. Ayokong pinag-uusapan si Ate Letty sa paraan na gusto nila siyang pag-usapan. Pero alam kong hindi iyon maiiwasan. Si Ate Letty ang nagpakilala sa akin kay Rhaia. Magaling si Rhaia sa pagkumbinsi at makisama kaya naging palagay ang loob ko sa kanya. Subalit simula nang mangyari ang trahedyang iyon na sinasabi nilang ako ang may kasalanan kahit wala naman akong maalala, biglang nagbago ang lahat. Para sa akin isang malaking kasinungalingan ang pinapakita nilang kabutihan.

Ayoko rin na binabanggit ang pangalan ni Ate Letty bigla-bigla o basta-basta na lang pero hindi ko naman masabi na ayoko. Ayokong magalit si Mama. Ayokong malungkot si Mama kahit ang kapalit nun ay ang sarili kong pasakit. Si Ate Letty ang mukha at salamin nang nakaraan ko na minsan gusto kong takasan at kalimutan subalit hindi maaari.

“Salamat sa pagpunta, Rhaia.” Hinawakan ko ang kanang balikat niya. “Pero saka na tayo mag-usap ha? Kailangan ko ng pumasok,” paalam ko sa kanya. Kaswal ko siyang nginitian bilang pasasalamat. Gusto ko nang umalis at pumasok dahil alam ko kung ano ang susunod niyang gagawin. Alam kong si Ate Letty ulit ang sunod niyang babanggitin.

Hangga’t kaya ko ay gusto kong iwasan at takasan ang mga nangyari sa nakaraan. Ayokong basta-basta balikan ang nakaraan na hindi ko naman maalala. Dahil kung hindi sumasakit ang ulo ko ay bigla-bigla na lang akong nahihirapang huminga. Gusto kong alalahin si Ate Letty. Gusto kong alalahanin siya sa masasaya niyang ala-ala hindi dahil sa puot at sakit ng kanyang pagkawala.

Subalit ang mga alaala ni Leticia ay hindi tulad ng tagsibol na naghahatid ng pag-asa at nagpapalapit sa lahat. Kawangis ito ng taglagas na nagpapabagsak at nagsisimbolo ng pagtatapos, katulad na lang kung paano niya tinapos ang relasyon namin ni Mama. Isa siyang bangungot na hindi ko kayang takasan dahil karugtong na siya ng buhay ko. Isang bangungot na kailangan kong yakapin at tanggapin nang walang pasubali.

“By the way, Mama wants to see you,” nakangiti pa rin niyang sabi sa akin.

Agad akong napatiim-baga. Ang ngiti na naman na iyan. Biglang gusto kong maduwal. “Pakisabi kakausapin ko lang siya mamaya. Pasensya na talaga, Rhaia. Pagod na ako. Gusto ko munang magpahinga.”

Bago pa siya makasagot ay tumalikod na ako. Hindi na ako nag-abala pang lumingon kahit alam kong may sasabihin pa siya. Pagod na ako. Kailangan ko ng magpahinga. Kailangan ko ng huminga. Kailangan kong lumayo upang makahinga.

Mula sa pasilyo ay dumiresto ako sa likod-bahay. Dumaan ako sa Maids Quarter para mas maging mapabilis ako papunta lumang kwarto ko. Agad napalis ang pagkabalisa ko at gumuhit ang ngiti sa labi ko ng matanaw ko ang pinto ng dati kong kwarto. Patakbo akong lumapit at kinuha ko ang susi sa ilalim ng paso ko. Ang lugar na ito ang nanatanging nagbibigay sa akin na halina. Ang natatanging kanlungan ko sa Haciendang ito.

Pagbukas ko sa pintuan ay bumulusok ang alikabok sa mukha ko na lalong nagpalapad sa ngiti ko. Katulad ng inaasahan, walang gumalaw o nakahanap ng susi ng kwarto ko. Ang lumang kwarto kung ito ang naging saksi sa lahat ng lihim kong paghihirap. Kung ang unan ko ang kaibigan ko tuwing gabi, ang bawat sulok ng silid na ito ang naging pader ko sa mga panahon na iyon.

Nakangiti kong ipinatong ang bag ko at lalagyan ng laptop ko sa ibabaw ng mesa ko. Huminga ako nang malalim bago ko hinila ang puting tela na nakapatong sa sofa ko. Sa kwartong ito hindi ko kailangan magkunwari. Pakanta-kanta pa ako habang tinatanggal ang mga tela sa iba ko pang gamit nang makarinig ako ng mahinang tawa mula sa likuran ko.

Tuliro akong napalingon at napatingin sa pinanggalingan ng tawa. Subalit hindi ko inaasahan kung sino ang nakita ko. Nakasandig siya sa pintuan ko habang nakapamulsa ang dalawang kamay niya at nakangiting nakatitig sa akin. Napatanga lang tuloy ako dahilan kaya lalong lumapad ang ngiti ng hudyo.

“Alam kong namiss mo ako. Namiss din kita,” nakangiti kong pahayag at ibinuka ang kamay ko nang makahuma ako.

Matunog siyang natawa at hinagod ang batok niya. “Hindi ka pa rin nababago.” Nakangiti niya komento bago siya tuluyang tumayo at malalaki ang hakbang na nilapitan ako at niyakap nang mahigpit na mahigpit. “Namiss kita, subra. Ang tagal mong nagtago sa lungga mo. Nakakatakot kang bisitahin,” biro niya habang isinusubsob ang mukha niya sa leeg ko. Tarantado talaga.

“Masaya sa lungga ko,” natatawa kong ganting biro. “Pwede mo na akong pakawalan, Daiki. Hindi na ako makahinga.” Subalit sa halip na pakawalan ako ay binuhat pa niya ako at inikot-ikot sa ere. “H*******k ka, ibaba mo ako.” Maliban kay Kuya Celio, siya ang tanging taong kayang kong ipakita ang totoong ako nang walang pangamba, nang walang pagdadalawang-isip at takot.

“Let me help you,” alok niya ng tulong habang nakatingin sa akin.

Sumimangot ako at kumalas sa pagkakayakap niya. “Di bali na, Daiki. Nakakahiya naman sa puting-puti mong polo. Galing ka ata sa modeling. O balak mo na namang bumingwit ng mga dalaginding sa labas,” panunukso sa kanya.

Ang ganda ng suot niya. Maliban sa napakalinis niyang tingnan, ay perpektong bumagay sa kanya ang itim niyang slacks na yumayakap sa mahahaba niyang binti na pinarisan niya ng maputing long-sleeve na polo na may kapares na itim na kurtaba na lalong nagpatingkad sa katawan niya na parating pinaglalawayan ng mga taga-hanga niya. Walang sino man makakatanggi na nakagandang niyang lalaki. Isa siya sa kakaunting nilalang na perpektong hinulma ng maykapal.

“Namiss mo nga ako.” Tumatawa niyang pahayag sabay akbay sa akin na ikiningiti ko.

Subalit hindi ko rin maiwasang mapasimangot. Nagmukha akong unano sa higante niyang tangkad. 6’2 ang tangkad ni Daiki habang ako ay 5’4 lang. Matalik na kaibigan ni Kuya si Celio si Daiki, Daiki Nicolo Selloriquez ang buong pangalan niya, pero naging matalik ko rin siyang kaibigan. Katulad ni Kuya na subrang matagumpay sa karera ng buhay na pinili niya ay ganun din si Daiki. Nakakalula ang tagumpay na tinatamasa nila. Ako na lang ang walang kwenta. Hay.

“How are you holding up?” Biglang tanong niya sa akin na labis na nagpagulat sa akin.

Unti-unting nanlaki ang mata ko sa tanong niya at agad napalis ang ngiti ko. Lutang ang utak kong unti-unting napatingala sa kanya. Pakiramdam ko biglang tinuyo ang lalamunan ko at tinakasan ako ng sarili kong lakas. Kunot-noo akong tumikhim upang payapain ang sarili kong damdamin. Pakiramdam ko kasi kapag hindi ko iyon ginawa ay tatraydurin ako ng luha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla-bigla na lang akong nagiging emosyunal kapag si Daiki ang nagtatanong sa akin. Iba kasi ang tanong niya sa tanong ng iba.

Agad akong nag-iwas ng tingin. “Sa tingin mo?” balik kong tanong sa kanya.

“Nandito lang ako.” Masuyo niyang paalala sa akin pagkatapos pinaikot niya ang ang bisig niya at muli niya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit.

Itinawa ko na lang ang nararamdaman kong pait. “Kinakaya ko pa naman. Matatag akong tao, noh,” pangungumbinsi ko sa kanya. “Malapit nang kumain, Daiki. Mauna kana.” Pagtutulak ko sa kanya.

“Hintayin kita.”

“Huwag na.”

“Hihintayin pa rin kita.” Hindi niya natitinag na pahayag habang maitiim siyang nakatingin sa mga mata ko na para bang sinasabi niya na kahit talikuran ako ng buong mundo, mananatili siyang kakampi ko. Pero maya-maya ay biglang nagbago ang paraan ng tingin niya sa akin.

Bahagya akong nailang sa paraan ng pagtingin niya. Kahit kailan hindi ko minsan maintidihan kung ano ibig sabihin ng paraan ng pagtingin niya na iyan sa akin. Para bang sinisipat niya ang buong pagkatao ko at nakikita niya pati ang kaibuturan ng kaluluwa ko.

Bago pa ako makatanggi ay inabot niya sa akin ang backpack na naglalaman ng gamit ko at itinulak niya ako papasok sa kwarto ko. Mabilis kong inilabas ang damit ko pumasok ako sa dressing room. Nagsusuot ako malaking na puting shirt na may logo ng pusa at pajama. Paglabas ko natagpuan ko siyang inaayos ang mga gamit ko. Napailing na lang ako.

"I can't help it," paliwanag niya pero tiningnan ko siya ng masama. Sabi ng huwag tumulong, ang kulit din niya. "Let's go?" Nakangiti niya anyaya sa akin.

“Mauna ka.” Itinulak ko siya palabas ng pintuan ko. Sumunod ako pagkatapos kong maisarado ang kwarto ko.

Nasa unahan ko lang siya habang naglalakad kami, kasalukuyan kaming nasa pasilyong tulay na nagdurugtong ng Hacienda at ng dining house. Magkahiwalay ang dining house at ang main house namin dito sa Hacienda. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang malapad niyang likod habang tahimik akong nakasunod sa kanya. Nakasanayan ko nang pagmasdan ang likod niya simula pa nung mga bata pa kami. May napakagandang likod si Daiki, na lalong napakasarap pagmasdan dahil sa tikas ng tayo niya at gawi niya maglakad.

“Stop staring at my back.” Hindi lumilingon na komento niya.

Hindi ko mapigilan mapangiti sa sinabi niya. “Hindi ko alam na may mata ka pala sa likuran, Daiki,” biro ko sa kanya.

“Alam ko lang kapag ikaw ang tumititig sa akin,” nakangiti niyang komento sabay lingon sa akin. “Kilala kita,” dagdag pa niya.

Maya-maya ay binagalan niya ang paghakbang para sabayan akong maglakad pero hindi na ako nag-abalang tingalain pa siya. Nanatili akong nakayuko habang nasa bulsa ko ang dalawang kamay ko. Masakit sa leeg kapag tingalain ko pa siya.

“Kelan ang sunod na release ng kwento mo?” tanong niya sa akin. Ang tinutukoy niya ay ang Inherited Secret series na aklat ko. Tatlong aklat pa lang ng series ang natapos ko pero ang hindi ko inaasahan na binabasa niya pa rin hanggang ngayon ang gawa ko.

“Hindi ko pa alam,” tipid kong sagot. Matapos akong istorbuhin ni Mama, parang bula na naglaho lahat ng salitang nasa utak ko. Napatingala ako sa langit ng mapansin kong bilog na bilog ito. “Huwag muna nating pag-usapan.”

Pansamatala niya akong tinitigan pagkatapos ay tumango siya at hindi na siya muling nagtanong pa. Pagkatapos ay pareho kaming nakapamulsa na tahimik na nagpatuloy sa paglalakad. Subalit pareho kaming gulat na napalingon ng marining namin ang patakbong yapak na paparating sa likuran namin.

"Daiki! Hisashiburi! (Long time no see)" Napaatras ako ng talunin ni Rhaia ng yakap si Daiki ng mapagtanto kong mababangga niya ako. Kapag si Daiki ang pinag-uusapan, parating nakakalimutan ni Rhaia ang tao sa paligid niya tulad ng korning palabas sa mga telenobela.

"Akala ko hindi ka pupunta. I've been trying to reach you but I can't get through to your hell schedule." Nakangusong reklamo ni Rhaia habang nakalambitin pa rin sa leeg ni Daiki. Mas matangkad ako ng dalawang talampakan kay Rhaia, iniisip ko pa lang ang itsura niya habang nakalambitin kay Daiki ay hindi ko maiwasang matawa.

“I am busy, Rhaia,” kaswal na sagot dito ni Daiki.

“Kahit na, nakakatampo ka pa rin.”

Nang mapansin kong walang balak si Rhaia na pakawalan si Daiki ay nagdesisyon akong mauna na lamang sa Dining House. Mahina ako tumatawa na binigyan ko nang magaan na kalabit bilang paalam si Daiki bago ako umalis. Hindi ko na hinintay na makapagprotesta pa si Daiki at malalaking hakbang ko na silang iniwan.

Matagal nang may gusto si Rhaia kay Daiki, kung hindi ako nagkakamali ay noong mga bata pa kami. Umamin si Rhaia kay Daiki bago siya pumunta ng Europa subalit mas malamig pa sa nagyeyelong todas ng Himalayas siyang tinanggihan ni Daiki. Akala ko hihinto na sa panunuyo si Rhaia pagkatapos siyang tanggihan ni Daiki subalit nagpatuloy siya sa pangungulit at panliligaw. Kaya kahit papaano, gusto ko siyang suportahan sa pag-ibig na sinasabi niyang wagas at totoo.

Sa labis na pagkahumaling ni Rhaia kay Daiki ay tahasan niyang sinasabi sa lahat nung nag-aaral pa kami na kanya si Daiki. Itinataboy rin niya ang mga babaeng gustong lumapit at magpapansin dito. Kumbaga sa pagsusulit, markado na ni Rhaia si Daiki bilang kanya. Si Daiki ang natatanging tamang sagot sa papel niya. Hindi ko lang alam kong nagbago ba ang lahat dahil nung mga panahon na iyon, asar na asar dito si Daiki. Sana maging maayos ang lahat para sa kanilang dalawa.

Napagtuloy ako sa paglalakad subalit nagpasya akong huminto sandali sa tabi ng fountain sa gitna ng tulay at ninamnam ko ang malambing na hangin na dumadapo sa mukha ko habang masuyong nitong isinasayaw ang may kahabaan kong buhok. Napatingala ako sa langit na punong-puno ng nagkikislapan na mga bituan habang iniilawan ng bilog na inang buwan.

Tatlong taon na rin akong hindi nakakabisita dito sa lugar namin. Nagtatago kasi ako sa Mindanao nung nakaraang tatlong kaarawan ko, nag-iiwan lang ako ng sulat para sabihin na huwag akong hanapin o hagilapin. Minsan daig ko pa ang NPA at ABUSAYAF kong pagtaguan si Mama. Ngayon lang ulit ako natiyempuhan ni Mama, kaya wala akong pagpipilian.

Nang makontento ako ay nagpasya akong dumiretso sa kusina kung saan masayang nagluluto ang mga kusinera sa pamumuno ng nag-iisa kong Nanay Yasmin.

"Magandang gabi, Hija Talulla." Nakangiting bati sa akin ni Nanay Yasmin ng makita niya akong papasok sa kusina. Agad niyang ibinaba ang hawak niyang plato at mabilis akong nilapitan at niyakap nang mahigpit na mahigpit. "Maligayang kaarawan, Anak. Ang laki mo na tapos ang ganda-ganda mo pa," papuri niya sa akin habang pabiling-balikat niya akong sinusuri.

Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa sinabi niya. "Kahit kelan talaga, Nay. Ang bolera niyo po talaga. Pero salamat po." Ginantihan ko siya ng mahigpit na yakap.

"Nako Ineng, maganda ka naman talaga.” Malapad na malapad na ngiti na pahayag ni Nanay Yasmin. “Siya nga pala, anong balak mong gawin pagkatapos ng kaarawan mo? Sana dito ka muna." Pinakawalan niya ako at hinalikan ako sa magkabilang pisngi. Malambing talaga si Nanay Yasmin. Kung may bagay man akong ikinagagalak sa pagbabalik ko ay dahil kay Nanay Yasmin.

"Titingnan ko po, Nanay," masuyo kong sagot sa kanya.

"Dito ka muna, Anak. Namiss ka namin ng Tatay Lanoy mo," sabi niya sa akin bago siya bumalik sa ginagawa niyang pagluluto.

"Si Kanna po pala, nasaan siya?" Pag-iiba ko ng usapan. Si Kanna ang anak ni Nanay Yasmin at Tatay Lanoy. Nung umalis ako dito at tumungo ng siyudad ay nakikita ko pang tumatambay si Kanna dito sa Hacienda.

"Nasa asawa niya, hija," sagot ni Nanay Yasmin habang may inilalagay na putahe sa kalan. Gulat akong napatitig kay Nanay Yasmin.

"Po?" Mas matanda sa akin ng isang taon si Kanna pero hindi ko lang inaasahan na maaga siyang mag-aasawa.

"Oo, hija. Nung nakaraang taon pa. Kaya dito ka muna para ikaw naman ang alagaan namin." Nakangiti akong sinulyapan ni Nanay Yasmin habang ang ibang kasambahay ay tahimik lang sa kanilang ginagawa.

"Pag-iisipan ko po."

"Nakoo! Halika nga dito at payakap ulit."

Matunog akong natawa sa paraan nang paglalambing ni Nanay Yasmin, kaya nilapitan ko na lang siya at kusa ko siyang niyakap nang mahigpit na mahigpit. "Masaya po akong nakita kitang muli, Nanay Yasmin," malambing kong sabi sa kanya.

"Papayag kana, dito ka muna?"

Tuluyan akong napahalakhak sa tanong niya sa akin, "Nay, pag-iisipan ko po, okay?" Pinisil ko ang pisngi niya bago ko siya pinakawalan. "Ano pong niluluto niyo?" tanong ko sa kanya habang nakapatong ang baba ko sa balikat niya at yakap-yakap siya.

"Nako! Iyong paborito mong escabeche, hija. Doon ka muna sa paborito mong Bag End sa likod, parati yung nililinis ng Tatay Lanoy mo, nagbabaka-sakali siya na bibisita ka."

"Talaga po?"

Ang tinutukoy ni Nanay Yasmin ay ang Bag End na ginawa sa akin ni Tatay Lanoy nung bata ba ako. Hinulma at ipinatayo ang bahaya na iyon base sa bahay ni Bilbo Baggins sa aklat na Lord of the Rings. Gustong-gusto kong magkaroon ng ganung bahay kaso palaging abala si Papa sa negosyo kaya si Tatay Lanoy na lang ang para sa kin.

Magaling na karpintero si Tatay Lanoy, kasali siya sa mga manggagawa ni Papa noong nasa Pinas pa siya. Tanda ko pa kung paano ko siya kulitin para lang gawan ako ng bahay.

"Sige po! Aasahan ko po ang escabeche niyo ha. Tawagin niyo lang po ako kapag kakain na?" Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at tumakbo ako palabas ng kusina at dumiresto ako sa pintuan sa likod-bahay.

Related chapters

  • Picture Perfect   Ika-apat na Kabanata - Kasalukuyan

    “Dōshite nani ga okotta no ka oshiete kurenakatta no? (Bakit hindi mo sinabi sa akin ang nangyari?)” Galit at nag-aalalang bungad niya sa akin mula sa kabilang linya. “Keisatsu ga anata o oikakete iru no o shitta toki, watashi ga dorehodo shinpai shite ita ka shitte imasu ka? (Alam mo ba kung gaano ako nag-alala nang malaman kong hinahabol ka ng mga pulis?). Dōshite oshiete kurenakatta no? (Bakit ‘di mo sinabi sa akin?) Naze watashi ni denwa shinakatta nodesu ka?(Bakit di mo ako tinawagan?)” Walang preno-prenong sunod-sunod na tanong sa akin ni Daiki sa sarili niyang lenggwahe mula sa kabilang linya. Kapag ginamit na niya ang sarili niyang wika ibig sabihin seryosong-seryoso siya. Halata naman sa boses niya. Napag-usapan namin dati na tatawagan ko siya kapag kailangan ko ng tulong, subalit dahil takot akong madawit ang pangalan niya sa pangalan ko, pinili kong huwag ipaalam sa kanya ang mga nangyayari sa akin. Ganun naman talaga ‘di ba kapag mahalaga ang isang tao sayo? Uunahin at uu

    Last Updated : 2021-11-02
  • Picture Perfect   Ikalimang Kabanata- Nakaraan

    Bago ako dumiretso sa bahay ko ay huminto muna ako sa harapan ng artipisyal na lawa na gawa ni Kuya Celio, ang nakatatanda kong kapatid. Mapait akong napangiti nang maalala ko si Kuya Celion. Kamusta na kaya siya? Tatlong taon na rin kaming hindi nagkikita. Napalingon ako sa Dining House namin na nakatayo sa gitna ng lawa. Lalong tumingkad ang kulay perlas nitong kulay dahil sa sinag ng inang buwan. Napatingala ako at hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit papaano ay napapawi ng buwan ang ‘di magandang damdamin na unti-unting lumulukob sa akin. Huminga ako nang malalim na malalim bago ko muling ibinaling ang tingin ko sa lawa. Maliwanag na maliwanag ang bilog na bilog na buwan kaya tila diyamanteng nakikislapan na inilatag ang sinag ng buwag sa artispisyal na lawa. Noong bata pa ako, dito kami naglalaro ni Kuya Celio tuwing wala siyang pasok sa eskuwela. Pero simula nang magkolehiyo siya ay naging madalang na ang paglalaro namin. Subalit tuluyan naputol ang samahan namin nang mangyari a

    Last Updated : 2021-11-03
  • Picture Perfect   Ika-anim na Kabanata - Kasalukuyan

    Inayos ko muna ang aking higaan bago ako lumabas sa aking kuwarto. Isang linggo rin akong nagpahinga. Ngayon na nanumbalik na ang lakas ko ay handa ko nang isakatuparan ang layunin ko. Ang tugisin si Genivieve Sanarez at parusahan si Mama. Sa loob ng isang linggo kong pahinga rito sa likod ng kambal na talon ay si Bibo ang nangangalap ng balita at impormasyon para sa akin. Hindi ko itatanggi na may talento ang batang ito pagdating sa pag-iimbestiga. Dahil sa kanya nalaman kong nag-utos si Mama na halughugin pati ang kagubatan para mahanap ako. Nagkaroon din ng pagpupulong sa bayan na bibigyan ng pabuya ang kung sino mang makakapagturo kung nasaan ako. Pero kampante akong hindi nila matutunton ang kinalalagyan ng bahay ko. Isa pa, mahigpit kong ipinagbilin kay Bibo na huwag na huwag babanggitin ang pangalan ko kahit kanino. At ang malala pa ay pinatira ni Mama sa Hacienda si Genevieve upang protektahan ito sa laban sa akin. Subalit sa kabila ng lahat, ay natuwa pa rin ako dahil ibinal

    Last Updated : 2021-11-04
  • Picture Perfect   Ika-pitong Kabanata - Nakaraan

    Dumiretso ako sa Bag End at pagkapasok ko ay pinili kong hayaan ang dilim ang muling umagapay sa akin. Hilam ang luha kong tahimik akong humiga sa kama ko at mahigpit kong niyakap ang sarili ko tulad ng sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina. Ang kaibahan lamang ay para akong walang buhay na nakahilata sa kama ko habang nakatitig sa labas at lumuluha. Ganito ba talaga ako kahina? Nakakapagod na. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili ko na huwag akong maapektuhan. Na sanay na ako. Subalit, sa bawat pagbanggit nila sa pangalan ni Ate Letty, pakiramdam ko daig ko pa ang kriminal na paulit-ulit na kinukundina. Kasalanan ko ba talaga ang lahat? Hindi ko alam. Wala akong maalala. “Tiis ka lang, Talulla. Magtiis ka lang,” bulong ko sa sarili ko. Pero hanggang kailangan ako magtitiis? Hanggang kailan ako magdurusa sa kasalanan hindi ko maalala? Kailan ba ako patatawarin ni Mama? Pagak akong natawa nang biglang bumuhos ang malakas na mala

    Last Updated : 2021-11-05
  • Picture Perfect   Ika-walong Kabanata - Kasalukuyan

    Pagka-alis na pagka-alis nina ‘Ka Tino at Tammy ay ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng katawan. Subalit inabot na ako ng hapon ay wala pa rin akong mahanap. Umabot na ako sa masukal na parte ng gubat subalit wala pa rin akong makitang bakas o palatandaan na sa lugar na dito itinago ni Genevieve ang katawan. Napabuntong-hininga akong napaupo sa gilip ng sapa naghilamos ng mukha. Kanina pa ako naglalakad at naghahanap ng mga bakas o palatandaan subalit wala akong makita. Alam kong imposible na agaran kong mahanap ang katawan ng batang babaeng subalit hindi ko pa rin maiwasang madismaya. Huminga ako ng malalim at inilibot ko ang paningin ko. Kasalukuyan akong nasa gitna ng gubat habang napapalibutan ng naglalakihang mga puno. Napailing na lang ako. Paano ko mahahanap ang katawan sa ganito kakapal at kakomplikadong lugar? Biglang gusto kong panghinaan ng loob. Pagod na pagod na ako. Mukhang kailangan kong bumalik bukas para ipagpatuloy ang paghahanap. Muli akong napabuntong-hininga at ini

    Last Updated : 2021-11-06
  • Picture Perfect   Ika- Siyam na Kabanata - Nakaraan

    “Huwag mong pilitin,” masuyo niyang pahayag habang hawak niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Masaya ako na si Daiki ang nakahanap sa akin kahapon ng gabi. Ayokong may makakita sa akin sa ganung estado at kalagayan. Huminga ako ng malalim bago ko iniwasan ang tingin niya. “Kakayanin ko, Daiki. Hindi naman pwedeng habang buhay na lang akong tatakas, hindi ba? Kailangan ko ring malaman ang totoo,” katuwiran ko sa kanya. Napatingin ako sa labas at hindi ko maiwasang magbalik tanaw. Walang testigo o nakasaksi sa pangyayari ng araw na iyon at ang malala pa ay wala akong maalala kaya hindi nagkaroon ng usad ang kaso ni Ate Letty. At dahil doon, sa akin ibinunton lahat ni Mama ang lahat galit at poot niya. At sa araw din na iyon natapos ang relasyon namin bilang mag-ina. Tuluyan akong kinamuhian ni Mama at walang pagdadalawang-isip niya akong itinakwil. Sa subrang pagkamuhi sa akin ni Mama ay pinalayas niya ako hindi lang sa Hacienda kundi sa buong Isla. Wala akong naging kakampi ng

    Last Updated : 2021-11-07
  • Picture Perfect   Ika-Sampu na Kabanata - Kasalukuyan

    “Morning sleepyhead,” narinig kong malambing na bulong sa akin na ikinakunot-noo ko. Bakit naririnig ko ang boses ni Daiki. “Get up, sleepyhead. Oras na para magbreakfast.” “Daiki?” ungol ko. Inaatok pa ako. “Yes. Wa.ta.shi.da (It’s me)” bulong niya sa akin. “Ha?” Napadilat ako ng wala sa oras. Mabilis ko siyang hinahanap sa kwarto ko pero hindi ko siya makita. Saka ko naunawaan na nasa cellphone pala nanggagaling ang boses niya nang marinig ko ang tawa niya. Inaantok kong nasapo ang noo ko. Humihikab kong pinulot ang cellphone ko. Hindi ko namalayan na nakaligtaan kong patayin kaninang gabi. “Ohayo, Daiki-kun,” inaantok kong bati sa kanya bago ako bumangon at tinungo ako kusina. “Magandang umaga, hija,” bati sa akin ni Tiya Pepa. “Maghilamos kana para makakain kana.” “Opo,” sagot ko sa kanya. “Natulog ka ba?” baling ko kay Daiki na nasa kabilang linya. “Matutulog pa lang.” “Okay. Oyasumi, Daiki-kun,” paalam ko sa kanya. “Hai,” bulong niya. Bago pa humaba ang usapan namin ay

    Last Updated : 2021-11-08
  • Picture Perfect   Labing- isang Kabanata - Nakaraan

    “Sana huwag mong isipin na masama ang araw ng kaarawan dahil ngayon sa parehong araw namatay si Leticia, Talulla,” komento ni Genevieve na umagaw sa atensyon ko. Napahinto ako sa paghiwa ng cake ko at napatingin ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa akin. Akala ko ang sasabihin niya sa akin kung gaano siya nanghinayang na maagang namatay ang ate Letty. Parang sirang plaka kasing ganun palagi ang reaksyon ng mga nakaka-usap ko tuwing dumarating ang araw na ito. Hindi ko inasahan ang sinabi ni Genevieve. Wala sa oras akong napalunok at mabilis akong umiwas ng tingin. Walang kumausap sa akin na ako ang paksa maliban kay Daiki. Nakakapanibago lang dahil maliban sa hindi kami ganoon kalapit kay Genevieve, ay madalang ko lang siyang kausapin noong mga panahon. “Huwag kang mag-alala, hindi sumagi sa isipan ko iyan,” pagsisinungaling ko sa kanya. Simula ng nataon ang pakamatay ni Ate Letty sa kaarawan ko ay sumpa na ang tingin ko sa araw ng kaarawan ko. “Siya nga pala, A

    Last Updated : 2021-11-09

Latest chapter

  • Picture Perfect   Dalawampot-tatlong Kabanata - Nakaraan

    “Hi, little sis,” bati niya sa akin habang nasa counter ko pa rin ang kamay niya. Magandang-maganda ang ngiti niya habang nakatingin siya sa akin. Maaliwalas na maaliwalas ang mukha niya na para bang tapos na lahat ng problema niya sa mundo. Suot niya ang damit niya noong libing niya habang malayang nakalugay ang may paka-pula niyang buhok. Nababaliw na ba ako o panaginip lang ito? Wala sa loob kong napatingin kay Nanay Yasim. “Nay, may nakikita niyo po ba siya?” naguguluhan kong tanong sa kanya. Baka proyekto lang si Ate ng imahinasyon ko. Baka nababaliw na ako. “Anong nakikita, anak? Ikaw huwag mo akong pinag-aalala,” naguguluhang balik tanong sa akin ni Nanay Yasmin habang labis ang pag-aalalang nakatingin siya sa akin. Napahilamos ako ng mukha ng mapansin kong kulang na lang ay tumawag siya ng doctor. “N-nay? Pwede niyo po ba akong iwan mag-isa?” pakiusap ko sa kanya habang nanatiling nakapako ang tingin ko kay Ate Letty na masayang umupo sa counter ko. Ayokong lalong mag-alal

  • Picture Perfect   Dalawampot-dalawang Kabanata - Kasalukuyan

    Lahat ay nakatingin sa akin pag-apak na pag-apak ko sa loob ng Hacienda. Daig ko pa ang patay na bumangon sa hukay ko kung titigan nila ako. Ang iba ay nagtataka habang ang iba ay hindi makapaniwala na babalik ako.Subalit ang hindi ko inaasahan na kabilang sa babati at mag-aabalang magpakita sa akin ay si Genevieve. Hindi ko alam kong sadyang makapal lang talaga ang pagmumukha niya o sa tingin niya aasta akong may kasalanan katulad ng dati. “Talulla, you are back!” Masiglang pahayag niya habang nakangiti siyang naglalakad palapit sa akin. Akmang yayakapin niya ako pero agad ko siyang tinaasan ng kilay. Nilagpasan ko siya ng walang pasabi sa harapan ng mga matang lihim na nakamasid sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Sa buong buhay niya wala pang tumanggi sa kanya. Parating siya ang tumatanggi sa iba sa harapan ng maraming tao. Subalit ibang usapan na ngayon. Noong araw na hinahabol ako ng mga pulis sa kasalanan hindi ko ginagawa kahit wa

  • Picture Perfect   Kabanata Dalawampot-isa - Nakaraan

    “Are you planning to stay here?” tanong ulit sa akin ni Kuya ng manatili lang ang tingin ko sa papalubog na araw sa dakong kanluran. “Oo. Siguro. Hindi ko pa talaga alam, Kuya,” sagot ko sa kanya. “By the way, I’m sorry about yesterday. Pagpasensyahan mo na si Mama. She can be very nuisance, most of the time. Hindi ko alam na hindi ka niya isinama. I slept in ranch villa kaya akala ko kasama ka nila,” May pag-iinggat na sabi sa akin ni Kuya Celio. Alam kong ayaw lang niyang masaktan o mapikon ako. “I’m sorry, Sis.” Ang tinutukoy niya ang pagbisita nila sa puntod ni Ate Letty kahapon. Lahat ay pumunta maliban sa akin, pati si Genevieve at Rhaia, maging ang ibang malalapit na tauhan sa Hacienda ay sumama sa puntod ni Ate Letty, subalit wala man lamang nag-abalang gisingin ako. Nalaman ko kay Nanay Yasmin na sa Main House sila pinatulog at mag-aalas Cuatro pa lang ng umaga ay umalis na sila at tanghali na sila umuwi. “Wala iyon, Kuya. Kalimutan mo na. Matagal ko nang tanggap na galit

  • Picture Perfect   Dalawapong Kabanata - Kasalukuyan

    “How did you do that?” manghang-manghang tanong sa akin ni Daiki ng maabutan niya ako. Pagkatapos niyang masigurado na tapos na ang laban ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ko na saktong pagkatapos kong kausapin si Rhaia. Oo, si Rhaia, ang nag-iisang taong hindi ko inaasahan na hahawak ng karit ni kamatayan mawala lang ako sa landas niya. Ibig sabihin alam na niya ang relasyon namin ni Daiki. Hindi naman sa itinatago ko na may relasyon kami ni Daiki, hindi ko lang ugaling ipagsabi. “Let me treat your wounds.” Agad napalitan ng pag-aalala ang ekpresyon niya ng mapadako ang tingin niya sa dumudugo kong pisngi. “Are you okay? God! Are you okay? Okay ka lang ba talaga? Daijoubo? Siguro ang relasyon namin ni Daiki ang pinaka-predictable o inaasahan ng lahat, mula sa magkaibigan hanggang sa magka-ibigan. Sinagot ko siya noong una dahil siya lang ang nag-iisang taong nagpakita sa akin ng totoong pang-unawa at pagmamahal. Para sa akin ayoko siyang mawala kaya sumang-ayon ako

  • Picture Perfect   Labing-siyam na Kabanata - Nakaraan

    Carrie? Kinusot ko ang ilong at pilit kong inaalala si Carrie sa utak ko. Wala akong kilalang Carrie. Sino ba siya?“Carrie?” kunot na kunot ang noo kong tanong sa sarili ko habang pinipilit ko pa rin siyang maalala. “Señorita Talulla, I suggest you to stop,” natatawa niyang suhestyon sa akin. “Alam ko kung bakit hindi mo siya maalala,” pahayag niya bago niya ibinababa ang hawak niyang bago tasa ng kape. “Huh?” Nalilito akong napatingin sa kanya. Anong kalokohan ang ibig niyang sabihin? “Anong ibig mong sabihin na alam mo kung bakit hindi ko siya maalala?” Matama niya akong tiningnan tapos maya-maya ay mayumi siyang ngumiti at sumusukong huminga ng malalim na para bang inaasahan na niya ang tanong ko. “Dahil kinakalimutan mo ang mga tao at bagay na walang kinalaman sa’yo, Señorita Talulla. Kinakalimutan mo ang mga bagay na sa tingin mo hindi mo mapapakinabangan at hindi na mahalaga sayo,” nakangiti niyang paliwanag sa akin pero iba ang sinasabi ng mukha niya, lalong-lalo na ang ma

  • Picture Perfect   Labing-walong Kabanata - Kasalukuyan

    "Bigyan mo ako ng dalawang linggo pa, Daiki. Pakisabi kay Attorney ihanda niya ang lahat pero kailangan ko ng dalawang linggo para alam lahat ng kailangan kong malaman, ipaalam mo rin kay Kuya Celio,” paliwanag ko sa kanya. “Pagkatapos ng dalawang linggo, sunduin mo ako sa Hacienda.” “Ano ang balak mong gawin ngayon?” Katulad ng paulit-ulit kong sinasabi, hindi madaling kalaban si Mama. Isa siyang higante sa buong mundo hindi lang sa larangan ng negosyo kundi ang pangalan niya ay itinuturing na mukha ng yaman at kapangyarihan, kilala siya ng lahat bilang tagapagmana ni lolo kayawalang gustong bumabangga basta-basta. Napantingin ako kay Daiki, maliban sa pagtulong ni Daiki ay alam kong hindi ko siya maaaring idawit sa problemang ito lalong-lalo na at problemang pampamilya ang puno’t-dulo ng bagay na ito. Malaki ang posibilidad na ang katiwaliaan at kasamaan ni Genevieve ay konektado si Mama subalit kung gusto ko siyang bumagsak, dapat ako hahawak ng susi. I will be the one who will p

  • Picture Perfect   Labing-pito na Kabanata - Nakaraan

    Pagkatapos kong makausap si Genevieve sa lumang tulay ay walang paalam ko siyang iniwan at bumalik ako agad sa Hacienda. Pinili kong tanggalin ang sinabi ni Genevieve sa utak ko at nagpasiya akong dumiretso ako sa bahay-aklatan. Agad kong hinahanap ang ARCHIVE section kung saan nakalagay ang lahat ng dokumento tungkol sa pamilya namin. Maliban sa mga impormasyon tungkol kay lolo na hanggang ngayon ay nasa bahay pa rin niya. Pinaandar ko ang lampara at kinuha ko ang hagdanan. Itinago lahat ni Mama ang lahat ng gamit ni Ate Letty, sa subrang pangungulila niya. Kulang na lang pagawan niya ng altar o monomento si Ate Letty. Noong una ay hindi ko maintindihan subalit pilit kong inintindi, iniisip ko na lang na karapatan niya ang mangulila at magluksa dahil nawalan siya ng anak, nawala sa kanya ang pinakapaborito niyang anak. Kinuha ko lahat ng impormasyon tungkol na nahanap ko pa tungkol kay Ate Letty at inilagay ko lahat iyon sa isang malaking kahon at binitbit ko pabalik ng Bag End. Ini

  • Picture Perfect   Labing-anim na Kabanata - Kasalukuyan

    Imbis na sagutin ako ni Daiki ay nakangti niyang hinawakan ang makabilang pisngi ko at walang paalam niya ako hinila at inangkin ang mga labi ko. Sa subrang gulat ko ay hindi ko nasundan ang mga sumunod na pangyayari, basta ang alam ko na lang ay kanlong na niya ako sa kandugan niya at patuloy akong hinalikan. Nanlalaki ang mata kong mabilis siyang itinulak ng tuluyang rumihistro sa utak ko ang ginagawa niya. “Stop!” gimbal at namumula kong pigil sa kanya. “But you haven’t kiss me back,” reklamo niya na lalong ikinapula ng pisngi ko. Dali-dali akong tumayo at iniwan siya sa kinauupuan niya. Wala sa sarili kong napakamot ako ng ilong at umupo sa sahig. “Don’t tell me you still don’t know how to kiss, love,” natatawang tudyo niya sa akin sabay tayo at naglakad siya papunta sa kinauupuan ko. “Gago,” namumula ko pa rin na sikmat sa kanyan. Ipinatong ko ulit sa lupa si Kei, ang relo ko, at muling inilabas ang keyboard kanina. Sinubukan kong ibalik ang pansin ko sa ginagawa ko kanina. An

  • Picture Perfect   Labing-lima Kabanata - Nakaraan

    Katulad ng inaasahan ko, hindi nga kaarawan ko ang dinatnan ko sa Skye Hall kundi ang napakalaking larawan ni Ate Letty na nakapaskil sa bulwagan ng Hall mismo. Masakit, hindi ko itatanggi iyon ngunit mas pinili kong magiging matatag katulad ng paulit-ulit kong ginagawa sa loob ng walong taon niyang pagkawala. Taas-noo akong pumasok sa Hall habang nakaalalay sa akin si Daiki. Pero katulad ng nakasanayan, pinaglalaruan pa rin ako ng tadhana. Aminado akong hindi ko dapat isinisi ang lahat ng kamalasang tinatamasa ko subalit hindi ko kontrolado ang buhay, ano ang magagawa ko kundi isisi sa tadhana, ‘di ba? Parang may direktor at planado lahat ang sumunod na nangyari. Pagpasok na pagpasok namin sa Hall ay si Mama na ang nagsasalita sa harapan at nagbibigay ng mensahe, hindi para sa akin kundi para kay Ate Letty. Pinili kong magtaingang-kawali lang at mahigpit na humawak sa bisig ni Daiki. Hindi ko sasayangin ang damit na regalo ni Lolo para bigyang ligaya si Mama sa ginagawa niya. Mas ti

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status